Chapter 27: CHPATER 27: Lost

VIVIAN

Walang nakakaalam kung saan napunta si carah at si fin, bigla na lang sila nawalA nong gabing iyon.

“ may alam ka, sabihin mo na saamin” sabi ko kay fElix na kalmado, kilala ko siya kapag alam niyang nawawala si fin dapat ay pinapahanap na niya pero wala siyang ginagawa kaya ibig sabihin may alam siya.

“ huwag kang mag alala nasa maayos sila” sagot niya.

“ may nahanap ng puso ?” tanog ni daisy.

“ sana” kumunot ang noo ko.

“ sana??”

“ pwede ba felix sabihin mo saamin kung ano nangyayari?! Naiinis na ako” tinignan niya ako sabay buga.

“ nasa pangangalaga ng lolo niya si fin at si carah nailipat lang ng hospital” sagot niya.

“ si lolo maghahanap ng puso para kay carah?”

“ sana nga may mahanap pero kung wala sana maintindihan ni carah lalo pat ilang araw lang ang palugit ng doktor”

“ so bakit kailangan ilipat at bakit kailangang si fin ay nasa lolo niya?”tanong ko uli.

“ dahil gusto ni fin na siya ang mag bigay ng puso para kay carah” nanlaki ang mata ko.

“ may taning ang buhay ni fin at ayokong ibigay niya ang puso niya kay carah, si carah na handa ng mamatay. Viivian tanggap naman na ni carah pero si fin? Ilang taon na lang imamalagi niya at ngayon niya lang naeenjoy ang buuhay niya kaya tinawagAn ko ang lolo niya para sabihin ang plano ni fin kaya inilayo namin siya---” pak!

“ sino ka para amg desisyon kay fin?!! Sa tingin mo sa ginawa mo okay sakanya??? “

“ sana hindi kana---”

“ ano gusto mo hayaan ko na lang si fin ibigay ang puso niya?!!!” nagtaas na ako ng bboses

“ hindi pero kung iyon ang gusto niya hahayaan ko siya, ano gusto mo makitang miserable si fin?!!! Makitang sinisisi ang sarili?!!! Felix intindihiin mo din ung panig ni fin kung bakit niya gagawin iyon!”

Natahimik siya at mukhang na re-realize na niya ang ginawa niya, oo ayoko din naman na mawala si fin ng ganun lang pero si fin ung klaseng tao na hindi padalos dalos ng desisyon at itong kagustuhan niyang ibigay ang puso niya ay napag isipan niya ito.

“ hayaan mo si fin felix, its his life so desisyon niya. Andito lang tayo para sumuporta” dagdag ko, napayuko si felix at mag punas ng mata niya.

Iyon na nga pinuntahan niya si fin kung saan inilagay ng kanyang lolo, sinamahan na din namin siya.

“ gago ka!!!” sinuntok niya si felix.

“ nasan si carah?!!!” sigaw ni fin.

“ puntahan mo na siya, dito sa hospital na ito. Nakausap na din namin ung doktor at hinihintay kana niya. Dalian mo” singit ko, sinamaan pa niya ng tingin si felix bago nag madaling umalis.

Sumunod kami sa hospital pero nagkakagulo ang mga nurse ni carah, si fin nasa gilid lang na naka upo na parang hinang hina siya.

“ anong nangyari fin?” tanong ko.

“ its too late” pero may isang araw pang natitira

Tinignan ko si felix na napa hilamos ang mukha, hindi ko na rin namamalayan na tumulo na ang luha ko. Si daisy na tinatawagan ang pamilya ni carah na umiiyak din, ang bilis lang nangyari na bakit biglang naging ganun

“ she was alive” napa tingin kami sa loob

Tinignan namin ung monitor at tumitibok nga ung puso niya, sinabi ng doktor na stable na ang puso niya sa ngayon pero panandalian lang daw ito. Kailangan naming ihanda ang sarili namin, tinanong namin kung pwede pa bang palitan ung puso at ang sabi ng doktor ay hindi na daw kakayanin.

Naging masaya kami ng nabuhay siya pero ng malaman naming panandalian lang dahil sa epekto ng utak niya, maganda kung makakausap namin pero kung hindi at tuluyan ng nag flat line we need to accept it.

“ sorry fin” kasama na namin si carah sa kwarto niya, ng maging stable siya ay inilipat na agd siya.

“ carah deserve to live felix, sa dami ng ibinigay ko na sakit ng ulo sakanya? She deserve my heart” malungkot na sabi ni fin.

“ I want carah continue her life, to fulfill her dreams at pinigilan mo akong gawin iyon” hinawakan ni fin ang kamay ni carah, tama si fin sa dami ng perwisyong ginawa namin deserve niya ang mabuhay.

“fi….. fi….. n” nagulat kami dahil nagising si carah.

“ carah im here, im here….. sorry sorry---”

“ s…mile, ke.. ep smi…. ling” sabi ni carah.

“ yes of course I will, that’s our deal” sagot ni fin, nakita namin ang pag ngiti ni carah.

“ ku…nin mo ang li….. ver ko…. Pwede ka…. Sa ibang…. bansa magpa…. Transfer, may pag asang….. maging sucessful kahit konti… ang pag asa”

“ hindi----”

“ please” tumulo na ang luha ko.

“ take it…. At ituloy mo ang buhay na naka ngiti…. Deal??? “ tumango si fin, tinakpan ko ang bunganga ko para hindi mapa hikbi.

“ ve.. ry go. o…. od”

Toooooooooooooooooooootttttttttttttttttt

Napa pikit ako tuluyan na kaming iniwan ni carah, nilapitan namin si fin na tulalang naka tingin kay carah.

“ fin” tawag ko.

“ fin” doon na tumulo ang luha niya, ito ang pinaka unang nakita ko si fin na umiyak.

Dumating na ang mga doktor at nurse, idineklara na nga nila na patay na siya. Inalis na ang mga nakakabit kay carah at ng kukunin na siya ay pinigilan ni fin.

“ I love you” mas lalong bumilis ang pag bagsak ng luha ko.

Bakit kung kailan mo natutunang mag mahal, kukunin naman sayo ung tao. Ang sakit sa part ni fin na hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na mahalin niya ung taong mahal niya. Dumating na din ang pamilya ni carah at humagulhol ng madatnan nv patay ang anak nila.

Paalis na kami matapos asikasuhin ang lahat, naka salubong naman namin ang magulang ni carah.

“ sorry po at---” niyakap siya ng ama ni carah.

“ salamat at pinasaya mo ang anak namin”