Chapter 16

SA SIGAW ni Luis nagising ang ilang sa mga kasama niya sa bahay at agad na lumabas ang mga ito para tignan kung ano ang nangyayari.

"Anong meron, sino ang sumigaw?" sabi agad ni Carlos pagkalabas niya sa kanilang silid.

"Sino nga ba?" sigunda din ni Jake.

"Parang si Luis, iyon ah, kasi boses niya ang narinig ko, hindi kasi ako makatulog kaya nagbabasa muna ako," sabat naman ni Vanessa.

"Ano bang sinisigaw niya, baby?"

"Multo daw, baby."

Napatawa si Jake."What multo? My goodness naniniwala siya sa ganon, kalalaki niyang tao natatakot sa multo!"

Natatawa rin di Carlos.

"What happen here? Sino iyon sumigaw?" tanong ni Jay pag kalabas din niya sa silid.

"Dad, si Luis. Ang sumigaw my multo raw siyang nakita," natatawa pa rin si Jake.

"Naku ang batang iyon halika nga kayo at tignan natin siya," anyaya ni Jay sa mga ito.

Pagbaba nila sa hagdanan patungo na sana sila sa silid ng binata ng makasalubong nila ang sinasabing multo ni Luis.

"Ahhh!" sigaw ni Vanessa. Napaatras naman si Jake.

"Ate Vanessa naman, kung makasigaw ka wagas ah, nakakagulat ka mabuti na lang at hindi rin ako napasigaw," wika ni Vhenz.

"May goodness Vhenz, ikaw lang pala iyan. Anong ginawa mo sa mukha mo, hayan tuloy akala ko totoong may multo na?"

"Ate, di ba puwedeng white lady na lang kaysa multo."

"Oh, bakit ba lumabas ka ng nakaganyan ha, Vhenz, hayan tuloy na takot sa iyo si Luis?" sabat ni Jake.

"Hindi po kasi ako makatulog Kuya, kaya naglagay muna ako ng cream sa mukha ko, at ang akala ko kasi tulog na lahat ng tao dito sa bahay kaya lumabas muna akong nakaganito para lumanghap ng sariwang hangin sa labas."

"Ganon ba hay naku itong si Luis, matatakutin pala," wika naman ni Carlos.

"Nagulat nga po ako ng bigla na lang siyang sumigaw ng multo, sabi ko nga huh? Nasaan ang multo, iyon pala ako ang tinukoy niya!"

"Lokong bata ah. Oh, sige na bumalik na kayo at matulog na, pupuntahan ko sa silid niya si Luis," pagtataboy ni Jay sa mga ito.

"Dad, sasama na kami sa iyo I want to see how he look, baka nakatalukbong siya at nanginginig sa takot," nakangiting wika ni Jake.

"Okay lets go."

Pagkasok nila sa silid ni Luis nakatalukbong nga ito at may kasama pang baluktot.

"Awoooh!" biglang alulung ni Jake. Hinampas naman ni Vanessa ang asawa dahil sa ginagawa nito.

Hindi naman natitinag si Luis sa kama. Lalong namaluktot ito.

Gusto sanang tumawa ng malakas ni Jake pero pinigilan niya ito.

"Luis, what happened to you? Para kang hindi lalaki niyan, ah!" turan ni Jay sa anak.

"Dad," wika ni Luis. Pero hindi pa rin niya tinatangal ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

"Yes, it's me! I'm not a ghost!" sagot nito sa anak.

Saka palang tinanggal ni Luis ang kumot na nakabalot sa kanya.

"Awoooh," muling alulung ni Jake.

"Kuya naman, don't be like, Okay, you scared me."

"Hoy! Luis, kung sa bugbugan walang kang takot eh, puwede ka pang mamatay. Sa multo hindi, baliktad rin ang utak mo!"

"Kuya, multo eh, mukha palang nakakatakot na, kaysa sa makipagsuntukan!"

"Bakit ka nga pala sumigaw, Luis, anong meron?" tanong pa rin ni Jay kahit na alam na ang dahilan.

"May nakita kasi ako sa labas Dad, kakain sana ako dahil I felt so hungry pero hindi na ako tumuloy."

"Bakit hindi ka tumuloy, wala naman multo, ah?"

"Dad, anong wala I saw a ghost kanina paglabas ko dito sa silid ko!"

"Luis, nasa world of technology na tayo, hindi na uso ang mga ghost-ghost na iyan, siya ba ang ghost na nakita mo kanina?" wika ni Jay sabay turo niya kay Vhenz na nasa tagiliran ni Vanessa.

Pagkakita ni Luis sa itinuro ng ama at dahil sa gulat nito napaurong siya sa dulo ng kama.

Nagtawanan sina Jake at Carlos sa nakita nilang reaction nito.

"Luis, hindi siya multo si Vhenz lang iyan ano kaba, magpakalalaki ka nga."

"Vhenz?" turan ni Luis.

"Yes ako lang naman ang sinabihan mo ng multo no!"

"Ikaw lang pala bakit ka ba nanakot, ah?"

"Huh? Excuse me, hindi kita tinatakot no, malay ko ba na matatakutin ka pala. Ang yabang-yabang sa school iyon pala takusa ka pala," pabulong na lang ang pagkasabi ni Vhenz sa huling tinuran.

"What?" napansin kasi niya na pabulong-bulong si Vhenz.

"Anong what ka diyan?" wika naman ni Vhenz.

"Damnit ikaw lang pala! Vhenz, dahil sa tinakot mo ako gagantihan kita," turan ni Luis sa sarili.

"Luis, nagugutom ka di ba halika sakusina sasamahan na kita para kumain ka may iniwan ang Mommy mo para sa iyo nasa microwave, at kayo naman sige na umakyat na kayo ako na ang bahala kay Luis," baling ni Jay sa mga itk.

"Yes, Dad," sagot ng mga ito baliban kay Vhenz.

Papalabas na ng silid si Jake."Awoooh!" alulung niya sabay tawa.

"KUYA!" madiin turan ni Luis.

"Oh, ikaw naman Vhenz, matulog ka narin anong oras na puwede ba tangalin mo na iyan nasa mukha mo, para hindi ka na naman pagkamalan nitong si Luis na multo," baling ni Jay sa dalaga.

"Opo, Tito." lalabas na sana siya.

"Ah, wait Vhenz, ikaw na lang ang sasama sa akin sa kusina, kailangan na ni Daddy na magpahinga. Dad, ikaw rin matulog kana ulit," wika ni Luis at siya ay napatitig sa dalaga.

Sa pagtitig ni Luis sa dalaga bumaba ang tingin sa katawan ni Vhenz sapagkat naka-nighties lamang ang dalaga ng manipis at aninag ang pang loob nito. Napalunok tuloy si Luis sa nakikita niya napansin naman ito ni Jay.

"Ehemmm, anak ngayon hindi ka na natatakot sa multo, kasi iba na ang nakikita mo, isang sexy na white lady ang nakikita mo ngayon di ba?"

"Dad," ang tanging na sabi ni Luis.

Dahil sa sinabi ni Jay agad ng lumabas ng silid si Vhenz dahil doon niya napagtanto na naka-nighties lang pala siya.

"Hoy! Vhenz, sandali samahan mo ako sa kusin!" sigaw ni Luis sa dalaga. Pero hindi siya pinansin nito.

"Loko-loko, sasamahan ka ba niya kung makatingin ka sa kaya ng kakaiba, halikana ako na ang sasama sa iyo," sabi ni Jay na naiiling na lang.

Wala naman nagawa si Luis kundi sumama sa ama.

Kinaumagahan masayang nagtungo sa bukid ang buong mag-anak.

"Wow, Ate Janice, Kuya Carlos, ang ganda naman dito sa bukid ninyo, I like it so much here!" sabi ni Vhenz.

"Talagang maganda dito, Vhenz. Dahil ang Ate Janine, mo ang nagpagawa nito," tugon ni Carlos sa dalaga.

"Tama ang kuya Carlos mo, Vhenz, dahil dito nabuo ang amin pagmamahalan, this place is the most memorable part of our life," nakangiti turan ni Janine.

"Hindi ko man alam ang love story ninyo ni Kuya Carlos, Ate Janine, but I know the best ito dahil nakikita ko sa mata ninyo ni kuya Carlos, ang kakaibang saya sa piling ng isa-isa."

"That true, Vhenz," sagot ni Janine sa dalaga.

"Sana makatagpo din ako ng gaya ni kuya Carlos. Ate Janine wala ba siyang kapatid sa America?" nasabi niya.

"Kapatid? Bakit, Vhenz?"

"Magpapaligaw ako sa kanya, Ate," deretsong aniya.

"Bakit sa kapatid pa ng Kuya Carlos. Eh, nariyan naman si Luis na kapatid ko?" walang prenong sabi ni Janine.

Sa sandali naman iyon nakikinig pala si Luis. Sa usapan nila. At hinihintay niya kung ano ang isasagot ni Vhenz sa sinabi ng Ate niya.

"Oh, bakit Hindi ka makasagot sa sinabi ko Vhenz. Hindi mo ba type si Luis, aba guwapo naman siya, ah?"

"Ate, ang tulad ni Luis, hindi iyon marunog mag seryoso sa isang relasyon, I want a serious relationship iyon totohanan."

"Bakit mo naman nasabi iyan, Vhenz? I think kung ang puso ng isang babaero pag nagmahal na kakaiba ito daig pa ang seryoso."

"Hindi siguro Ate, si Luis pa na nakikita ko kung sino-sino na lamang ang nakakasama, niyang babae, eh."

"Kung ganon, Vhenz. Masyadong tarantado ang puso niya?"

"Sinabi mo pa, Ate."

"Kaya hindi mo siya gusto kasi babaero siya ganon ba, Vhenz?"

Tango ang naging sagot ni Vhenz. Sa sinabi sa ni Janine.

"Sayang, gusto pa naman kita para sa kapatid ko para tulayan ka na naming maging pamilya, pero wala akong magagawa kasi ang ayaw mo sa kanya."

Hindi naman na sumagot pa si Vhenz. Sa sinabi ni Janine.

"Hindi mo ako gusto ha, Vhenz? lets see, I know na may gusto ka sa akin nararamdaman ko ito, susubukan kita para malaman ko ang totoo mong damdamin sa akin." Umalis na siya sa kinatatayuan nakasalubong niya ang ama at kuya na nakagayak pang bukid.

"Kuya, Daddy, saan ang punta ninyo?"

"Oh, Luis. Gusto mo bang sumama sa amin?"

"Oo naman, Dad!"

"Okay let's go!

"Ano ngang gagawin natin, Kuya Jake, Daddy?"

"Tutulong tayong mag-ani ng palay, kaya mo ba, Luis?"

Hindi naman kaagad nakasagot si Luis mahirap kayang maggapas ng palay pero naisip niya ang daddy nga niya kayang-kaya siya pa kaya na batang-bata at malakas.

"Oh, natahimik ka, Luis. I know, hindi mo kaya ito."

"Kaya ko Dad. Ako pa."

"Are you sure, na kaya mo ha, Luis?"

"Dad, of course I can do it!"

"Okay les't go," may ngiting anyaya ni Jay sa anak.

"Dad, kailangan pang magpalit ng damit nitong si Luis. Hindi naman puwedeng ganyan siya na lulusob sa putikan," ani Carlos.

Tinignan naman ni Jay ang anak mula ulo hangang paa."Anak, para kang pupunta sa diskuhan niyang suot mong iyan, go chance your clothes. Iyon hindi pormal."

"Dad, lahat ng damit kong dala puro ganito lahat."

"Kung sasama ka may brother. Sandali ikukuha kita ng damit ng kuya Carlos mo, iyon hindi na niya ginagamit, wait mo lang ako sandali," sabat ni Janine.

Pagkalipas lamang ng ilang sandali bumalik na si Janine.

"Oh, heto na Luis, wear it."

"Ate, what's this?"

"Ano pa kundi damit lokong bata ka."

"Ate, naman. I know, but ganito may garter hindi ako nag susuot ng may garter, eh. Nangangati ako, ate."

"Anak, pagtiyagaan mo muna iyan pag ang Mommy mo, pumunta ng bayan sabihin ko sa kanya na bibilhan ka ng panbukid, isuot mo na iyan nang makaalis na tayo."

Wala naman nagawa pa si Luis kundi sundin ang sinabi ng ama.

Habang nag-aani ng palay sina Luis, dahil first time niya kaya sobrang bagal nito. Napag-iwan na siya ng mga kasama.

"Ahhh! Damnit! Hindi ako tatagal pag ganito ang buhay ko! Ang hirap pala!"

"Luis, faster!" sigaw ng ama.

"Yes, Dad!" Ano pa nga ang magagawa niya pero kahit anong bilis na gawin ni Luis hindi siya makahabol-habol.

"Ate Karen, maglakad-lakad lang muna ako diyan sa labas ha, tutal wala akong ginawa at gusto kung sumagap ng sariwang hanging," paalam ni Vhenz.

"Oh, sige, pero huwag ka lang magpakalayo-layo, ha!"

"Oo, Ate, diyan lang ako sa tabi-tabi," lumabas na siya ng bahay.

Habang naglalakad siya natatanaw niya ang mga nag-aani ng palay sa hindi kalayuan sa kinaroroonan niya.

"Ang gandang tignan ang mga uhay ng mga palay parang mga tunay na ginto."

Napansin naman ni Luis si Vhenz na naglalakad mag-isa. Meron siyang naisip."Ah, Dad, doon muna ako ha, masakit na ang likod ko, eh. Pahinga lang muna ako sandali," paalam niya sa ama.

"Sige, Luis. Talagang sasakit iyan likod mo dahil ngayon ka lang gumawa ng trabahong ganito," tugon niya sa anak.

Nagmamadali ng umahon si Luis sa putikan na may ngiti sa labi."This is the moment that. I been waiting for, Vhenz!" Maingat niyang sinundan ang dalaga. Para hindi mahalata nito na nakasunod siya.