Chapter 19: Rackhie, I’ll find you
“Umalis ng isla sila Ravenne. Sinundan niya si Lester sa labas.”
Nagsalubong ang kilay ni Midnighte nang marinig niya ang sinabi ni Carmen.
Ngayon lang namin nakita ang letter na iniwan doon ni Ravenne. Sinabi niyang aalis siya ng isla para sundan si Lester dahil masama raw ang pakiramdam niya sa pag-alis nito. Sabi naman niyang babalik siya agad para ibigay ang susi o kaya’y ipapasuyo niya na lang ito.
“Sana makabalik sila nang ligtas,” sabi ko tsaka tumingin sa kalangitan na kumukulimlim.
Kakaiba ang weather rito. Ibang-iba sa aktuwal na panahon sa labas. Ang isang araw rito ay katumbas na ng halos isang linggo roon.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang mukha ni Carmen na nakatingin din sa taas. “Pakiramdam ko talaga may mali pa rin. Pero sana nga, sana makabalik sila nang ligtas at walang mangyaring masama.”
Sumulpot si Celine sa harapan namin. Hindi siya mapakali kaya agad akong napatayo mula sa inuupuan kong bato.
“S-Si Landrice… Nawalan siya ng malay, sinubukan niya ulit…”
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya pero alam ko ang kasunod noon. Sinubukan ulit ni Landrice na putulin ang buhay niya. Lahat tuloy kami ay napatayo at kanya-kanyang naglaho.
Pagkarating ko roon ay namumutla na nang sobra si Landrice at buhat-buhat naman siya ni Renzo na hindi rin mapakali. Nakatingin lang siya sa kaibigan namin at namumuo na ang luha niya kahit na halatang kakatapos niya lang umiyak dahil namumugto na ang mga mata niya.
“Anong nangyari?” Tarantang sabi ko at lumapit sa kaibigan ko. Tumambad sa akin ang putting dugo ni Landrice na tumutulo mula sa pala-pulsuhan niya. Napatakip ako ng bibig at nag-iwas ng tingin doon. Hindi ko kayang tingnan.
Iyak nang iyak si Celine at Shivani samantalang kami ni Midnighte ay hindi makalapit doon. Ang sakit tingnan. Hindi ko kaya.
“Oh my goodness…” Namumuo na rin ang luha ko.
May nakita akong tumatakbo papalapit sa akin mula sa peripheral vision ko. Sa katawan pa lang ay alam ko na agad na si West iyon. Lalapit sana siya sa akin kaso nakita niya ang kapatid niya roon kaya roon na lang siya dumiretso.
“Wendy?” hindi ko mawari sa tono niya kung galit ba siya o kinakabahan. “What happened?”
Nag-angat ako ng tingin para tingnan kung sino ang kinakausap niya. Si Renzo pala ang tinatanong niya. “S-She tried to… to…” Hindi siya makapagsalita nang maayos dahil sa paghikbi niya. Mariin siyang napapikit habang dumadausdos ang luha niya sa kanyang pisngi.
Si West naman ay hindi makapagsalita habang tinitingnan ‘yung kapatid niya. “’Di ba tumawag kayo ng manggagamot? Nasa’n na?” bahagyang nanginig ang boses niya sa huling tanong niya. Sinalo niya ang kapatid niya para siya na lang ang magbuhat doon. Parang galit pa ang tingin niya kay Renzo. “Why the hell did she do that? Did you do something? Huh?”
Hindi makapagsalita si Renzo. Ibinaba saglit ni West ang kapatid niya bago niya tinulak-tulak si Renzo. Tulo nang tulo ang luha nilang pareho.
“S-sorry, Kuya—”
Hindi na natapos ni Renzo ang sasabihin niya nang malakas siyang sinapak ni West. Agad akong pumunta roon sa likuran niya para hawakan ang kamay niya at pakalmahin siya. Iyong iba naman naming kasama ay tinulungan si Renzo na makatayo.
“Hindi niya ‘yan gagawin dahil masaya na ‘yan kahit sa katiting na bagay na ginagawa mo! Kung wala kang ginagawa sigurado akong hinding-hindi niya ‘yan gagawin! Gago!”
Maging si Carmen ay nasa tabi ko na rin at tinutulungan akong hilain si West para ilayo kay Renzo na nakayuko pa rin hanggang ngayon.
Hindi pa man sila tapos mag-away ay nagkagulo na agad sa paligid dahil isa-isang nawawalan ng malay ang mga babae rito. Kahit tumutulo pa ang luha ko ay mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko dahil parang domino ang pagkakasunod-sunod na pagbagsak nila sa buhangin.
“What the hell is happening?!” Napasigaw si Siquiera na kararating lang. Kasama niya si Lycus na nasa likuran niya at sinusuportahan ang likuran niya.
Naglaho ako papunta roon sa mga nawalan ng malay para tingnan kung ano ang nangyari sa kanila. Sumunod din sa akin sina Carmen, Midnighte at Celine na nakikita kong tinitingnan din ang kalagayan ng mga nawalan ng malay ‘di kalayuan.
Hindi kami mapakaling lahat. Maging si Celine na minsan ay inisip naming hinding-hindi namin makikitang umiiyak ay umiiyak na rin ngayon.
Hinawakan ko ang ulo noong babaeng nasa harapan ko at walang malay. Pinakinggan ko ang paghinga niya pero para lamang nakikinig sa hangin ang tenga ko.
Bigla na lang silang naging abo.
Mas lumakas ang hagulgol namin nang lahat sila ay sumama sa hangin at unting-unting naging abo. “Anong nangyayari? B-Bakit sila nagiging abo?” pasigaw na tanong ko habang humahagulgol pa rin.
“I don’t know!” sigaw pabalik ni Midnighte.
Unti-unting tumatahimik ang paligid hanggang sa nakita ko na lang si Renzo, Siquiera at Lycus na sabay-sabay ring nawalan ng malay. Halos madapa kami pabalik doon para maabutan sila pero mabilis na sumama sa hangin ang abo nila.
“No!” Nakakabingi ang sigaw na ‘yon ni Midnighte. Napabagsak na siya sa buhanginan habang patuloy na umiiyak.
Nang makalapit ako roon ay wala na talaga ang abo nila roon. Maging sila West ay hindi alam ang nakikita nila. Tanging mga hagulgol na lang namin ang naririnig ko. Kaming magkakaibigan na lang ang natitira. Nawala na rin sina Lycus, Siquiera at Renzo.
Napukaw ni Midnighte ang atensyon ko nang sumigaw siya ulit. “No! No! What the hell is happening?” Nakatingin siya sa braso niyang unti-unting nagiging abo at sumasama sa hangin. “No!”
Sa isang iglap ay nawala na sa harap namin si Midnighte, Shivani at Wendy. Halos mawalan na ako ng boses kakasigaw at pakiramdam ko’y nagdilim ang paningin ko. Parang nawalan ako ng mata para makakita at tenga para makarinig ng mga bagay-bagay. Parang unti-unting gumuguho ang mundo ko.
“No…” bulong ko. “Panaginip lang ‘to…” umiling-iling ako sa sarili. “This isn’t happening… It’s all an illusion…”
Kami na lang ni West ang natitira at alam namin sa sarili namin na kami naman ang susunod. Nagkatinginan kaming dalawa. Sinubukan kong maglaho pero wala na akong kakayahan. Alam kong sinubukan niya rin ‘yon pero maging siya ay hindi rin makapaglaho.
Tumakbo kaming dalawa papalapit sa isa’t isa. Napayakap ako sa kanya habang iyak ako nang iyak. Nabasa rin ang balikat ko kaya alam kong tahimik din siyang umiiyak. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang unti-unting paggaan ng mga kamay ko. Wala na akong maramdaman.
Ang bisig ni West na kanina ay nakakapit sa akin ay nawawala na rin.
“I love you,” I cried more.
“I love you more,” he weakly said. Katulad din ng iba naming kasama ay mabilis siyang sumama sa hangin at sumunod na ako.
--
“Hello Rackhie,”
I slowly opened my eyes. Doon ko nakita si Khalida na nakangiti sa akin.
Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang siya nang masama.
Humalakhak siya nang makita niya ang reaksyon ko. Hinawakan niya pa ang baba ko. Tatanggalin ko sana ang kamay niya pero naramdaman kong nakatali pala ang mga kamay ko mula sa likod. “It’s nice meeting you again. I have a surprise for you.”
Ipinitik niya ang daliri niya at doon ko nakita ang mga kaibigan ko na hawak din ng iba’t ibang tao… o bampira.
Bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.
“Do you remember this place?” she asked, smirking. “No Ridge hates this place…” Inikot niya ang paningin niya sa paligid na para bang ngayon lang siya nakapasok dito.
“Well I do, so fuck everyone who likes this place and fuck you!” Galit na sigaw ko sa kanya. Dinuraan ko pa ang mukha niya kaya mas lalong namula ang mata niya sa gilid.
“Ridge,” pwersahan niyang ipinatayo ang mga kaibigan kong wala pa ring malay gamit ang mga alagad niyang mga nakakatakot ang itsura.
Unang nagising doon si Ravenne. Ako agad ang una niyang nakita. May sinasabi siya ngunit walang lumalabas na boses sa bibig niya. Matalim ang tingin niya roon sa mga tumitingin sa kanya. Lalo na sa babaeng nakahawak sa kanya.
“Welcome to our family,” malawak ang pekeng ngiti ni Khalida.
“This is not a family! Bitch!” sigaw ko pa sa kanya tsaka muli siyang dinuraan. Hinawakan niya ang panga ko at inuntog ang sarili niyang ulo sa mukha ko. Nagulat ako nang may makita akong dugo roon.
Hindi lang dugo.
Pulang dugo.
“Oh,” kunwari’y gulat niya pa akong tiningnan. Matamis siyang ngumiti bago haplusin ang mukha kong sa tingin ko ay dugong dugo na ngayon. Dumikit ang dugo ko sa daliri niya. Inamoy niya iyon saglit. Naging makintab na kayumanggi ang mga mata niya. “Looks like I ruined the surprise now,” tsaka niya dinilaan iyong dugo ko mula sa daliri niyang iyon.
T-Teka… kayumanggi?
“Khalida! You fucking bitch!”
Gulat akong tumingin sa gilid ko nang agawin ng sigaw na iyon ang atensyon namin. Gising na si Wendy at nagliliyab ang mata niya pero hindi iyon namumula katulad ng mata niya kapag nagagalit siya roon sa isla.
Humarap si Khalida sa kanya. “Oh hello, my dear daughter. How are you?” mas lalong lumapad ang ngiti nito sa kaibigan ko. “I was waiting for you to wake up. Surprise!”
“I am not your daughter! You were never been our mother! You killed Giffer! Binenta mo ‘ko sa pamilya nila Renzo!” galit na sigaw niya rito. “Where is Weylin? Where the fuck is he? Huh?”
Lumapit siya rito. “First of all, dear, I didn’t kill Giffer. He chose that. I want him to choose between both of you and your brother or his formula and life. He chose the second option so… farewell to him. Second, you and Renzo are in good terms now. You should thank Ridge for that. You have a husband now.” Hinawakan nito ang mga hibla ng buhok ni Wendy tsaka inilagay iyon sa likod ng tenga niya. “Weylin? He's a Ridge now."
“He’s not a Ridge! He’s Rackhie’s brother!”
Nagsalubong ang mga mata namin ni Ravenne sa narinig. Mukhang pati siya ay hindi makapaniwala.
“Uh, it’s boring now. We have a spoiler,” umirap si Khalida. “Alisin niyo siya sa harap ko. Naiirita lang ako sa mukha niyan. Ungrateful bitch.” Sinenyasan niya ang lalaking nakahawak kay Wendy na paalisin ito.
Magtatanong pa sana ako kung saan niya ito dadalhin pero naglaho siya papunta sa harapan ko para takpan ang bibig ko. “Don’t worry honey, she’s safe. We’re not going to kill her… yet. Depends.” Matamis siyang ngumiti. “I already told you na babalikan kita ‘di ba? And I will find you.”
“What the hell do you want from me? I know you already knew about Duressa. What the hell do you want? Huh? Are you going to give us another lifetime again? Huh?” Mapakla akong tumawa. Hinding-hindi mo kami mapipigilan. Kung hindi ako ang tatapos sa inyo, sigurado akong tatapusin ka ng mga kalahi ko. Itatak mo ‘yan sa kokote mo.” Matigas kong sabi sa kanya.
“You have a point… As always.” Tumalikod siya. Akala ko ay pupunta siya sa pwesto ni Ravenne pero bumalik siya sa harapan ko. Sa harapan naming dalawa. “Anyways! While we’re waiting for him, I want to tell you about what happened earlier.”
May hologram na lumitaw sa harapan namin.
Nakita ko ang sarili ko roon na walang malay. Ilang segundo lamang ang nakalipas nang biglang nagkamalay si Siquiera. Nagsimula siyang umiyak nang makita niya kaming walang malay. Hindi rin namumula ang mata niya. Hindi siya nakatali katulad namin ngayon. Nasa loob kami ng isang kwarto kanina.
“You’re a traitor, Siquiera, why did you do that to us? We trusted you,” Khalida said, glaring at her while her hands are on Siquiera’s cheeks.
“Let me go please. I’ll do everything…” Siquiera pleaded.
“Oh? I didn’t expect you to say that. You’re a brave woman. What happened to you?”
Biglang lumitaw roon ang isang lalaking may hawak na sigarilyo. Kilalang-kilala namin kung sino ‘yon.
“Icarus,” sabay naming pagbanggit ni Ravenne na ngayon ay nakakapagsalita na. Ang kaibahan lang ay dinugtong pa niya ang apelyido nito na Ridge.
Si Icarus ang nagsisilbing ulo at ama ng Ridge clan.
Nakita ko ang takot sa mga mata ni Siquiera nang makita niya si Icarus. Lahat kami ay hinding-hindi makakalimutan ang pangalan ng demonyong nagpabago sa amin. Ginawa niya rin kaming demonyo.
“Hola Siquiera,” bati niya rito.
Hindi makapagsalita si Siquiera sa takot. Lalo na at naaalala ko na buntis siya. Alam kong ang anak niya ang nasa isip niya kaya siya takot na takot ngayon.
Nagsimulang magsalita ng Latin si Icarus. Iyon ang gamit nilang lengguwahe. “Non vidimus invicem pro annis. Familiam nostram reliquisti. Quid fecisti?” We haven’t seen each other for years. You left our family. What have you done?
Sumagot si Siquiera. “Numquam familia sumus! Tu fecisti ut putes nos esse familiam. Ita defessus sum tam importunis tuis viis quam ob rem reliqui! Monstrum nobis fecisti usquam. Quid aliud vis a nobis? Nos solum relinquatis!” We’re never been a family! You made me think of us as family. I’m so tired of your ruthless ways! You made us a monster anyway. What else do you want from us? Leave us alone!
Lumawak ang ngiti ni Icarus. Kahit na nakangiti siya ay alam kong galit na galit na siya dahil sa mapupula niyang mata. Hinipan niya muna ang dulo ng sigarilyo niya bago nito itinaas ang damit ni Siquiera at inupos ang tiyan na gamit ang malaking sigarilyong hinihipan niya kanina.
Malakas ang sigaw ni Siquiera. Pinapanood namin siyang umiyak sa sakit samantalang wala kaming magawa. Hindi ko na malayan na tumutulo na rin ang luha ko.
“Nasaan si Siquiera? Huh? Nasaan siya?!” Galit na sigaw ko sa kanila. “Wala ba talaga kayong awa? Naging tao rin kayo!”
Doon sa salitang iyon ay parang nasapol ko sila. Alam kong nakukunsensya sila. Pero anong pumipigil sa kanila para iwan ang Ridge?
“Hindi pa huli ang lahat, pwede pa kayong magbago. Kaya pakawalan niyo na kami rito,” matigas na sabi ni Ravenne sa kanila.
“Nanumpa ako,” aniya.
“Natutuwa ka ba sa ginagawa niyo? Ha?” galit na sigaw ko. “Alam niyo ba kung ano ang pakiramdam na magiging masaya ka saglit tapos babawiin din agad sa ‘yo? Iyong ginawa mo na ang lahat pero sa isang iglap babalik ka sa simula? Ganoon ang panggagagong ginagawa niyo sa amin! Mga walang-awa kayo! Mabubulok kayo sa impyerno!” Umiiyak ako habang sumisigaw.
Pinili na nilang maging ganyan. Hindi na sila mapipigilan.
Muli naming pinanood iyong hologram. Nandoon na kami sa parteng nagising na rin si West na namumutla at hindi manlang makatayo nang maayos dahil sa panghihina. Pulang-pula ang mata ni West habang nakatingin sa matandang si Icarus na nakangisi lang sa kanya.
“Do you want me to replay how your mom killed your dad, Ameer Graye Ridge?” Nakangising tanong nito sa kanya.
“Well fucker, my name is West Spencer Mendoza. I don’t need your fucking surname. It’s bullshit.” Galit na sabi nito sa kanya nang makita ang walang malay na si Siquiera.
Roon ko lang napagtanto na tinanggal na nila ang kapangyarihan ni Siquiera.
“Anong ginawa niya kay Siquiera?” Humarap ako kay Khalida.
“I-Ibinabalik na siya sa dati,” nanginginig na sagot niya na para bang may nakabarang kung ano sa lalamunan niya. “Tinanggal niya na ang sumpang iyon kay Siquiera,”
“Ano?!” Sigaw ko. “Nakamamatay iyon!”
“Pinatay niyo si Siquiera!” Sunod-sunod na tumulo na rin ang luha ni Ravenne. Halos hindi ko na makita ang kulay ng mga mata niya dahil sa luhang umaapaw na.
Sinubukan ko ulit tanggalin iyong lubid na nakatali sa akin ngunit mas lalo lamang humigpit iyon nang maramdaman noong lalaking nakatayo sa likod ko na galaw ako nang galaw.
“Ano bang kailangan niyo sa amin?” nanghihina kong tanong.
Tanging iyak lang ni Ravenne ang naririnig ko.
Puro iyak na lang ang naririnig ko.
Nakakapagod na.
Parang sumabog ang puso ko at pinagpira-piraso iyon nang makita ko si West na tinanggalan din ng sumpa.
Hindi lang si Siquiera at ang anak niya ang nawala sa amin… pati ang mahal ko.
Pati si West.
“R-Rackhie, I’ll find you,” iyon ang huling salita niya bago tuluyang bumagsak ang katawan niya sa sahig.