Chapter 38: KABANATA 39
Gliding my body to the familiar texture of the pole, halos manginig ang buo kong katawan nang maramdaman ko ulit ang sensasiyong matagal ko nang hindi nararamdaman. Senswal ang bawat kong galaw na sumasabay sa senswal ding awiting. Nakitangala ang lahat sa akin at hipokrita na ako kung sasabihin kong hindi ko na-miss ang pag-alingawngaw ng buo kong pangalan sa paligid.
"Walang kupas, Wayo!"
"Akala namin hindi ka na babalik!"
"Iba talaga ang galawang Wayo!"
Napangisi ako sa aking sarili at mas lalong ginanahan sa ginagawa. Ang suot kong fit na fit at itim na one piece ay kumikinang sa gitna ng gabi. Of course, my smooth skin na nahahaluan na ng pawis ay mas makinang pa sa mga pailaw sa stage. Kagaya ko, nakita ko rin sina Mama Jessie, Tenten, at Teyang na nakatingala sa akin na para bang ang makita ako ulit dito sa gitna ng entablado ay nagpapasaya sa kanila.
Nang lumapag ang mga paa ko sa malamig na sahig kasabay ng pagtatapos ng awitin ay malumanay akong yumuko sa lahat. Naglakad pa ako palapit sa harap ng stage habang hinahagisan nila ako ng kanilang mga tip sa akin. I grinned. Mukhang marami-rami na naman ang benta ko ngayong gabi.
"Grabe, bakla! Walang kupas. Mas masaya pala kung hindi ka na nagbalik, nakahahakot pa kami ni baklang Teyang ng fafa. Ngayong narito ka ulit sa'yo na naman ang spotlight," kaagad na maktol ni Tenten nang makababa na ko sa stage.
Kaagad akong kumuha ng malinis na balabal para itakip sa katawan ko. Kumuha rin ako ng malinis na tuwalya at kaagad na pinunas sa pawis ko.
"Alam niyo mga bakla, kahit naman wala ako rito, matumal pa rin ang benta niyo. Oo may lalapit sa inyo, pero wala lang talaga silang choice," mayabang kong ani.
"Ay, inggrata! Nagmamayabang na! Epekto ba ng dilig iyan?" si Tenten na tinawanan ko.
"Tama na 'yan, tama na 'yan. Magbihis ka na, Wayo. Uuwi ka ng maaga ngayon, 'di ba?" si Mama Jessie at kaagad naman akong nataranta nang sinabi niya.
"Shuta, oo nga pala! Baka naghihintay na iyong mister ko sa akin. Paano mga walang dilig, ako'y rarampa na."
Inambaan at inirapan lang ako ng mga bakla kaya natawa lang ulit ako sa kanila.
Parang kailan lang nang mangyari ang lahat. Halos kalahating-taon na pala ang lumipas. Pero kung tinatanong niyo kung kami pa ba ni JM? Oo naman, ano! Going strong mga mare! Pakiramdam ko nga sooner or later aayain na niya akong kasalan kahit wala pa kaming one year. Deads na deads ba naman sa akin iyon, gabi-gabi akong dinidiligan mga bakla. Mainggit kayo.
Anyways, dumaan muna ako sa isang bilihian dahil need kong bumili ng gift. Today's a very important day. 5th monthsary na namin ni JM. Sa ikling panahon pa lamang na kami, pinatunayan at pinakita sa akin ni JM kung gaano siya kasinsero sa akim. Siyempre, may mga doubts ako noong una. I was traumatized with Richard afterall tapos hindi pa ako ang unang nagustuhan ni JM. But he assured me and now I am loving him day by day. No more doubts.
Nang makarating sa sarili naming bahay. Oo, tama kayo ng nabasa. Nagpagawa na si JM ng sarili naming balur. Hindi na kami sa hotel. Masasabi niyong live-in na kami kaya unli dilig talaga ako. Simple lang naman ang balur namin dahil iyon ang gusto ko. Pero naroon pa rin ang karangyaan dahil nga Verde Grande ang fafa ko.
Sa trabaho niya naman... nalaman ko na nagkaroon ng major away si JM at ang Daddy niya dahil nga sa nangyaring skandalo set-up na iyon sa kaniya na kasalanan ni Mikee at Kuya ni JM. Binawi kay JM ang paghawak niya sa kanilang business, pero hindi binitiwan ni JM ang mall na project niya rito sa isla dahil ginawa niya raw talaga ang mall para sa sarili niya, hindi alam ng ama niya. Nalaman na rin naman ng Daddy niya ang truth, pero hindi pa umuuwi si JM sa kanila para harapin ito. Hindi ko naman siya pinipilit dahil ayaw ko siyang sakalin. Dapat understanding at supportive jowa ako, ano.
"Nakauwi na kaya siya? Shuta, medyo na-late akong uwi," inis kong ani sa sarili habang nagmamadali na sa paglalakad.
Dapat mauna ako sa kaniya para ma-surprise ko siya, ano. Gano'n naman lagi every monthsary namin tapos didiligan na lang niya ako. Pak! Oh, walang-wala si Ms. India sa akin. Akin na ang korona. Char.
Pagkarating sa balur namin ay nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang wala pa siya. Walang sasakiyan niya sa labas, eh. Kaya bitbit ang cake at regalo ko sa kaniya, dali-dali akong pumasok. Iyon lang, ako ang na-surprise!
Pagkapasok ko pa lamang sa balur namin ay ang mga lobo na kaagad sa kisame ang umagaw ng atensiyon ko. Muntik ko na ngang mabitawan ang mga hawak ko dahil sa mangha. My jaw dropped. The floor was covered with petals. Sumabog ang amoy ng rosas sa paligid. Everything was so romantic.
"Like it?"
Maluha-luha kong tinignan ang lalaking nakatayo roon din sa sala. He was smiling at me, eyes sparkling with unconditional love. Ang lalaking binigay sa akin ang lahat-lahat sa kaunting panahon. Ang lalaking labis akong pinapasaya. Ang lalaking laman ng puso ko. Ang lalaking mahal na mahal ko.
"Nambibigla ka naman! Wala ka manlang pa-hint na may paganito ka," garalgal ang boses kong saad kaya natawa siya.
Lumapit siya kung saan ako nakatayo at kaagad niya akong kinulong sa kaniyang mga bisig. I closed my eyes when I felt his lips touched my forehead.
"That won't be a surprise anymore, babe."
Suminghot ako bago dinantay ang ulo ko sa dibdib niya. Ah, this is bad. I love him so much.
"Pwede naman na magpa-teaser ka gano'n. Bago ang D-day para may thrill," biro ko pa ulit.
I heard him chuckled. Bahagya siyang lumayo sa yakap para hawakan ang magkabila kong pisngi. Mas lumapad ang ngiti niya nang makita ang mga dala ko. Kilig yarn?
He gave me a peck on my lips. Humabol pa ako kasi bitin. Kainis, hindi na ako linaplap.
"Kalma, babe. Maya na," malantod niyang bulong. "Ipasok mo muna kamay mo sa bulsa ng jacket ko."
Sumimangot ako at tinignan siya ng nagdududa. Hetong si JM, from virgin, sobrang lantod na. Sinasabi ko sa inyo mga bakla. Mas pro na siya sa akin. Marami siyang kinks! Alam niyo ba na minsan na kaming nagjugjug na naka-maid outfit ako tapos siya naka-suit and tie? Isa lang ang gano'ng eksena!
"Ano na naman bang pakulo 'yan?" nagdududa kong ani.
Tumawa siya. "Basta."
Nagdududa ko pa rin siyang tinignan pero sinunod rin ang sinabi niya. Nang ipasok ko ang kamay ko sa bulsa niya ay kaagad akong may nakapa! A very familiar box at kahit hindi ko pa nakikita iyon, sa tamis pa lang ng pagkangiti ni JM ay naluha na ako. My heart pounded so much na pakiramdam ko ay masisira na ang dibdib ko.
Isa iyong kupita at panigurado ang laman ay isang singsing.