Chapter 18: Aula's suitor

Mabilis na lumipas ang dalawang araw ay naroon na nga sina Aula at ang pamilya nila sa Tarlac.

Nagpasalamat muna ang mga ito kay Nicolo bago sila umuwi at hinatid sila ng driver ni Nicolo sa van na ginamit nila pauwi. 

Laking tuwa ng mga magulang niya nang makabalik ang mga ito sa probinsya nila.

Lalong-lalo na ang kanyang itay na miss na miss na nito ang alaga nitong kalabaw lalong-lalo na si Isko.

Biruin mo dalawang araw lang ang mga ito sa Manila pero uwing-uwi na agad.

Talaga nga naman na simple at payak na pamumuhay lang ang gusto ng mga magulang niya.

Sa mga sandaling iyon ay kasalukuyan siyang nasa sala ng bahay nila.

Medyo nanibago siya sa sikip ng bahay nila.

Ikaw ba naman ang hindi manibago ei sa tagal ba maman niya sa manila. Kahit isang buwan pa lang ang pamamalagi niya doon parang ang tagal na niya sa Manila. At mas malawak na di hamak ang kwarto niya sa condo ni Nicolo kumpara sa bahay nila.

Maging siya man ay namiss din niya ang probinsya nila na malayo sa kabihasnan.

Namiss din niya ang amoy sa bukid maging ang tae ni Isko naamoy niyang muli iyon. Ang baho!

Ayan na naman ang mga lamok na naglipana sa itaas ng kanyang ulo. Kanda hampas ang ginagawa niya. Wala na rin kasi ang benda sa kanyang ulo.

Hays, sobrang nanibago talaga siya sa kanyang paligid.

Wala pa naman silang T. V na mapaglilibangan. Sa susunod na sahod niya bibili na siya ng T. V. 

Halos sa dalawang araw na namalagi siya sa kanilang bahay hindi siya lumabas ng bahay nila.

Nangako kasi siya kay Nicolo na mag-iingat siya para mapabilis ang pagbabalik niya ng Manila.

Speaking of Nicolo. Ano na kaya ang ginagawa nito sa condo nito?

Tinignan niya ang kanyang cellphone sa tabi. Ei, kung tawagan niya kaya ito at sabihin na okay na siya?

Wow, talaga lang Aula ah, parang uwing-uwi ka na ng Maynila! anang utak niya.

Hmp, hindi ah!

Nawala ang pagmumuni-muni niya nang makarinig siya ng nagigitara sa labas ng bahay nila.

Nangunot ang kanyang noo. Wala sa miyembro ng kanyang pamilya ang marunong maggitara.

Alas syete na ng gabi at nasa kusina naman ang kanyang ina. 

Ang itay Lucas naman niya ay nasa kabilang bukid at kasama nito si Angelo dahil nanghiram ang itay niya sa kaibigan nito ng kagamitan 

 sa pagtatanim para bukas. At hindi pa umuwi ang mga ito kanina magmula ng hapon.

At maya't-maya narinig niya ang magandang boses na kumakanta at sinasabayan naman nitong tumutugtog ng gitara. 

Aminado siya na maganda ang boses ng lalaking kumakanta. 

Hindi siya pamilyar sa inaawit nito.

Tumayo siya at binuksan ang pintuan ng entrance door nila.

Nakilala niya kaagad kung sino iyon.

At nagtataka siya na kung bakit ang pinakaiinisan niyang tao ay nasa harap ng bahay nila.

"Christopher!?" gimbal na tanong niya at may apat pa itong alipores.

"Magandang gabi sa'yo, Aula!"

"Hay naku, huwag na huwag mo akong iimbyernahin ngayon wala ako sa mood." akmang isasara niya ang pintuhan ng pigilan niya iyon.

"Ikaw naman hindi naman ako nang-iimbyerna."

"So ano ang ginagawa mo dito at may pakanta-kanta ka pang nalalaman? Malayo pa ang pasko pero nag-aadvance ka na a! O baka naman malapit na naman  ang liga niyo kaya nagso-solicit na naman kayo? Porque ba alam mo na galing akong Manila kaya sa tingin mo sumasahod ako ng malaki 'run? Naku-naku pasensya na wala akong maibigay sayo! Kumakayod kalabaw ako 'run tapos manghihingi ka lang sakin? Iba din talaga ang trip mo ano!" mahaba niyang litanya na ikinalaki ng mga mata nito kasabay 'nun ay ang mga halakhak ng kaibigan nito.

Nakikita naman niya ang mukha ng mga ito dahil sa liwanag ng loob ng bahay nila.

"Tol, mukhang busted ka na!" kantiyaw ng isa.

"Bunganga pa lang ni Aula tol wala ka nang pag-asa!" sabi din nung isa.

"Pinagsasabi niyo!?" inis na tanong niya.

Ewan ba niya umiinit ang ulo niya kay Christopher.

"Sige na umalis na kayo kunin niyo na ang magandang gabi niyo wala kayong makukuha sakin!" pagkasabi niyang iyon ay isinara na niya ang pintuan.

"Bakit sino ba iyon?" tanong ng kanyang ina mula sa kusina.

"Hus! Sino pa ba inay, edi si Christoper!"

"Christoper? Yong anak ni Maring?"

"Oo 'nay! Mabuti pa huwag na natin siyang pag-usapan."

"Bakit mo inaaway ang nanghaharana sayo?" sabi ng kanyang inay mula sa kusina. 

Nanghaharana!?

"Ano bang sinasabi niyo diyan 'nay."

"Nililigawan ka 'nung tao." 

"Nililigawan!? Ako liligawan ni Christopher!?" malakas niyang bigkas.

"Aba oo! Hindi mo yata narinig ang kinakanta nila kanina. Parang ang itay mo noong araw ganun na ganun niya ako noon gitarahin."

Napaisip siya sa sinabi ng kanyang inay. Possible kaya 'yun na liligawan siya ni Christopher? 

"Ah, basta hindi ako nagpapaligaw sa taong 'yon neknek niya!"

"Sus! Paano kong tinamaan kang lintek ka sa kanya? Mukhang maganda pa naman ang boses ng binatilyong iyon." malakas na sabi nito mula sa kusina. 

Ewan ba niya parang maganda ang mood ng inay niya sa mga sandaling iyon. Nag-boluntaryo siya na tulungan ito pero ayaw niya.

"Stop na 'nay change topic." inis na sabi niya.

"Sino ba kasi ang natitipuhan mo? Si Nicolo ba?" 

"Nay, magtigil ka na diyan wala akong gusto sa kahit sino!" nakasimangot niyang sabi.

Narinig niyang may kumatok mula sa kanilang pintuan.

Baka nandun pa sa labas sina Christoper kaya mabuti pang sabihan na niya ito na wala itong pag-asa sa kanya.

Nang buksan niyang muli ang pintuan ay isang bungkos ng bulaklak ang tumambad sa kanyang mukha.

"Huwag na huwag mo akong madadaan sa pabulaklak mo! Dahil kahit kailan hinding hindi ako magpapaligaw sayo! Naiintindihan mo? Kaya kunin mo na iyan at isaksak mo sa kokote mo!" sabi niya at tinabig niya ang bulaklak na nakaharang sa kanyang mukha.

Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mukha na ni Nicolo ang nakita niya.

"I think you should at least take what your suitor gives you." sabi ulit ng kaharap niya.

Tinakpan niya ang kanyang tenga ng ilang beses.

"No, hindi tama ito! Wala si Nicolo dito." mariin niyang bulong. "Magtigil ka na Christopher, sinasabi mo lang iyan kasi gusto mong tanggapin ko ang bulaklak! At kapag tinanggap ko iyan malamang iisipin mo na type kita. Sinasabi ko na sayo ng makailang beses na hindi kita gusto kahit gwapo ka pa!" mahaba niyang litanya na nakapikit pa ang mga mata.

"Aula, what are you talking about? Kanina pang umalis ang manliligaw mo. Can you let me in? Kanina pa akong pinapapak ng lamok sa labas."

Si Nicolo nga! Mabilis niyang iminulat ang mga mata.

"Nicolo, ano ang ginagawa mo dito!?" mahina niyang bulong.

"Aula, sino 'yan?" tanong ng inay niya mula sa loob.

Mabilis niyang hinila si Nicolo at dinala sa gilid ng kanilang bahay na kung saan sa madilim na parte.

"Nicolo, sagutin mo ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo dito!?"

"Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sayo na walang ibang dahilan dahil gusto kong pumunta dito?"

Napatulala siya sa sinabi nito.

"Huwag mo nga akong binibiro Nicolo!" 

Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa mga sandaling iyon.

"I was about to knock on your door but a group of these people suddenly appeared so I quickly hid."

Teka nahihilo siya sa sinasabi ni Nicolo.

"Ei, yang hawak mong bulaklak sayo ba galing 'yan?"

"Of course not, binigay 'yan ng manliligaw mo. I don't give cheap gifts."pagmamayabang pa nito.

Binigay nito sa kanya ang bulaklak na kanina pa nito hawak-hawak. Ang buong akala niya galing iyon dito.

Aula, ambisyosa ka bakit ka naman bibigyan ni Nicolo ng bulaklak, aber!

"Ayokong tanggapin 'yan!" 

"Okay, if you say so." balewala na sabi nito at kusa na lang nito iyon itinapon sa kung saan.

Wawalisin na lang niya bukas iyon at itatapon sa basurahan.

"Teka, teka! Hindi pa rin ako makapaniwala sino... sino ang naghatid sayo dito? Atsaka may kailangan ka ba?"

"My driver at umuwi na din siya agad hinatid lang ako." maikli nitong tugon.

"Talaga bang wala ka nang magawa sa buhay mo kaya ka dumiretso dito? Saan ka ngayon matutulog niyan!? Gabi na ei,"

"Hindi mo ba ako papayagang mag-stay man lang gaya ng pagpapatira ko sayo sa condo ko?"

Tinalikuran niya ito. "Nicolo alam mong masikip at maliit ang bahay namin na hindi gaya sa condo mo. Sa laki mo ba namang tao hindi ka kakasiya sa sofa! Naku-naku umuwi ka na bibigyan mo lang ako ng kunsimisyon." pagtataboy niya.

Hindi niya kasi kayang harapin si Nicolo at baka maawa lang siya at bigla siyang bumigay. Sayang naman ang pagmamatigas niya.

"Kaya ko namang mamaluktot, boy scout yata 'to." pagmamayabang pa nito.

"Maraming lamok sa loob lalo na sa gabi baka hindi mo kayanin!"

"Bumili na rin ako ng bagong electricfan. Huwag mo ng ipagamit sakin ang luma niyong electricfan baka mas lalo akong mangati."

"Aba, kami nga hindi gumagamit ng electricfan dahil nagtitipid kami sa kuryente."

"Babayaran ko ang bills sa kuryente niyo."

"Wala kaming ipapakain sayo na masasarap. Puro gulay kinakain namin dito."

"Don't worry I'm vegan."

Hinarap niya ito. "Nicolo, hindi ka naman siguro seryoso sa sinasabi mo ano!?"

"Seryoso ako, Aula. I felt empty in my condo simula 'nung... umalis ka. And I'd like to celebrate christmas with you... and your family." masinsinan nitong sabi.

Napahugot siya nang hininga.

Hindi niya alam kung may ibang kahulugan sa sinabi nito. 

Tatlong araw na lang kasi bago mag pasko.

"Bakit hindi ka mag-celebrate kasama ang mga kaibigan at pamilya mo?"

"May kanya-kanyang lakad ang mga kaibigan ko at wala rin akong pamilya na malalapitan."

"Ei, si doc Rei hindi ba tito mo siya bakit hindi siya ang puntahan mo?"

Nakita niya ang pag-iling nito kahit pa madilim ang kinaroroonan nila.

"I can't, he's celebrating Christmas with his lover."

Bigla naman siyang naawa dito. Kahit hindi niya danas ang dinaranas nito ay marunong naman siyang maawa para sa binata.

Ilang christmas na ba ang sinalubong ni Nicolo na mag-isa lang ito kung wala na itong mga magulang? Masyado kasing malihim na tao si Nicolo at wala naman siyang pakialam sa kung anong ganap sa buhay nito. Pero 'day, awang-awa talaga siya sa tao.

"Kung ganun may mga gamit ka bang dala?"

"You mean, pumapayag ka na dumito muna ako?"

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito ka na! Buti hindi ka nakagat ng ahas kanina sa pagdaan mo sa maisan?"

"I have my flashlights,"

"O siya sige! Bahala kang mamaluktot mamaya!" pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na niya ito at tinungo na ang kanilang bahay. 

Saka lang niya napansin ang isang malaking bag malapit sa kanilang pintuan na malamang gamit ni Nicolo at may mga malalaki pang supot na may mga laman.

"Nicolo, ano ka ba bakit dito mo nilapag ang gamit mo? Baka madumihan ang mga iyan!" sabi niya dahil nakalapag lang iyon sa lupa.

Akmang hahawakan niya iyon nang dumaiti ang kamay ni Nicolo sa kanya at tila nakuryente ang kamay niya kaya mabilis niyang binawi iyon.

"Aula, wala kang trabaho sakin ngayon. Kaya hayaan mong ako ang magbuhat ng mga 'yan."

Oo nga noh, talaga ngang immune na siya sa trabaho niya.

"Iniinom mo pa ba ang mga gamot na binigay sayo ng doctor mo?"

"Oo naman tsaka okay na ko huwag ka ng mag-alala!"

"Good, then. Mapapabilis ang pagbalik mo sa trabaho niyan."

"Ang dami mong satsat tara na nga sa loob." yaya niya dito at nang makapasok na sila sa loob ay tinawag agad niya ang kanyang ina para ipaalam dito na nandoon si Nicolo.

"Naku iho, ginabi ka na sa pagpunta dito."

"Ah, oo nga ho. Medyo traffic kasi kanina sa kamaynilaan."

"Maya-maya darating na rin sina Lucas at Angelo. Sabay-sabay na tayong kumain."

"Opo,"

Napaikot siya ng mga mata. 

"Mabuti na lang at dinamihan ko ang pagluluto ng uulamin natin ngayon kasi alam kong darating ka." 

Nangunot-noo siya sa sinabi nito.

"Teka nga 'nay bakit pakiramdam ko na alam niyong darating si Nicolo?"

"Hindi ko ba nasabi sayo na tumawag siya kaninang umaga para ipaalam na pupunta siya dito."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito.

As in wala siyang kaalam-alam!

Pinagkaisahan siya ng pamilya niya. 

"Hmn, mukhang kayo-kayo na ang nagkakampihan a,"

Nang maglanding ang mga mata niya kay Nicolo ay nakangiti ito mukhang waging-wagi.

"Mabuti pa Aula tulungan mo na akong ihanda ang mga ulam."

Kaya naman pala ang tagal matapos sa pagluluto kanina ng inay niya ay dahil marami pala itong niluto.

At kaya pala nagkatay ng manok ang itay niya kaninang pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay para pala iyon kay Nicolo.

Narinig nilang bumukas ang pintuan at iniluwa 'nun sina Angelo at itay niya na kadarating lang.

"Magandang gabi po," bati ni Nicolo.

"Magandang gabi din sayo iho, pagpalain ka ng Diyos at ligtas kang nakapunta dito."

"Salamat po," si Nicolo.

"Kuya, mabuti naman nakarating ka ng mas maaga ngayon kung hindi naku naubusan ka na ng tinola. Ang lakas pa namang kumain ni ate lalo na pag tinola ang ulam." natatawang sabi pa ni Angelo.

"Angelo, magtigil ka diyan a, baka ulam mo pa ang ubusin ko!"

"Ikaw naman ate di na mabiro,"

"Tama na 'yan dumulog na tayo sa hapag at nang sabay-sabay na tayong kakain. Nakakahiya naman itong bisita natin." sabi ng inay niya ay sabay nang pumasok sina Nicolo at itay niya sa kusina.

Samantala hinila muna niya ang kapatid niya para kausapin ito ng masinsinan.

"Ikaw na bata ka tinawagan mo ba si Nicolo para papuntahin dito?"

"Hindi a, siya kaya ang tumawag sa cellphone ko."

"Bakit mo sinagot!?"

"Ei, tumatawag 'yong tao ate alangan naman na diko sagutin."

"Bakit hindi mo ako sinabihan!"

Tama naman ito.

"Ei, nakalimutan kong sabihin ate,"

Akmang kukutusan niya ito nang tumakbo na ito sa kusina.

Pambihira parang hindi siya pamilya ng mga ito.

Hindi talaga siya komportable kapag nasa bahay nila si Nicolo!

Bukas na bukas din pauuwiin na niya ito bahala na basta gagawa siya ng paraan para umuwi na din agad ito kinabukasan!