Chapter 8: School Festival

SINJI'S POV:

--

"KANINA ka pa nakangiti dyan, para kang tanga."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ernaline. Ano ngayon kung mukha akong tanga kakangiti dito kung masaya talaga ako? It's been three days since Senri proposed to me, and it's been three days since he's not here, because my brother drags him to France for some important matters that my brother needs to attend to. Perks of being my brother's deputy man? Malamang lagi talaga siyang kasama ni Kuya sa pagbi-business ventures nito sa ibang bansa. Feeling ko lumulutang pa rin ako sa sobrang saya kasi finally I have the right to say that Senri is mine.

"Hoy, ano ba?"

Tinampal ni Ernaline ang braso ko dahilan para magising ako sa kasalukuyan.

"Bakit ka ba nananakit?"

"Kanina pa kita kinakausap para kang tanga dyan. Ang sabi mo sa akin ikaw ang magma-manage nang festival pero wala ka namang ginagawang plano."

Umayos ako ng upo at hinarap si Ernaline. Nandito kasi kami ngayon sa Greenhouse at sinabi ko na rin kay Ernaline na inutusan ako nang may-ari nitong school na ako ang gagawa nang mga bagay na magpapa-saya sa mga estudyante pero wala pa akong nasisimulan kaya galit na sa akin si Ernaline. Ernaline Ashleigh Montenegro didn't know that the owner of this prestigious school is my older brother. Ang saya kaya maging misterious person lalo na kung kasama ka sa high society?

"Ano bang alam ko sa pagmama-manage nang festival?"

"Ewan ko din? Di ko rin naman alam ang mga nangyari last year dahil hindi naman ako pumunta."

I frowned at Ernaline as I glared at her. "Wala kang kwenta!"

"Wow? Bakit ikaw may kwenta ka? Ikaw na nga itong dumisturbo sa pagsusulat ko nang kanta tapos sasabihan mo pa akong walang kwenta? Dyan ka na nga!"

Kumaripas nang takbo si Ernaline palabas nang Greenhouse sa hindi ko malamang dahilan. Binibiro ko lang naman siya eh. Mamaya ko na lang siya susuyuin o kaya paligawan ko na lang siya kay Dezrail. Masyado na siyang obsess sa pagsusulat nang kanta na lagi lang namang nakatengga sa notebook niyang kasing kapal nang encyclopedia! Napakamot na lang ako sa ulo ko saka ko hinarap ang planner na nakapatong sa hita ko. Kung i-google ko na lang kaya ang mga dapat gawin saka ko ibigay sa student council?

Masyado na kasing common ang haunted house, pwede naman akong mag-organize nang battle of the band or pwede rin akong magpalaro? Hinayaan ko ang sarili ko na mag-isip nang plano tungkol gaganaping festival next week. Kung bakit ba naman kasi sa akin pa ibinigay ni Kuya kung pwede namang kay Rent na lang? Nanglaki ang mga mata ko nang maalala ko si Rent kaya dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa carpet bago ko nilisan ang green house para puntahan si Rent. Bakit nga ba hindi ko naisip agad ang isang Rent Drake Martin na isa sa mga loyal na tauhan ni Kuya Luther? Malamang marami siyang alam tungkol sa school festival. Pagkarating ko sa harap nang opisina nang kapatid ko ay agad akong pumasok. Nadatnan ko si Dezrail at Thunder na naglalaro nang chess kaya lumapit ako sa kanila.

"Nakita niyo si Rent?"

"Hindi po," magalang na sagot sa akin ni Dezrail and it gives me goosebump when he said po on me. I am not old enough to respect that much.

"He's on the other side of that door," tinuro ni Thud ang isang pinto kung saan naroon ang main office ni Kuya.

"Ah. Sige salamat."

Iniwan ko na ang dalawa na mukhang seryoso sa paglalaro. In just a split of time na ilipat ang credentials ni Thunder dito sa L. A University, hindi ko alam na sa Heurtfiglia Academy siya pumapasok, kaya pala iba yong uniform niya nang una ko siyang Makita. Pagpasok ko sa itinurong pinto ni Thud, nakita ko si Rent na abala sa kanyang laptop habang si Gun naman ay nakahiga lang sa sofa at mukhang natutulog. Lumapit ako sa kanila bago ako pasalampak na naupo sa ibabaw nang dibdib ni Gun na ikinagulat nang lalaki.

"What the fu- Sinji? Get off me!" Reklamo ni Gun matapos kong maupo sa malapad niyang dibdib. Kasalanan niyang mahiga sa sofa gayong favorite spot ko din ito kaya ang ending siya na lang ang ginawa kong upuan.

"Hi, Kuya Rent?"

Rent raised his head on me a little bit, but he didn't greet me back.

"Drop the Kuya thing, Sinji it gives me goose bump."

"Mas matanda ka sa akin,"

"Glyden Ulysses Norhton is the only person I know who is old enough to call big brother or grandpa?"

"Fuck you, Rent. And please Sinji get off me before I lost in air,"

Hindi ako kumilos nang tumayo si Gun mula sa pagkakahiga niya kaya ang ending mukha akong nakakandong sa kanya. Call it a childish act but they are all gentle regarding me and lahat sila nakararanas nang paglalambing ko lalo na at nag-iisa akong kapatid na babae nang kanilang Boss at ang nag-iisa nilang Prinsesa sa loob nang HuPoFEL. HuPoFEL is still growing and we have lots of new members; that's why Gun is too busy handling those newbies to train under his care. Ang paglalambing ko sa kanila ay may halong pangungurakot kahit na busog sa laman ang bank accounts ko na si Rent mismo ang gumawa para sa akin. Gun lifted me off him as he put me on his side to sit properly like a royal Princess pero dahil sa dakila akong pasaway, itinaas ko ang paa ko at nag indian sit sa sofa without minding if my skirt would lift up and show my cycling short.

"Umayos ka ngang bata ka! Parang hindi ka babae kung kumilos dyan sa ginagawa mo?"

"Manahimik ka na lang Kuya Gun,"

"What the--"

Bumelat ako kay Gun saka ko hinarap si Rent na abala pa rin sa pagtipa nang keyboard sa kanyang laptop.

"Can I ask you a favor, Rent?" Bago ko pa man masabi ang dapat kung sabihin kay Rent, lumagapak ang kamay niya sa laptop bago nito pinihit paharap sa akin ang laptop.

"This is the schedule for the whole week event of the school festival. This are the activities that everyone loves to do,"

Kinuha ko ang laptop at inilagay 'yon sa ibabaw nang hita ko at binasa ang laman no'n. Sa first day ay magkakaroon nang flag raise, marathon at cosplay with a twist. Second at third day ay booth day, fourth and fifth day ay battle of the bands, at L. A Night.

"Pwede ba akong magdagdag dito nang game?"

"Sure,"

Ngumisi ako sa harap nang laptop nang may maisip akong kalokohan. Sinimulan kong magtipa sa keyboard nang naisip kong laro bago ko ibinigay kay Rent ang laptop niya. I saw how Rent's facial features changed into an amusement look. He raised his gaze at me as he looked confused by what I wrote on his schedule.

"What's this squid game and what's with the prize?"

"Magtiwala ka lang sa akin, Rent. Squid game is a popular game in Korea. Napanuod ko lang siya recently and it was amazing so I wrote it down as one of the games for this festival and I know that all of the students will enjoy it."

"How would you explain this prize?"

"The trip to Korea? Alam ko mayayaman ang tao dito pero dadalhin ko sila sa lugar na hindi pa nila nakikita,"

"Parang alam ko na ang pinaplano mo at ayaw ko 'yong marinig."

Napalingon ako kay Gun na nasa tabi ko saka ako ngumisi sa kanya. Hindi lang trip to Korea ang grand prize nang game na ito kundi makikilala nila mismo si Kuya Luther as the owner of this school and they will have a one day date. Malay natin diba? Baka dito pa magkajowa ang kapatid kong pinaglihi sa bato?

"Your brother's number one rule is to hide his identity from the crowd so why are you dragging your older brother into this game?"

"Akong bahala, isa pa kasalanan niya naman na ako ang pinag-organize nitong school festival na dapat kasama ko si Senri kaso binitbit niya papuntang France si Senri,"

"But you already dispose him as your bodyguard?"

"Nagbago na ang isip ko,"

Napapailing na lang si Rent at Gun sa mga kalokohan ko. Ano naman kung pabago-bago ang isip ko? Spoiled ba naman ako kay Kuya at isa pa fiancè ko si Senri pero hindi pa nila alam at hindi ko nga pala suot yong singsing na binigay sa akin ni Senri nang gabing ayain niya akong magpakasal. Baka kasi mainggit ang fans ni Senri at biglang kunin ang singsing sa akin at ibenta sa black market para lalo silang yumaman tapos ako iiwan ni Senri dahil sa pagiging burara at hahanap siya nang babae na ipapalit sa akin. Tapos ang ending tatanda akong dalaga at mamamatay na malungkot - too wild imagination. Gusto ko nga na sa school festival ay kasama ko si Senri para naman ma-enjoy ko ang college life bago kami magpakasal na dalawa diba? Pero mukhang imposible dahil nasa France nga si Kuya Luther at Senri at hindi ko alam kung kailan sila babalik dito sa Pilipinas.

NAKANGITI kong pinagmasdan ang paligid ko na abala sa pagpi-prepare para sa nalalapit na school festival. Iba rin talaga ang mga mayayaman, pabonggahan sa gagawin nilang booth para sa mga estudyante at bisita na gustong manuod sa school festival namin.

"Oy kanina pa kita hinahanap,"

Napalingon ako sa taong kakarating pa lang at nakita ko si Ernaline na maraming dalang pang dekorasyon.

"Bakit mo ako hinahanap?" I placed my hand at the side of my waist as I raised my brows on her.

"Tutulong tayo sa paggawa ng booth sa room natin."

"Excuse me? Akala ko ba hindi na ako kasali dyan kasi ako ang nag organize nitong festival?"

"Hello? Si Sir Rent po ang nag-organize kaya hindi ka excempted sa mga gagawin."

Hinila ako ni Ernaline sa braso at nagsimula kaming maglakad patungong classroom. Hindi ako nainform na hindi ako excempted sa ganitong activities, akala ko pa naman makakasama ko si Senri ngayong school festival. Nadatnan namin ang nagkakagulong mga tao sa loob ng room which is ang mga kaklase namin na ngarag na sa pag-aayos ng room. Napagdesisyonan kasi namin na gawing cosplay cafe ang room.

"Sinji ikaw ang gaganap na manghuhula," bungad sa akin nang class representative namin.

"Ha?"

"Huwag ka nang umangal, ito ang damit mo." Binigay niya sa akin ang isang itim na parang kurtina para gawing costume.

Napangiwi ako nang makita ang itsura nang tela at wala na akong nagawa pa nang umalis sa harapan ko ang class representative namin. Napalingon ako kay Ernaline na tumatawa sa isang tabi kaya naman nilapitan ko ito.

"Anong itinatawa mo dyan?"

"Wala. Bagay sayo ang maging manghuhula."

"Sumpain kaya kita? Lumayas ka na nga sa harapan ko!" Pinagtabuyan ko si Ernaline pero ang bruha tumawa lang.

Isa si Ernaline na gaganap bilang housekeeper. Bagay naman sa kanya ang cosplay kasi maganda siya, unlike me na hindi tinatablan nang skin care o kung ano mang product pang mayaman. Pumasok na lang ako sa isa pang booth na ginawa nila dito sa loob nang room kung saan doon gaganapin ang panghuhula ko kuno sa mga customer na nais malaman ang kanilang kapalaran in the future. Gusto ko na lang mangkulam nang tao kaysa hulaan ang future nilang wala namang patutunguhan. Bukas ang opening nang school festival at bukas din uuwi si Kuya at Senri galing France. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Kuya sa France pero sabi niya business daw.

"Pwede bang magpahula?"

Napatingin ako sa taong pumasok sa booth na kinaroonan ko. Napangiti ako nang makita si Gun at Thud na mukhang naglilibot dito sa school grounds.

"Hi darling,"

"Anong ginagawa niyo dito? Bukas pa ang opening nang school festival,"

"Gala lang," sagot sa akin ni Gun habang si Thud naman ay pumulupot ang braso nito sa ibabaw nang balikat ko.

"Namiss kasi kita kaya sumama ako kay Tandang Gun,"

"Ulol mo!"

Napapailing na lang ako sa kalokohan nang dalawang ito.

"Bitawan mo nga ako, Thud!" Inalis ko ang braso ni Thud mula sa balikat ko at pinakita ko sa kanya ang kamay ko. "Kita mo yan? I am engage kaya you don't need to flirt with me!"

Nagulat ako nang pinalo ni Thud ang kamay ko kaya napasimangot ako.

"Peke naman 'yang engagement ring mo! You know I can buy you a million dollar diamond if you want."

"Tse! Anong peke ang sinasabi mo? Binigay sa akin tu ni Senri."

"Senri proposed to you?" Nagulat ako nang sabay akong sigawan ni Thud at Gun dahil sa sinabi ko.

"B.. bakit? May masama ba sa pagproposed niya? Single ako at single din siya!"

Thud heaves a sigh as he approaches me and puts his arms again on my shoulder. Iginiya niya ako palabas nang booth na kinaroonan namin. Abala pa rin ang mga kaklase ko kaya hindi sila pinansin ng mga ito hanggang sa makalabas kami nang classroom ko.

"You know, Sinji. Loving Senri is not a bad thing but being engage with him is far from what you are expected,"

"Anong ibig mong sabihin?"

"See it for yourself, we're going first,"

Hanggang sa makaalis si Thud at Gun, naiwan sa isip ko ang binitawan salita ni Thud. Hindi ko maintindihan ang ibig niya sabihin at nakaramdam ako bigla nang takot. Iniangat ko ang kamay ko kung saan naroon ang singsing na binigay ni Senri sa akin at pinakatitigan 'yon. 'Siguro naman walang masamang mangyari diba? Magsisimula pa lang ang kwento namin ni Senri! Sinji huwag kang mag-isip nang kung anu-ano tungkol sa lalaking mahal mo. Inggit lang yon si Thud dahil binasted mo siya, yon lang yun!'

Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang mga bagay na naglalaro doon dahil sa sinabi ni Thud at muling bumalik sa room para tumulong sa dapat kong gawin. Buong maghapon akong naging abala sa school at pag-uwi ko ay agad akong natulog. Hindi alintana ang pagdating ni Kuya at Senri sa HuPoFEL.

Kinabukasan, isang magarbong grand opening ang isinagawa sa loob nang L. A University at sobrang napahanga ako sa ganda nang flow of events. Kasalukuyan na kaming nasa quadrangle kung saan gaganapin ang 400 meter. Hindi ako mabilis tunakbo pero nagpalista pa rin ako as participant. Experience lang naman kasi first time kong makaranas ng school festival.

"Hey, I didn't know you are a fast runner?"

Napalingon ako sa katabi ko habang nagi-stretching. Bumulaga sa akin ang bulto ni Thud na nag-iinat din.

"Hindi ako fast runner, but I am a fast learner," I give him a smirk na agad niyang nakuha kaya nginisihan niya rin ako.

"You are so naughty in a broad of daylight, Miss Natividad. Wanna bet with me?"

"Spill?"

"Have a date with me if I win,"

"Kung ako ang manalo?"

"You can date me too,"

Bago pa ako makaangal bumitaw na ang hudyat para simulan ang track'n field. Bumusangot ang mukha ko nang kindatan ako ni Thud at nagsimula na siyang tumakbo. Bago pa man ako mahuli sa pila ay agad na rin akong tumakbo. 4 rounds ang gagawin dito sa quadrangle bago marating ang finish line. 2 rounds pa lang ay nahihirapan na akong huminga habang si Thud ay nasa third rounds na at isa na lang ay pupunta na siya sa finish line.

"Wanna run with me?"

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at paglingon ko ay ang gwapong mukha ni Senri ang bumungad sa akin. Bago pa man ako makasagot ay hinila na ako ni Senri kaya bumilis ang pagtakbo ko hanggang sa naabutan namin si Thud na kumakaway pa sa ibang babaeng estudyante na nanunuod at nakita niya kami ni Senri na magkahawak kamay habang tumatakbo.

"That's unfair, dude. I have a bet with Sinji,"

"What kind of bet?"

"She will date me, of course."

Napalingon sa akin si Senri at nagtatanong kung totoo ang sinasabi ni Thud. Kahit hinihingal na ako ay sumagot pa rin ako.

"Hindi pa ako um-oo sa kondisyon mo, gunggong!"

"Ouch, my heart is torn into pieces."

Senri smirks at Thud as he tightly grips my hand.

"Sorry to burst your bubble, Thunder Clyborne but Sinji is mine."

Bumilis ang takbo ni Senri kaya pati ako ay nahila nito hanggang sa marating namin ang finish line. Halos himatayin ako sa sobrang pagod pero lahat yon naglaho nang magsalita si Senri sa tenga ko.

"Let's enjoy this school festival together, Wife,"

---