Chapter 21
"Tapos na... Matatahimik na tayong lahat..."
Hinawi ng dalaga ang ilang ligaw na dahon na nasa ibabaw ng puntod. Pinagmasdan niya ang pangalan na nakaukit doon matapos ay malalim siyang bumuntong-hininga.
Sandali siyang tumingala sa langit bago ibinalik ang tingin sa lapida at tahimik na pinanuod ang pagsayaw ng apoy mula sa sinindihan niyang mga kandila.
She just regained her memory, and she remembered everything.
Siya si Luna, ang unang babaeng minahal noon ni Jin. Ang babaeng pinagseselosan niya noong naging sila, ang babaeng akala niya ay karibal niya.
Naalala na rin niya kung paano siyang nawala noon, kung paano siya natagpuan at kung paano siyang nadukot ng kanyang tiyuhin.
Ginamit nila ang memorya niyang iyon, at siya bilang star witness para maidiin sa patong-patong na kaso ang kanyang tiyuhin.
Pagkatapos ng maraming buwan, napatunayan nilang totoong may sala ang kanilang tiyuhin kaya tuluyan na nila itong naipakulong.
Ang ilang beses na pagdukot sa kanya, ang pagtatangka sa buhay niya at ang pagkamatay ng mga magulang nila.
Palihim na palang nag-iimbestiga sina Caspien, Jin at ang kuya niya tungkol sa pagkamatay ng mga magulang nila. Napatunayan nilang may foul play sa car accident na unang idineklara noon.
Wala pa sa legal na edad ng mga panahong iyon si Rhein kaya ang tiyuhin nila ang nag-asikaso ng lahat. Kalaunan, ang imbestigasyong iyon ang nagturo sa tunay na dahilan.
Noong una ay si Caspien lang ang katuwang ni Rein sa lihim na imbestigasyon. Ang unang motibong nakita ng dalawang magkaibigan ay ang yaman ng kanilang pamilya. Pero nang dumating si Jin at sumali sa pag-iimbestiga, nalaman nila ang mas malalim na dahilan.
Hindi totoo ang pagpapakilala ni Caspien sa kanya tungkol sa binata. Matagal na palang alam ni Caspien at ng Kuya Rhein niya ang tungkol sa tunay na pagkatao ng binata. At ang dahilan kung bakit ito nakipaglapit sa kanila.
Siya. Para protekthan siya. Para malaman kung sino ang nagdadala ng panganib sa buhay niya.
May hinala na si Jin noon. Pero mas naging matibay iyon nang magsimula ang kapahamakang nangyayari dito simula nang maging silang dalawa.
Lahat ng pakiramdam niya na palaging may nagmamasid sa bawat kilos niya, maging ang pakiramdam na may sumusunod sa lahat ng pinupuntahan niya, lahat ng iyon ay totoo at pakana ng kanilang tiyuhin.
Nalaman niya ang lahat ng iyon, pati ang palihim na pagprotekta ni Jin sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang kapatid.
Kung susumahin, hindi lang isang beses ang naging pagtatangkang pagdukot sa kanya. Una ay noong tumuntong siya sa ika-labing anim na taon. Nagtagumpay ang kanyang tiyuhin noon pero nakatakas siya at natagpuan ni Jin. Pero dahil sa aksidenteng natamo mula sa pagtakas, nawalan siya ng memorya. Umabot ng isang taong nasa poder siya ng pamilya ni Jin at doon na rin sila nagkamabutihan.
Hindi nagtagal ang kasiyahan nilang dalawa dahil sa ikalawang pagkakataon, muli siyang natagpuan ng kanyang tiyuhin. Muli siya nitong dinukot at nang makatakas ay sa hospital na siya nagising.
Wala na talaga siyang maalala at tuluyan nang nawala sa memorya niya ang lalaking minahal niya.
It must have hurt Jin a lot. Iyong tipong andyan lang siya pero hindi siya nito malapitan. Iyong nag-uusap silang dalawa pero hindi niya ito maalala.
"Tama nga ang kuya mo, dito lang kita makikita."
Mabilis na pinahid ni Rian ang mga luha niyang bago lingunin ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya nang makumpirmang si Jin nga iyon.
"Ano'ng ginagawa mo rito sa labas?"
"I was discharged. Ni hindi mo man lang ako binisita noong magkamalay na ako," untag nito.
Naupo ang binata sa damuhan gaya niya. Sandali nitong pinagmasdan ang magkatabing puntod bago bumaling sa kanya.
"Sigurado ka bang okay ka na?" nagdududang tanong niya.
Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang mahinang pagdaing nito matapos umupo.
"You're not okay, Jin."
"I assure you, I'm fine. The doctor already gave me permission and signed my discharge paper. Si Caspien ang sumundo sa akin."
"Pero bakit andito ka ngayon, imbes na sa bahay mo para magpahinga?"
"Kailangan kitang makita at makausap."
"Marami pang oras na pwede tayong magkita at mag-usap, Jin."
"I'm afraid I don't have enough time."
Natigilan ang dalaga at matamang napatitig sa kaharap.
Aalis ka ba?
"Nang mag-agaw buhay ako habang inililigtas kita, mas natakot akong hindi kita mailigtas ng mga oras na 'yon. Ang dami ko pang gustong sabihin sa 'yo, ang dami ko pang gustong gawin na kasama ka. Makikipag-ayos pa 'ko dahil hindi ako papayag na tuluyan kang makipaghiwalay sa akin, Rian."
Napayuko siya. "Hindi ko rin gusto na maghiwalay tayo. I'm sorry, Jin kung pinagdudahan kita. Kung natakot ako noon at agad na bumitaw sa 'yo."
"You're just saving yourself... and I understand you."
"You don't deserve what I did to you, Jin. Mas maiintindihan ko kung tuluyan mo na kong lalayuan."
"Sana alam mong hindi ko kayang gawin 'yan, Rian."
Mula sa bulsa ng pantalon ay may dinukot ito at ibinigay sa kanya. Tinanggap niya iyon gamit ang dalawang palad.
It's a silver charmed bracelet. Maraming charms na nakasabit gaya ng isang maliit na bell, isang dahon na yari sa pilak at ang hugis crescent na buwan.
"Kanino 'to?"
"Ibinigay ko 'yan kay Luna noon. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Rhein na nakakaalala ka na. Pero kahit hindi, maging si Luna ka man o si Rian, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko."
"Paano mo nagawang tiisin na hindi sabihin sa 'kin ang tungkol sa 'ting dalawa? Matagal mo na pala akong kilala pero hindi mo 'ko pinapansin."
"Ang hirap. Ilang beses na kitang gustong lapitan at yakapin pero nagpipigil ako. Nasa panganib pa ang buhay mo noon at mas gugustuhin kong pansamantalang lumayo habang hinahanap ang kidnapper mo, kesa sundin ang pansarili kong kagustuhan," paliwanag nito.
Sinapo nito ang kanyang mukha at masuyo siyang tinitigan sa mga mata.
"You are always worth the wait, Rian."
"Hindi ko na maibabalik si Luna sa 'yo. She's part of me that's already in the past. Ako na si Rian ngayon at mananatiling si Rian habang buhay."
"Minahal kita bilang si Luna noon at mamahalin pa rin kita bilang si Rian ngayon."
"Hindi ako perpekto, Jin. Marami akong pagkukulang na hindi ako sigurado kung mapupunan ko sa 'yo."
"Hindi ako naghahanap ng perpektong mamahalin. Tanggap ko ang buong pagkatao mo."
Napasinghap si Rian dahil kinakapos na siya sa hininga mula sa pag-iyak.
"I don't deserve you, Jin..."
"Ako ang mas hindi karapat-dapat sa 'yo pero susubok pa rin ako. Aalagaan kita at poprotektahan sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal kita, Rian."
"Jin..."
"Please... Let me take care of you."
Ligtas na siya. Nalaman na niya ang totoong nangyari sa mga magulang nila. Nakaulong na ang tiyuhin niya at wala nang nagbabanta sa buhay niya.
Karapatan niyang maging masaya na rin sa wakas. Hindi naman siguro masamang piliin naman niyang maging masaya ngayon 'di ba?
Pinahid niya ang luha. Tumingin siya sa langit at ngumiti.
Maliwanag ang kalangitan. Nagtatago sa makakapal na ulap ang araw kaya hindi gaanong mainit.
Ligtas na siya maging ang nag-iisa niyang kapatid. Wala nang manggugulo sa kanya at magbabanta sa buhay niya.
Panahon naman niya para maging masaya.
"Mahal din kita, Jin," nakangiting turan niya.
Author's Note
Hello. Thank you for reading up until here. This is everything I can give for this story.
Nagsimula ang kuwentong ito nang makapanuod ako ng isang vlog tungkol sa isang babae na may karelasyong limang taon ang agwat sa kanya.
Don't get me wrong. Kung isa, dalawa, sampong taon o higit pa ang pagitan ng edad ninyo ng patner ninyo, ay wala naman talagang kaso iyon.
Pero iyong nasa legal na edad ka na at hihintayin mong lumaki ang isang menor, itatanim sa isip niya na paglaki niya ay kayong dalawa ang magkakatuluyan. To see a minor as someone you could be in a relationship with in the future is already an act of child grooming.
Child grooming id establishing emotional connection to a child which commonly objects to sexual abuse.
I want to raise awareness to everyone. Please, keep an eye to your precious child.
Sa ngayon, hanggang dito na lang muna.
Maraming salamat sa pagbabasa.
- simplyfanatic
The End
You finished this book. Find your next story below.





