Chapter 9: I guess?

SINJI'S POV:

--

DINAGSA nang tao ang L. A University para makiisa sa engrandeng selebrasyon nang school festival. Syempre kailangan ring mag-enjoy nang estudyante kahit sa maikling panahon lang. Sabihin na nating importante ang pag-aaral pero huwag naman sana nating kalimutan ang mag-enjoy diba?

"So, what was my fortune?"

Matiim akong nakapikit habang nakataas ang dalawa kong kamay sa ibabaw nang isang bolang crystal na hinukay ko pa mula sa sementeryo noong magkaroon kami ng misyon na hanapin ang isang bangkay nang taong pinaghihinalaang sugo ni Kamatayan dahil umano'y sumusundo ito sa mga taong pumaslang sa kaniya which is hindi naman kapanipaniwala. At dahil nga sa pagiging taklesa ko ay naghukay ako sa ibang lugar na malapit sa sementeryo at nahukay ko nga ang bolang crystal na nasa harapan ko.

Ayon sa pagsusuri ng HuPoFEL, ang bolang crystal na nahukay ko ay mula pa sa sinaunang panahon. Isa itong itim na bola na nagbibigay liwanag sa tuwing sinasabi ko ang isang mahiwagang kataga. Nagkakahalaga ng milyong pisong dolyar ang bagay na nahukay ko at antigo pa raw ito ayon sa mga expert na nasa HuPoFEL. Mahilig sa antigo ang kapatid ko kaya alam nila agad kung totoo o peke ba ang mga bagay na dinadala ko sa HuPoFEL.

"Huwag kang atat hija, sa sobrang itim ng budhi mo hindi ko makita ang kapalaran mo,"

"What?"

Gusto kong humagalpak nang tawa pero pinipigilan ko lang. Pangatlo ang customer ko sa isa sa mga nambully sa akin at ito na ang oras para maningil nang mga ginawa nila sa akin.

"Aking hiling, sana'y tuparin. Bolang crystal na sumasalamin, kapalaran ay ipakita sa akin. Aking katanungan, sana ay iyong sagutin,"

Nagliwanag ang bolang crystal sa harapan namin at tinignan ko si Gwen sa kanyang mga mata.

"The magic crystal says, you will having a baby, you are bearing your child for 3 months now and you are planning to abort it because you don't want your parents knows it,"

Nakita ko ang pagbago ng timpla nang mukha ni Gwen at napahawak ito sa kanyang tyan.

"H... how did you?"

Napakunot ang noo ko sa reaksyon ng mukha ni Gwen na halos wala nang kulay dahil sa pamumutla nito. Hindi naman talaga ako sigurado sa mga pinagsasabi ko pero ang sarap kasing pagtripan ng babaeng ito kaya tinuloy ko na.

"According to your faith in the future, your family will suffer because of your stupidity. The child you are bearing will be the key for the peace you wanted inside your family."

Nagulat ako nang biglang humikbi si Gwen sa harapan ko at doon siya umatungal ng iyak.

"At first, I don't want to believe you because it is part of the festival but damn you hit the jackpot. Yes, Sinji I am pregnant and the father of my child is the eldest son of our enemy - which is the Salvador family. I don't know what to do anymore,"

Laglag ang panga ko sa hayagang pag-amin ni Gwen sa harapan ko. Kami lang naman dalawa ang nandito sa booth kaya okay lang kung umiyak siya sa harapan ko na parang bata. Hindi ko alam na bullseye pala 'yon? Ang galing mo talangang tyumamba, Sinji! Ibinaba ko ang kamay ko mula sa pagkakatutok noon sa bola at pinakatitigan si Gwen. Noong una maldita talaga ang babaeng ito sa akin at hindi ko siya pinapatulan pero hindi ko alam na may mabigat pala siyang pinagdaraanan. Peke naman ang panghuhula ko pero bakit natumbok ko ata siya?

Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan bago ako nagsalita. "Huwag mo nang ituloy ang balak mo na ipalaglag ang bata. Ginawa niyo yan, ginusto niyo yan kaya bakit mo ibabaling sa bata ang isang kasalanan na wala naman siyang alam? Alam mo ikaw, hindi ka lang maldita isa ka ring tanga! Ilagay mo ito sa kukote mo Gwen, mayaman ka diba? Mayaman din ang boyfriend mo, bakit hindi mo sabihin sa boyfriend mo na magkakaroon kayo ng anak?"

"I can't tell him, tago lang ang relasyon naming dalawa dahil nga sa away na meron sa loob ng pamilya namin. My parents wanted me to marry one of the youngest business tycoon, sa pagkakaalam ko ay Thunder Clyborne ang pangalan niya but I never met him."

Parang gusto kong himatayin ng marinig ko ang pangalan ni Thud. Diyos ko, college student pa lang kaya si Thud tulad namin pero hindi naman yon imposible dahil sa lawak ng koneksyon na meron ang HuPoFEL at number one priority nila ay magkaroon ng business bawat myembro para kapag nalugi ang HuPoFEL ay may pagkukunan pa rin kami para suportahan ang organisasyon. Umubo ako bigla sa harapan ni Gwen na parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam na uso pa ang fix marriage ngayong panahon, business world nga naman.

"Doon ka na lang sa Ama ng anak mo kaysa sa gusto ng magulang mo, sa tingin ko wala kang aasahan sa Thunder Clyborne na 'yan." Pasimple kong pinagsalikop ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa at tahimik na nanalangin.

'Lord hindi ko naman sinisiraan si Thud sa kanya kaso wala kasi siyang future kay Thud kung siya ang makakatuluyan ni Gwen.'

"Maybe you're right. I do love my boyfriend and I don't want to abort my child because this is the best gift from above so I need to treasure him or her and he or she deserves to see the world we lived in,"

Napangiti ako sa sinabi ni Gwen. "In fairness naman sayo may utak ka ring taglay, akin na 'yong bayad mo bago ka lumayas sa harapan ko! Na-drain ang utak ko sayo, hindi ko naman alam na buntis ka nga."

Ngumiwi si Gwen sa inasal ko pero anong magagawa niya? Lahat nang nalikom kong pera dito ay ipapadala sa charity ng HuPoFEL.

"Whatever, anyway thanks for your advice."

Kinuha ni Gwen ang kanyang wallet at humugot ng limang libo doon bago inilapag sa mesa at umalis sa harapan ko.

"Next," agad kong inabot ang pera na iniwan ni Gwen at isinilid 'yon sa mahiwagang pitaka na naglalaman ng iba pang donasyon mula sa mga nauna kong customer. Minsan swapang ako sa mga gantong bagay lalo na kung makakatulong naman ako sa mga taong nangangailangan. Susi ko na 'yon papuntang langit.

"Good afternoon, Miss Fortune Teller. Can you tell me what my fortune is for this year?"

Napairap ako sa kawalan ng tumambad ang bulto ni Thud sa harapan ko. Akalain mo nga namang lilitaw ang lalaking ito gayong sinisiraan ko pa lang siya kay Gwen kanina. Isinilid ko ang mahiwaga kong wallet sa ilalim ng mesa, mahirap na at baka utangin ng gunggong na ito.

"Ano ba ang gusto mong malaman bukod sa wala ka namang mapapala dahil peke naman ang panghuhula ko?"

Umupo si Thud sa bakanteng upuan sa harapan ko. Ni hindi man lang hinintay na paupuin ko siya.

"I just want to know if there will be a chance that you and I will be together."

Napabuga ako nang hangin dahil sa angas ng pagkakatanong ni Thud. Ilang beses ko ng ipinagduldulan sa kanila na engage na nga ako kay Senri at wala ng makakapigil don dahil kami ang pabebe girl - di joke lang.

"Blurd,"

"Ha?"

"Blurd kako! Blurd, malabo, negative, ekis, as in NEVER!"

"Ang sakit naman no'n,"

Napahilot ako sa sintido ko at hinarap ng tuluyan si Thud na ngayon ay nakanguso na sa harapan ko na parang tanga. Gagayahin pa ang puppy eyes, eh mukha naman siyang isdang bungol kaso cute nga pala ang mga isda kaya isa na lang siyang pating tutal sumasalakay naman agad siya lalo na kapag babae ang usapan.

"Ano ngang kailangan mo?" Mauubusan na talaga ako ng pasensya sa lalaking ito!

"Pinapasundo ka ni Boss,"

"Ni Kuya?"

"Ay hindi, si Lucifer pinapasundo ka. Si Lucifer ang Boss ko,"

Nakatanggap ng batok si Thud mula sa akin dahil sa pamimilosopo niya pero ang damuho tumawa lang.

"Tangina mo! Sino nga?"

"Yong kapatid mo malamang! Alangang pinapatawag ka ng Presidente? Especial ka ba?"

"Bwisit ka!"

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at naunang lumabas mula sa pinagdarausan ko ng fortune teller without minding my looks. Nakasuot lang naman ako ng itim na damit na halos balutin ang buong katawan ko dahil bukod sa bandana sa mukha ko ay may nakatakip pang tela sa bibig at ilong ko napapalibutan ng maliliit na bids. Literal na isang manghuhula na makikita sa sosyal na lugar at hindi lang sa bangketa. Bumulaga sa akin ang sangkatutak na customer sa Maid Café namin kaya nagpaalam ako sa class representative namin na aalis muna pangsamantagal, hindi ko kasi alam kung hanggang anong oras ako sa opisina ni Kuya kaya pansamantagal akong mawawala.

"Saan ka pupunta? Marami tayong customer Sinji at mahaba ang pila ng mga magpapahula sayo," napalingon ako sa may pintuan kung saan naroon si Ernaline na naglilista ng mga taong gustong magpahula sa akin.

"May kakausapin lang ako, bawal na ba akong magpahinga? Madami na rin naman akong nahulaan kanina hanapan mo ako ng kapalit! Pagod na rin ang brain cells ko, samantalang ikaw panay ang pa-cute sa mga lalaking customer? Hustisya naman, girl!"

"Wala na tayong ibang bakanteng kaklase, Sin,"

Bumusangot ang mukha ko dahil sa sinabi ni Kirsten. Parang gusto ko siyang sabunutan! May galit ata sa akin ang babaeng ito?

"Hey, Miss. Mind if I take her out? You know, the owner of this school told me to pick her up and bring her in his office."

Natulala si Kirsten ng magsalita si Thud mula sa likuran ko na siyang ipinagtaka ko dahil parang tanga ang class representative namin.

"S... sure, you can take her out. A.. ano, ako na lang ang papalit sa kanya pansamantala."

"Great, I guess that's a deal. What's your name again?"

"Kirsten,"

Nagkipag-kamay pa si Thud kay Kirsten at nakuha ko agad ang nais ng lalaki; talk about being a jerk? Napahilot na lang ako sa sintido ko habang nagpapalitan ng numero si Thud at Kirsten pero si Thud lang ang kumuha nang numero ng dalaga.

"I'll call you later, Kirsten to know you better. We're going first."

Wala na akong nagawa nang hinila ni Thud ang kamay ko habang papalabas kami ng classroom. Nakita pa ako ni Ernaline na balak saka akong kausapin kaso tuluyan na akong kiladkad ni Thud patungo sa lugar kung saan naghihintay si Kuya sa akin. I guess there will be big surprises awaits me from My Oh so loving brother na kakauwi pa lang mula sa France. Isang Senri Daeyl Kuruzaki lang na pasalubong, okay na ako don!

LAST DAY na ng school festival at sa loob ng one week ay isang beses ko lamang nakasama si Senri. Busangot ang mukha ko sa isang tabi habang pinapanuod ang mga taong inutusan ni Rent na mag-ayos ng entablado para sa gaganaping Battle of the Band.

"You look like shit on that face you made," napahiyaw ako ng pitikin ni Rent ang noo ko. Kanina pa kasi nagkandahaba-haba ang nguso ko dahil sa inis.

"Ano bang paki mo kung maging pato na lang ako dito sa isang tabi? Ganyan naman kayong mga lalaki diba? Manhid pagdating sa taong alam niyong naghihintay sa inyo!"

"Why are you mad at me? For your information, I am not that kind of person you are thinking, don't lump me in on your situation if Senri dump you."

Hinawakan ko ang kwelyo nang polo shirt ni Rent at hinarap siya sa akin.

"Senri didn't dump me, asshole. Tigilan mo nga ako at baka lalong uminit ang ulo ko!" Binitawan ko ang kwelyo ni Rent at humalukipkip muli sa isang tabi.

Isang beses lang kaming nagkasama ni Senri, noong marathon lang at hindi na naulit. Magkaiba kasi kami nang course at classmates kaya ayan naghuhurumintado ang puso ko nang makita ko siya kanina na pinalilibutan ng mga babae! Wala naman akong magawa para pigilan sila dahil isang hamak na taga hanga lang sila ni Senri habang ako, fiancé niya, o diba? Mas angat pa rin ang posisyon ko kaysa sa fan girls ni Senri Daeyl Kuruzaki. Bakit kasi biniyayaan siya nang sobrang kagwapuhan? 'Yan tuloy pinagpapanstasyahan siya ng mga babae, kung pwede naman na si Thud, Rent o Gun na lang ang magustuhan nila? Bakit ang Senri ko pa? Umupo ako sa isang sulok at doon nagmukmok habang si Rent ay nasa tabi ko pa rin.

"Quit sulking like an idiot, Sinji. That won't change the fact that Kuruzaki is popular."

"Shut up! Hindi mo alam ang pakiramdam nang isang api!"

"What?"

"Ako 'yong inaagawan dito, Rent. Intindihin mo naman ang sitwasyon ko! Nasasaktan ako dito!" Pagdadrama ko sa harapan ni Rent.

Hindi naman talaga ako nasasaktan sa mga nasaksihan ko kanina kasi normal lang naman 'yon lalo na at sikat talaga si Senri dito sa school. Feeling ko nga papasukin niya ang pagiging celebrity in the future kasi ngiti niya pa lang, tanggap agad siya ng talent management.

Okay, Sinji; lumalawak na naman ang iyong imahinasyon.

Napahilot si Rent sa kanyang sintido habang nakadungaw sa akin. Nakakangalay kayang tumayo, kaya umupo na lang ako sa sahig at doon mag tantrums sa kaartehan ko.

"Woman, I don't understand you at all. Stand up from there, as if you are not a lady."

"No!" Inaasar ko pa si Rent namg dumating bigla ang isa sa mga taong nirerespeto sa loob nang HuPoFEL.

Natahimik bigla ang buong gym nang pumasok ang isang lalaki na naglalakad nang tahimik habang ang mga kamay nito ay nasa kanyang bulsa - he's wearing a plain gray polo, black slacks and combat shoes na wari mo'y aatake sa isang gyera ano mang oras. Hanggang sa makalapit siya sa lugar kung saan kami nag-uusap ni Rent - agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko.

"Hi, Kuya." Bati ko sa kapatid kong pinaglihi sa bato. Nagtataka talaga ako kung paano ko siya naging kapatid? Siguro mana siya sa Tatay namin na kahit minsan ay hindi ko pa nakikilala.

"I'm going home now." Kuya Luther patted my head as if I was a little child. "Rent you'll be in charge for all of this, okay? Sent me the reports on my office. I need to go somewhere,"

Napahawak ako sa laylayan nang damit ni Kuya kaya napalingon siya sa akin.

"Saan ka pupunta? Magja-judge ka mamaya diba?"

"I can't, Princess. This thing is important and my presence need there."

"Saan ka pupunta?"

"Japan."

"Ha?"

"Is there something wrong?" Sabay kaming napalingon ni Kuya Luther sa gawi ni Rent nang magtanong siya kung may nangyayari bang masama. Kahit ako ay nagtataka kung bakit laging umaalis ng bansa si Kuya.

"No. There's nothing happened," I saw my brother's eyes change it emotions. From the cold one turned to pain and sorrow. I know he is hiding something he doesn't want to share with us.

I can feel his sadness right at this moment. 'May nangyari ba na hindi ko alam?'

Kuya Luther let go of my hand, holding the tip of his shirt as he turned his back on us. Kasama niya si Gun at isang taong hindi ko kilala. Hanggang sa makalabas si Kuya nang gymnasium, naiiwan kami ni Rent na may pagtatanong sa isip.

"Do you think there's something happened?"

"Sa tingin mo may nangyari kaya?"

Natawa ako nang sabay kaming magtanong sa isa't-isa.

"Langya, bakit ba tayo nagtatanongan dito gayong hindi naman sa atin sinasabi ni Kuya kung ano ang nangyayari?"

"I think there's something happened. Its the first time I saw him in pain," Rent's confused face exposed to me as he looked at other students who's working for us for this event as he instructed them they needed to do.

I crossed my arms on top of my chest as I looked at where Rent was facing. "Hindi tayo manghuhula Rent. I know my brother will handle his situation if he is facing some random events he doesn't want us to get involve."

Rent just shrugged his shoulder as he left me there with my mind full of questions because of my brother's actions. Oh well, maghahanda na lang ako para sa Battle of the band. Ako na lang ang papalit kay Kuya bilang judge tutal isa naman ako sa mga may-ari nitong school.

Umalis na ako mula sa gymnasium at nagtungo sa opisina ni Kuya para doon mamahinga muna. After the Battle of the Bands, we will, have a victory party for this successful festival we made. Minsan lang kaming magsaya kaya lubos-lubusin na habang meron dahil next week ay exam na. Napuno nang sigawan ang loob ng gymnasium na tila isang concert ang gaganapin sa loob noon.

"Alright once again, good evening ladies and gentlemen, welcome to our much awaited Battle of the bands as the main high light of this festival. Each and every one of you didn't know who's the participants right?"

"Yeah,"

"Reveal them already,"

"Oh my God, I can't wait."

Parang gusto kong magsuot nang hearing aid dahil sa ingay ng mga tao dito lalo na ang mga babae. Marami rin kasing outsider ang dumalo. Okay lang naman dahil open naman for public ang school festival namin.

"Masanay ka na, Sin. Kulang pa nga 'yang naririnig mo sa paligid." Bulong sa akin nang taong hindi ko inaasahan.

"What the hell are you doing here, Gun?"

"I am a judge too,"

Nairap na lang ako sa kawalan bago hinarap ang entablado kung saan naroon ang emcee na kanina pa talak ng talak.

"Without further ado, let's start to heat this night for our mystery performers. First of all, I would like to introduce our judges for this night."

"This young man is one of the successful business man in the country, he is known for his intelligence to run a huge company you can't imagine. As I've heard, he was also part of this University as the owner. None other than Mr. Rent Drake Martin." Tumutok ang spotlight kay Rent na hindi man lang nag-atubiling tumayo para iharap ang sarili niya sa madlang people.

Hindi na ako magtataka sa ugali niyang isa ring tamad. Sunod na pinakilala ay isang matandang business man na isa rin sa mga investors nitong school hanggang sa umabot kay Gun ang pagpapakilala. Bali pito kaming judges na nandito.

"He is known as a medicine student here in L. A University and one year na lang gagraduate na siya. He is part of this University too as an investor and he is none other than Glyden Ulysses Norhton Throndsen,"

"Last but not the list, a beautiful woman who step her foot on the ground as a goddess. She's is also part of this school as the owner. According to my source, she's a long lost relative of our mysterious owner which is Aqueros Bloodfist and she's none other than Miss Sinji Natividad,"

Nagulat ako nang sa akin tumutok ang spotlight at biglang tumahimik ang buong gym. I already told them that I didn't want to introduce myself as my brother's relative, but they were over doing it. Nang umalis sa akin ang spotlight, tinignan ko nang masama ang Emcee dahil sa pagiging madaldal niya.

'Lagot ka sa akin mamaya, Eduard. Ibibitin kita ng patiwarik!'

The program has started as the night goes on.

"That was awesome performance, thank you for that headache performance," nagtawanan ang mga audience sa sinabi ni Eduard dahil nakakabasag din naman talaga nang tenga ang pangatlong contestant.

Bali anim ang sumali at susunod na ang pang-apat. Nababagot na ako pero kailangan kong panindigan ang pwesto ko.

"And for our next performer, they are one of the famous person here inside the University," nagsigawan ang mga manunuod dahil sa pang-aasar ni Eduard. Ang galing ding mambitin nang baklang ito!

"They are composed of three person but I saw them importing other students who are not part of this school, but the school allow it because they are also good looking. I won't take long, please welcome BLACKHAND band,"

Lumiwanag ang buong entablado at tumambad roon si Dezrail holding a guitar, Thud holding a drum stick, and Senri holding a bass guitar. Natulala ako nang makita ang itsura ni Senri. Bagay sa kanya ang suot niyang itim na long sleeve at black slack at sneakers. Nang makita ako ni Senri, he smiled at me and winked at me as the result, my heart melted.

"Ang landi talaga ni Kuruzaki-"

Nakatanggap nang suntok si Gun mula sa akin. Mula sa pagkabagot ay biglang nabuhayan ang ugat ko nang makita si Senri sa gitna nang entablado. Parang nakikita ko ang sarili ko na nasa crowd, may hawak na lightstick na may pangalang Blackhand at nakikisigaw sa fans.

"Manahimik ka, Gun,"

Nagsimulang kumanta si Dezrail at halos gusto kong makipagsabayan sa tilian ng mga manunuod dahil sa ganda nang boses ni Dezrail.

--