Chapter 44: Nurse

Nakasakay na si Sandra sa company car na maghahatid sa kanya sa mansion ng boss niyang herodes.

Nagulat talaga siya ng makitang tumatawag ito. Aaminin naman niya sobrang namiss niya ito.

Pero ang walanghiya imbes mangumusta puro tanong sinalubong sa kanya parang ewan! Wala pa din pinagbago. Akala niya sa pagkawala nito ng isang linggo ay may mabuti ng espirito ang sumanib dito. Pero wala! Wala! Wala!

"Nandito na po tayo ma'am." Kalabit sa kanya ni kuya Jaime. Kanina pa yata sila nakahinto at dahil naglalakbay ang kanyang isipan ay hindi niya ito napansin. Napilitan tuloy siyang kalabitin.

Nakakahiya!

"Ah, opo, salamat po kuya." Mabilis siyang bumaba sa sasakyan. "Hihintayin n'yo po ba ako?" tanong niya pagkababa.

"Hindi na po ma'am, sabi din kasi ni Mr. Villaflor na iwanan ko na po kayo dito," magalang nitong sagot.

Napatango na lang siya at pinaalis na ito.

Ano na naman kaya ipapagawa ng lalaking 'yun?

Nakabukas naman ang napakalaking pintuan na tila aabutin nang sampung taon ang maglilinis nito. Charot lang!

Hahakbang pa lang niya ang mga paa papasok ng bumungad sa kanya ang mommy ni Aj.

Tila siya naestatwa na nakatitig dito. Napakaganda talaga ng mommy nito. Palagay niya nasa late fifties na pero ang datingan parang thirties. Blonde ang hair nito at kulay green ang mga mata. So, dito nakuha ni Aj ang kulay ng mga mata nito.

"I love how you admire me, iha. But you are too beautiful too," sambit ng mommy nito na ikinapayuko niya.

Nakakahiya talaga. Expect niya na aawayin siya nito dahil sa ginawa niya at mga pinagsasabi sa anak nito.

Naramdaman niya hinawakan nito ang baba niya at iniangat. Sumalubong sa kanya ang mga berde nitong mga mata.

Ngumiti ito. "Don't be shy, iha. Its me, your mother-in-law to be. Kaya dapat masanay ka sa akin ok. By the way, what are you doing here?" Pagkasabi ay nakipagbeso pa ito sa kanya.

Hindi pa ma process ng utak niya ang sinabi nito.

Mother-in-law?

"Iha," untag nito sa kanya kaya nabalik siya sa sarili.

"Po-po?" nauutal niyang sagot.

Muli itong ngumiti. "I asked why are you here? Hindi mo naman siguro sesermunan ulit ang anak ko, di ba?" Sinabayan pa nito nang pagtawa habang siya ay sobrang nahiya na talaga.

Akala niya nakalimutan na nito.

"Hi-hindi po, pasensya na po talaga kayo nung nakaraan sa nangyari. Hindi na po mauulit," hinging-paumanhin niya.

"Ano ka ba, iha. Wala 'yun noh. Ako pa nga magpapasalamat sa panenermon mo. Nagsawa na kasi ako buti na lang nandyan ka," nakangiti pa rin nitong saad.

Napangiti na rin tuloy siya nakakahawa ang awra nito na tila ang saya-saya.

"Your more beautiful when you smile, iha," puri nito sa kanya. Palagay niya ay namula ang mga pisngi niya sa sinabi nito.

"Did Andrew call you?"

"Yes, tita. Tinawagan niya po ako at sabi niya nga po puntahan ko siya rito. Hindi ko nga po alam ano ipag-uutos niya. Ayaw sabihin sa phone tapos 20 minutes lang binigay para makarating dito. Napakademanding po talaga." Napatakip siya ng bibig ng ma-realized ang sinabi.

Narinig naman niyang tumawa ito.

"It's ok, iha. Like I said feel free to say anything about my son. I don't mind as long hindi pa naman paninira ng reputasyon nito."

Napangiti na lang siya. Napakabait talaga ng mommy nito.

"Honey, let's go!" Boses na sa tingin niya daddy ni Aj.

Nasundan niya ng tingin ang tinitignan ng mommy ni Aj.

Napakagwapo din talaga ng daddy nito. Kamukha nito si Aj sadyang ang mga mata lang nito ang nakuha sa mommy nito.

Pagkalapit nito ay mablis siyang bumati.

"Good afternoon, sir."

"Hmmm, sa honey ko tita sa akin sir? Dapat parehas kami, di ba honey?" Humagikhik naman ang mommy ni Aj.

"Seloso lang, tara na mahuhuli na tayo nandito na rin naman si Sandra. She will take care of our son. Simpleng galawan 'yan ng anak mo, ah. Mana talaga sayo," wika ng mommy ni Aj na ikinatataka niya.

"I think Kevin did the job," sambit ng daddy nito na mas ikinataka niya.

"Sige na iha, baka hinihintay ka na nun. May pupuntahan lang kami. Take care of my son, may sakit kasi 'yun at ayaw magpadala sa hospital. Buti nandito ka. Sa 3rd floor kwarto niya pangalawang pinto pagkalabas mo ng elevator," pahayag ng mommy nito.

Ang tanging naintindihan niya lang ay ang sinabi nitong may sakit si Aj.

"Sige po, ingat po kayo," nasabi na lang niya.

Hahakbang na sana siya papasok nang tawagin siya ng mommy ni Aj kaya lumingon siya sa mga ito.

"Sandra.... if you want to rape my son.... go on. Wala siyang laban ngayon basta panagutan mo siya, iha ah." Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng mommy nito na humahagikhik pa bago tuluyan umalis.

Naipilig na lang niya ang ulo.

Seryoso ba talaga mommy nito kasi willing siyang i-grab lalo na may basbas mula rito.

Natawa na lang siya sa kalokohang naiisip.

Naglakad na siya papunta sa elevator.

Napakasusyal talaga ng bahay may elevator pa.

Pagkarating sa 3rd floor ay naglakad na siya patungo sa ikalawang pinto.

Pansin niya ang layo ng agwat ng unang pinto sa pangalawa at tanging dalawa lamang na pintuan ang naroroon.

Nang matapat sa pintuan na pakay ay kakatok na sana siya pero kusa na itong bumukas kaya naiwan sa ere ang kanyang nakakuyom na kamao.

"You wanna punch me?" Nakataas na kilay tanong ni Aj.

Ibinaba niya ang kamay. "I wish I could.. Pakatok po sana ako kaso mukhang kanina ka pa yata nakaabang," sarkastiko niyang saad dito na pasimpleng pinasadahan ito ng tingin.

Nakapajama ito at manipis na puting t-shirt lang ang suot. Bakas na bakas tuloy ang matipunong katawan.

"Your late," untag nito sa kanya.

Inirapan niya lang ito at nagtuloy na pumasok kahit hindi pa siya nito pinapapasok.

"Late your face! Ano ako si wonder woman na isang tawag lang parang magic na nandito na," reklamo niya rito. Naglibot ang kanyang mga mata at napanganga siya sa laki ng kwarto nito.

Isang bahay sa loob ng bahay.

Paano halos isang bahay na rin ito may sala set may minibar at may isang pintuan na sa tingin niya ay kwarto. Black and white ang pintura.

"Do you like it?" Napapitlag siya nang dumampi sa kanyang leeg ang mainit nitong hininga.

Hindi niya napansin na nakalapit na ito sa kanya.

Tila bigla ay hindi siya naging kumportable sa ayos nila.

Nang maalala ang sinabi ng mommy nito na may sakit raw ito kaya mabilis siyang humarap dito at sinapo ang noo nito.

"Oh! Shit! May sakit ka? Saan ka ba kasi nagsusuot? 'Yan napapala mo sa kakapasok sa lahat ng butas! Magpatingin ka na nga sa doctor baka malala na 'yan," sunod-sunod niyang sambit rito.

Pero ang mokong nakangiti lang habang nakatitig sa kanya. Bigla niya tuloy binawi ang palad sa noo nito. Aatras na sana siya nang hinawakan siya nito sa bewang at hinapit palapit.

"Where do you think your going?" malambing nitong tanong

Oh! God please help me. Ilayo mo ako sa tukso. Huwag ngayon, bukas na lang!

Napalunok siya nang ilang ulit pero itong traydor niyang mata ay nanatili talagang nakatitig din dito.

Sarap hugutin hindi marunong makisama.

Unti-unti nito binababa ang mukha na tila hahalikan siya kaya naman naipikit niya ang mga mata. Pero bumulong lang ito sa kanya.

"Take care of me, I'm sick," malambing pa rin nitong sambit.

Doon ay tila natauhan siya na naitulak ito palayo. Para na rin maitago ang pagkapahiya dahil sa inaakala niyang hahalikan siya nito.

Nakita niyang nakangiti itong nang nakakaloko.

Hindi ako marupok!

"Lumayo ka nga sa akin! Saka anong alagaan? Anong tingin mo sa akin isang nurse! Secretary ako Aj at hindi nurse." Namaywang pa siya rito. "Ngayon may sakit ka ako tatawagin mo? Bakit nasaan ang mga nagpakasasa sa katawan mo? Bakit hindi sila ang tawagin mo." Tinalikuran niya ito..

"Ang dami-dami mo naman sinabi.. Sorry na kung nagalit ka dahil akala mo hahalikan kita." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Kaya napaharap siya muli rito at ang mokong wagas makangiti. Sarap bigwasin!

"Ba-kit naman ako magagalit saka hindi ako papahalik sayo, noh! Baka mahawa pa ako."

"Oh really? Bakit pumikit ka?" nang-aasar pa nitong wika.

"Shut up!" Napalakas na ang boses niya pero ito tilang tuwang-tuwa pa.

"Sorry, ayaw kasi kita mahawaan dahil may sakit ako. Pero pag wala na you can kiss me whenever and wherever we are," nakangiti pa rin nitong wika.

Oh! Shit! Bakit mas lalo itong guwapo sa pagkakangiti.

Mahuhulog na naman siya niya.. Peste talaga!

Tumikhim siya. "Hindi na kailangan.. I don't need your kiss! Saka hindi lang 'yan sakit ang mahawa ako. Baka pati kakatihan mahawa ako o kaya baka may sakit ka na 'yung,". napahawak pa siya sa baba upang isipin ang gustong sabihin, "yes, ok 'yun nga baka may std or hiv ka na sa dami nang pinasukan mo."

Nakita niyang napatanga ito sa kanya.

Masyado guilty ang kumag!

Nagulat siya nang bigla itong sumigaw

"What the f*ck your saying?! Malinis ako at never ako magkakasakit! Saka gumagamit ako ng proteksyon," inis na rin nitong sigaw sa kanya.

Nataranta siya nang bigla itong mapahawak sa ulo. Kaya mabilis niya itong nilapitan.

Nabawi niya ang mga kamay na tila napaso dahil sa init ito.

"F*ck!" mahina siyang napamura. Nag-aapoy ito sa lagnat.

Inalalayan niya ito maupo. "Bakit di mo naman sinabi mataas lagnat mo?"

"I did, but your just to talkative. Imbes asikasuhin ako puro daldal ginawa mo!" asik nito.

"Aba! Kasalanan ko pa? Ikaw nga dyan may lagnat ka na ang suplado mo pa rin," ganti niya dito.

Napapikit ito kaya mas lalo siyang nataranta. "Hoy! Huwag kang mamamatay! Dalhin na kita sa hospital! Tatawag lang ako ng kasama.". Akmang aalis na siya nang hawakan nito ang braso niya kaya napatingin siya rito pero nakapikit pa rin.

"Mamamatay agad? I don't need to go to the hospital just stay here and please shut your mouth. Mas lalo ako magkakasakit sa ingay mo, eh," mahina nitong sambit.

"Kung ayaw mo pala ng maingay sana hindi na lang a-" napatigil siya nang ngumiwi ito na tila nasasaktan.

Mukhang masama nga talaga pakiramdam nito.

Napabuga siya ng hangin.

Ok! Behave muna siya ngayon. Kawawa naman ang mahal niya.

"Tara na, dun ka na sa kwarto magpahinga," aya niya rito at inalalayan ito tumayo.

Ang bigat ng mokong.

Kung ano-ano na naitatawag niya sa lalaking ito.

Nang makarating sa kwarto nito ay mas lalo siyang namangha. Napaka manly ng dating nito at ang bango at linis din.

Masinop naman pala ito.

Inalalayan niya ito hanggang sa kama.

"Palitan natin 'yang t-shirt mo, basang-basa ng pawis." Hinawakan niya ang laylayan upang hubarin ito.

"Ako na." Pigil nito sa kanya pero ni hindi nga maiangat ang mga braso.

"Tsk!" Muli niya hinawakan ito at huhubarin pero hinawakan nito ang kamay niya upang pigilan.

Napipikon na siya! Ang arte!

"Kung kaya mo naman pala, 'di aalis na ako tutal kaya mo di ba?" sarkatisko niyang sabi at aalisin na ang mga kamay ng una itong mag-alis.

"Go on, just don't leave," bakas sa boses nito ang pakiusap.

Inirapan niya lang ito at tuluyan nang hinubad ang damit.

Pagkaalis ng damit nito ay napadako ang inosente niyang mata sa dibdib nito na namumukol papunta sa ibaba.

1

2

3

4

5

6

T*ngna anim na pandesal, solve na ang almusal.

"Enjoying the view, baby girl?" Napakagat labi siya ng marinig ang tinig nito.

"Stop biting your lips, baka hindi ako makapgpigil, baby girl," dagdag nito.

Napatingin tuloy siya dito and he saw lust, desire, fire and a lot emotion in his green eyes.

"Ang lamig baby girl," daing nito ng maalalang wala nga pala itong damit.

"Ah, wait kukuha lang kita ng damit." Natataranta siyang nagtungo sa closet nito na may sariling pintuan.

Hanep pati closet parang kwarto ang laki. Puno ng halos mamahalin na damit.

Hinanap na niya ang pakay baka lumalala pa sakit nito.

Nang makakuha ng isang puti ring t-shirt ay mabilis siyang lumabas at sinuot rito.

"Do you like what you saw earlier, baby girl?" nanunukso pa nitong wika.

Para mawala ang pagkapahiya ay inirapan niya ito. "It's normal, hindi lang naman ngayon ako nakakita ng ganya noh."

Nakita niya napatiim bagang ito. "At sino-sino mga nakita mo na? Ilan? Mas maganda ba 'ung kanila?" sunod-sunod nitong tanong.

"It's not of your business! Nakainom ka na ba ng gamot? Kumain ka na ba?" pag-iiba niya ng usapan.

Hindi ito sumagot bagkus inirapan siya.

Ay! Suplado!

"Huwag mo ko mairapan diyan, Aj! Sumagot ka baka iwanan kita!" banta niya rito.

Tila naman nataranta ito sa sinabi niya.

"Wala akong gana. Gusto ko matulog." Umayos na ito ng higa at pumikit. "Please, tabihan mo ko."

Himala marunong makiusap ito.

Hinubad niya ang kanyang blazer at sapatos pagkatapos ay sumampa na rin sa kama.

Nakatalikod ito sa kanya pero bigla itong humarap at kinuha ang kanyang isang kamay upang gawing unan. Yumakap rin ito sa kanya.

"Smell so good, baby girl." Nakapikit pa rin ito habang inaamoy-amoy siya.

"Hey," Lalayo sana siya pero mas lalo siya nitong niyakap.

"Please, I want to rest," halos di na niya rinig ang boses nito.

Maya-Maya pa ay ramdam na niya ang mahinang paghilik nito.

Ngayon ay malaya na niyang napagmamasdan ang mukha nito.

Hinaplos niya ang noo nito na bahagya nakakunot pa, pababa sa matangos nitong ilong, napakakinis ng balat nito na talagang mahihiya ang pimples na tumubo. Pinindot-pindot niya pa ang ilong nito.

Kainggit kasi ang tangos, eh!

Hanggang sa mapadako siya sa mga labi nito na tama lang ang kapal, namumutla ito ngayon pero alam niya kung gaano kapula ang mga ito at kasarap.

Putik! Nagiging manyak na siya!

Tiningnan niya ang oras mag-alas tres na ng hapon.

Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay na ginawa nitong unan.

Maingat din siya tumayo at muling sinalat ang noo nito. Mainit pa rin ito kaya naghanap siya ng bimpo.

Nagtungo siya sa banyo nito na kasing laki na ng kwarto niya. Iba talaga kapag mayayaman. Grabe!

Nakakita naman siya ng maliit na palanggana, mukhang dinala na ito kanina.

Kinuha niya ito at nilagyan nang maligamgam na tubig. Bumalik siya sa tabi nito at inilagay sa noo nito ang bimpo.

"Napakaamo ng mukha mo pag tulog pero kapag nagising wala na. Isa nang bumubuga ng apoy. Ano nga ba meron sa nakaraan mo?" kausap niya dito kahit alam niyang 'di siya sasagutin nito. Natutulog kasi nga.

Ilang beses niyang ginawa ang pagpunas dito bago nagdesisyon bumaba upang ipagluto ito ng lugaw at makahanap ng gamot. Tatawagan na rin niya ang kambal di pa siya sure kung makakauwi siya. Sa ngayon gusto niyang alagaan ito.