Chapter 30
Chandee's Pov
Lahat ng paraan ginawa ko na para makaiwas kay Kapitan kahapon at hindi magkita. Mabuti nalang naging abala din siya kaya naman hindi na kami nagkita simula ng maghiwalay kami sa tarangkahan kahapon.
Habang naglalakad kami ni Glenda napansin namin na maraming ngumingiti at tumitingin sa amin. Nasanay na ako sa mga ganitong reaksyon ng mga tao sa'kin dahil sa tagal ko na dito sa Dalya. Siguro nagsawa na sila sa mukha ko kaya hindi na nila ako gaanong pinapansin pero iba ang araw na ito. Kinakabahan at kinikilabutan tuloy ako.
"Anong nangyari sa kanila?" Bulong ko kay Glenda
"Hindi ko rin alam binibini umuwi nalang kaya tayo?" Nag aalalang sabi ni Glenda na mukhang natatakot sa mga ginagawang tingin ng mga tao at pag ngiti sa amin.
"Mabuti pa nga siguro" Sabi ko at hinawakan siya sa kamay. Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Karlo sa harapan ko na tila ba maiiyak
"Sabihin mo binibini na hindi totoo ang nabalitaan ko na magkasintahan na kayo ni Kapitan Ewen" Sabi nito
"Huh? Saan mo nabalitaan iyan?" Tanong ko kay Karlo
"Usap usapan sa buong bayan ang balitang magkasintahan kayo ni Kapitan at malapit ng magpakasal" Sabi nito
"Hindi totoo yan" mabilis na tanggi ko
"Talaga? Sabi ko na nga ba mga sabi sabi lang ang mga naririnig ko" Sabi nito na umaliwalas ang mukha.
"Kahit hindi totoo ang mga bulung bulungan diyan totoo naman na may gusto si Kapitan kay Binibining Chandee" sabat naman ni Glenda samin ni Karlo
"Hindi ako natatakot sa kanya! Lalaban ako lalaki sa lalaki!" Sabi naman ni Karlo
"Anong ilalaban mong bubwit ka pagkaliit liit mo. Kuto ka lang kumpara kay Kapitan" Sabi naman ni Glenda tsaka ito tumawa
Makikita naman sa mukha ni Karlo ang pagka inis. Ang cute tuloy niya. Maging ako natatawa sa kanya.
"Hintayin mo lang akong lumaki binibini liligawan kita" Sabi nito na seryosong nakatingin sa'kin
"Yun e kung la laki ka pa. Baka may anak na si Binibini sa kaka antay mo sa paglaki mo" pang aasar pa ni Glenda.
"Tigilan mo na nga pang iinis mo sa bata parang ikaw pa ang mas bata sa kanya e" saway ko kay Glenda. Napanguso pa ito na ikinailing mo nalang.
"Basta pag laki ko pakakasalan kita binibini" napatingin pa ako kay Karlo sa sinabi niya bigla kasing pumasok sa isip ko si Kapitan
"Kumain ka ng marami para lumaki ka agad at makatulong kay Aling Cora at Klara. Sigurado maraming babae ang nagkakagusto sa'yo paglaki mo" Sabi ko sa kanya
"Pero ikaw ang gusto ko" Sabi pa nito
Nginitian ko na lang siya at ginulo ang buhok. Nag paalam na rin ako sa kanya na aalis na at ituloy na nito ang ginagawa. Agad naman kaming sumakay ng kargo ni Glenda at umuwi na ng bahay.
******
Malayo pa lang ako ay may nakikita na akong dalawang anyo ng tao na nakatayo sa tapat ng silid ko. Habang papalapit ay namumukhaan ko ito at napangiti nalang makilala si Anna, kasama nito si Maneng.
"Ate!" Masayang tawag at salubong ni Anna sa'kin ng makita ako. Tumakbo ito palapit sa'kin na may malapad na ngiti sa mga labi.
"Bakit?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya
"Gusto ko lang malaman mo na natutuwa ako sa nalaman ko. Binabati ko kayo ni Kuya ang hiling ko ay mapuno kayo ng kasiyahan at pagmamahalan habang buhay" Sabi nito na ikinatulala ko sa kanya
Ano bang nangyayari? Mabuti pa sila alam na magkasintahan kami ni Kapitan.
Pilit na ngumiti nalang ako kay Anna dahil nakikita ko sa mga mukha niya na natutuwa ito. Ayoko naman siraan ang mood niya. Napatingin naman ako kay Glenda na tila nagulat din. Pasimple akong humihingi ng saklolo sa kanya buti nalang na gets niya ako.
"Kanino niyo po pala nabalitaan ang magandang balitang yan binibini?" Tanong ni Glenda kay Anna kaya bumitiw na ito sa pagkakayakap sa'kin at tumingin sa kanya
"Narinig ko ang mga tagapagsilbi kanina na pinag kukuwentuhan sina Kuya at Ate. Tinanong ko nga sila kung totoo ang mga sinasabi nila at ang sabi ay totoo daw. Kaya tinanong ko si Kuya at kinumpirma naman niya na totoo nga. Labis labis ang pagkatuwa ko sa nalaman" sagot nito na napahawak pa dibdib
Tumingin naman sa'kin si Glenda na parang humihingi ng paliwanag pero wala naman akong masabi.
"Nakakatuwa nga po masaya din ako sa kanilang dalawa" sabi ni Glenda kay Anna at pilit tumawa
"Kanina pa ba kayo nandito? Pasok na muna tayo" Alok ko kina Anna
"Pagkatapos kong kumain ng almusal kanina dumiretyo na ako dito kaso wala ka, pangalawang beses ko na Ang pagbalik dito" sagot ni Anna habang naglalakad papasok.
Pinaupo ko siya at inutusan si Glenda na dalhan kami ng juice.
"Sa susunod pumasok ka nalang ang init kaya sa labas" Sabi ko
"Kahit bahay namin to hindi ko magagawa iyon, pribado ang silid mo kaya hindi pwedeng papasok nalang kami ng walang pahintulot mo" Sabi nito. Ngumiti ako sa kanya at tumango
"Kumusta naman pala si Moira?" Tanong ko sa pusang ligaw na inaalagaan niya.
"Mabuti naman siya gusto niya laging nagpapabuhat at tumabi sa'kin kapag matutulog na. Kaso ayaw niyang maligo, kinalmot nga niya si Maneng kahapon e" sagot nito
"May mga pusa talaga na ayaw maligo pero kapag nasanay na sila nagiging okay na din sa kanila. Siguro kaya ayaw ni Moira maligo dahil natatakot siya sa tubig. Dahan dahanin nalang kamo ni Maneng pagpapaligo sa kanya at gumamit ng maligamgam na tubig" Sabi ko
Nakatingin lang sakin si Anna na parang hindi ako naiintindihan. Pinagwalang bahala ko nalang ito at nginitian ko nalang. Ilang sandali lang ay bumalik na si Glenda na may dalang juice at maruya na naging paborito ni Ate Mildred kaya lagi nitong niluluto.
"Kailan niyo pa la balak magpakasal niyan ni Kuya? Sana sa lalong madaling panahon para naman may bata na dito" Sabi ni Anna
"Hahaha!" Pilit akong tumawa "ano kasi ang bata pa namin ni Kapitan at hindi pa namin napag usapan ang mga ganyang bagay" sagot ko
"Ang tanda na kaya ni Kuya ang mga kaibigan nga niya may mga asawa't anak na e. Dapat pag usapan niyo na pagpapakasal niyo at ilang supling ang gusto niyo" sagot ni Anna
"Uhm.. sige" Sabi ko nalang para matapos ang usapan
"Nahihiya ka ba kay Kuya Ate Chandee? Hayaan mo pag uwi niya mamaya ako magsasabi sa kanya para buksan ang paksa tungkol sa pag iisang dibdib niyo" Sabi nito
"Saan ba nagpunta si Kapitan?" Tanong ko naman. Gusto ko din kasing kausapin siya patungkol sa kumakalat na tsismis na ito at kung bakit sinabi nito kay Anna na may relasyon nga kaming dalawa
"Nag iikot sila sa buong bayan. Huwag kang mag alala uuwi din siya bago o matapos mananghalian" sagot nito
"Ahh" tumango tango nalang ako
"Ang mabuti pa'y bumalik na ako sa aking silid upang makapag pahinga ka na rin. Gusto ko rin mag isip ng mga plano para sa magiging kasal niyo ni Kuya" malapad ang ngiting sabi nito Pilit nalang akong tumawa sa sinabi niya.
Hinatid ko sina Anna at Maneng hanggang sa may pinto. Pagkaalis nila ay tumingin naman ako kay Glenda na naka crossarms pa at nakasandal sa pintuan.
"Ganito kasi iyon" simula ko sa pagpapaliwanag. Siguro nga'y kailangan kong ikwento sa kanya ang nangyari kahapon sa Sapang Batuan para mabigyan din niya ako ng payo.
Ikwinento ko kay Glenda ang lahat ng nangyari simula ng magkita kami kahapon ni Kapitan sa sapa hanggang sa makauwi kami. Tila naman kinikilig pa ito matapos kong ikwento ang lahat sa kanya.
"Kung ganoon ay totoo nga pala ang kumakalat na balita. Nakakatuwa naman sigurado malaking pagdiriwang ang mangyayari sa kasal ninyo ni Kapitan" kulang nalang ay pumalakpak pa si Glenda sa sobrang tuwa
"Paano mo nasasabi yan? Hindi ko nga alam kung ano ba talaga estado naming dalawa ni Kapitan tapos pagpapakasal na ang naisip niyo agad ni Anna" Sabi ko
"Anong ibig mong sabihin binibini? Hindi ba si kapitan na mismo ang nagkumpirma na kayo na kayo ngang dalawa ay may relasyon? Isa pa binibini nakita ng maraming tao ang pangyayaring naganap sa Sapang Batuan kung saan nagpalitan kayo ng halik ni Kapitan. Malaking kaparusahan ang mangyayari sa inyong dalawa ni Kapitan kung itatanggi niyo na may relasyon nga kayong dalawa"
"Eh ano ang gagawin ko ngayon?" Nangangambang tanong ko
"Kung ako nasa katayuan mo ngayon siguro ang gagawin ko kakausapin ko si kapitan" sagot nito
"Pagkatapos?" Tanong ko ulit
"Syempre yun na ang simula ng pag uusap niyo, tanungin mo siya kung ano ang gagawin niyo" sagot nito
"Tapos ano?" Tanong ko pa
"Naku naman binibini pagkatapos niyong mag usap malalaman mo na sigurado ang gagawin mo" sagot pa niya
Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko tsaka yumuko at huminga ng malalim. Bahala na si Batman.
*****
Malalim na ang gabi at kanina pa ako naghihintay sa pagbalik ni Kapitan ngunit ni anino nito ay hindi ko nakita. Maliban sa gusto ko siyang makausap tungkol sa relasyon naming dalawa ay gusto ko rin malaman ang kalagayan niya. Magbuhat kaninang umaga kasi na umalis siya ay hindi pa ito umuuwi.
Nababalutan ngayon ng takot ang buong Dalya dahil sa kaliwa't kanan na pangyayaring pag kidnap sa mga kabataan partikular ang mga babae at ang panloloob at pagsunog sa mga bahay. Sa kadihalanang ito kaya hindi pa nakakauwi si kapitan.
Bigo kong sinarado na ang pintuan ng aking kwarto at nagpasyang matulog nalang. Nakahiga na ako sa aking higaan at nagpapaantok ng may narinig akong mga kaluskos sa labas.
Napaupo ako at hinila ang aking kumot na tinakip sa aking katawan. Naalala ko ang mga narinig kong kwento kanina tungkol sa mga kinukuha at nawawalang mga babae kaya lalo akong kinabahan.
Nang mapansin kong tahimik na ay tsaka ako bumaba sa aking kama at sinindihan ang kandila na nagpailaw sa aking kwarto. Lakas loob na tinignan ko ang buong paligid ko at napatutop ako ng bibig ng makakita ako ng isang anino.
Ayokong makagawa ng ingay na maaaring maging dahilan ng ikakapahamak ko. Ngunit napansin ata ng may ari ng anino na bumukas ang ilaw ko kaya napasigaw na ako.
******