Chapter 8
Chandee's Pov
Sakay kami ni Pinunong Oscar sa karwahe habang si Glenda at iba pang tagapaglingkod ay nakasunod sa likuran ng karwahe at naglalakad. Naaawa ako sa kanila dahil mahaba haba ang lalakarin namin. Nasa gilid naman ng karwahe si Kapitan Ewen habang sakay sa kanyang kabayo at sa kabila naman ay si Eliazar. Nakasunod rin ang ilang sundalo na sakay rin sa mga kabayo nila at ang ilan naman ay naglalakad.
Nakangiting hinawi ko ang kurtina na gawa sa kabibe upang makita ko ang mga taong nasa daan na naghihintay sa pagdaan ko. Hindi ko lubos maisip na marami ang magkaka interes na makita ako.
"Ang daming nag aabang sayo para masilayan ka" nakangiting sabi ni Pinuno "masdan mo sila kung gaano sila kasaya" dagdag pa niya
"Tama po kayo, nakikita ko ang saya sa mga mukha nila at nababasa ko rin sa kanila na umaasa sila na mababago ko ang buhay nila. Ngayong nakita ko sila ay tsaka ko lang naintindihan ang bigat na pasanin na naka abang sa balikat ko" Sabi ko tsaka muling tumingin sa labas at tinignan sila. Ngumiti at kumaway din ako sa kanila na para kahit sa ganung paraan lang ay mapasaya ko sila.
"Malaki talaga ang problema ng Dalya ngunit huwag kang mag alala tutulungan kita para maresolba ang mga iyon. Masunurin naman ang mga taga dito kung meron mang sumusuway ay ilan lamang ang mga iyon"
"Wala naman pong perpekto at lahat naman pong lugar hindi mawawala ang mga pasaway. Maging sa pinanggalingan ko po ay hindi nawawala ang gulo. Kadalasan na pinanggalingan ng gulo ay dahil sa kahirapan, dahil sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, dahil sa kapangyarihan at kayamanan"
"Binibini! Babaeng itinakda!" tawag sa akin ng mga tao. Hindi ko alam kung saan ako titingin sa dami nila.
"Binibini!" Rinig ko na boses ng isang bata. Nakita ko naman yung bata na tumatakbo at may hawak na kwintas na bulaklak "binibini!" Tawag ulit nito. Nginitian ko siya at kumaway pa sa kanya.
"Binibini may gusto po akong ibigay sa inyo!" Sigaw niya habang nakikisabay sa ibang mga tao
"Pakihinto po sandali ang sasakyan" Sabi ko
"Pero binibini"
"Sandali lang po talaga Pinuno" pakiusap ko
Pinahinto naman ni Pinuno ang karwahe. Mabilis na umaksyon naman si kapitan para protektahan ako. Hinarang din ng mga sundalo ang mga taong gustong makalapit sakin.
Noong una ay ayaw akong pababain sa karwahe ni kapitan pero syempre gagawin ko parin ang gusto ko isa pa may go signal ako sa Pinuno. Hinanap ng mga mata ko yung bata kanina na tumatakbo at agad ko naman siyang nakita. Pinipigilan siyang makalapit ng mga sundalo pero may inaabot itong bulaklak na kwintas. Halos magkagulo ang mga tao ng lumapit ako sa kanila at maging si kapitan ay naalerto.
"Kukunin ko lang yung ibinibigay ng bata" Sabi ko kay Kapitan
"Hanggang dito ka nalang binibini huwag ka ng lumapit dahil baka magkagulo ang mga tao at masaktan ka" Sabi nito
"Binibini para po sa inyo" sabay pa kaming napatingin ni kapitan sa batang lalaki na siguro ay nasa labing dalawang taong gulang
"Kung ayaw mo akong lumapit sa kanya baka pwedeng siya nalang palapitin mo dito" sabi ko
Tinawag naman niya ang isang sundalo at pinalapit sa akin yung bata.
"Binibini para po sa'yo ito" masayang sabi ng bata. Yumuko naman ako para maisuot niya sa leeg ko
"Ang bango maraming salamat. Ano pala ang pangalan mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya
"Ako po si Samuel kapatid po ako ng isa sa inyong tagapagsilbi. Nandito rin po ang pamilya ko para makita kayo ngunit nasa malayo na po sila kaya ako nalang ang tumakbo para maibigay sa inyo ang bulaklak" Sabi nito
"Anong pangalan ng kapatid mo baka kilala ko siya. Paki sabi sa pamilya mo na maraming salamat sa mga bulaklak. Dahil diyan may ibibigay din ako sa'yo" Sabi ko at binuksan ang isang palad ko. May natitira pa kasi akong isang tobleron at binigay iyon sa kanya.
Tuwang tuwa si Samuel sa binigay ko. Binalak pa nga niyang lumuhod para pasalamatan ako buti nalang napigilan ko. Sayang lang isang chokolate nalang yun kung alam ko lang dinala ko na sana yung isang balot.
"Galing ba sa ibang mundo ang binigay niya sa bata?" Dinig kong bulungan ng mga tao
"Mukhang galing nga sa ibang mundo dahil ngayon ko lang iyon nakita"
"Ano ba ang ibinigay niya?"
"Anong klaseng balot ba iyon?"
"Maraming salamat po binibini iingatan ko po ang ibinigay niyo" Sabi ni Samuel
"Mas mabuting kainin mo yan dahil baka masira siya, bibigyan nalang ulit kita sa ibang araw" Sabi ko
"Gusto din namin niyan binibini!" Sigaw din ng mga tao
Nagulat naman ako ng biglang lumapit si Joanna. Siya yung kasama ni Belinda kanina.
"Maraming salamat binibini sa ibinigay niyo sa kapatid ko ipinapangako ko na paglilingkuran ko kayo ng mabuti" naiiyak na sabi ni Joanna
"Ikaw si Joanna diba?" Pangungumpirma ko. Tumango naman siya "ang bait ng pamilya mo para isipin na bigyan ako ng bulaklak. Ang bango nito at nagustuhan ko talaga" Sabi ko
"Binibini sumakay na ulit kayo sa karwahe" bulong ni kapitan sa tenga ko. Nagtaasan naman ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya at sumunod nalang sa inutos niya.
*****
Naging maayos naman ang pagtatapos ng parada. Naging curious din sila kung ano yung ibinigay ko kay Samuel. Sayang lang hindi ko nadala yung cellphone ko irerecord ko nalang sana yung sagot ko. Paulit ulit kasi ang mga tanong nila. Isa pa si Pinuno na nagselos sa bata hindi ko man lang daw ipinakita sa kanya yung ibinigay ko na galing sa ibang mundo.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay nagkulong agad ako. Wala naman akong ginawa kundi umupo, ngumiti at kumaway sa mga tao pero napagod ako. Hinubad ko yung bulaklak na kwintas at minasdan muna yon bago ibinaba sa mesa. Sayang walang rebulto ng santo dito sa kwarto ko isasabit ko sana. Napaka bango pa naman.
Dahil curious ang mga tao sa binigay ko kay Samuel ay tinignan ko ulit eco bag ko. Apat na balot ng tiny tobleron ang nandoon kasama ng ilan pang snacks. Nilabas ko yung apat na balot kabilang na dun yung binuksan ko kanina. Bawat pack pala may 25pcs. Binalik ko sa eco bag yung tatlong balot at iniwan ang nakabukas na.
"Binibini" tawag sa'kin ni Glenda. Tumayo ako para pag buksan siya ng pinto.
"Bakit hindi ka nagpapahinga? Hindi ka ba napagod sa paglalakad?" Tanong ko sa kanya
"Hindi po ako napagod binibini ang totoo ay malaking karangalan po sa'kin ang maglakad sa parada niyo" napangiwi nalang ako sa sinabi niya
"Mabuti pa umupo ka na muna" Sabi ko
"Hindi pa po ba kayo pupunta na sa bulwagan?"
"Nagsabi ako kay Pinuno na magpapahinga lang muna ako at pupunta nalang mamaya"
"Ganoon po ba, sige po" Sabi nito.
Napansin ko naman ang pagiging tahimik niya parang may gusto itong sabihin pero hindi niya masabi.
"May problema ba?" Nag aalalang tanong ko
"Wala naman po binibini iniisip ko lang po yung nangyari kanina. Marami po kasing gustong malaman kung ano yung binigay niyo sa bata. Balita ko po kasi ay maraming interesado sa ibinigay niyo sa kanya at maraming may gustong bilhin iyon sa kanya" sagot nito
"Yun ba? Chokolate lang iyon meron pa ako dito bibigyan kita" natutuwang sabi ko at kinuha yung isang balot na naka bukas. Mangiyak ngiyak pa siya ng bigyan ko siya ng isa.
"Maraming salamat binibini hindi ko inaasahan na makakatanggap ng ganito lalo na't galing sa inyo" tuluyan ng tumulo ang luha niya at pinatahan ko nalang
"Maliit na bagay lang naman yan tsaka kainin mo na dahil baka lumambot at matunaw. Mas masarap sana siyang kainin kung matigas siya at hinahayaang matunaw sa bibig. Kung gusto mo itago mo muna tapos kapag may malamig na tubig ka ilagay mo siya doon para tumigas bago mo kainin" nakangiting sabi ko
"Nakakapanghinayang naman po kung kakainin ko siya. Maari itong maging kayamanan ng pamilya namin patunay na nakilala namin kayo"
"Grabe naman chokolate lang yan hindi naman yan gold na pwedeng itago ng matagal na pwedeng ipamana" natatawang sabi ko "pero seryoso ako kainin mo siya bago lumambot"
"Opo binibini. Kapag umuwi ako sa bahay ipapakita at ipapatikim ko sa pamilya ko" nakangiting sabi nito
Naiilang na ngumiti nalang ako. Ang liit lang kasi nun as in bite size lang talaga tapos gusto pa niyang I share sa pamilya niya. Sana lang malasahan pa nila.
*****
Malapit ng dumilim ng sunduin ako ni Kapitan. Nagkasagutan ulit kami dahil hindi nakasuot yung telang nakabalot sa baywang ko kanina. Wala naman akong nagawa kundi suotin ulit iyon. Gutom na kasi ako.
Kanina ko pa napapansin si kapitan na tumitingin sa hawak ko. Ngumisi nalang ako alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Iniisip nito kung yun ba yung binigay ko sa batang lalaki kanina. Nasa isip ko naman talaga na bigyan siya pero nagbago na isip ko.
"Ang binibini" dinig kong sabi ng Isang matanda. Nagkaroon naman ng bulungan at huminto ang mga tumutugtog pagdating namin sa bulwagan
"Binibining Chandee halika at ipapakilala kita sa kanila" Sabi ng pinuno na inaya akong lumapit sa kanila. Nakangiting lumapit naman ako
Inakay ako ng Pinuno papunta sa may entablado at nakangiting humarap sa mga tao. Tumahimik ang lahat ng makita nila kaming nasa stage at nung tumikhim ang pinuno.
"Mga kaibigan at mamamayan sa Bayan ng Dalya nandito tayo ngayon at nag sasalo salo upang ipagdiwang ang pagdating ng babaeng itinakda na nasa Alamat" nagpalakpakan naman ang mga tao na ikinahinto ng pagsasalita ni Pinunong Oscar "Matagal natin siyang hinintay at ngayon ay nandito na siya upang tuparin ang propesiya" muling nagpalakpakan ang mga tao at ako ay nakikipalakpak narin kahit naiilang. Alam ko kasing ako yung tinutukoy ni Pinuno pero yung responsibilidad kasi na pinapataw sakin parang ang bigat at hindi ko kaya. "mga kababayan nagagalak akong ipakilala sa inyo ang babaeng itinakda ng langit walang iba kung hindi si Binibining Chandee"
Kahit naiilang dahil sa over na pagpapakilala sa akin ay nagawa ko parin naman ang ngumiti at kumaway sa mga tao. Gusto ko sanang magsalita at sabihin na hindi ako Diyos. Yung iba kasi ay nagiging emosyonal parang gusto pa nga akong sambahin. Susko huwag naman sanang umabot doon nakakapangilabot.
Bigla naman nabuksan yung pangyayari kanina pero dahil kaunti lang ang dala ko baka magalit o mainggit yung di ko mabibigyan. Pasimpleng binibigyan ko nalang yung mga bisita na malapit sa kinakaupuan ko. Madalas mga matatanda ang binibigyan ko at nakita ko rin si Mona sa mga bisita na nabigyan ko rin. Hinahanap ko rin nga si Isabelle pero hindi ko siya makita. O baka naman kasama niya si kapitan at nag sosolo sila.
Tapos na akong kumain at balak ko ng bumalik sa kwarto ko para magpahinga. May isang tsokolate pa pala ako kaya inilibot ko ang mga mata ko. Mabuti nalang nakita ko si Anna at nagpasyang ibigay nalang iyon sa kanya.
*****