# CHAPTER 83

"Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ako nagkulang bakit mo ginawa sa akin ito. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin dito sa aking isip kung bakit lahat ng taong minamahal ko ay sadya akong sinasaktan. Bakit ba kailangan masaktan kapag nagmahal? Kung sino pa 'yung matinong tao at seryosong tao ay siya pa itong niloloko at tinataboy. Bakit ba ganito ang mga tao sa mundo?" Hindi ko inaasahan na bigla-bigla na lamang tutulo ang aking mga luha sa mata kahit na anong gawin kong pigil.

Agad naman na lumapit sa akin si Mike nang makita niya ang pagpatak ng aking mga luha at walang pag-alinlangan na niyakap ako kahit na alam niyang galit ako sa kanya at masama ang loob ko sa kanya.

Hindi na rin nagawang pigilan ni Mike ang kaniyang emosyon na nadarama sa kaniyang sarili kung kaya't napaiyak na rin siya habang panay sa kakahingi ng kapatawaran sa akin.

"I'm sorry if I hurt you, I'm sorry if you cry because of me. I love you so much Kristina and I don't want to lose you. Please patawad sa aking nagawa ito'y labis kung pinagsisihan." Wika pa ni Mike habang humahagulhol sa pag-iyak habang mahigpit na nakayap sa akin.

Hindi na rin ako nagsalita pa dulot sa emosyon na aking nadarama.

Kapag mahal mo ang isang tao ay handa mo pa rin siyang patawarin despite of everything he done to you.

Sadyang marupok lang ako kung kaya't kunting sorry lang ng tao sa akin ay magagawa ko na agad siyang tanggapin.

Pinatawad ko pa rin si Mike at binigyan pa ng pagkakataon para linisin at ayusin ang gusot na kaniyang nagawa. Nakikita ko naman sa kilos na Mike na sincere talaga siya at kapani-paniwala na siya'y nagsisisi sa kaniyang ginawa.

Alam ko rin sa aking sarili na hindi pa rito nagtatapos ang problemang kahaharapin ko kahit na nagkaayos na naman kaming dalawa ni Mike. Sapagkat batid ko sa aking sarili na mas marami pa akong pagsubok, hamon at problema na kahaharapin sa aming relasyon dalawa ni Mike. Lalo pa at naririto sa Pilipinas ang kaniyang ex-girlfriend na si Savannah na siyang desididong gawin ang lahat maagaw lang siya sa akin.

At ito nga ay aking paghahandaan oras na gawin at simulan na ni Savannah ang kaniyang pagbabalak na agawin si Mike.

It was October 10 kung saan pumunta ako ng mall upang maghanap ng mga designs ko para sa aking paghahanda sa opening ng aking bagong bukas na restaurant.

Two days na lang kasi at magapapa-blessing na ako ng aking kauna-unahang negosyo which is Restaurant kung kaya't abala na ako sa pagbili ng mga gamit at designs sa aking restaurant.

At first pumunta muna ako sa mga furnitures area para maghanap ng mga chairs and table na bagay sa tema ng design sa aking Restaurant. Naglibot libot na rin ako sa ibang areas upang maghanap ng iba pang kagamitan na pweding pandagdag design and lastly ay pumunta ako sa flower shop upang bumili ng mga bulaklak na roses which is one of my favorite, upang gagamitin kung palamuti sa araw ng pagbubukas ng aking Restaurant.

Habang abala ako sa pamimili ng mga bulaklak ay askidendting napatingin ako sa labas ng shop at sa hindi ko inaasahan ay may mahahagip itong mata ko ng isang taong dumaan sa labas ng flower shop na magkasing mukha ni Troy.

Dahil dito ay agad kong iniwanan ang aking mga pinamiling bulaklak sa flower shop at mabilis na sinundan ang lalaking nahagip ng aking paningin kanina dahil sa aking pag-aakala na si Troy nga iyon.

Paglabas ko ng flower shop ay agad kong nakita ang lalaking nakasuot ng sombrerong itim na siyang aking nakita kanina sa labas ng flower shop na kamukhang kamukha ni Troy. Kung kaya't dali-dali kung hinabol ang lalaki bago pa man siya mawala sa aking paningin.

Tila hindi na nga alintana sa akin na maraming tao ang nagtatakang tumitingin sa akin sapagkat tumatakbo ako na tila para bang may hinahabol na tao na siya naman talagang totoo.

Wala na akong pakialam sa magiging reaksyon nila. Ang gusto ko lamang ay maabutan ko ang lalaki at makita ko ng buong-buo ang kaniyang mukha kung tama ba ang aking palagay na siya nga si Troy o hindi at baka namamalikmata lamang ako.

Pababa na sakay nang escalator ang lalaking sinusundan ko subalit ako'y malayo pa sa kaniyang kinaroononan. Gusto ko siyang maabutan bago pa man siya makalabas ng mall kaya't ang ginawa ko ay buong tapang akong nang-agaw ng daan para lamang maabutan ko siya.

Hanggang sa kunti na lang ay maabutan ko na siya at nang makalapit ako sa kanya ng husto ay agad kong hinawakan ang kaniyang kamay at pinwersang makalingon siya sa akin.

At nang makalingon nga siya ay laking gulat ko nang makita ko ang kaniyang mukha na hindi naman pala siya si Troy at sadyang namamalikmata lang talaga ako.

"Hey! Who are you and what are you doing to me?" Pagtatakang tanong ng lalaki sa akin na aking pag-aakala ay si Troy.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa tila napahiya ako. "I'm so sorry I thought kilala kita subalit hindi naman pala. Nagkamali lang pala ako ng tingin at pag-aakala. Pasensya na talaga," sabi ko pa sa lalaki habang ningitian na lamang siya upang hindi ako magmukhang tanga sa paningin niya.

Napahiya tuloy ako, nagmukhang tanga at higit sa lahat ay nagsayang pa ng efforts. Bukod pa roon ay pinagod ko lang ang aking sarili sa walang kwentang bagay at isang pagkakamali.

"Ang tanga ko naman iyan tuloy napahiya pa ako. At bakit ko nga ba siya hinabol if ever na siya nga si Troy?" Bulong ko pa sa aking sarili sabay napapaisip ng husto.

"If ever siya nga si Troy ay supposed to be hindi ko dapat gawin iyon sapagkat pinapakita ko lamang sa kanya na hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa puso ko bagkos ay wala na naman. Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon. Hay nako so, weird at nakakahiya talaga ang ginawa ko. But nakakabuti naman na ibang tao iyon kesa maging siya nga. Mas double pa ang kahihiyan ko at baka mag-isip pa siya na hinahabol habol ko pa rin siya hanggang ngayon. Ayaw ko na nga na makita pa siya tapos hahabol habolin ko pa siya," bulong ko ulit sa aking sarili habang napakamot sa aking ulo.