Chapter 34: KABANATA 35
"So other than issue with Mikee, you left Vizcara because of your mother?" tanong ni JM habang kumakain kami ng hapunan.
Huwag kayong excited, ah? Walang nangyari kanina tsaka wala pang kami, pero kaloka, umamin talaga si JM na ako na ang gusto niya! Ibig sabihin ba nito MU na kami ngayon? Malabong ugnayan, gano'n. Char.
Tumango ako sabay subo ng pagkain. "Oo. Alam mo rin naman na hindi kami good terms ng family ko, 'di ba? Kaya madaling araw lang ako lumalarga para bisitahin si Mommy at kaya ako nagtatrabaho ngayon para may ambag ako sa bills niya. Kahit sinukuan ako ni Mommy noon, si Mommy ko pa rin 'yun."
I saw JM smiled upon hearing what I said. Kapogi! Tapos pwede ko nang ipagdamot kay Mikee. Oh, ano siya ngayon? Magpakita lang sa akin iyon, makipagsasabunutan na ako. Aba, wala nang sa kaniya, ano.
"You're so kind, Wayo. That's what I like about you."
Wait, hindi ako prepared! Nabulunan ako mga bakla! Pinugpog ko ang dibdib ko at natatawa niya naman akong inabutan ng tubig.
"Dahan-dahan naman sa pagpapakilig, mylabs! Kaloka, magsabi ka next time kung babanat ka, ah?"
He roared a laugh again sabay iling. Ayan, tama 'yan. Kaya dapat lang sa akin ka para lagi kang masaya.
"But, Wayo..." he trailed-off dahilan para mapatitig ulit ako sa kaniya. "I suggest you face your family once again. Hindi sa pinapangunahan kita, ah? But I want you to free yourself from anything that is binding you bago tayo bumalik ng Isla Montalban. I want you to be happy na walang hadlang o wala kang iniisip na masamang nakaraan."
Natigilan ako sa sinabi niya. I stared in his eyes para maghanap doon ng bakas kung nagbibiro ba siya, pero purong kaseryosohan lang ang natagpuan ko. My lips trembled.
"Pero JM, hindi ko pa yata —"
"Don't worry, I'm here. You have me. Sasamahan kita."
He held my hand and gave it a squeeze. Napatingin ako roon. Para bang binigyan niya ako bigla ng lakas. I straightened my face and with determination in my eyes, tumango ako.
Tama. Let's face this fear of yours, Wayo.
"Okay."
With him beside me, holding my hand, I felt like I could face and conquer anything. Dati naman sanay na akong mag-isa sa pagsubok. Then Mama Jessie, Tenten, and Teyang came in my life. Ngayon, nandito na rin si JM. As they say, pahalagahan mo ang mga taong nariyan kapag nasa madilim kang sitwasiyon. Minsan, diyan talaga nahahamon kung sino ang mananatili sa'yo at sino ang aalis. Pati na rin kung sino ang nariyan sa katuwaan lang.
"Are you ready?" tanong niya sa akin.
Diretso lang akong nakatingin sa pinto kung nasaan naroon si Mommy. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil dito, ngunit dahil sa assurance ni JM, I felt a lot better. I squeezed his hand which was holding me.
"Ready," confident kong ani.
Nang hawakan na niya ang siradura ng pinto at pihitin iyon para buksan, huminga ako nang malalim. Behind the door was my family. The family who made me experienced the pits of hell. The reason of my dark past. Ang dahilan ng aking pagkabigo. Today, I'm going to face them again.
Nang makita nila ako ulit, si Ate ang labis na nagulat. Si Daddy ay nagulat din, ngunit kaagad ring nakabawi. Habang si Kuya na nakita na ako noon ay bahagya lamang na natigilan. Mom was sleeping that moment.
JM remained beside me. Of course, they eyed him at alam kong kilala nila ang isa sa mga unico hijo ng mga Verde Grande. Ngunit nagulat ako nang wala silang sinabi kahit na magkahawak-kamay kaming nakaharap sa kanila.
"I never knew you'd show up," ang unang sabi ni Dad nang makita ako.
Kaagad akong tumingin kay Kuya na tumikhim at inayos ang salamin niya sa mga mata.
"I told him, Dad," anito.
Dinaanan lang siya ng tingin ni Daddy. It was not like I am expecting them to apoligize to me. My family's very prideful, ngunit sapat na ang guilt na nakita ko sa mga mata nila. It was not like everything would be back to normal among us anyways. Hindi na rin maibabalik ang mga nangyari na.
"You know that above all, I love Mommy. Kahit na binigo niya rin ako, hindi ko siya kayang talikuran," kumento ko na nagpatahimik sa kanila. "I won't come back kung iyan ang iniisip niyo, I'm just here for Mom."
Tumalikod si Dad at tila ayaw nang makita ang mukha ko. May kaunting sakit akong nadama noon sa puso ko habang tinitignan ang likod niya, pero alam kong heto ang tamang desisyon para sa aming lahat. Hindi na mahalaga kung tanggap na nila ang kasarian ko o hindi pa rin.
"I know Mom would be glad if she knew you came," si Kuya.
Tinignan ko si Mommy at sa isip ko ay nagpaalam na ako sa kaniya. I smiled.
"No need. She already knew." I squeezed JM's hand. "At huwag din kayong mag-alala, magbibigay ako ng pursyento ko sa bayad rito sa hospital. I'll do that before I go."
Tinignan ko muna sila isa-isa bago ko sila tinalikuran. Heto na ang huli, pagktapos nito, malaya na rin ako sa kadena ng nakaraan, sa wakas. Abot-kamay ko na ang kasiyahan ko. Time to move forward to my future.
"M-Mag-iingat ka lang lagi," the last words my Dad said bago kami tuluyang lumabas doon.
Nakahinga ako nang maluwag. My hands and knees were trembling. I gave JM a painful smile and he proudly smiled back at me.
"Better?" tanong niya.
"Better than before."
"Good."
We settled my family's bill at the hospital. Plano namin ni JM ay bukas na bukas din, magpapaalam kami kina bebe Manager at agaran nang babalik sa Montalban. Siyempre, hindi ito alam nina Mama Jessie. I'm plannning to surprise them.
Heto na ako Ma, ang anak mong si Ellen bitbit ang Derek Ramsay ng buhay niya. Ayaw na raw niya kay Andrea, eh. Char.
"You might be cold," ani JM nang malapit na kami sa apartment building.
"Keri lang, diyan ka naman para painitin ako," biro ko na kinahalakhak niya.
"Silly."
Nang malapit na kami sa bukana ng building, tumunog naman ang cellphone niya kaya pinauna na lamang ako ni JM sa pagpasok at susunod raw siya. Sinunod ko naman, kaso may hindi inaasahan na nangyari at hindi inaasahan na bisita.
"You stoler!"
Matinis ang boses na napasigaw ako nang may bigla na lamang na humila sa buhok ko. Shuta! Feeling ko matatanggal pati anit ko, eh! Sino ba 'tong impakta na 'to?
"Aray! Putangina masakit!"
With all my might, humarap ako at hinila rin ang buhok ng impakta. Nang makita ko nang maayos ang mukha ng impakta, mas nagngitngit ako sa galit!
Si Mikee!