Chapter 45: Be My Girl

Naalipungatan si Aj ng may tumatapik sa pisngi niya. Ang ganda pa man din ng panaginip niya na katabi niya si Sandra at nakaunan siya dito habang nakayakap .

Kung sino man itong istorbo makakatikim talaga sa kanya.

Bahagya niyang iminulat ang mga mata. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Sandra.

Muli niya tuloy naipikit ang mga mata. Nagmamalikmata na yata siya.

"Hey, sleepy head wake up! Kailangan mo nang kumain at uminom ng gamot para gumaling ka. Huwag kang pabebe diyan." Alog nito sa kanyang balikat.

Napabalikwas siya ng bangon.

Pero napangiwi ng maramdaman ang sakit ng ulo.

"Ayan! Bakit kasi kailangan pabigla-bigla babangon. Hay naku!" rinig niyang sermon nito.

Bahagya niya muling iminulat ang mga mata. Nakita niya itong may kinuha sa mesa at ngayon ay pabalik na sa kanya.

Naka uniform pa ito.

Hindi panaginip ang lahat. Naalala na niyang pinapunta niya ito.

"A penny for your thoughts?" taas kilay nitong tanong habang hawak-hawak ang tray na may umuusok na lugaw.

Napangiti na lang siya. Napakataray talaga ng mahal niya.

Bigla siyang natigilan.

Ano raw? Tama ba ang sinabi niya?

Mahal? Kelan pa?

"Tama na muna kakaisip baka dumugo ang makitid mong utak," ngising wika nito na ikitaas niya ng kilay.

"Aba! May pataas-taas kilay na tayo ngayon, ah! Mukhang gumagaling ka na pwede na ako makauwi. Salamat naman." Pagkasabi nito ay nilapag na sa harapan niya ang tray na dala-dala.

Umubo siya ng ilang ulit at pinalungkot ang mukha. "I'm still sick, please stay," lambing niya dito.

Nakita niyang natigilan ito.

"Bumabait ka pala kapag nagkakasakit noh, Aj. Saka hindi ako nurse." Irap pa nito bago naupo sa tabi niya. "Kaya mo naman sigurong kumain, di ba?"

Umiling siya. "Subuan mo na lang ako. S aka ano 'yan?"

"Lugaw lang di mo pa alam? Saan planeta ka ba galing?" inis nitong turan.

Inaasar niya lang naman ito eh. Pikon agad!

"Oh! Sino nagluto?"

"Huwag ka ng maraming tanong kumain ka na." Itinutok nito ang isang kutsara na may laman sa bibig niya. Mabilis naman niya sinubo 'yun pero halos mapamura siya sa init.

Simaan niya ito ng tingin ng makahuma na siya sa init ng lugaw sa bibig niya. Pinipigilan kasi nito ang pagtawa.

Mukhang hindi na kaya pigilan at ayun tumawa ng pakalakas-lakas!

Parang witch kung tumawa!

"So-sorry nakalimutan kong mainit," tawa pa rin ito nang tawa.

"Nakalimutan? Kita mo umuusok? Sinasadya mo lang. Kung ayaw mo nandito, pwes mag resign ka na din!" sabay irap niya dito.

"Masyado ka talagang suplado. Ito na, oh blow ko na po." Napangiti siya ng hinipan nga nito at tinikman pa kung dina mainit bago inilapit sa kanya.

Sunod-sunod na ang pagsubo nito.

"Masarap, sino nagluto baby girl?" Ang sarap pakinggan kapag tinatawag niya itong baby girl. Hindi naman siya sinasaway nito kaya ipagpatuloy.

"Ako," simple nitong sagot. "Here, inumin mo na itong gamot para gumaling ka na. Ayoko mag-alaga ng isip bata." Napailing na lang siya bago kinuha ang binibigay nitong gamot at tubig.

"Magaling ka pala magluto. Pwede ka ng mag-asawa," wika niya dito.

Kinuha na nito ang tray sa harapan niya at itinabi muna sa lamesa.

"Ikaw pwede ka na rin ba mag-asawa?" balik-tanong habang nakatingin sa kanya.

Napangiti siya.

"Huwag ka ngang ngingiti dyan! Baka mahulog este ang pangit mo makangiti para kang manyak sa kanto!" Natawa na lang siya sa sinabi nito.

Nakaramdan siya ng antok . Kakagising niya lang pero parang gusto niya ulit matulog. Epekto siguro ng gamot.

"I want to sleep baby girl," malambing niyang wika dito. "Tabihan mo ko ulit, please." Nagpuppy eyes pa siya dito.

"Tsk! Akala mo sinong maamong tupa ngayon! Dapat vinediohan ko ito para kapag nag-aladragon ka ulit may isusupalpal ako sayo!"

Ang daldal talaga.

Humiga na siya dahil inaantok na talaga siya.

Naramdaman niyang tumabi ito sa kanya kaya mabilis niyang kinuha ang kamay nito at ginawang unan. Ewan niya ang sarap lang sa pakiramdam ang ganitong posisyon.

"Baby girl, drugs ka ba?" wala sa sariling tanong niya rito.

"Hindi," sagot nito.

"Baby girl naman, sagot mo dapat bakit?" inis niyang saad dito.

"Ang daming arte! Nagkasakit lang, oh, bakit?" Napangiti siya di talaga siya matiis nito.

"Kasi nakakaadik ka!" Tumingala pa siya para makita ang reaksyon nito at nagkasalubong ang mga mata nila. Kita niya namula ang mga pisngi nito. "Kinilig baby girl ko."

"Hu-huh? Hindi noh! Matulog ka na nga kung matutulog ka! Ang dami mong alam!" Umiwas ito ng tingin na lalong nagpangiti sa kanya.

Isiniksik niya ang mukha sa may leeg nito. Nakakaadik ang amoy nitong mala-strawberry. Iniyakap niya rin ang isang braso sa bewang nito.

Maya-maya naramdaman niya ang pagsuklay nito sa kanyang buhok na mas lalong nagpapagaan sa pakiramdam niya.

Bago siya tuluyan dalawin ng antok ay narinig niya itong may sinabi pero hindi na malinaw sa kanya.

....

"I love you." Di napigilan sambitin ni Sandra habang sinusuklay ang buhok ni Aj.

Wala siyang narinig na reaksyon kungdi ang pagpantay ng paghinga nito.

Ang malas naman mukhang nakatulog na. Pero ayos lang marami pa namang pagkakataon.

And she will not accept No this time.

By hook or by crook. He will be mine.

Napangiti siya.

Ang sabi ng mayordoma ay bukas na raw makakauwi ang parents ni Aj. Kaya nagdesisyon siya na dito na lang din matulog para maalagaan niya ito hanggang sa paggaling.

Tinawagan niya nga si Samuel kanina at nagsabi dito.

Ano pa nga ba aasahan niya dito. Ang sabi gahasain niya na raw pero dapat may label muna daw.

Mukhang meron na naman... level 1 na dahil bumait na ito sa kanya. Palagay niya level 2 na kasi ito nga nakayakap na.

Level 3 is on the process, haha!

And that's is being his girlfriend.

Oh! Kayo? Lagyan n'yo na rin ng level bago ipa pop ang cherry.

Anong konek? Walang lang para masaya!

Nababaliw na talaga siya! Pati sarili niya kinakausap na niya.

Maingat muli siyang tumayo para ihatid ang tray sa baba at kumain.

Pagkatapos niya kumain, aakyat na siya sa taas ng nasalubong niya si manang Nena ang mayordoma nila Aj.

May dala-dala itong dalawang paper bag.

"Iha, ito pinapabigay ni ma'am Clarissa para daw sayo, iha." Iniabot ni manang ang paper bag sa kanya na kinuha niya naman.

"Akala ko po bukas sila uuwi? Dumating na po ba sila?" naitanong niya rito.

"Hindi, iha, ipinahatid lang sa driver 'yan. Nang malaman na pumayag ka magpalipas ng gabi dito para mabantayan si Andrew," paliwanag nito.

Napatango na lang siya.

Damit siguro ito. Ang bait talaga ng parents ni Aj.

Nagpaalam na siya rito na aakyat na at baka magising si Aj at hanapin siya.

Pagkaakyat ay binuksan niya ang paper bag.

Napanganga siya sa nakita.

Isang red sleeveless na dress may dalawang pares ng underwear at isang 2 inches na sandals na alam niyang mga branded. Napadako siya sa isa pang maliit na paper bag.

Napapikit na lang siya pagkakita rito. Isa itong red nighties na manipis lang ang tela panigurado bakas ang kanyang kahubdan kapag isinuot ito. Hindi man yata lalagpas sa may tuhod niya.

Napapailing na lang siya. Mukhang gusto talaga ng mommy nito gahasain niya ang anak nito.

Hindi na niya sana isusuot 'yun dahil masyadong daring baka isipin pa ni Aj ay inaakit niya ito.

"Bakit hindi ba? Paano kayo magkakalevel 3?" sulsol ng isipan niya.

Napabuntung-hininga na lang siya.

"Sayang naman kung hindi ko isusuot, bahala na!" Kinuha na niya ito kasama ang isang pares ng underwear at nagtungo na sa banyo para maligo.

....

Naalipungatan si Aj. Babangon na sana siya ng maramdaman may nakayakap sa kanya.

Pagtingin niya ay nasilayan niya ang napakagandang mukha ni Sandra. Tulog na tulog ito habang nakaunan sa kanya at nakayakap ang isang kamay nito sa bewang niya.

Napatingin siya sa oras sa may side table ng kama niya.

It's almost 4am. Napasarap pala talaga ang tulog niya. Kungsabagay may katabi ka ba naman mala dyosa hindi ka mapapanatag?

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Grabe sobrang amo huwag lang magigising dahil malatigre.

Napangiti siya ng maalala ang pag-aasikaso nito. Napakagago nga niya kung papakawalan ito.

Maari ngang nagustuhan siya nito dahil sa may pagkakahawig sila ng first love nito. Dapat nga magpasalamat pa siya di ba?

Sa ngayon ayaw na muna niyang isipin 'yun. Importante ay kasama niya ito.

Sa paglayo niya nang halos isang linggo ay tuluyan na niyang pinakawalan ang sarili sa nakaraan.

Kung dumating man ang araw na maalala niya ito. Ayos lang pero mananatili pa rin ito sa nakaraan.

Sa ngayon ang kasalukuyan ang aalalahanin niya at ang babaeng nasa harapan niya.

Kung sino man ang Sammy o Samuel na 'yun sisiguraduhin niyang mawawala sa landas nito.

Bahagya itong gumalaw kaya naalis ang kumot na nakatakip dito.

Napaawang ang bibig niya ng makita ang suot nito.

Shit! Huwag muna manliligaw muna ako!

Litaw na litaw ang mayayaman nitong dibdib na walang suot na bra. Ano pa kaya ang nasa ilalim nito.

Naramdaman niya ang pag flag ceremony ni junior.

Napapikit na lang siya upang pakalmahin ang alaga.

Napakislot siya ng maramdaman na may lumapat sa ibabaw ng alaga niya kaya napadilat siya.

Nakita niya ang kamay ni Sandra. Napadako tuloy ang tingin niya rito.

Mahimbing pa rin ang tulog nito.

"F*ck!" mahina niyang mura at bahagyang inangat ang kamay nito upang ilayo kay junior. Pero tila may sariling isip ang kamay nito na hinila at ibinalik sa kanyang junior.

Nanlaki ang mga mata niya ng pisilin nito ang junior niya at hinimas-himas kahit na may suot pa siyang pajama ay ibang ang binibigay nitong init.

Napatingin tuloy siya sa mukha nito. Tila nagwewet dreams ito.

Dahil nakaawang pa ang mga labi nito.

"Subukan mo lang na ibang lalaki ang nasa panaginip mo at papasok ako dyan para itapon kung sino man 'yan." Kausap niya rito na tila maririnig siya.

"Uhmm, ohhhh!" ungol nito na mas lalong nagpapainit sa kanya lalo na patuloy nito hinihimas ang alaga.

Pumikit siya at magbibilang siya ng lima. Kailangan niya magtimpi.

Isa..

Dalawa...

Tatlo...

Apat..

Bago pa siya makalima ay may dumampi na sa kanyang mga labi.

Pagkadilat niya ay mukha ni Sandra ang sumalubong sa kanya. He saw lust in her eyes.

Ginalaw nito ang mga labi at hinila pa ang batok niya para idiin ang labi nito sa kanya.

Wala na ang kamay niya sa panlalaki nito kungdi nasa batok na niya.

Nakahiga na ito habang siya ay nakapatong na ang kalahati niyang katawan dito.

Ipinasok na niya ang dila sa loob ng bibig nito na sinalubong naman ng dila nito at tila may labanan na nagespadahan ang mga dila nila.

Nakaalalay naman ang isang kamay niya sa bewang nito habang ang isa ay nasa ulunan nito.

Kapwa sila habol ang hininga ng maghiwalay. Tanging mga mata nila ang nag-uusap na tila nagkakaunawaan.

Napakagat labi ito na mas lalong nagpasabik sa kanya. Kaya muli niya itong sinunggaban ng halik. Halik na mapanghanap. Parang ngayong lang siya nakahalik, sobrang sarap ng mga labi nito na tila mas lalong nagpapabaliw sa kanya.

Ipinasok na niya ang isang kamay sa nighties nito upang sunggaban ang dibdib nito na naghihintay lamang.

Habang ang isang kamay niya ay nasa likod ng batok nito. Mas idinidiin ang paghahalikan nila.

"Uhmmm, ohhhh," ungol nito sa pagitan ng kanilang halikan.

Bumaba ang halik niya sa may leeg nito pagtungo sa may punong tenga at kinagat-kagat pa iyon na nagpainit lalo rito.

"I want you now, baby girl," mapang-akit na boses wika niya rito.

Akala niya ay ok na pero bigla siya nitong itinulak palayo kaya takang-taka siyang tinignan ito.

"Baby girl, why?" nalilito niyang tanong dito. Nakaluhod na siya sa harapan nito.

Iniwas nito ang tingin. "May sakit ka, Aj. Baka lumala ang sakit mo, eh," nahihiya nitong wika.

Napangiti na lang siya at iniharap ang mukha nito sa kanya. "I think you will be my medicine, baby girl." Dinilaan niya ang itaas na labi at tiningnan ito nang nang-aakit.

"Ang panget mo!" Natatawa nitong sabi at hinampas pa siya sa braso.

Nagulat naman siya sa sinabi nito.

Siya? Panget?

Grabe talaga ang babaeng ito!

"Baby girl! Inaakit kita tapos ganyan sasabihin mo? Ako panget? E paano mo ako nagustuhan?" naiinis niyang sambit dito.

Tumawa lamang ito. "Puro ka kasi kalokohan. May nalalaman ka pang 'I will be your medicine'. Wala ka na bang sakit?" Sinapo nito ang kanyang noo.

"Oh! Mainit ka pa, eh!" sabay simangot.

"Baby girl, hindi sakit ang dahilan nito kung 'di ito." Sabay nguso niya sa kanyang junior na nakabukol na talaga. Nasundan naman nito ng tingin ang nguso niya.

Nakita niyang nanlaki mga mata nito.

Parang ngayon lang nakita.

"Baby girl, please?" pagsusumamo niya rito. "Pero kung di ka pa ready to make love to me, ok lang." Humiga na siya sa tabi nito.

"Pe-pero paano 'yan? Hindi ba masakit ang puson mo?" tanong nito.

"Siyempre baby girl sobrang sakit pero ayaw kita pilitin," malumanay niyang wika dito. Tumagilid siya ng higa paharap dito, ganun din ang ginawa nito kaya magkaharapan na sila ngayon. Pareho din nakatukod ang isang kamay nila upang suportahan ang kanilang mga ulo.

Hindi niya napigilan tignan ang bandang dibdib nito na labas na ang punong dibdib. Napalunok siya. Siya na mismo nagtaas ng kumot upang takpan ito.

"We can do it. 'Yun nga lang ano muna label natin?" Napatingin siya rito dahil sa sinabi nito.

"Label?" wala sa sariling tanong niya.

"Yes, label. Like ano, friends with benefits, pero ayoko 'yun or fuck buddy, ayoko din 'yun." Napakunot noo tuloy siya sa sinasabi nito. "Or last is 'yung in a relationship like boyfriend/girlfriend."

"Oh! I see!" Nang maintindihan ang gustong iparating nito. Inalalayan niyang umupo ito, ganun din siya. Nagtataka itong tumingin sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "Will you be my girlfriend?" seryoso niyang tanong dito.

Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi gusto mo magjugjugan tayo." Ngumuso pa ito.

Napakunot noo naman siya. "Anong jugjugan baby girl?"

Napangiti ito. "Jugjugan 'yung papasukin mo 'yung butas ko in short Sex." Nagtakip pa ito ng mukha.

Napatawa naman siya nang malakas.

"Baby girl, puro ka kalokohan. Inalis niya ang kamay nitong nakatakip at muli ay hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito upang harapin siya.

"Hindi 'yun ang rason ko kaya kita tinanong. Well, gusto ko sana ligawan ka muna pero dahil binigyan mo ko ng choices na wala naman talagang pagpipilian ay mas pabor sa akin. Pero don't worry baby girl. Liligawan pa din kita kahit tayo na. Gusto ko lang na masigurado na wala ng lalapit sayong iba, hmmm," Mahaba niyang paliwanag dito.

Mababakas pa rin sa mukha nito na tila sinusuri siya kung nagsasabi ng totoo.

"Ok, I know I always deny that I'm attracted to you. But the truth is.... I do. The first time i laid my eyes on you, I am already attracted. Pero pinigilan ko lalo na ng napabalitang lesbian ka. Then, you confessed you like me and that your a real woman." Bahagya pa siya natawa ng maalala ang kalokohan nito. "I am in the stage of indenial. Sabi mo nga pinapamukha kong ayaw ko sayo. Pero iba ang ikinikilos ko. Until that last encounter we had, 'yung sinermunan mo ako. That day I realized something." Nakita niya ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. Mabilis niya iyong pinunasan.

"Nung hindi ako nagparamdam. Inaayos ko ang sarili ko. Nag mountain climbing ako doon ko inilabas lahat ng gumugulo sa akin. Gusto ko kasi pagbalik ko 'yung wala na akong iniisip para sayo."

"Kaya ka pala nagkasakit akala ko naman inubos mo nang pasukin lahat ng butas," singit nito na ikinatawa niya.

"Baby girl, ganun talaga tingin mo sa akin. For you information, simula makilala kita never na ako pumasok ng ibang butas. 'Yung butas mo na lang-ouch! Baby girl." Napahawak siya sa tagiliran nang kurutin nito 'yun.

"Puro ka kalokohan!"

Kinuha niya ang mga kamay nito at pinaloob sa kanyang mga kamay.

"Hindi man ako magiging perfect boyfriend pero gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging karapat dapat sayo." Tuluyan nang pumatak ang mga luha nito. "Hush baby girl, don't cry." pagpapatahan niya rito.

Yumakap ito sa kanya. "Make sure lang dahil ipapakain kita sa alaga kong Leon."

"Meron ba?"

"Gusto mo ikaw ang almusalin niya?" pananakot nito.

"Oo na meron nga sabi ko. So... your my girlfriend na?" pagkumpirma niya rito.

Tumango ito at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

Tinitigan siya nito. "I'm yours and you are mine." Pagkasabi nito ay ito na ang tumawid sa pagitan ng mga labi nila.

This time they kiss so passionate. May pag-iingat niyang inangkin ang labi nito.