Chapter 10 Kiss

“Hello! I finally meet you!” Inilahad nito ang kanyang kamay, at akmang tatanggapin iyon ni Azaria nang asawa niya ang nakipag kamayan sa kaibigan nito. Ngumisi lang si Noah sa naging reaction ng kanyang kaibigan.

“Alagaan mo itong kaibigan ko, ah? Lagot ka sa akin kapag pinaiyak mo,” seryosong pananakot ni Noah.

Nick look at his friend nang sabihan nito ng ganu’n ang kanyang asawa.

“Charot lang,” bawi ni Noah sabay tawa.

“Man, kanina pa kita hinihintay. Nandito na ang lolo ko at sabi mo tutulungan mo ako sa proposal ko sa kanya,” sabi ni Noah at inakbayan siya nito. Hinapit ni Nick sa bewang ang kanyang asawa na tahimik lang.

Pumasok na silang tatlo sa loob habang ang kamay ni Nick ay nasa bewang ng kanyang asawa.

Madaming tao sa paligid at mukhang mayayaman ang lahat ng mga nandito.

“Hay naku, kakagaling ko sa ibang bansa. Nagbakasyon ako doon, ang dami ko din pinamili. Ang dami ko ng loius Vuitton collection.”

“Kaka-shopping ko lang kahapon at mamimili na naman ako bukas.”

“Hetong necklace ko nagkakahalaga ng million dollars, regalo ito ng asawa ko noong wedding anniversary namin.”

Napatingin si Azaria sa tatlong matatandang babae na nagpapayabangan sa kung anong meron sila.

“The youngest grandson. finally I meet you in personal,” may isang matandang lalaki na bumati kay Noah.

“Thank you for coming to my day Mr Ho,” nakipagkamayan si Noah dito.

“By the way this is my friend Lanvin and his wife Azaria,” pagpapakilala ni Noah sa kanila.

“Lanvin? Are you the CEO of the sunrise pacific corporation,” tanong ng matanda sa kanya.

“Siya nga! Hetong kaibigan ko ay matalino! Magaling iyan sa business!” Proud na sagot ni Noah sabay akbay dito.

“Nice to meet you! I heard a lot about your company, and looking forward be one of your business partners!” Nagagalak na sabi ng matanda kay Nick.

“Bakit hindi natin pag-usapan ang bagay na iyan with my grandfather?!” Noah said.

The older man agreed.

“I’m glad to meet you, but I’m with my wife. Maybe we can talk about the partnerships in some other time,” sagot ni Nick. Ayaw niyang iwan ang kanyang asawa at baka may lalaki na lumapit dito. Nakakapang-akit pa naman ang suot nito.

Noah looked at his friend nang tumanggi ito.

“Excuse us,” paalam ni Nick sa kanila.

“Mr Ho I’ll just meet the other guest,” paalam ni Noah at sinundan ang kanyang kaibigan.

“Noah! Lanvin!” May isang babae ang lumapit sa kanila, nakangiti ito ng malapad at hinalikan sa pisngi si Noah, at akmang hahalikan din nito si Nick ng magsalita ito.

“I’m married,” malamig na sabi nito sa babae. The woman smile widely at him.

“Wow! Kailan pa? Kayo ah, palagi na lang secret ang kasal niyo! Noah panot baka ikaw ay kasal ka na tapos hindi mo man lang sinasabi sa akin, kapag nalaman ko na kasal ka na at hindi mo ako inaya magtatampo talaga ako sa’yo!”

“Nah, I’m single dimwit. Chandria, where’s Keran?’ Tanong ni Noah sa babae at sumimangot naman ito. Hindi sila sanay na hindi nila nakikita ang babae na hindi kasama si Keran

“Hmhp! Wala siya!” Inis na sagot ni Chandria, “ayaw niya sumama, pero nandito ang kuya Kienzo at Enzo niya.”

“Nasaan ang kambal tuko? Akala ko ba hindi pupunta ang mga iyon?” Tanong ni Noah sa kanyang pinsan.

“Nandoon sa dulo, hanapin mo na lang. Hello,” nakangiting bati nito kay Azaria.

“Ang ganda naman ng buhok mo, ang ganda ng pagkaka curl. Natural ba ito?” Manghang tanong ni Chandria at hinawakan din niya ang buhok ni Azaria.

Azaria feel akwward, bakit ba ang feeling close ng babaeng ito? At sino ba ito? Hindi naman sila close para hawakan nito ang buhok niya.

“Lanvin ah! Kaya pala hindi kita nakikita na may kasamang babae, kasi kasal ka na!,” baling nito sa lalaki, “ang ganda-ganda ng asawa mo, hihi.”

“She is,” Lanvin answered.

“Lan, tara na, puntahan na muna natin yung kambal tuko,” aya ni Noah sa kanyang kaibigan, “hays, iwan mo muna ang asawa mo kay Chandria, para naman maging close silang dalawa!”

“No! My wife will come with me!” Ungot ni Nick, ayaw niyang mawala sa paningin niya ang kanyang asawa.

“Hays sana ganyan din si Keran sa akin, hindi ako palaging iniiwan. Doon na kayong dalawa. Ako na ang bahala sa asawa mo Lanvin,” sabi ni Chandria sa kanya.

“I will be fine,” assure ni Azaria sa kanyang nang ayaw niya talaga itong iwan.

“Call me when someone disrespect you, huh?” Habilin ng lalaki sa kanyang asawa at mabilis niya itong hinalikan sa labi. She widened her eyes dahil hinalikan siya nito sa labi sa harap ng kaibigan nito. How dare this man! Kanina pa ito nagnanakaw ng halik sa kanya!

“Chandria, look for my wife. Don’t let any man talk to her,” habilin nito. Gusto ba nitong mapanis ang laway niya? At saka, bakit ba ayaw nitong may ibang kumausap na lalaki sa kanya? Kumukulo ang dugo niya!

Ngumiti ng malapad si Chandria habang si Noah ay napailing na lang.

“Oo na! Alis na kayo,” pagpapalayas nito sa dalawang lalaki.

“Ilang taon na kayo mag karelasyon ni kuya Lanvin?” Tanong ni Chandria sa kanya nang maiwan silang dalawa, “at bakit hindi ko alam na meron siyang girlfriend? Hindi ko nakikita si Lanvin na kasama ka niya dati. Five years ko siyang hindi nakitang may kasamang babae, sa loob ng limang taon na iyon nasaan ka?”

Gustong irapan ni Azaria ang babae.

“At saka, ang ganda mo! Hindi ka pagpapalit ni Lanvin! Ang swerte mo sa kanya!” Kinikilig na sabi nito at pabirong kinurot siya nito. Close ba silang dalawa? Si Hailey lang ang kaibigan niya.

“I don’t love him and we never been in relationships. Our marriage is an arrange marriage because of the will of our grandfather. Lanvin is the adopted son of my grandpa, I don’t know kung ano ang sumapi sa utak ng matandang iyon at naisipan niya na ipakasal kami,” galit na sabi ni Azaria.

“Nakakatakot ka naman. Ang swerte mo nga sa kanya! Ang bait ni Lanvin, tapos sobrang sweet niya! Magaling din siya sa business! Hay naku, gagawin niya ang lahat para sa’yo. At saka, adopted siya? Bakit hindi ko alam ang bagay na iyan?”

Mabait? Sweet? Eh, inagawa nga nito ang lahat sa kanya. She will forever hate that man!

“Paano mo nakilala si Lanvin? At mukhang sobrang kilala mo siya,” hindi maiwasan ni Azaria na maging bitter, “and please, stop touching my hair,” pagmamaldita nito sa kanya. Mukhang natakot niya ang babae dahil nag sorry ito sa kanya.

“Pinsan ko si Noah tapos kaibigan niya iyong kuya nu’ng boyfriend ko na si Keran. Then, yung mommy ko is friend niya iyung mommy ni Keran kaya close ako sa kanila,” ang dami niyang sinabi, “si Lanvin naman ay mag bestfriend na talaga sila ni Noah, hehe.”

Azaria get a wine glass of wine nang may waiter na lumapit sa kanila.

“Tara, ipakilala kita sa ibang kakilala ko,” aya sa kanya ni Chandria.

“Ay! Ayun sila, oh!” Turo ni Chandria sa pwesto nila na Lanvin na may kasamang ibang babae.

Naningkit ang mata ni Azaria nang makita ang asawa niya na may kausap itong dalawang babae, at mukhang masaya ito.

“Huwag na natin sila istorbohin dahil aasarin lang nila tayo. Tara dito tayo,” hinila siya ni Chandria.

Wala pa silang isang buwan na kasal pero nag che-cheat na sa kanya ang lalaking iyon! Ang kapal talaga ng mukha niya! He is acting like a single asshole in her back!

“Hoy! Teka saan ka pupunta?!” Sigaw na tanong ni Chandria sa kanya nang bigla niya itong iwan. Bakit bawal silang istorbohin? Bawal silang lapitan kasi may kalandian silang babae.

“Hala! Sorry! Sorry!” She apologize nang may mabangga siyang lalaki.

She tried na punasan ang puting coat ng lalaki na nadumihan dahil natapon ang wine sa damit nito.

“Binibini ako na,” anang lalaki sa kanya. She look at him at kinuha nito ang panyo sabay punas sa coat nito.

“Ayos ka lang ba? Pasensya na, ah. Ikaw kasi hindi ka tumitingin sa dinadaan mo,” paninisi niya sa lalaki.

The man chuckled, “kasalanan ko pa talaga? I tried na iwasan ka pero ikaw itong hindi tumitingin sa dinadaan mo,” natatawang sabi ng lalaki sa kanya. Mukhang mabait ito.

“Eh, tanga ka kung ganoon.”

The man laughs, “it’s not okay, pero it’s okay. May extra naman ako coat sa car ko magpapalit na lang ako later. By the way, what’s your name miss?”

She is good at flirting, bakit hindi niya gamitin? Baka mangalawang ang skills niya kapag hindi niya ginamit, she bit her lower lip in a sexy way at inilahad niya ang kamay niya sa lalaki.

“I’m Azaria, but you can call me Ria,” malanding sabi niya sa lalaki at binigyan niya ito ng malanding ngiti. In fairness mabango ang pabango nito. Mahilig pa naman din siya sa mga lalaking mabango.

“Are you alone ba? I have a friend kasi na sinama ako sa party na ito at iniwan din naman din ako. I hope you don’t mind to accompany me,” pag fi-first move niya.

Naningkit ang mata ng lalaki dahil sa sinabi niya.

“Hala babae ka! Para kang bampira ang bilis mong tumakbo,” hinihingal na sabi sa kanya ni Chandria

She glared at her, napaka wrong timing naman ng babaeng ito.

“I guess your friend is here?” Anang lalaki.