Chapter 5: Level Five
Isang itim na sleeveless dress ang napili kong suotin. Umabot lang ang haba nito sa kalahati ng aking mga hita at may slit sa kanang harapan, habang puting sneakers naman sa aking mga paa para hindi ako mahirapang maglakad-lakad mamaya.
Hinayaan ko lang ang mahaba at alun-alon kong buhok na nakalugay. My hair color is as dark as night, emphasizing my pale white skin. My eye lashes doesn't need any maskara or curlers as well as my eyebrows. My lips is in full red I don't need lipstick to paint it. Nagkibit balikat ako at nag apply ng isang maroon matte lipstick to finish my look for tonight.
Now, I look like a vampire ready to party.
Natatawa na lang ako sa aking mga pinag-iisip.
Nagvibrate ang aking cellphone sa ibabaw ng kama. Lumapit ako doon at nakitang tumatawag ang aking kapatid. Agad ko itong sinagot.
"Hello Kuya.."
"Kamusta naman diyan? Okay ka lang ba?" tanong agad niya.
"Yes Kuya. Okay lang ako dito."
"That's good to hear. I'm on my way to Columbia. I have a lot of things to do at hindi ako masyadong makakatawag sa'yo. Don't forget why you are there and always update me. Got it?" bilin niya na parang boss.
Umirap ako sa hangin. "Oo na. Sige na at may pupuntahan pa ako."
"At this time?"
Tumingin ako sa wall clock sa aking silid.
It's 9:28.
"Saan ka pupunta?" He asked in a dangerous tone.
Tss.
"Nagyaya lang ang kaibigan ko, tsaka maaga pa naman."
"Friend? You have a friend now? You're not even friendly to start with," sarcastic niyang saad.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Kinuha ko ang maliit na sling bag sa ibabaw ng kama at naglakad na palabas ng kwarto.
"Whatever Kuya. Sige na at malalate na ako," yun na lang ang sinabi ko habang nilolock ang pintuan.
"Okay. Just be careful," aniya at pinatay na ang tawag.
Inilagay ko ang aking cellphone sa bag at naglakad na pababa sa hagdan. Tahimik ang buong bahay. Gabi na pero wala pa rin si Soul.
Lumabas ako sa aming Villa at napatitig sa malawak na kalsada sa aking harapan.
Now what? Sa kanan ba o sa kaliwa? Saan ngayon ang daan papuntang level 5?
Napasintido ako ng wala sa oras. Ang lakas mag-aya ng lalaking yun pero hindi man lang ako sinundo o tinext man lang para sabihin ang direksyon.
Tatalikod na sana ako papunta sa loob ng bahay nang may bumusinang sasakyan. A Lamborghini stopped in front of me. Bumaba ang bintana ng sasakyan at lumantad ang isang mukhang pakboy na lalaki na nakangisi sa akin.
His lustful eyes scanned me from head to toe. His eyeballs stopped and shamefully stares on my cleavage. I arched my eyebrow while his grin just grew wider.
"Are you lost baby girl?" tanong niya.
What? Seems like I've heard or read that line before. There's a lot of it on Facebook from that famous bald pornhub master.
I snorted. Fvck boy nga talaga.
Hindi ko siya pinansin at nagsimulang maglakad sa gilid ng kalsada. Magtatanong na lang ako kapag may makasalubong ako.
Marahang sumunod sa akin ang sasakyan niya, naririnig ko pa ang mga mahihina niyang tawa. Sumabay ang sasakyan niya sa akin. Nakatukod ang kaliwa niyang kamay sa bintana ng sasakyan habang nakangisi.
Really, what's with boys here at parang mga timang?
"Come on, I'm just kidding. You're going somewhere? I'm on my way to level 5. Pwede kitang isabay kung gusto mo," aniya.
Upon hearing his destination, I stopped walking and faced him.
"Pupunta kang level 5?" paglilinaw ko.
"Yep. You can ride me," he said while biting his lips sensually.
My forehead creased. "What?"
"I mean I can give you a ride," bawi niya at sinabayan ng tawa.
Baliw.
"A lady like you shouldn't be left alone in the middle of the street," dagdag pa niya.
"Papunta din ako sa level 5. Are you sure okay lang na sumabay ako?" paniniguro ko pa.
"Oo nga and it's my pleasure to have a gorgeous lady inside my car." He wiggled his eyebrow.
Without a second thought, I opened the car door and made myself comfortable beside him. Liningon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa aking mga binti.
"Nice legs," he whistled.
"Eyes off," banta ko na tinawanan lang niya.
"So you're the transferee," aniya nang magsimula nang umusad ang sasakyan. "What's your name?"
"Sabrina," tipid kong sagot.
"Sabrina—?" Literally asking my last name.
"Suarez."
Tumango-tango siya. I focused my attention on the road thinking why I end up using my mother's last name. When I signed up for the invitation, I used Suarez instead of Cromello. Sabi ng kapatid ko ay para raw yun sa proteksyion ko.
Napansin kong may mangilan-ngilang estudyante ang nakatambay sa daanan, ang iba ay naglalakad papunta sa kung saan.
"Wala talagang curfew dito 'no?" baling ko sa kasama ko.
"Wala. You have all the freedom that you need here kaya madaming estudyante ang naeengganyo na mag-aral dito."
Magsasalita ulit sana ako pero tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng nag-iisang two story house dito sa buong level 4.
"Wait lang ha? May kukunin lang ako saglit," paalam niya.
I just nodded my head.
Bumaba siya at nagmamdaling lumakad. Sumilip ako sa bintana upang makita ng mabuti ang bahay. It's like a temple na ang daan papunta sa taas ay isang mahabang batong hagdan pero sa gilid nito ay isang deretsong daan para siguro sa sasakyan.
I combed my hair using my fingers. My eyes landed on the dashboard of his car, particularly to his wallet.
Dinampot ko ito at binuklat. Credit cards, cash, bills, and... condoms. Kinuha ko ito at inamoy.. hmm. amoy chocolate. Active na active ang sex life ng loko. Ibinalik ko ito nang may nakita akong high school ID.
Jameson Eric huh?
Matapos ko itong mabutingting ay maayos kong ibinalik ang wallet niya at sinigurong walang iniwang kahit anong palatandaan na nagalaw ito.
Dumukwang ako nang nakitang nakalas ang sintas ng sapatos ko at habang inaayos yun, may nakita akong pulang tela sa ilalim ng upuan ni Jameson.
Inabot ko ito at binuklat sa aking harapan and I was mortified when I recognized it. It's a fucking red t-back! Nilakumos ko ito at ibinato pabalik sa ilalim ng upuan.
I snorted. That man!
Tiningnan ko ang oras sa aking wrist watch, bakit ba ang tagal niya? It's almost 10!
I looked up in the house. Naaaninag kong may kausap siyang isang lalaking matangkad. I can only see their silhouette kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha ng kanyang kausap. Maybe that's the King? Kadalasan sa mga King and Queen ay matatanda na, maybe they are in their forties and somewhat related to the principal?
Nakita kong may iniabot ang lalaki sa kasama ko at ilang hand gestures lang ay naglakad na si Jameson pabalik sa sasakyan.
Umayos ako ng upo ng palapit na siya.
"Sorry for that. Did you miss me?" tanong niya. Matamis ang dila ng isang ito, no wonder na madami na siyang nabiktima.
"Why would I?" pambara ko.
Humalakhak lang siya habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Bakit ba ang hilig ng mga tao ditong tumawa?
"Was that the King?" I asked, referring to the person he talked earlier.
"Nakita mo?" Nilingon niya ako.
"Not clearly. Madilim kasi ang pwesto niyo."
Ibinalik niya ang paningin sa daan bago ako sinagot. "Yeah. He's the King of the school and he's my friend."
It's my turn to look at him. I think I need to stick with this kind of people in order to get information that will lead to my mission.
"What's his name?" tanong ko habang papasok sa border ng level 5.
He stopped the car and looked at me intently.
"His name is.. Mang Jose."