Chapter 11: CHAPTER: 11 Sweet

DEBBY

Hindi ko alam kung maiinggit ako sa nakikita ko sa harap, si thomas kasi naka sandal sa balikat ni lyka. Hindi naman ginugusto ni lyka kasi kita kong nilalayo niya ung ulo ni thomas p3ro makulit si thomas hanggang hinayaan na lang niya, baka napagod din kasi kakatulak sa ulo niya.

Nakarating na kami at nag stop over muna kami sa isang kahoy na bahay, bukas daw kasi ung sched namin para mangabayo. Sinamahan din kami sa mga kanya kanya namin kwarto at sabi ni thomas mag pahinga muna kami habang hinihintay na matapos silang mag luto para sa food namin.

Inayos ko na muna ang gamit ko bago ako mag pahinga, hindi parin maalis ung nakita ko kanina. Ano kayang meron sakanilang dalawa ni lyka? Bigla bigla na lang silang naging ganun ka close, sumandal ako ng may kumatok sa pintuan.

“ lyka, ikaw pala” pinapasok ko siya.

“ naboboring ako kaya pinuntahan kita”umupo siya.

“ lyka, anong meron sainyo ni thomas?” ung ngiti niya biglang nawala

“ anong ibig mong sabihin?” tanong niya

“ dati kasi naiinis ka tapos biglaa na lang kayong naging close, bigla na lang nagiging clingy si thomas sayo” sagot ko, ayoko sanang tanungin ito pero kasi hindi ako matatahimik pag hindi ko nalalaman kung ano sila.

“ debby si thomas mahilig mag laro ng babae, alam mo naman iyon at kita mo naman hindi ko ginugusto ung mga pinag gagawA niya. Magsasawa din un” sagot niya.

“so walang kayo??” tanong ko.

“ wala no” ngumiti ako ng tipid, akala ko kasi meron para alam ko ang gagawin ko, kung siya lang din naman ang magpapasaya kay thomas bakit hindi diba basta sabihin niya saakin para di din ako umasa para sa sarili ko kahit malabo.

“ ikaw ba? Kahit alam mong ganun ung tao, gusto mo parin ba sya?” tanong niya.

“ mmm… kilala mo ako, gusto ko ung mga ganung klaseng tao na mapa bad boy, iniisip ko kasi hindi siya ganun talaga at alam kong mabait talaga ung tao” mayaman siya kaya inaayon niya lang ung ugali niya pero alam kong mabait talaga si thomas at never manloloko ng tao.

“ ganyan ka ba talaga ka bilib sakanya?? Hay naku debby, ang taong masama ang ugali ay masama na talaga ang ugali at hindi na iyon magbabago” sagot niya, napa simangot naman ako.

“ itigil mo yang kabaitan na iyan, kung mabait talaga ang tao ipapakita niya iyon hindi at sinasabihan na kita, mag iba ka na lang ng gugustuhin na lalaki dahil para saakin hindi kayo bagay ni thomas” tumayo na siya at umalis, kumunot ang noo ko.

“ galit ba iyon??” sabi ko, hindi ko na lang pinansin at umupo na ako saka nag c3llphone.

LYKA

Ewan ko ba, bigla na lang akong nainis ng malaman na tanggap niya parin si thomas kahit ganun kasugapa ang ugali niya

“ bakit ganyan ang mukha mo?” si thomas.

“ ano nanaman kailangan mo? Mamaya niyan makita tayo ni debby at kung ano ano nanaman ang itanong” iritable kong sabi.

“ hayaan mo siyang mag tanong, sa kwarto ko tayo kain?” tinaasan ko siya ng kilay.

“ sige na, mukhang nag seselos ka kay debby” inirapan ko siya.

“ bakit ako magseselos sa tao tsaka pwede ba wag ako ang kulitin mo” nag lakad ako palayo sakanya.

Nag hintay lang ako ng oras hanggang tawagin kaming kumain, lumabas na ako ng nakasalubong ko sila debby at thomas na masaya. Napataas ang kilay ko sakanila, nag hi si debby saakin at ngumiti ako ng tipid.

Nilampasan lang nila ako, sumunod ako at kitang kita ko ang harutan nilang dalawa. Tsk! Nakarating na kami sa mesa namin at pinaghilaan pa siya ng upuan at ako ay hindi na, umupo ako at pasimple akong tinignan sila.

Sobrang lapit ni thomas kay debby, habang si debby nahihiya na kasi andami naming naka tingin sakanila. Dumating na ung pagkan namin at si thomas na ang nag lagay ng pagkain ni debby sa plato niya, nanggigil na ako.

Akala ko ba ako ang I pupursue niya??!!! Bakit ganito? Hinahayaan niya lang ako na parang wala, tahimik lang ako hanggang matapos ang pagkain at nagyaya si bon ng inuman total maaga pa naman kahit konti lang daw.

Nag kwe-kwentuhan silang lima habang kami ni debby ay tahimik lang na nakikinig pero patuloy parin si thomas sa pagiging clingy niya kay debby, inaamin ko simula ng malaman ko na si thomas ang nirereto saakin ay naiinis ako sa una pero nitong nakaraan hindi ko alam pero parang nagugustuhan ko na at ini enjoy ung mga ginagawa ni thomas saakin.

“ hinay hinay lyka, baka di kana makasama bukas” sabi ni lhoyd.

“ huh?? Ano ka ba parang tubig nga lang ih” sagot ko.

“ yown!!! May kasama pala tayong bigatin, sige nga 5 straight buttoms up” hamon ni bon, naka tingin sila saakin habang si thomas busy sa pagsusubo kay debby.

Sa inis ko kinuha ko ung shoting glass at nilagyan at sunod sunod akong uminom hanggang matapos ung lima, uminom ang pakiramdam ko at parang nahilo ako. Nag palakpakan naman sila at halatang bilib na bilib.

“ idol na kita” sabi ni bon, ngumiti ako.

Kukuha pa sana ako ng inumin ko ng biglang natabig ni thomas ung tubig sa likod ng kamay niya para mabasa ako, tumayo ako at pinunasan iyon. Binigyan nila ako tissue pero nabasa na ako.

“ hayaan niyo na, magpapalit na lang ako” sabi ko, tumango ako at umalis para mag palit ng damit.

Ngayon ko naramdaman ung ininom ko, nahihilo ako. Buti na lang nakarating ako sa kwarto ko, isasara ko iyon ng biglang may humarang at pumasok. Si thomas, isinara ung pintuan at nilock.

“ lumabas ka nga” inis kong sabi, lumapit lang siya saakin habang ako ay umurong patalikod.

“ aminin mo munang nagseselos ka kay debby” tinaasan ko siya ng kilay.

“ feeling, maski mag halikan kayo sa harap ko ay hinding hindi ako magseselos” sagot ko.