Chapter 15: SUN AND MOON

Tinukso nila kami dahil sa sinabing 'yon ni Bright. Tapos itong si Callen gano'n din. Actually, siya 'yong walang tigil sa panunukso kahit na sinasamaan ko na siya ng tingin no'n para tumigil na siya. Pero patuloy lang siya sa panunukso samin.

Pagkalipas ng ilang minuto, nagpalit naman kami ng game.

At ang title ng game, HOW WELL DO YOU KNOW YOUR BOYFRIEND.

"Dalawang partners lang ang sasali." saad ni Callen. "Sina Danielle at Bright," tapos tinuro niya kami ni Bright tsaka siya napalingon kina Gab at Colleen at tinuro ang mga ito sabay sabing, "Tsaka sina Gab at Colleen. Tingnan na'tin kung sino ang mas matibay sa kanila. Ano guys, agree ba kayo?" tanong ni Callen sa mga kasamahan namin.

Pero kaming apat nina Colleen, nagkatinginan lang.

I don't think if papayag ako sa larong ito. Hindi ko pa naman alam kung papano laruin itong sinasabi ni Callen.

"Teka lang," pigil ko. "Bakit kami lang? Ano, manonood lang kayo?"

"Chill," tapos binigyan niya ako ng panunuksong tingin bago nag-explain. "Dito na'tin malalaman kung sino sa inyo ang mas matibay na couple at kung sino ang hindi. Kung alam niyo ang gusto o hilig ng isa't isa, do'n mapapatunayan 'yon."

"Tinanong mo man lang ba kami if gusto namin 'yon?" tanong naman ni Gab sa kanya.

Hanep din itong si Gab, ah. May pagka killjoy din. Kanina pa siya ganyan. Parang napipilitan lang gawin itong laro dahil kay Colleen.

"Chill, bro." pakalma sa kanya ni Callen. "If you really love your girlfriend, gagawin mo 'tong laro. Tsaka, para narin malaman natin kung gaano niyo kakilala ang isa't isa."

"Oo nga!" pag-sang ayon ng isa naming kasama.

"Tama!" sabi naman ng isa pa naming kasama.

Nang mag agree silang lahat, napilitan na lang kaming apat na gawin 'yong game.

Ang nasa isip ko na lang no'n e 'bahala na'.

In-explain ni Callen 'yong game. Huhulaan daw namin 'yong mga gusto ng isa't isa. Like, kunware tinanong ni Callen kung anong favorite movie ni Bright tapos isusulat ko 'yon sa papel at isusulat ni Bright 'yong favorite movie niya sa papel na hawak niya at kapag parehas kami ng sinulat, panalo kami. Gano'n din ang gagawin ni Colleen, huhulaan din niya 'yong favorite movie ni Gab.  Gano'n lang ka simple. Bale five questions lahat at kapag sino ang talo samin, iinom. Gano'n.

"Ready na ba kayo, couples?" tanong samin ni Callen.

"Hindi kami couples, okay?" paglilinaw ko pero hindi niya pinansin 'yong sinabi ko at binigyan lang niya kami ng tig-limang bond paper at pentel pen.

"Okay, first question. Kailan ang birthday ng boyfriend ninyo."

Wow ah. Boyfriend talaga? Sina Colleen at Gab lang naman ang couple rito. Bakit pati kami ni Bright damay?

Dibale na. Ang arte ko naman. Magsulat na lang kaya ako. Pero. . . kailan nga ba ulit ang Birthday ni Bright?

My gosh, Danielle! birthday ng kaibigan mo 'di mo alam? Ano na sasabihin ng mga ka-klase mong nanonood kapag nalaman nilang 'di mo alam birthday niya, ha?

Nagpanic ako habang nag-iisip ng maisusulat. That time, tapos nang isulat ni Bright 'yong birthday niya sa bond paper niya. Pero nakatakip 'yon kaya 'di ko makita. Sina Colleen at Gab tapos na rin. Ako na lang 'yong hindi. E, hindi ko naman kasi alam kung kailan ang birthday niya kaya wala akong maisulat. Buti sana kung birthday ni Gab 'yong isusulat ko rito. Mas alam ko pa 'yon.

"Tapos na kayo?" tanong ni Callen dahilan para magpanic ako.

Bahala na!

Isa-sacrifice ko na lang muna 'yong 1 point. Bawi na lang ako sa next question.

Sinulat ko July 01. Ewan ko nga ba kung bakit 'yon ang sinulat kong birthday niya. Pero no'ng nagkaalaman na ng sagot, mali ako. Totoong birthday niya ay August 15. Nagulat ako kasi malapit na Birthday niya. 20 days from now at birthday na niya. Sina Gab at Colleen naman panalo. So bale 1 point na sila at 0 naman kami.

"Uy, 'di mo alam birthday ko?" tanong sakin ni Bright at nag peace sign naman ako sa kanya.

"Okay, next na." nang sabihin 'yon ni Callen ay inalis ko na 'yong bond paper na sinulatan ko para i-ready naman 'yong bagong pagsusulatan. "Kailan unang nagkaroon ng first love o crush ang boyfriend niyo?"

That time, tulala pa ako habang iniisip kung kailan nga ba unang nagkaroon ng crush o first love itong si Bright?

Na kuwento niya sakin before na wala pa siyang naging girlfriend pero crush meron. And as far as I know, grade one raw siya no'n. Ang bata pa, pero 'di ko siya masisisi kasi ako nga nagkakaroon rin ng mga crushes no'ng elementary.

Sinulat ko 'yong grade one. At sure ako na mananalo na kami ngayon.

"Okay, tapos na ba lahat?" tanong samin ni Callen.

'Yong iba naming mga ka-klase e tahimik lang habang binabantayan 'yong mga kanya kanyang sagot namin.

"Okay, pakita niyo na mga sagot niyo." nang sabihin ni Callen 'yon ay pinakita na namin ang mga sagot namin. At gaya nga ng hula ko, parehas ang sagot namin at panalo kaming dalawa samantalang si Colleen at Gab naman ay hindi. 'Yong sagot kasi ni Colleen no'ng kinder, samantalang 'yong kay Gab naman Grade 4. Actually, alam ko 'yon kasi na kuwento 'yon sakin ni Gab no'ng kami pa. Mali si Colleen. Ibig sabihin hindi na kuwento sa kanya ni Gab 'yong tungkol do'n.

"Okay, next na." saad ni Callen kaya inalis na namin 'yong mga bond papers na sinulatan namin.  "Anong oras natutulog ang boyfriend niyo sa gabi?"

"Anong klaseng tanong 'yan?" pagrereklamo ko.

"Sagutin mo na lang. 'Yong exact time, ha."

Napa-isip ako kung anong oras nga ba natutulog itong si Bright? And as far as I know, gabi na siya natutulog. Naalala kong nabanggit niya sakin dati na 11:00pm na siya natutulog. Kaya 'yon ang sinulat ko.

At no'ng magkaalaman na ng sagot, tama ako.

Buti na lang talaga ang galing ko. Patas na ang scores namin ngayon.

"Okay. 2 points na sina Deyn at 2 points na rin sina Colleen. Patas na ang laban." tapos napatingin si Callen kay Bright at Gab sabay sabing, "Boys, kayo naman ang manghula. Ibahin naman na'tin, How well do you know your girlfriend naman." tumango sina Bright at Gab sa sinabi ni Callen. Huminga muna ng malalim si Callen bago ulit nagsalita, "Okay, ready na? Ano ang favorite flower ng girlfriend ninyo."

Sinulat ko 'yong Sunflower kasi 'yon naman talaga 'yong favorite flower ko. Marami akong favorite pero 'yon talaga 'yong laging nangunguna sa listahan ko. Ang ganda kasi. No'ng bata nga ako pinitas ko 'yong bulaklak na sunflower sa labas ng isang malaking bahay na nadaanan namin ng mga kalaro ko. At kasama na do'n si Callen kaya saksi niya 'yong ginawa kong pag pitas ng bulaklak na 'yon.

Obsessed na obsessed kasi ako no'n sa sunflower at gusto ko siyang i-uwi sa bahay kasi first time kong makakita ng sunflower na tanim sa malapitan mismo. Kaya 'di ko napigilan ang sarili ko at pinitas ko 'yon. Nahuli pa nga ako no'n ng may ari. Pero nakatakas ako kasi tumakbo agad ako no'ng may sumitsit samin na do'n mismo nanggaling sa bahay ng may ari ng sunflower.

"Tapos na ba?" tanong samin ni Callen kaya pinakita na namin 'yong mga sagot namin.

Pero. . .

Laking gulat ko nang pagtingin ko sa papel ni Bright, nahulaan niya ang sagot ko.

Tama siya.

Kaya panalo ulit kami.

Sina Colleen at Gab panalo rin. Pero itong samin ni Bright, wala siyang alam na Sunflower 'yong favorite flower ko. Di ko naman na kuwento sa kanya 'to. Kaya, papano niya nalaman?

Gulat ko siyang nilingon sabay tanong sa kanya ng, "Teka, papano mo nalaman favorite flower ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti siya sakin na para bang alam na alam nga niya, "Halata sa itsura mo." sagot niya.

Pero 'di ako naniwala kasi impossible naman. Anong meron sa itsura ko at nahulaan niyang sunflower 'yong favorite flower ko? Ang labo.

"Uy, 'yong totoo?" tanong ko pa.

"Natural, gusto kita. Kaya normal lang na alam ko ang lahat ng tungkol sayo." sagot niya.

That time, naisip ko na baka sinabi lang niya 'yon bilang rason para maniwala ang mga ka-klase namin. Pero ako? Gulong gulo pa rin talaga ang isip ko kung papano niya nalaman ang favorite flower ko.

"Naku, bro. Alam mo, 'yang si Danielle sa sobrang obsessed niya sa Sunflower dati, nagawa niyang pitasin 'yong bulaklak ng iba." biglang singit ni Callen dahilan para samaan ko siya ng tingin. Nakakahiya kasi, e. Kailangan pa ba niyang i-share 'yon sa lahat? Natawa tuloy si Bright. Nakakahiya.

"Callen 'yang bibig mo isarado mo." suway ko.

"Share ko lang naman."

"Kahit na."

Hindi niya ako pinansin at muli niyang nilingon si Bright para mag-kuwento pa.

"Bro, maniwala ka sakin, ginawa niya 'yon." dagdag pa niya. "May sumita pa nga sa kanya, e. Nasa second floor ng bahay, 'di namin masyadong nakita kasi nagsitakbuhan kami agad. Ito kasing si Deyn, masyadong makati 'yong kamay. Muntik na tuloy kaming madamay. Pero mukhang bata lang naman 'yong sumitsit samin. Anak yata ng may ari."

Tumango naman si Bright sa kanya sabay sabing, "Mukha nga." nakangiti siya no'n na parang may inaalala tapos makapag salita e parang alam na alam talaga niya na ginawa ko 'yon.

"Hoy, ano ba. Next na nga. Naiinip na ako." pag iiba ko sa usapan.

"Sandali lang. Nag ku-kwento pa ako." sabat naman ni Callen.

"Alam niyo, makapag-usap kayo parang close na close kayo."

"Close naman talaga kami." sagot ni Callen na may kasamang tango pa. "Naging playmates kaya kami dati."

Nilingon ko sila pareho, "Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tapos si Callen biglang napa, "Oo nga pala. Wala ka no'n, naalala mo 2 year's ago? No'ng nag youthcamp kami? Di ka kasama no'n kasi may sakit ka."

Inalala ko maigi 'yong sinasabi ni Callen sakin, at oo naaalala ko nga. 2 years ago nag youthcamp sila. May sakit ako no'n kaya 'di ako nakasama. No'ng time na 'yon iyak ako ng iyak kasi lahat silang mga kaibigan ko nag punta sa youth camp samantalang ako nasa bahay lang at hindi pwedeng lumabas kasi masama pakiramdam ko. Pero tinanggap ko na lang na 'di talaga ako makakapunta no'n kasi nga 'di kaya ng katawan ko.

"Naalala ko na." sagot ko. "Nagkakilala kayo ro'n?"

"Oo. Nando'n din kasi siya."

"Seryoso?"

"Oo. Do'n kami naging close. Pero pagkatapos ng youthcamp, 'di na kami nagkita. Naalala ko na lang siya no'ng nag transfer siya sa'tin." Kuwento pa ni Callen. "Pero 'di mo talaga siya naaalala?" tanong pa niya dahilan para magtaka ako.

"May dapat ba akong maalala?" tanong ko sa kanilang dalawa pero 'di na nila ako sinagot.

Tapos biglang iniba ni Bright 'yong usapan at tinanong niya ako ng ibang tanong kahit 'di pa nila nasasagot 'yong tanong ko.

"Bakit favorite mo 'yong sunflower?" seryosong tanong niya.

"Kasi it reminds me to stand tall and to always face sunshine. Also it brightens my mood." sagot ko at nakita ko naman siyang ngumiti.

Pagkatapos kong sagutin 'yong tanong niya, balik na ulit kami sa laro. Next questions na. 'Yong score namin ay 3/3 . Patas ulit. Sino kaya ang mananalo?

"Ano ang pinakahilig gawin ng girlfriend niyo?"

Sinulat ko ang magbasa. 'Yon naman kasi talaga ang kinahihiligan kong gawin.

At nang ready na kaming ipakita mga sagot namin ay pinakita na namin sa kanila.

At pagtingin ko sa sagot ni Bright, parehas ulit kami ng sagot.

Grabe! Papano niya alam na mahilig akong magbasa?

Bakit ba parang ang dami niyang alam tungkol sakin? Stalker ba 'to?

"Teka, papano mo nalaman na mahilig akong magbasa?" nagtatakang tanong ko kasi never naman akong nagdala ng mga pocket books o libro na kahit ano tapos nagbasa sa classroom kaya nakakapagtaka dahil alam niya.

"Nakita ko lagi sa shared post mo na nag she-share ka ng mga poetries. Kaya naisip ko na mahilig kang magbasa." sagot niya.

"Hala! Stalker." gulat kong sabi.

"Diba pwedeng laging ikaw laman ng newsfeed ko?"

Napaturo ako sa sarili ko, "Ako ba?"

"Ikaw nga."

Tapos tinukso nila kami. Hindi na yata matatapos ang panunukso nila samin.

"Mahilig rin akong magbasa ng mga novels. Pero siyempre, poetry pinakahilig kong basahin. Tsaka, fan din kasi ako ng writers love na page." sabi ko pa kahit na walang may nagtanong. Basta, share ko lang.

"Mukha nga." sagot naman niya.

Nagtuloy tuloy ang game hanggang sa panalo sila ni Colleen. Lamang sila ng one point samin ni Bright pero okay lang. At dahil kami 'yong talo, uminom kami ng alak.

Pagkatapos ng game, nagsi-uwian na ang mga kaklase namin. Si Callen nagliligpit ng mga kalat namin, si Bright naman nasa labas nagpapahangin saglit habang ako naman tine-text si Papa na sunduin na ako rito. Siguro mga five minutes nang tawagan niya ako at sinagot ko naman 'yon pero sabi ni Papa sakin, mamaya pa raw siya makakauwi kaya mag-abang na lang daw muna ako ng tricycle rito para may masakyan ako pa-uwi kasi baka matagalan siya.

Napa facepalm ako nang malaman ko 'yon kasi alam kong kapag ganitong oras wala nang tricycle na dumadaan dito.

"Uy, problema?" tanong ni Callen nang mahuli niya akong napa face palm.

"Si Papa kasi mamaya pa makakauwi. Walang magsusundo sakin dito. May tricycle pa bang dumadaan tuwing ganitong oras?"

"Teka lang," tapos lumabas si Callen. Ang akala ko tatawag siya ng tricycle na masasakyan ko pa uwi pero nagulat ako nang bumalik agad siya at kasama na niya si Bright. "Hatid ka na lang daw ni Bright pa uwi."

Naks! Sabi ko na, e. Ang kulit talaga nitong si Callen. Nakakahiya naman kay Bright.

"Hindi, ayos lang naman." pagtanggi ko. Nakakahiya kasi. "Tsaka, alam kong mas malayo bahay niya kaysa sakin."

"Hindi, ayos lang." sagot ni Bright. "Hatid na kita."

Tatanggi pa sana ulit ako nang biglang gumatong si Callen, "Pumayag ka na. Wala ng tricycle tuwing ganitong oras."

Tapos tumango si Bright sa sinabi ni Callen. Pinagkakaisahan ako ng mga 'to. Pero sige na. Wala naman talaga akong choice, e.

Tumayo ako at tumango sabay sabing, "Salamat. Libre na lang kita bukas sa school para makabawi ako."

"Asus!" panunukso ni Callen pero inirapan ko lang siya.

"Hindi na." sagot naman ni Bright. "Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Ihahatid kita kasi nag-aalala ako. Tsaka isa pa, malakas ka sakin, e."

Tumalikod ako matapos niyang sabihin 'yon. Ewan ko ba, pero feeling ko nag-blush ako ro'n.

Nagpa-alam ako kay Callen at sa Dad niya na kakadating lang galing trabaho. Pagkatapos no'n umalis na kami ni Bright sa bahay nila. Naglalakad lang kami pa-uwi kasi wala ng tricycle na dumadaan. Tahimik lang ang buong paligid habang naglalakad kami. Nauna ako sa kanya at nasa likod ko naman siya nakasunod. Hindi ko na siya nagagawang lingunin kasi nahihiya ako. Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya ngayon sa kanya.

Napapatingin na lang ako sa kalangitan habang naglalakad kami hanggang sa pantayan niya 'yong lakad ko. That time, nilingon ko siya pero 'di ako nakatingin sa mismong mga mata niya. Baka kasi mailang lang ako kapag nagka eye to eye contact kami kaya 'di ko na nagawang tingnan siya sa mata.

Hanggang sa mag isip ako ng pwedeng i-topic para basagin ang katahimikan at ilangan.

Ano nga ba?

Saktong nakita kong bilog na bilog ang buwan no'n kaya 'yon ang lumabas sa bibig ko,

"Ang ganda ng buwan, hindi ba?"

"Ang ganda ng buwan 'no?"

Sabay naming nasabi 'yon.

Nakakabilib lang kasi ang random pero. . . parehas kami ng iniisip.

That time, parehas kaming natawa pareho kasi sabay naming nasabi 'yon.

Feeling ko tuloy, okay na kami.

Nang matigil kami sa pagtawa, narinig kong bumuntong hininga muna siya bago nagsalita, "Okay na ba talaga tayo? Hindi ka na ba galit?"

Ngumiti ako sa kanya at umiling sabay sabing, "Hindi na. Rankings lang naman 'yon, e. Ang babaw ko kasi nagalit agad ako. Hindi na ako nag-isip kasi that time umasa ako na ako 'yong magiging top 1. Tapos biglang. . . alam mo 'yon? Nabigo ka sa expectations mo."

"Sorry. Di ko naman talaga sinasadyang malamangan ka. Nagulat din ako na mataas 'yong mga scores na nakuha ko."

"Wow. So nagyayabang ka na?" pabirong sabi ko. Ang seryoso kasi ng mukha niya habang sinasabi 'yon kaya naisipan kong magbiro.

Umiling naman siya, "Hindi. Hindi ko talaga in-expect."

Inalis ko ang mga tingin ko sa kanya at napatingin ako sa daan, "Oo na. Matalino ka na."

Tapos narinig ko siyang tumawa ng mahina, "Hindi naman ako matalino. Na chambahan lang 'yon."

"Favorite line mo ba 'yan?"

Natawa siya lalo, "Baka nga."

Tapos tinanong niya sakin kung bakit nga ba matalino ako. Actually, 'di ko alam ang sagot. Tsaka, feeling ko hindi naman talaga ako pinanganak na matalino.

"Hindi naman talaga ako matalino, e." sagot ko. "Ano lang, nag-aaral lang ako kaya lagi akong may sagot sa exam, gano'n. Tsaka, bukod sa gusto kong malamangan si Colleen, may isang rason kung bakit ko sinisikap na maging matalino."

"Ano naman 'yon?"

Lumunok muna ako ng laway bago nag kuwento, "No'ng elementary kasi ako, hindi ako matalino. I mean, alam 'yong feeling na hindi mo alam 'yong mga sagot sa exams? Laging mababa 'yong mga scores ko sa lahat ng exams." kuwento ko sa kanya. Pero 'yong mukha niya no'n e parang ayaw maniwala sa sinasabi ko.

Pero totoo 'yon.

"Minsan 15/50 o 'di kaya 12/50 at ang pinaka worse ay 4/50. Sa science 'yon. No'ng time na 'yon sobrang nahiya ako sa mga ka-klase ko kasi ako pinaka lowest. Hindi rin ako kinakaibigan ng mga ka-klase ko no'n kasi hindi ako matalino kagaya nila. Ang baba pa ng tingin nila sakin."

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong niya at tumango naman ako.

"Oo. Kaya no'ng panahong 'yon, do'n ko na naisip na kailangan kong maging matalino."

"Kaya pala ang talino mo ngayon."

Natawa ako sa sinabi niya.

Tapos tumahimik ulit ang buong paligid. No'ng mga oras na 'yon, napatingin ako sa oras ng phone ko, 11:11pm na kaya nag wish pa ako habang naglalakad kami. Pagkatapos ng panandaliang katahimikan ay nagsalita ulit siya,

"Nga pala, 'yong kanina sa truth or dare bakit 'yon 'yong Dare mo kay Gab?"

"'Yong i-kiss niya si Colleen?" tanong ko at tumango naman siya.

"Naisip ko lang, gusto mo ba talagang saktan sarili mo?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"I mean, hahalikan ni Gab si Colleen sa harap mo, hindi ba't parang sinasaktan mo na rin sarili mo no'n? Kasi makikita mong hahalikan ng taong mahal mo 'yong bago niya."

Kaya ko nga dinare sa kanya 'yon para makasigurado ako. Makasigurado kung magseselos ba ako o hindi kapag nakitang hinalikan ni Gab si Colleen.

"Gusto ko lang ng assurance." sagot ko sa kanya.

"Assurance?"

"Para i-test kung magseselos ba ako o hindi. Pero 'di naman natuloy. Kaya 'di ko alam."

Tapos bumuntong hininga siya, "E, kanina magkasabay kayong pumasok sa pinto, natuwa ka ba?"

Ang weird ng tanong niya pero. . .

"Hindi." sagot ko.

"Bakit?"

Nagkibit balikat ako, "Ewan ko. Parang wala naman akong reaksyon—" natigilan ako nang maisip kong natuwa pala ako kanina kasi dumating si Gab para iligpit si Colleen na dikit ng dikit sa isang 'to kaya binawi ko 'yong sagot ko, "Ay oo pala. Natuwa ako." nakita kong sumimangot 'yong mukha niya pero alam ko namang na missunderstood lang niya 'yon kaya natawa ako at 'di na rin ako nag explain sa kanya kung anong klaseng tuwa ba 'yong naramdaman ko kanina.

Basta, ayoko lang sabihin kasi baka isipin niya na nagseselos ako sa kanila ni Colleen kanina.

Wait—nagseselos? Bakit naman iisipin ni Bright 'yon? Tsaka, ako? Magseselos? Jusko naman! Ano ba 'tong iniisip ko? Kanina pa ako ganito, e. Di ko na talaga alam kung anong nangyayare sakin.

Napabuntong hininga ako at nakatitig lang sa kung saan habang naglalakad. Tapos biglang sumagi sa isip ko 'yong tanong kung papano niya nalaman na sunflower 'yong paborito kong bulaklak kaya napatanong ako ng dis oras. Bitin kasi 'yong sagot niya kanina.

"Siya nga pala, pano mo nalaman na sunflower favorite flower ko?"

"Naisip ko lang." sagot niya. "Tsaka parehas tayo ng favorite flower."

"Sunflower din favorite flower mo?"

"Oo. Kasi Sunflower brings sunshine to my dark world." sagot niya at napangiti slight natawa ako ng kunti. Ang cute kasi niya no'ng sinabi niya 'yon.

Tapos napatingin siya sa buwan, "Di ako inform na full moon pala ngayon." nang sabihin niya 'yan ay napatingin na rin ako sa bilog na bilog na buwan.

"Tama ka. Ang ganda 'no?"

"Parang ikaw." sagot niya at nakangiti ko naman siyang nilingon. Pero siyempre inalis ko ka agad 'yong mga ngiti ko sa labi at sinuntok siya sa braso ng pabiro.

"Wag mo'kong bolahin."

"Totoo naman 'yon." tapos lumunok siya ng laway, "Alam na ni Callen 'yong tungkol sa pekeng panliligaw ko sayo."

"Pero hindi pa alam nina Ashley at nina Rhian tsaka nina Gab—" napatigil ako nang makitang nakangiti siya habang nakatitig sakin na parang tinutukso ako, "Ba't ka nakangiti?"

"Para kasing sinasabi mong ituloy pa na'tin."

Gano'n naman kasi talaga ang nasa utak ko.

"Bakit, ayaw mo na ba?" tanong ko. "Kung ayaw mo na, okay lang naman. Hindi na na'tin kailangan mag pretend. Tutal, parang medyo okay na naman ako. I already accepted everything. Also I realized that it's better to let go than to hold on things that cannot be fix anymore."

Napabuntong hininga ako bago ulit nagsalita, "I know it's always him but i am slowly accepting the fact that love isn't for me."

Napangiti ako, pero hindi dahil masaya, kundi dahil na realized ko na ang tanga-tanga ko kasi minahal ko 'yong taong niloko lang ako na akala ko minahal rin ako ng totoo.

"You know what, i don't know what's worst, getting broken or breaking someone else's heart?" natawa ako sa tanong ko kasi ang random.

Napatingin siya sakin pero tinawanan ko lang 'yong mga sinabi ko.

"Alam mo Deyn, don't settle for a man na mahal mo, settle for a man na mas mahal ka." biglang sabi niya.

"Woah! Ang tanong, may tao bang mahal ako pero 'di ko lang alam?" tanong ko at natahimik naman siya at napatigil sa paglalakad tsaka ako hinarap kaya napatigil rin ako, "O? Ba't napatigil ka?"

"Pag sinabi ko bang meron? Magugulat ka?" seryosong tanong niya pero hindi ko masyadong sine-seryoso. Wala naman kasing may umaamin sakin na may gusto sakin.

Pero papano sila aamin kung alam nilang nililigawan ako ni Bright at alam nilang gusto ko siya?

"Hindi ako magugulat." sagot ko at napatingin ulit sa buwan, "Pero hindi ako sure kung magugustuhan ko rin 'yong taong 'yon." sambit ko. "Kasi sa ngayon, hindi ko alam kung naka-move on na nga ba ako sa Ex kong gago." napangiwi ako pagkatapos.

Hindi nakapagsalita si Bright at hindi ko alam kung nakatitig ba siya sakin ngayon kasi ang focus ko ay nasa buwan.

"He became my moon, while I was just his star." saad ko habang nakatitig sa kalangitan. "Sinabi niya sakin na ako raw 'yong star niya, pero ang tanga ko kasi kinilig ako without knowing na maraming stars sa langit at alam kong hindi lang ako nag-iisa sa puso niya."

Napabuntong hininga ako bago siya nilingon. Nakatitig lang sakin na parang ang lalim ng iniisip na hindi ko mahulaan kung ano hanggang sa magsalita siya, "Okay lang 'yan, nandito naman ako."

"Luh? Ang random mo."

"Totoo naman. Ako lang naman 'to, 'yong sun and moon mo."

Sun and Moon? Ang corny!

"Wag ka ngang mangarap!"

"Hindi ako nangangarap. Bright kaya pangalan ko."

"Kung gano'n, Sun ka lang. Hindi ka Moon. Wag mong lahatin, Bright." pang-aasar ko.

Pero siya ayaw magpatalo.

"Ano ba purpose ng buwan sa Gabi?"

"Nagbibigay liwanag." sagot ko.

"Ayon!" sabi niya na may kasamang pagpitik. "Ako pa rin 'yon. 'Yong sun and Moon mo na nagbibigay liwanag ng buhay mo."

Sira ulo talaga siya.

Pero infairness, ang galing niya ro'n ah. Wala tuloy akong masabi.

Nagsimula ulit kaming maglakad at saktong nasa harap na kami ng bahay no'n kaya hinarap ko na siya para magpaalam na.

"Pano ba 'yan, nandito na tayo. Ingat ka sa pag-uwi."

Tumango siya at ngumiti, "Ikaw rin."

Natawa ako kasi nandito na ako sa tapat ng gate tapos sinabi niyang ako rin?

"Inaantok ka na yata?" natatawa kong sabi.

"Epekto ng alak." natatawa niyang sabi nang mapagtanto 'yong sinabi niyang 'ikaw rin'. "Sige na, pumasok ka na at makapag pahinga kana."

"E, pano ka? May susundo ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.

"Papasundo ako kay Papa. Hintayin ko siya sa kanto."

"Sigurado ka?"

"Oo. Kaya pumasok ka na. Wag kang mag-alala, mag iingat naman ako."

"Wala naman akong sinabi. Pero oo na, mag ingat ka, ha. Chat mo'ko kapag nakauwi ka na."

Muli, binigyan niya ako ng panunuksong tingin, "Pwede na ulit kitang i-chat?"

"Oo. Bati na tayo, e."

Nakita kong parang tumalon siya sa tuwa no'n. Actually, ang cute niya. Para siyang bata na pinangakuan ng mga magulang na bilhan ng laruan na gusto niya kaya siya tuwang-tuwa.

"Sige. Pasok ka na." aniya at tumango naman ako. Tatalikod na sana ako para buksan ang gate ng bahay nang bigla siyang magsalita, "Goodnight."

Natigilan ako pagkasabi niya no'n kasi biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

First time ko ba siyang marinig mag Goodnight sakin sa personal? Iba 'yong feeling, e. Nakakapanibago.

Dahan dahan ko siyang nilingon kasabay ng pag-response ko sa goodnight niya, "Goodnight din."

Tapos nag wave na siya bago patakbong umalis.

Ako naman pumasok na sa loob ng gate at patakbong pumasok sa loob ng bahay at napahawak sa dibdib ko na ang lakas at ang bilis ng kabog.

Ano ba 'tong nagnayayare sakin?

Bakit ako nagkakaganito?

Biglang tumunog 'yong messenger ko kaya tiningnan ko kung sino nag-chat.

Bright Navales

  active now•

Thank you ha.

Di ko alam kung bakit ako nagpapa-salamat sa'yo.

Siguro masaya lang ako kasi okay na ulit tayo.

O baka may iba pang dahilan bukod do'n at hindi ko lang ma

figure out sa sarili ko kung ano nga ba

'yon.

Pero sa ngayon, gusto ko lang mag thank you.

Goodnight, Deyn.

At ang pinaka naging dahilan kung bakit lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko,

                   Bright Navales

                 set his nickname to

                      Your Bright✧