Chapter 20: Unknown number
"Cerix is really fond of you..." Napatingin ako kay Chaos nang bigla nitong hawakan ang aking kamay. Magkatabi kami ngayon sa van, at pauwi na sa Hotel Cabin. Well, ako lang pala ang uuwi doon dahil may sarili naman silang mansyon dito.
"My son doesn't like to be with girls. He's aloof."
"At masungit din." Dagdag ko pa. Bahagya itong napangisi dahil doon.
"Well, yes. I guess he inherited that kind of attitude from me. That's why I was shocked. More than shock to know that the first time you both met, he already calls you his Mom. I mean, he never did that to anyone else. He never wanted to be touched by women. He even avoids them. So, you can really imagine my shock when I saw him sitting on your lap." natawa ito ng bahagya na para bang inaalala ang araw na 'yon. Naging masungit naman talaga sa akin ang bata. Akala ko nga ay magiging ganun na palagi ang pakikitungo nito, pero mukhang napalambot ko ito dahil sa pagkain.
"Is this okay with you, baby?" napalunok ako sa itinanong ni Chaos. Kahit hindi niya diretsuhin, alam ko kung anong ibig niyang sabihin sa itinanong niya. Am I okay with this? Seriously speaking...
"I don't know..." I whispered. Hindi ko naman talaga alam kung anong dapat kong maramdaman sa sitwasyon na 'to. I am confused. May nangyari na sa amin, alam ko, pero hindi naman siguro ibig sabihin nun ay ganun ko nalang kadaling bitawan ang asawa ko dahil lang sa may nagawa ako. At alam kong hindi rin sapat na dahilan ang pag-gawa ko ng kataksilan sa asawa ko dahil lang sa... dahil lang sa nauna itong magtaksil sa akin. H-hindi. We were supposed to... fix our marriage. Hindi dapat ganito e. Hindi dapat ako umalis. Dapat nagtiis pa ako.
Pero...
Mariin akong napapikit habang inaalala ang mga ngiting ibinibigay sa akin ni Cerix.
Kung hindi ako nagpunta dito, hindi ko rin makikilala si Cerix. Hindi ko mararamdaman ang pakiramdam na maging isang ina. I can never feel being a mother and what is it like to be one. Hindi ko makikilala si Chaos. Ang Kaguluhan na tuluyan na talagang nagpagulo sa puso at isip ko.
I know that I shouldn't be feeling this. I shouldn't be. May asawa ako at alam kong mahal ko siya, pero sa buong pagsasama namin ni Ansel. Ngayon lang ako naguluhan ng ganito. Ngayon lang ako nagkaroon ng dahilan para... para i-annul ang kasal namin ni Ansel.
Naguguluhan ako e. Sobra. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa totoo lang.
"It's okay... I'm not forcing nor pressuring you, baby. Just take your time. I'll be here." nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko siya paghihintayin sa sagot ko? Sagot na hindi ko alam kung kaya ko bang sagutan at panagutan.
***
"That's a good news, girl!" Napakunot ang noo ko sa sinagot ni Tammy. Sinabi ko sa kaniya lahat ng nangyari, minus what happened at the Summit of course. That is something that should be kept in silence. Sinabi ko kay Tammy lahat ng nararamdaman ko. I told her that I am so confused and I don't even know what to do anymore, but she only told me it was a good news. What kind of answer is that? I was hoping for a dramatic advice or something.
"Seryoso ako..." nakanguso kong saad bago naupo sa gilid ng kama. Kanina pa ako nakatayo at pabalik-balik ang lakad dito, nangalay tuloy.
"Seryoso din naman ako." Sagot nito. Maya maya ay narinig ko na ang buntong-hininga nito. "I mean, girl, it's such a good news for me na nakakaramdam ka na ng confusion at pagdadalawang isip. And you are even considering on annulling Ansel na. That's such a music to my ears. Ibig lang sabihin nun, may nararamdaman ka na kay Cain Verlice. Your sexy man," impit pa itong napasigaw nang banggitin nito ang pangalan ng lalaking gumugulo sa buong katauhan ko.
"Hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko kay Chaos, Tammy. Paano kung, pagnanasa lang 'to? Paano kung... naa-attract lang ako sa kaniya? Infatuation? What if I just need... sex?" medyo nagdalawang isip pa ako na sabihin ang huling salita.
"Sex? E diba... Nakarami ka na?"
I gasped. "Tamia!"
"Ay sorry!" she faked a cough from the other line. "Hindi pa ba?"
Napanguso ako. N-nakarami na, oo. Nakadalawa pa nga kanina pagkatapos naming mag-lunch sa mansyon nito. Piste! Pero hindi ko 'yon sasabihin!
"Sayang naman. Pero seryoso, kung ako sayo Shin. Just worry about it later. Nandiyan ka para mag-unwind, at hindi para madagdagan lang ang stress mo. And speaking of stress, Ansel proposed to Stephanie Grant, by the way."
Natulala ako at tuluyan nang naibaba ang tawag dahil sa sinabi ni Tammy. H-he proposed? W-what the fuck?! Napatingin ako sa singsing ko na suot suot ko pa pala hanggang ngayon. Hindi na ako nagdalawang isip pang hubarin at itapon ito sa kung saan.
Napasigaw ako sa sakit. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin sa labas. Ilalabas ko 'tong sama ng loob ko.
Hindi. Mahal ko pa rin si Ansel! Mahal ko siya! Mag-asawa pa rin kami kaya bakit niya 'to nagawa sa akin?!
Patuloy sa pagbagsak ang luha ko habang nakahawak ako sa aking buhok. M-masaya ako kanina e. Everything is alright. And suddenly a bombed of reality was thrown to me. Handang handa si Ansel na magpakasal sa iba, habang ito ako, nagdadalawang isip pa rin kung dapat ko ba siyang hiwalayan o hindi. Nagdadalawang isip ako at nalilito dahil mahal ko siya e!
What does he really think of me? Itinuring man lang niya ba akong asawa sa mga taon na magkasama kami? O talagang ginawa niya lang akong... parausan? Taga-intindi sa mga kalokohan niya? Ano 'yon? Lagi niya akong kinokonsulta noon tungkol sa mga babaeng dinadala niya sa bahay. So, nagmukha lang pala akong abogado sa buong pagsasama namin?
Pinalis ko ang luha sa aking pisngi.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. It was a text from an unknown number.
'Baby? I'll fetch you tomorrow at 8:00 in the morning.'
I don't know what's in the text that made my lips stretched into a smile. Yes. As east as that. My mood changes because of his text.