Chapter 21: Making memories

'Bruha ka, joke lang 'yong nagpropose si Ansel kay mistress. Nagdrama ka diyan no? Psh.'

Halos malaglag ang panga ko nang makita ang text message sa akin ni Tammy kinabukasan. Umaga pa lamang ay iyon na kaagad ang bumungad sa akin. So... nagsayang lang ako ng luha dahil sa fake news niyang 'yon?

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko maipagkakailang parang gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

Napailing ako. I found myself sitting on the edge of the bed while thinking about what happened at the Summit again. Nagawa ko 'yon. Hindi talaga 'yon panaginip e. I did cheated on my husband. Parang... parang wala na rin akong pinagkaiba dito dahil sa nagawa ko. And now, I am going out with the same man that I slept with. Sa totoo lang ay nakakalito na 'tong nararamdaman ko. I know that I still have feelings for Ansel. Alam kong mahal ko pa rin ito pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang iwasan si Chaos.

Ano? Namamangka na ako ngayon sa dalawang ilog? P-pero... sa mata ng Diyos at sa mga tao, mali 'to. Pero paano ko mapipigilan ang damdamin ko na alam kong umuusbong na rin para kay Chaos?

'Alam mo beh, magkaiba 'yong nalilibog ka, 'yong naa-attract ka lang at 'yong gusto mo talaga 'yong tao e. Kasi kung nalilibog ka lang, edi sana, sinunggaban mo na kaagad di ba? Sana nagpakita ka na agad ng motibo? Kung naa-attract ka lang, then why are you considering your annulment with Ansel, hm? Di ba? Tama ako? That only means, you are starting to feel something for Mr. Verlice, whether you like it or not, at alam kong nararamdaman mo 'yon. At kung ang itatanong mo naman ay kung posible bang mangyari 'yon in just a span of days and weeks, kung posible bang magkagusto ka sa isang tao kahit na kakakilala niyo lang? Yes, of course. Love choose no time, girl. Baka si Mr. Cain Verlice na talaga ang makaka-buntis sayo, malay mo? At siya na din ang way to forever mo? Just go with the flow, beh. Hindi dapat kinakatakutan ang mga yummy.'

Naalala ko naman bigla ang huling sinabi sa akin ni Tammy noong magkausap kami. She told me to go with the flow, and that, I should observe. Pakiramdaman ko daw ng maigi ang nararamdaman ko para sa lalaki. Tama naman siya. I really should do that. Dahil hindi na ako pwede ngayong magpadalos-dalos.

Speaking of padalos-dalos...

I almost forgot that I already gave myself to him at the....

I closed my eyes tightly. Hindi na dapat ulit mangyari pa 'yon. Hindi na dapat pa. Hanggat hindi ko pa nakaklaro kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya.

***

"Saan ba kasi tayo pupunta?" nakanguso kong ani bago isinuot ang seatbelt.

"Heaven. You like that?" siniringan ko ng tingin ang lalaki bago kinurot ang hita nito na ikinatawa lang niya. Bastos. Flirt. Playboy.

"Seryoso ako, Chaos. Huwag mo akong lolokohin kundi, talagang mag-iisa ka sa pupuntahan mo ngayon," Sinamaan ko ito ng tingin dahilan para mapanguso ang huli. I almost look away when I saw how adorable he looked with just his pout. Damn it!

"Ey, baby... Don't be like that. It's a surprise." hinawakan nito ang hita ko at marahang pinisil bago pinaandar ang kotse. Hindi nalang ulit ako nagsalita at isinandal nalang ang ulo sa nakasaradong bintana ng kotse. Lumipad na naman ang isip ko habang nasa biyahe. Tahimik lang kaming dalawa at tanging ang tunog lang ng umaandar na sasakyan ang nag-iingay sa pagitan namin.

I don't know where would my decision will take me. Basta isa lang talaga ang alam ko ngayon... Gustong gusto ko ang pakiramdam na kasama ko siya. Si Chaos. Magkaiba sila ni Ansel. Magkaibang magkaiba ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko ang asawa ko at ang lalaking gumugulo ngayon sa buong sistema ko. But that difference is something that I can't pinpoint and name right now. I don't know. But I will go with the flow.

It was a one and a half hour drive. Akala ko nga ay tuluyan na akong naugat sa inuupuan ko, but it was all worth it when I saw the surroundings. The place where Chaos took me.

Naglakad pa kami ng ilang minuto lang naman bago namin marating ang isang talon. Halos mapanganga ako sa ganda ng paligid. I am not really into nature, pero ngayon ko lang naa-appreciate kung gaano pala talaga kaganda ang kapaligirang halos lahat ng kulay ay may makikita kang berde. The plants and trees are so healthy. They were all green. Lalong lalo na ang mga puno na mas mataas pa yata kaysa sa kompanya ng pamilya namin sa Manila. May ibat ibang bulaklak na hindi ako masyadong pamilyar, but they are all pleasant in the eyes. And even the sound of the waterfalls is just as relaxing as the place.

"It's so... nice in here." I don't exactly know what word could fit to describe in this place. Magical and beautiful.

"You like it, baby?" Tanong nito sabay hawak sa aking kamay dahilan para mapatingin ako dito. Ngumiti ako at tumango bago ibinalik ang tingin sa talon, partikular na kung paano bumabagsak ang tubig nito sa ibaba.

"This is called Heaven of Greens. I gave you a hint, but you thought about something naughty instead." natatawang saad nito dahilan para kurutin ko ang braso niya. Well, he answered it sensually, of course, I would think something... dirty if he's talking dirty too, tch.

Ilang minuto kaming dalawang nakatitig lang sa tanawin. Nakahawak ito sa aking kamay ng mahigpit na para bang ako mang oras ay may kukuha sa akin mula sa kaniya.

Napailing ako.

I never thought that he could be this territorial over me. This man...

Maya maya ay naramdaman ko ang pagbitaw nito sa aking kamay kasabay ng paghubad niya sa kaniyang pang-itaas. Nagulat ako ng bahagya doon at hindi inaasahang dumapo ang tingin ko sa kaniyang katawan. Mas lalo akong hindi ako makapaniwala na natikman ko na pala ang taong nagmamay-ari ng katawang 'yan.

"Take a picture, baby."

Kaagad na tumaas ang tingin ko sa mukha nito. Napakunot ang noo ko nang makita ang ngisi sa labi ng lalaki. Yabang! Oo na! Siya na may magandang katawan, pero asa siyang sasabihin ko 'yon sa kaniya.

"Tigilan mo ko, Chaos!" singhal ko dito, kunyari ay naiinis pero gusto lang naman magpa-lambing.

"I'm serious, baby. Here. I brought a camera." Nang tingnan ko ang kamay nito ay bitbit nga nito ang isang DSLR camera. Inirapan ko muna ito bago kinuha sa kamay niya. I almost choked out when I saw the brand. It's the most expensive one, and this is updated too. Wow. This man...

Mayaman naman kami pero hindi ko alam kung bakit nagugulat pa rin ako sa mga presyo ng mga bagay na ito. Ilang sako ng bigas na kaya ang pwede nitong mabili?

"You thought of something naughty again, no?"

"Hindi." Nakangiwi kong sagot dito. Tumawa naman ito bago yumakap sa aking likuran. Hindi ko maiwasang mapalunok at mapanguso. Bigla nalang akong nakaramdam ng kung anong bagay na para bang kumikiliti sa aking tiyan. Damn it... And my heart won't even calm down for a second, and I am so scared that he'll hear how it beats crazily everytime that he touches me this way.

"We'll take a picture of you and me, baby. Let's make a memory. A beautiful memory together with the paradise that surrounds us..." He whispered in my ears as he gently put a flowery kisses on my cheeks down to the side of my neck.