Chapter 11 Sorin Evander

“Huwag mo akong iiwan baka magalit ang asawa mo kapag may nangyari sa’yo,” Chandria added.

“So, you’re married?” Tanong ng lalaki.

“Yes and no,” she answered.

“Hi, kaibigan ka ni Azaria?” Tanong ni Chandria sa lalaki at nakipagkamayan.

Azaria stands beside the man, “actually, he is my boyfriend.”

The man looks confused.

“Naghiwalay lang kami dahil pinilit ako ng lolo na pakasalan si Nick, diba, babe?”

Napilitan na sakyan ng lalaki ang kanyang trip. Habang si Chandria ay hindi maipinta ang kanyang mukha.

“Hala! Ex mo siya?! Dapat hindi ka na nakikipaglandian sa ex mo kasi kasal ka na kay Lanvin!” Malakas na sabi ni Chandria.

“Pwede ba umalis ka na, leave me alone. You’re irritating me,” hindi na niya napigilan ang sarili na tarayan ito, ang childish kasi, at ayaw niya sa mga immature. Tapos nilaglag pa siya.

“Parehas kayo ni Nick na nakakainis.”

“Grabe ka naman.”

“Leave me alone! I don’t need your companion,” pagmamaldita pa niya.

Wala ng nagawa si Chandria kundi iwan ang dalawa, at isa pa ayaw niya ng away.

“Miss there is price sa pagtulong ko sa’yo,” malanding sabi ng lalaki habang nakatingin sa kanyang dibdib.

“Anong kapalit ba ang gusto mo?” Pagsakay niya at hinawakan ang mukha nito.

The man aggressively kiss her on her lips. Tinaggap iyon ni Azaria, ganito naman talaga ang gawain niya sa mga party. Her hobby is to flirt with men.

Pinalaki kasi siya ng magulang niya na malandi, papansin, at inggitera.

They are kissing wild nang bigla na lang nawala ang kahalikan niya na lalaki, and she also heard gasped.

Nakita na lang niya na nakahiga ang lalaki habang pinagsusuntok siya ni Nick; he looks so damn mad.

“Lanvin! Uminahon ka!” Awat ng isang lalaki sa asawa niya.

He looks so mad at mukhang mapapatay na nito ang lalaking kanyang kahalikan.

“Fuck you! Sino ka ba, huh?! Bigla ka na lang nanununtok!” Galit na sabi ng stranger kay Nick nanag makatayo na ito. Pinunasan din nito ang gilid na labi.

“Let’s go home Azaria,” malamig at nakakatakot na sabi nito sa kanya, habang madilim din ang tingin nito. He clenched his fist and hinila siya sa palayo sa party.

Kinabukasan.

“Wife, breakfast in bed,” masayang salubong ni Nick sa kanya. Meron itong dalang isang tray na madaming laman ng pagkain, at juice din na kasama.

Naalala niya ito na may kausap na babae kagabi, at masaya ang mukha nito. Mukha pa ngang nag e-enjoy si Nick habang may lumalanding babae dito.

“Hindi ako kakain,” walang ganang sabi ni Azaria at tumayo na sa kama.

“Wife, come on. I cook this,” pilit ni Nick sa kanya.

“Azaria wife, eat breakfast,”

“Sinabing ayaw kong kumain!” Galit na sigaw niya sa lalaki at natapon ang pagkain na dala nito.

“Lubayan mo ako! Umalis ka dito! Ayaw kitang makita. I fucking hate you, moron!” Sigaw ni Azaria.

Nick pick up the food on the floor at walang sabi na lumabas ng kwarto.

“Manang, pakilinis po iyung kwarto namin mag-asawa. Natapon po kasi iyung pagkain,” magalang na utos niya sa kasambahay at hindi niya pinakita na nasasaktan siya sa pakikitungo ni Azaria sa kanya.

“Sige po, sir.”

Why his wife hates him so much? Ano ba ang ginawa niya sa babae para kamuhian siya nito ng sobra?

Tumingala siya para mapigilan na maiyak. Napailing siya at naisipan niya na lang na ipakain ang natapon na pagkain kay Burnik.

Tumahol ang aso nang makita siya nito.

“Ikaw lang ang kumakain sa mga niluluto ko, hindi ka pa ba nagsasawa sa mga luto ko, hmm?” Tanong niya sa aso at binigay ang pagkain dito, he caress the head of the dog habang kinakain na nito ang kanyang niluto.

Nick sigh.

“Manang, ano po ang ginagawa ng asawa ko sa kwarto?” Pangangamusta niya sa matanda nang tapos na ito maglinis.

“Nakahiga lang po siya sir habang nag ce-cellphone. Pinagalitan pa nga po niya ako. Sir sure ka po ba na siya ang gusto mo makasama habang buhay?” Hindi na mapigilan ng matanda na itanong sa kanya ang bagay na iyon.

Everyone mistake his wife, mabait ang asawa niya at hindi lang nakikita ng ibang tao iyon dahil sa kaartehan nito at pagiging childish.

Nick smiled at her, “manang papasok na po ako sa trabaho. Tawagan mo na lang po ako kapag may problema dito,” habilin niya sa matanda. Palagi siyang may habilin dito tuwing bago siya umalis, at lahat ng iyon ay tungkol sa kanyang asawa na kinakamuhian siya.

“Sige po sir, ingat ka po sa trabaho.”

Umalis na siya, and his phone rang. Kulay pink ang cellphone niya dahil nakipagpalit sa kanya ang asawa, nagsawa na daw ito na gamitin ang sariling cellphone kahit parehas lang naman sila ng model.

“Damn! Tangina! Fucker nasaan ka na?!” Bungad sa kanya ni Noah nang sagutin niya ang tawag nito, “tangina mo! Isang oras na kitang hinihintay! Hindi ka naman na la-late ng ganito! Kinasal ka lang palagi ka ng late,” Noah’s nag at him.

“Papunta na ako diyan.”

He sighs again.

“Tangina mo ka! Tatlong beses na ako tumawag sa’yo at tatlong beses mo na din sinabi iyan. Nasa dulo ba ng mundo ang company mo at ang tagal mo makadating?!” Galit na tanong ng kaibigan sa kanya.

Lumabas na siya ng bahay at sumakay sa kanyang kotse.

“Nasa daan na ako,” he lied.

“Gago ka!” Galit na sagot ng kanyang kaibigan at inunahan na siya nito sa pagpatay sa tawag.

Mabilis lang siya nakadating sa kanyang opisina.

“Ate, ikaw, ah. Sinusubok mo ang pasensya ko. Damit po tinitinda ko hindi po hollowblocks.”

Napakunot ang noo niya, he open the door of his office nang makita niya ang kanyang mga kaibigan na nakahilera sa kanyang office. Si Noah naman ay natayo at nasa harapan nito ang celllphone, may mga damit din sa likod nito.

“May wig po ba kayo? Wala po kami wig. Heto guys, maganda itong coat na ito, presyong divisoria lang. Matutulog na po ako? Ah? Edi matulog ka na.”

Noah is reading comment in his live habang sinasagot ang mga tanong ng mga viewers nito, nag la-live na naman ito sa tiktok account nito.

“Why are you all here fuckers?” Nakakunot noong tanong ni Nick habang nakatingin sa kanyang mga kaibigan, dumiretso siya sa kanyang swivel chair.

“Arat, mag BGC na lang tayo, huwag ka ng mag trabaho. Alam ko naman na broken hearted ka,” sabi ni Enzo sa kanya sabay tawa.

“Any tips po para magkajowa,” Noah read the other comment.

“Wala po akong experience sa ganyan ma’am pero heto lang po ma a-advise ko sayo. Una, ay dapat always ka mag toothbrush, hindi lang para sa’yo kung hindi para sa ating lahat. Pangalawa, maligo ka araw araw ma’am. Pangatlo, mag lagay ka po ng tawas sa kilikili, mura lang po ang tawas at nabibili iyon sa botika. Self love muna.”

Napailing na lang si Nick sa pinagsasabi ng kanyang kaibigan.

“He cursed me awhile ago because I’m late, and here he is doing live selling in my office and selling my clothes,” Nick commented.

“Tulong mo na sa kanya, alam mo naman na poor ang isang iyan,” Enzo said.

“Where’s your twin Kienzo?” Nick ask while his forehead crease, hinubad din niya ang kanyang suot na coat.

“Huwag hanapin ang wala dito,” parinig ni Keran.

“Ewan ko sa gagong iyon,” ismid ni Enzo, “nababaliw na iyon kaya huwag niyo ng hanapin.”

“Tangina! Nabalitaan niyo ba ang nangyari sa Phoenix’s Blood and La Sigma Society?” Tanong sa kanilang lahat ni Sorin.

“Ang chismoso mo talaga,” Keran said.

“Ulol! Mas tolits ka nga sa akin,” sikmat sa kanya ni Sorin Evander.

“They are fraternity groups, right?” Nick asked.

“What happened to them?” Enzo ask.

“Yah, Fraternity group. Tanginang yan! Si Conrad pala ang leader ng La Sigma Society at may awayan na nagaganap between groups nila, at ang Phoenix’s blood.”

“Nabalitaan ko lang na hindi magkasundo ang dalawang group, at inaalam ko pa kung about saan ang sanhi ng kanilang awayan,” Sorin said.

“Dahil sa babae,” maikling sagot ni Keran.

“You’re a lawyer, Enzo. You might join a frat before,” Sorin said.

“Eh, guys. Mine niyo na lang itong damit, huwag niyo muna akong i-mine. Damit po ang binebenta ko ma’am, hindi ko ho binebenta ang sarili ko,” Noah said, patuloy ito sa pag live selling, at walang pakialam sa pinag-uusapan nilang magkakaibigan.

“When I was in college, and it’s not a good idea, bro,” Enzo replied.

“Ang leader ng La Sigma Society ang nagsimula ng away nila,” Keran updated them.

“Tolits ka talaga, eh,” Sabi sa kanya ni Sorin.

“Hindi ako Tolits, updated lang ako,” sabi ni Keran sabay ngisi.

“Pero maiba tayo, ano ang nangyari sa party kagabi ni Noah boy?” Pang-uusisa ni Keran, sumaglit lang siya kagabi dahil may inasikaso pa siya. Hindi na niya naabutan ang gulong nanguari.

Umasim ang mukha ni Nick.

“His wife kissed a stranger at the party,” si Enzo na ang sumagot.

“Bakit ka ba kasi pumayag sa lolo niyo na ikasal kayo? Alam mo lugi ka sa kanya, fucker. Mukhang ayaw niya sa’yo, at mahirap siyang pakisamahan,” komento ni Sorin.

“Oo nga, sila na ang ang may utang sa’yo tapos bibigyan ka pa ng isang responsibilidad. Tinulungan mo na sila sa kumpanya nila, at ngayon nakiusap sa’yo ang matanda na pakasalan mo ang apo niya. Dehado ka, fucker. At bakit ka ba kasi pumayag? Kung isasagot mo sa akin dahil inampon ka nila noong bata ka, mas mabuting huwag mo na lang sagutin ang tanong ko,” Enzo asked too. Nag attend sila ng wedding nito, kaya alam nila.

Nick sighed, “I love her,” he replied.