Chapter 4

Nang mapalingon si Byron pagkarinig ng isang pagkapunit sa bandang likuran niya ay hindi niya inasahan ang makikita. He thought that a dildo just peeked out from a seemingly box thing that the woman was holding. Tuloy ay naasiwa siya sa nakita. Napakurap-kurap pa siya habang nagbawi at napatingin nang diretso.

‘Huh? Mukha namang ‘di siya gumagamit niyon,’ naisip naman niya.

Napaisip pa siya habang inaanalisa ito. But he was quite amused afterward. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay tumabi siya upang makalabas ang lalaking may trolley at sumunod na rito ang babaeng hindi na tumingin sa kanya. Siguro sa pagkahiya.

Napangiti na lang siya sa sarili at napatinging muli sa sideview nito nang umalis na. Papasara naman na ang elevator door at umakyat iyon sa floor niya.

Napakiling siya ng kanyang ulo nang lumabas ng elevator. Mukhang pagkain ang nasa trolley na iyon at napaisip pa siya. Sumiksik sa isipan niya ang mukha ng babae.

May lampas balikat itong tuwid na buhok na pinakulayan ng brown, may side-swept bangs, maganda ang mga mata nitong kulay light brown, may malalantik na pilik-mata, maliit pero matangos na ilong, parang palangiting mga labi na may pink lipstick na bagay rito, at makinis na mukha. Hanggang baba lang niya ang taas ng babaeng nakasuot ng high-heeled sandals at maganda ito sa suot na bestidang pang-summer.

Napangiti pa siya sa sarili nang hindi niya alam kung ano ang dahilan nang maalala ang reaksyon nito nang makita niya ang kulay light brown na dildo-looking thing na iyon na hawak nito.

“Nagkakamali lang siguro ako ng pagtingin,” nausal pa niya sa sarili.

Hinubad na niya ang suot na sandong puti at pati na ang jogging pants habang papasok sa banyo niya para mag-shower.

***

Nanatili si Niam sa bridal shower habang pinapuntahan niya kay Mike si Lala sa isang gig nila. Tatawagan na lang niya si Ace para daanan siya nito mamaya dahil alam niyang late naman itong umuuwi lalo na’t may hinahabol na deadline sa office nito. Isa itong game developer sa isang tech company ng bansa. Halos magkapitbahay lang naman sila ng kakambal niya kaya hindi problema ang maki-carpool dito.

Nagkatuwaan pa nang dahil sa ilang games ang mga nasa party. Nasa spotlight niyon ang chocolate lollipop na desserts. May ginawa pang game dito. Tinatawag ng emcee, ang host, ng “Intimate Moment.” Naka-blindfold ang bride-to-be habang pinapipili ito ng mga numero. Ang bawat penis chocolate lollipop sa stand ay may nakatalaga na numero. Walang ideya ang babaeng naka-blindfold kung ano ang nasa harap nito.

“Jess, pick two numbers from one to ten,” anang emcee. Sumenyas pa ito sa isang kaibigan na lumapit sa harap ng bride-to-be nang lingid dito.

Napangiti si Niam habang nanonood sa mga ito sa isang tabi. Nakaupo siya sa isang plastic stool habang nakakuros ang mga braso.

“Remember, ang unang number na sasabihin mo represents your groom-to-be. Ang pangalawang number naman ay… nagre-represent sa ibang mga lalaki.”

Nagkakagulo ang mga bisita sa party. Nagkakantiyawan. Kinuha ng kaibigan nila ang ilang lollipops at dalawa na lang ang itinira. Ang isa ay malaki at ang isa ay maliit. Pagkatapos ay umalis na ito sa harap ng naka-blindfold pa ring bride-to-be na nakaupo sa harap ng coffee table kung saan nakapatong ang lollipop stand.

Humakbang naman ang emcee papalapit dito nang marahan.

“Okay. Pipiliin ko ang number eight as my first pick. At ang pangalawa naman ay number six!”

Minamanipula ng emcee ang lollipops. Ang pinakamaliit ay sekretong inilagay nito sa number eight at ang pinakamalaki ay inilagay sa number six. Pagkatapos ay ibinalik nito ang mga lollipops na kinuha ng kaibigan na bumalik sa tabi nito dala ang malaking bowl kung saan nito inilagay ang mga lollipops kani-kanina lang.

Dahan-dahan namang umalis ang mga ito mula sa harap ng bride-to-be habang nagkatawanan ang mga bisita sa nangyayari.

“Alisin mo na ang blindfold mo, Jess,” sabi ng emcee.

Napatili pa ang bride-to-be sa nakita. “Oh, my God! Ang dami nila!”

Malakas na nagkatawanan ang mga kaibigan nito.

“So, that big cock right there at number six is what you’re gonna miss when you marry the one at number eight,” biro pa ng emcee. Sumunod doon ang tawanan ulit.

Napahalakhak si Jess sa sinabi ng kaibigan nito. “I swear! His cock is not this size!”

“Oohh…” Nagkaroon ng kantiyawan saka napatawa ang mga kaibigan nitong nagtitilihan.

“Okay, next game. Let’s call it ‘Melt in Your Mouth,’ girls. Dapat lahat kayo ay sumali!” anang emcee nang medyo tumahimik ulit sa loob ng condo unit.

Binigyan nito ng isa-isang lollipop na tigta-tatlong pulgada ang haba ang bawat isa.

“Sino ang pinakaunang makaubos ng lollipop ang winner! May matatanggap na premyo mula sa ‘kin,” dagdag ng emcee. “So, bawal ang kagat at nguya. As in lick and suck lang ang puwedeng gawin, mga sisters!”

Sobra naman ang tawa ni Niam habang nanonood sa larong iyon. Lalo na’t nagsimula nang dinidilaan at sinisipsip ng mga ito ang kani-kanyang lollipop.