Chapter 10: School
DEBBY
Nasa school ako ngayon hinihintay si lyka, naka tingin lang ako labas habang nilalaro ang straw ng inumin ko. May sasakyang familiar na huminto sa free space ng school, nag takbuhan ang mga tao na. kumunot ang noo ko at sinilip ko naman ng lumabas si thomas kaya napa ngiti ako ng may pinag buksan naman siya na pintuan at lumabas doon si….. lyka??
Naka simangot ito at nauna ng nag lakad habang si thomas ay naka sunod lang sakanya, tumayo ako at pinuntahan si lyka.
“ antagal mo” sabi ko sabay ngiti.
“ traffic” sagot niya.
“ hi frenzy!” bati ko, tinanguhan niya lang ako.
“ frenzy??” sabi ni lyka.
“ ah oo, iyon tawag ko sakanya” hindi ko pinahalata na kinikilig ako
“ ahhh ssige mauuna na ako” sabi niya, kumunot ang noo ko.
Nag lakad na siya habang si thomas ay nasa likod niya lang, tatalikod na din sana ako ng napansin ko ang pasimpleng pag hawak ni thomas kay lyka sa likod nito. Close sila?? Nag kibit balikat na lang ako at pumunta na sa room ko.
Tapos na ang klase at hinihintay ko uli si lyka, yayain ko sana siyang mag pishbol kasi matagal na kaming hindi nag bobonding.
“ lyka” nagulat pa siya.
“manggugulat ka pa talaga, mabuti naman at hinintay mo ako. Akala ko nakalimutan mo na ako” ngumiti ako.
“ hinding hindi kita makakalimutan no, pishbol tayo??” tanong ko, ngumiti ng malawak.
“ namiss ko iyon” sabi niya, nag lakad na kami para puntahan ung pisbolan na lagi naming pinupuntahan.
“ hmmmm ansarap”kumuha pa ako ng sauce.
“ oy debby grabe ka, sabihin mo na lang kung ung sauce ang bibilhin mo” sabi ni lyka, natawA ung ttindero
“ hahaha ansarap kasi, pag ako yumaman kuya. Kukunin kita para maging businEss partner ko” may natawa sa may likod namin, napa tingin ako at si lhoyd tsaka sino na uli ito….. bon ayon tama.
“ problemA mo?” inis kong sabi.
“ wala, si bon kasi kinuha ung hilaw na pagkain” sagot niya, tinignan ko si bon na parang hindi alam ang sinasabi ni lhoyd. tsk!
Umorder sila at pati kami ay humirit kasi bitin, gusto ko ngayon naman ay ung may suka kasi ang sarap talaga. Tinignan ko sila na nasasarapan din.
“ lagyan mo ng konting suka” sabi ko, nag tinginan pa sila kung susundin ba o hindi kaya ako na nag kusa at kinuhanan sila ng ssuka
“ ayan try niyo” kumuha sila at sumubo, tumango sila.
“ hmm nice” sabi ni lhoyd, mahirap kaasi sa mayayaman. Hindi na nila nasusubukan ung ganitong ka simpleng pagkain.
“ hindi ba kayo natatakot na maibalita kasi kumakain kayo ng pishbol??” sabi ko.
“ hindi, wala namang masama sa pagkain diba” sagot ni bon, tama nga naman.
“ hindi naman sila tulad ni thomas debby na kapag may ginagawa ay issue agad” singit ni lyka, sabagay.
“ oo nga pala kaya kami andito kasi may pinapasabi ni thomas, wala namang pasok ng tatlong araw kaya gusto niyang mag horse riding tayo” sabi ni lhoyd.
“ at sabi niya wag niyong tanggihan” sabi ni bon, nag tinginan kami ni lyka.
“ balak ko kasi tulungan doon si mama kaya baka si lyka na lang” sabi ko.
“ hindi naman ako sasama pag hindi ka kasama” sabi naman ni lyka.
“ hindi talaga ako sasama” sabi ko, tumango si lhoyd.
“ okay, sasabihin kong busy na lang kayo” tumango ako at ng matapos kaming kumain ay inihatid na nila kami.
Nakauwi na ako, matapos kung mag palit ay nag luto na ako para pag dating ni mama ay mag luluto na lang siya ng ulam. Umupo ako at inon ang t. v ng tumunog ang phone ko, sino naman kaya ito? Sinagot ko at biglang kumalabog ung puso ko kasi si thomas ang nasa kabilang linya.
“ sabi ni lhlhy hindi ka sasama? Debby minsan lang ako mag aya tapos tatanggihan niyo??” sabi niya
“ may gagawin---”
“ debby sige na, kailangan ko ng mga kaibigan ngayon” nalungkot naman ako sa sinabi niya, napaisip ako.
“ kakausapin ko muna si mama kasi balak ko siyang samahan na mag tinda---”
“ ako na bahala sa makakasama niya, mag bibigay din ako ng mag babantay sakanya habang wala ka kaya wag mo ng problemAhin pa at sumama ka na lang” napa ngiti ako at kinilig, ganito ba ako ka importante sakanya para pagtuunan pa ng ganitong pansin.
“ nakakahiya---”
“ debby, para saakin” parang hinimas ung puso ko don sa sinabi niya.
“ o-okay sige” sagot ko
“ okay kung ganun, sige susunduin ka na lang diyan. Mag ayos kana ng damit mo, bye” magsasalita pa sana ako pero wala na siya sa kabilang linya.
“ gusto ko pa siyang kausap ih, sayang naman… yaan mo na, makakasama ko naman siya na magbabakasyon. Napatayo ako at masayang pumasok sa kwarto ko, nag hanap ng idadamit para sa tatlong araw na bakasyon
Gaya nga ng sabiniy thomas, dumating na ung makakasama ni mama at nag paalam na din ako kay mama. Pinayagan naman ako at kahit wala siyang kasama ay okay lang pero sinabi kong may makakasama siya.
Nauna na sila mama para mag tinda habang ako ay nag hihintay ng sundo, mayat maya ay may van ng huminto at bumisina kaya lumapit ako. Bumukas ung pintuan at nakita ko sila sa loob, iisa na lang ang bakante at sa tabi ni lhoyd habang sa harap niya sila thomas at lyka.
Umupo na ako at nginitian ko si lyka, umayos na kami ng upo pero sayang naman hindi ako ang katabi ni thomas… yaan mo na, madami pa akong chance na makakatabi ko din siya.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, kinuha ko ung phone ko at ung heAdset pero bakit di ko mahanap? Naiwan ko yata. Nagulat na lang ako ng may kung anong pumasok sa tenga ko, si lhoyd may ipinasok na headset sa tenga ko.