Chapter 4: Her Roommates
"Woaahhh.."
Namamanghang inilibot ko ang aking mga mata sa mga nagtatayugang mga gusali sa aming harapan. Feeling ko ay nasa Gotham City ako. With the gray sky and the combination of dark and gold infrastructures, everything was Gothic.
Naibagay din ang mga punong nakahilera sa daanan, wala itong dahon, puro mga bulakalak na ang kulay ay crimson red.
"Well you see, nahahati sa anim na level ang University. This is level 3. Ang school buildings," agaw niya sa aking pansin.
"Anim na level?" tanong ko.
"Oo. Level 1 yung park at level 2 naman yung castle."
Regarding that one, magtatanong sana ako pero may isang humaharurot na cab ang biglang tumigil sa harapan namin.
"Hi Soul!" ngiti ng driver sa kasama ko na inirapan lang nito.
Bumaba ang lalaki at lumapit sa akin.
"Hi beautiful," bati niya saka walang sabing kinuha ang kanang kamay ko at marahang hinagkan habang nakatingin sa aking mga mata.
Bahagya pa akong nagulat sa bilis niyang pumorma.
What the— Sino ba ito?
Tinampal siya ni Soul. "Itigil mo nga 'yang mga kalokohan mo Clark. Ano bang ginagawa mo dito?"
Natatawang binitawan ng lalaki ang kamay ko. Akala ko ay lalayo na siya sa akin pero lalo lang siyang lumapit at inakbayan pa ako.
"Wala akong klase ngayon eh kaya nagmagandang loob na ako na maging driver niyo," paliwanag niya.
"Mga palusot mong bulok," sagot naman ni Soul na nakahalukipkip.
Aba! Kung makapag-usap ang mga ito ay parang wala ako dito ah.
Tumikhim ako at marahang tinanggal ang braso ng lalaking ito sa aking balikat. Ano nga ulit pangalan niya? Twerk? Lumayo ako ng kaunti sa kanya at nabuburyong na tiningnan si Soul.
"Naku pasensya ka na Sab dito sa isang ito. Manyakol talaga yan," paumanhin niya.
Lumapit na naman itong si Twerk at umakbay ulit sa akin. Sino ba kasi itong bugok na ito at kung makalingkis ay parang linta?
Sa inis ay siniko ko na siya sa kanyang tagiliran.
"Ouchhh!" Maarteng reaksyon niya kahit hindi naman ganon kalakas. Nakahawak pa sa tiyan na akala mo naman ay nasaksak.
"Yan ang bagay sayo," tawa ni Soul.
"What a brutal lovely lady," natatawa niyang saad. Inihanda ko na ang aking kamao nang makitang palapit na naman siya.
"Woah! Easy darling. Kukunin ko lang yang maleta mo," aniya at itinaas pa ang mga kamay.
Pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante dahil sa mga kalokohan niya.
Napailing na lang ako habang sumasakay sa cab habang si Soul naman ay tawang-tawa. 4 seater ang sasakyan. Ako sa likod kasama ang aking mga maleta at si Soul naman sa harap katabi si Twerk.
Umusad na ang sasakyan sa mabagal na takbo, parang nagtotour talaga. Nag-uusap ang dalawa sa harapan habang ako naman ay busy sa pagtingin sa labas.
Ang mga estudyanteng aming nadadaanan ay napapatingin samin lalong-lalo na sa akin. Iniisip siguro nila na ako yung transferee dahil sabi ni Soul na alam ng lahat.
School buildings, cafe, computer shop, restaurants, food stalls, gymnasium, swimming pool, wide field etc ang makikita sa level 3, a typical school campus.
"This is level 4. The villas," ani Soul pagkalagpas namin sa border.
"Villas? I thought students are staying in a dorm?" mangha kong usal.
Tumawa si Twerk.
"Honey, this school is extraordinary right?"
Yeah right. I never thought na may kanya-kanyang bahay ang mga mag-aaral dito. Mabuti na rin yun dahil gusto kong mapag-isa.
"Though hindi tig-iisa ang bawat estudyante. Every Villas consist of 3 students," dagdag impormasyon ni Soul.
Bigla akong nadismaya. Akala ko pa naman ay solo ko na ang buong bahay.
But still, I tried my luck. "Hindi ba pwedeng mag-isa ako sa isang Villa?"
"What?" Nakakalokong tawa niya. "These Villas are designed for three students kaya hindi pwede iyang iniisip mo. Bakit ayaw mo ba ng may kasama?"
Itinikom ko ang aking labi at hindi ko na sinagot pa ang tanong niya.
Level 4 is like a subdivision and every doors were specially designed because there are numbers engraved on it. The houses were all the same at kung walang mga numero ito bilang palatandaan, malilito ka kung saang bahay ang papasukin mo.
Hindi na kami naglibot pa dahil puro lang daw naman mga bahay ang nandito sa level na ito.
May napansin ako kaya hindi ko napigilang magtanong.
"Kaninong bahay yun?" turo ko sa isang malaking bahay na nasa taas ng maliit na burol.
Sabay na lumingon ang dalawa sa itinuro ko.
"Ah. Diyan nakatira ang King and Queen ng University," sagot ni Twerk.
"You mean husband and wife? Yung may ari ng paaralang ito?" tanong ko pa habang nakatingin sa magandang bahay.
Two story ang bahay na yun at ang disenyo ay parang doon sa castle sa level two.
"Nope. Hindi sila yung may ari. Sila yung naitalagang King and Queen sa buong school."
"At para saan naman ang title na yan?" dagdag ko pa.
"Of course we need someone to lead us," simpeng sagot ni Twerk.
"Lead us? Wala bang principal ang paaralang ito?"
Kanina ko pa kasi napapansin na wala man lang ni isang nagwelcome sa akin na namamahala sa University. Hindi sa nagpapakaimportante pero ganun naman talaga diba? Na iwelcome o igreet ang mga bagong pasok na estudyante? Pero ni isang anino eh wala akong nakita.
"Once every school year lang nagpapakita ang principal. Kadalasan ang mga teachers na ang nagbibigay ng mga instructions at nagwewelcome sa mga estudyante," sagot ni Soul.
"Asan office niya?" hindi ko napigilang naitanong.
Humagalpak ng tawa si Twerk. What's with him at tawa nang tawa?
"Why so interested?" tanong niya sabay sulyap sa akin mula sa salamin.
Napipilan ako. Masyado na ba akong matanong? Bukod kasi sa mga impormasyon ay nagtataka rin kasi ako.
"Nasa level 2 ang office niya. Sa castle," saad niya nang hindi ako sumagot.
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. 69 ang numero nito.
Bumaba sila Soul kaya bumaba na rin ako. Kinuha ni Twerk ang bagahe ko at siya na rin ang nagbitbit.
"Dito ang villa mo," sabi ni Soul habang binubuksan ang pintuan.
Pinagmasdan ko ang bahay. European ang style ng mga bahay dito at may maliit na garden na merong mga kahoy na upuan at mesa. Meron ding duyan na nakakabit sa dalawang bonsai tree.
"Sabby," tawag ni Twerk. Kumunot ang noo ko at nilingon siya sa aking tabi.
"Sabby?"
"Short for Sabrina. Anyways aanyayahan sana kita mamayang gabi."
"Gabi? Wala bang curfew dito?" tanong ko.
Tumawa siya ng mahina, tila naaliw.
Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Matangos ang ilong. Perpektong kilay. Mapupulang labi at kulay tsokolate na mga mata. Wala sa ayos yung buhok niya dahil nagulo ng hangin kanina. He's just wearing a white shirt and jeans pero malakas ang hatak niya. Patunay ang mga babaeng kumakaway at tumatawag sa kanya kanina nang nagtotour kami.
Gwapo nga. Mukha namang babaero.
"Bago ka pa pala dito," he said, stating the obvious.
Bakit kaya ang tagal buksan ni Soul ang pintuan?
"Kung gusto mong makita ang level 5, then let's go out tonight," aniya sabay kindat sa akin. Hindi pa ako nakakasagot nang mag-aya na si Soul papasok sa loob.
Sumunod kaming dalawa sa kanya.
Lumingon siya sa akin at masiglang nagsalita. "Welcome Sab! I'm your housemate by the way!"
Ohh... okay?
DUMERETSO kami sa sala habang si Soul ay pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom at meryenda. Umupo si Twerk sa kaharap kong sofa matapos ilagay sa gilid ang aking maleta.
Tahimik kong pinagmasdan ang buong bahay. In front of us is a big wide TV. May mga paintings din na nakasabit sa mga ding-ding. Simple lang ang disenyo sa loob ng bahay and it was a good choice dahil maaliwalas ito sa mata.
"You really are beautiful," puna ng aking kaharap.
Tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo. Pinagsasabi nito?
He just chuckled. "Ang sabi ko, maganda ka. Loosen up a bit will you? Masyado kang seryoso. Matatakot ang mga taong makipagkaibigan sa'yo kung ganyan ka," he joked.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Anong oras tayo mamayang gabi?"
Lumiwanag ang mukha niya. "Payag kang lumabas kasama ako?"
Pinaikot ko ang aking mga mata. "Oo nga. So anong oras?"
Balak ko sanang magpahinga pero kailangan kong malibot ang buong paaralan.
"Does 10 pm fine with you?"
"Sure," maagap kong sagot.
Lumabas si Soul galing kusina na may bitbit na tray ng mga pagkain.
Nagmeryenda muna kami bago umalis si Twerk dahil may gagawin daw.
Bitbit ang maleta, naglakad kami ni Soul papunta sa taas kung nasaan yung mga kwarto. Tatlong magkakatabing kwarto.
Ngawa nang ngawa itong kasama ko pero hindi ko siya pinapansin.
"Nasaan yung isa pa nating kasama dito?" tanong ko.
Umismid siya bigla. "May pasok. Hindi ko bet yun. Hindi kami nag-uusap at masyadong weird." Halata ang disgusto sa mukha niya.
Binuksan niya ang ikatlong pintuan.
"Dito ang kwarto mo. Kumpleto na ang lahat. May kanya-kanyang banyo ang bawat kwarto para hindi na kailangan pang bumaba."
Inilapag ko ang aking maleta sa kama.
"Oh siya mauuna na ako. May pasok pa ako sa alas tres eh," paalam niya.
Liningon ko siya at tinanguan lang. Huminga ako ng malalim nang sumara ang pintuan.
In fairness, ang ganda ng kwarto. Pang five star hotel. Pumasok ako sa banyo at nakitang kumpleto na rin ang mga gamit doon. May jacuzzi pa!
I'm used with these kind of luxury pero nakakamangha lang na may ganitong klaseng paaralan.
Inilabas ko ang aking mga gamit sa maleta upang ayusin na ito sa aking closet. Hindi na kailangan pa ng human size mirror dahil ang mismong closet ay salamin na rin.
Iniisip ko tuloy kong saan ko gagamitin itong baril na aking dinala dahil sa golden rule ng paaralan na bawal ang pagpatay. Though wala naman akong planong pumatay. If lang. If kinakailangan.
Paniguradong kick out agad ako kung malaman ng principal na may dala akong mga deadly weapons.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan.
Mabilis pa sa alas kwatrong hinila ko ang comforter ng kama at itinakip sa mga armas. Marahas kong tiningnan si Soul na mukhang wala namang nakita.
'Nak ng teteng naman oh! Hindi ba siya marunong kumatok?!
"Bree aalis na ako. Ikaw na muna ang bahala dito. May pagkain din sa baba kung nagugutom ka," sabi niya habang nakatingin sa aking kama.
Pasimple kong tinakpan ang holster na nakasilip sa kumot.
Pilit akong ngumiti kay Soul. "Sige. Ako na ang bahala dito."
Nginitian din niya ako bago sinara ang pintuan. Tss. Mukhang kailangan ko nang bumili ng kandado.
Bumaba ako dito sa kusina matapos magpalit ng damit pambahay. Maiksing short at jersey shirt lang ang suot ko. Alas sais na ng hapon pero hindi pa ako nanananghalian.
Binuksan ko ang ref at punong-puno ito ng pagkain. According to Soul, every week daw ang rasyon ng mga groceries na hinahatid pa mismo sa harap ng mga bahay.
Nakapagtataka talaga. Ngayon lang ako nakakita at nakarinig na may ganitong paaralan. Hindi kaya ito malugi? Students here were treated like a royals. Lahat ng kailangan mo ay naibibigay ng libre.
Umiling ako. I know that everything has a catch. At kung ano man yun, iyon ang aalamin ko.
Inilabas ko ang kaldereta at kanin na nasa tupperware. Malamig na ang mga ito pero hindi na ako nag aksaya pa ng panahon na iinit. I like to eat my food this way. Ayaw ko ng mainit na pagkain dahil kailangan ko pang ihipan, mapapaso pa ang aking dila at pagpapawisan lang ako.
Tulala akong kumakain nang biglang may pumasok na magandang babae sa kusina.
Napatigil ako sa pagsubo ganun din siya. Kulay brown ang hanggang balikat niyang buhok na bumagay sa kulay tsokalate niyang mga mata. Sobrang puti niya, parang wala ng dugo.
Matangkad din siya at maganda ang tindig. Una siyang nakabawi at naglakad papunta sa ref na nasa aking harapan. Nakasuot siya ng black skirt at white blouse samantalang sa paa niya ay isang black shoes na may mataas na heels.
Kumuha siya ng pitsel at inilagay sa lamesa malapit sa aking mga pagkain. Pumunta siya sa mga cabinet upang kumuha ng baso. Marahan akong ngumunguya habang pinapanuod ang bawat galaw niya. Maybe this is my other housemate?
What weird is that she looks familiar. Parang nakita ko na sa kung saan ang mukha niya pero sigurado rin akong ito ang unang beses na makaharap ko siya.
Wala pa rin siyang imik habang nagsasalin ng tubig sa baso. Ang akward lang kasi nasa harap ko siya na nakatayo habang nakaupo naman ako.
"I guess you're the transferee," she said, stating, not asking.
Inangat ko ang tingin sa kanya. Nakatingin na siya sa akin habang marahang umiinom.
"Yeah," simple kong sagot at pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi na siya nagsalita pa. Matapos hugasan ang baso at ibalik ang pitsel sa ref ay lumabas na siya sa kusina.
Whew!
Matapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang aking mga pinagkainan at nilagay din sa ref yung mga natirang pagkain at ulam.
Paakyat na ako nang makasalubong ko si 'Hazel', galing sa katabi kong kwarto. Hazel brown ang mga mata niya kaya Hazel na lang ang ipinangalan ko dahil hindi naman niya sinabi ang kanyang pangalan.
Iba na ang suot niya. Mukhang gigimik. Nakakunot ang noo niya at halatang badtrip habang may dinudutdot na kung ano sa cellphone na hawak niya. Hindi niya ako napansin at linagpasan lang namin ang isat-isa.
Nang makapasok ako sa kwarto ay dumiretso ako sa closet. Kailangan ko na ring maghanda dahil may lakad din ako mamaya.