Chapter 13: Aula’s rights

"Nicolo, what happened to your arms? Bakit ang daming pantal!" tanong sa kanya ni direk Louie o tinatawag nilang Lou-Lou dahil bakla ito at edad trenta pa lang, nang makita ang kanyang mga braso na tadtad ng kagat ng lamok.

Nakaupo kasi siya sa gilid ng mansyon ng umagang iyon.

"Nakagat ka ba ng surot o ano!? Irereklamo ko talaga ang hotel na 'yan for those beds are not safe! I will definitely sue that hotel!"

He groaned. "No, it's not the hotel's fault."

"What do you mean!?" hysteria nitong wika.

Tumingin siya kay Aula na ngayon ay nakikipag-usap ito sa isang staff ng BGS o ang Broadcasting Global System na kilalang station nila.

Tumawa-tawa pa ito na akala mo walang mga taong kasama sa paligid nito.

"Sabihin mo sa akin Nicolo, hindi ka ba komportable sa hinigaan mo kagabi? Mapapagalitan ako kay sir Thomas niyan!"

Nagningkit ang mga mata niya. He hated the fact that he was under Thomas Wallas the CEO or president of a company.

Kaya walang manager na may hawak sa kanya dahil rekta agad siya sa CEO.

Iyon lagi ang kinakatakutan nila kaya pinangangalagaan siya ng husto ng mga ito.

He really hated being treated like he was a crystal glass.

"No, I didn't sleep there last night,"

"What!? You didn't? So saan ka natulog kagabi?" muling tanong nito.

Napabuntong-hininga siya. "Inside the container van," he simply said.

"What!? Bakit doon ka natulog!? Nicolo naman alam mong pinakaiingat-ingatan ka namin tapos malaman-laman ko na doon ka lang natulog!"

"I was mesmerized by the beauty of the stars above until I was fall asleep." sabi niya na ang mga mata ay naka'y Aula.

"Nasaan ba 'yang assistant mo nang mapagsabihan ko siya! Hindi yata siya na-inform na dapat inaasikaso ka!" sabi nito at umalis sa harapan niya.

Nang bumalik ito kasama na nito si Aula.

"Nicolo totoo ba nakagat ka ng surot?" tanong ni Aula.

"At talagang nagtanong ka pa, hindi mo ba nakikita iyan na ang dami niyang kagat?"

"Ay, akala ko props na naman!" sabi ni Aula.

Yeah, may ginawa sila the last time na scene nila ni Rachelle kunwari nagkapantal siya at may allergy.

"Aysus, bobita!" sabi ni Lou-Lou

"Makabobita ka sakin akala mo naman nakakabobo ang mga pantal ni Nicolo!" inis na wika ni Aula na kamuntikan na niyang ikinatumba sa kanyang kinauupuan.

"What did you just say to me!?" inis na wika ni Lou-Lou.

"Narinig mo naman sinabi ko ba't ko pa uulitin! Atsaka ano ba ang maitutulong ko sa mga pantal ni Nicolo hindi naman ako magician para tanggalin ang mga iyan at lalong-lalu nang hindi naman ako doktor!"

Parang gusto nang himatayin ni Lou-Lou sa mga sinabi ni Aula.

"Nicolo, saan mo ba pinulot iyang P. A mo at sinasagot-sagot pa ako!"

Tahimik lang siyang nakaupo dahil ayaw niyang makialam sa dalawa. Knowing Aula she got all the point when it comes for debate.

"Imbes na 'yong nurse ang tawagin mo bakit ako pa talaga ang tinawag mo!" masungit na wika ni Aula at nagwalk-out.

"I-fired mo na 'yang P. A na 'yan napa-kabastos!" sabi nito at pinapaypayan ang sarili.

"I don't have the guts to fire her,"

"And why not!?"

"Because she got point. Bakit kasi siya ang sinisisi mo,"

"Dahil P. A mo siya!"

"Yah, she's my P. A pero hindi na niya kasalanan kung ma-injured man ako. I told you it's my fault."

"Ah, basta ako ang bahalang maghanap ng P. A mo, matanggal lang siya!"

"Then try if you could—"

"Nicolo, may dala na akong ointment!" sabi ni Aula pagbalik nito.

"Hoy, hoy, ano iyan!? Baka kung anu-ano pa ang pinapahid mo kay Nicolo!"

"Pwede ba huwag na lang kayong magtanong. Tumutulong na nga ako kay Nicolo. At ikaw imbes na magtawag ka nalang ng nurse!"

"Aba't! Bruha ka halika nga dito nang makalbo kita!" sabi ni Lou-Lou at akmang susugurin nito si Aula.

"Aba, aba subukan mo lang! Atska bakit ba nagagalit ka diyan ei, ikaw naman ang unang nang-badtrip sa akin, ah!"

"Enough you two,"

"Nicolo, did you see that!? Napakabastos talaga!"

"Lou-Lou, ewan mo na muna kami at lalagyan na lang niya ng ointment ang mga kagat ng lamok sa braso ko." sabi niya.

Kaagad namang tumalima ang baklang direktor.

"Ikaw naman kasi bakit ba kasi natulog-tulog ka pa sa container van,"

Hindi na din kasi niya nakayanan ang antok niya kagabi. And besides hindi niya alam kung bakit ayaw niyang iwanan si Aula na mag-isa 'dun.

"Bakit ikaw wala kang kagat ng lamok?" tanong niya dito nakapagtataka at ni isa wala itong kagat.

"Haler! Nakatalukbong ako ng kumot kagabi atsaka hindi ko nga alam na nasa tabi lang pala kita na ang buong akala ko umalis ka,"

"So kapag nalaman mong nandoon pa ako, are you willing to share your blanket with me?"

Tumawa ito which is ewan ba niya kung balit nagugustuhan niya ang mga tawa nito. Napakagaan at maganda sa kanyang pandinig pwera nga lang kapag pumutaktak na naman ang bunganga nito.

"Ambot sa'yo Nicolo, bakit ko naman isi-share sayo ang kumot ko, ei kasya lang sakin 'yon!" sabi nito at muling nilagyan ng ointment ang kabilang braso niya.

Napasimangot siya sa sinabi nito.

"Kaya mamayang gabi sa Hotel ka na lang matulog."

"Edi sa hotel ka na din matutulog,"

"Oo kung gusto mo edi dun na talaga ako,"

"Kailangan ba talagang suyuin ka pa para lang malipat ka ng higaan?"

"Aula!" hiyaw niya nang kurutin nito isa sa kagat ng lamok niya.

"Talaga ba? Sinuyo mo ba ako kagabi? Wala akong matandaan na sinuyo mo ako kagabi!"

"Darn, forget it!" inis na sabi niya atsaka tumayo.

Kahit kailan talaga napaka-brutal nito.

Tinungo na niya ang set at kailangan pa niyang ikabisa ang linya niya.

****************

"Hi, you must be Aula? Nicolo's P. A?" tanong ni Rachelle nang lumapit ito sa kanya habang nag-aayos siya ng mga gamit ni Nicolo.

Alas-sais na ng gabi at kailangan niyang magmadali para makapagpahinga na din siya bago sila pupunta pabalik ng hotel.

"Oo, ako nga, bakit anong kailangan mo?" tanong niya sa artistang kaharap niya.

Pinakatitigan niya ito nang maigi, maganda naman ito kaya nga lang tadtad pala ng make-up ang mukha nito.

"Bakit magpapatanggal ka din banng make-up? Wala ba 'yong P. A mo?" tanong agad niya na ikinangunot-noo nito

"Oh, no! Hindi ako nagpunta dito para magpatanggal ng make-up para sa isang cheap na P. A." sabi nito at umikot pa ang mga mata.

May kasungitan pala si Rachelle pero pag harap ng camera parang ang bait-bait.

Hindi lang iyon ah tinawag pa siyang cheap!

"So? Anong kailangan mo kung ganun?"

"Oh, I came here to ask you some questions about Nicolo," maarte nitong sabi.

"Ano ba kasi 'yon?" inis na wika niya.

Ang ayaw niya 'yong naiistorbo ang trabaho niya.

"Hindi ba't matagal na kayong magkasama ni Nicolo as his personal assistant? And I know na komportable na kayo sa isa't-isa. Itatanong ko sana kung ano ang mga gusto at hindi gusto ni Nicolo." ngingiti-ngiti pang sabi nito.

Tila napaisip siya. Ano nga ba ang gusto at hindi gusto ni Nicolo?

"Ano ba ang itatanong mo mga bagay-bagay ba na ayaw ni Nicolo?" tanong niya.

Tumango-tango ito at sabay ngiti pa.

"Hmn, sa tingin ko ang gusto ni Nicolo 'yong maayos ang mga gamit niya."

"At ano naman ang hindi niya gusto?" excited nitong sabi.

"Ang hindi niya gusto ay syempre hindi maayos ang mga gamit niya."

Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha nito.

"What about food? Traits, attitudes or whatsoever, tell me more about him."

Napaisip siya sa sinasabi nito ano nga ba ang maisasagot niya?

"Ayaw nun ang ang suplada, maarte, mahinhing babae. Ang gusto 'nun ay wild 'yong marunong mangabayo!"

Muli niyang nakita ang pagkadismaya sa mukha nito.

"Pinagloloko mo ba ako? Bakit parang hindi tama ang sinasabi mo!" inis na wika nito at tila lumabas na ang pagkamaldita nito.

Sinasabi na nga ba niya na maldita si Rachelle.

"Pwede ba Rachelle diretsuhin mo na ako! May gusto ka ba kay Nicolo? Kung may gusto ka sa kanya, dumiretso ka dun hindi iyong naistorbo mo ako dito. Ang dami ko pang trabahong tatapusin pero ikaw ang dami mong paligoy-ligoy!" nakapamewang na sabi niya.

Napanganga ito sa sinabi niya. "Ano ang sinabi mo!?" galit na sabi nito.

"Bakit kaya ang hilig niyong magsabi ng "Ano ang sinabi mo?" e, malinaw naman na narinig ninyo ang sinabi ko. Siguro kailangan mo na ring magpatingin sa doktor para mawala 'yang tutuli sa tainga mo." sabi niya at muling ipinagpatuloy ang pagtutupi sa mga damit ni Nicolo.

"You bitch!" sabi nito at hinila nito ang buhok niya na hindi niya pinaghandaan.

"Aray! Huwag iyang buhok ko masakit sa anit!" reklamo niya.

Pero ang sisting babaita ayaw nitong bitawan ang buhok niya kung kaya't lumaban na din siya. Hinila rin niya ang buhok nito na ikinahiyaw nito.

"Aray!" sigaw ni Rachelle.

"Huwag na huwag mo akong hahamunin sa sabunutan ah!" sigaw niya dito.

Hindi niya talaga inuurungan ang mga taong gusto siyang saktan kung kaya naman lumalaban siya.

Ayaw na ayaw pa naman niyang pumatol sa mga babae pero dahil kailangan na talaga kaya lalaban talaga siya.

"Somebody's help me!" sigaw na ni Rachelle.

Gustong-gusto na niyang itapon ito palabas ng container van. Talagang ginagalit siya nito.

At nang marinig nila ang boses ni Rachelle ay kaagad may mga lumapit sa kanila at inawat sila.

"What is happening here!" sigaw ni baklitang si Lou-Lou.

Alam namna niya na nag-iinit ang dugo nito sa kanya.

"That woman hurt me!" duro sa kanya ni Rachelle.

"Ano!? Talagang ako pa talaga pinagbintangan mo ei ikaw ang unang sumabunot! At ano sa tingin mo hahayaan na lang kita?" inis na wika niya.

"Enough!" sabi ulit ni baklita.

"At ikaw kanina ka pa hindi ka pa nakuntento inaway mo pa talaga si Rachelle!"

"Mamita, look at my arms may kalmot na tuloy!" sabi pa ni Rachelle at ipinakita pa nito kay Lou-Lou ang sugat nito.

Alam niya sa kanyang sarili na hindi njya kinalmot ito.

"Do you see what you did to her!? Sinira mo na ang maganda niyang kutis!"

"Kalmot lang naman sa braso akala naman sira buong katawan," inis ding wika niya.

Marami na ang nakiki-ususyo sa kanila pero wala naman siyang pakialam.

"Aba't sumusumbat ka pa a! Saan ka ba talaga pinulot ni Nicolo wala kang breeding!" sabi ukit ni Lou-Lou.

"Hindi niya ako pinulot siya mismo ang nag-hired sakin sa Tarlac! Dinayo pa niya ako doon at siya ang nag-alok ng trabaho sa akin."

Maraming ang nagulat sa sinabi niya at 'yong iba napasinghap pa.

"What is happening here?" tanong ni Nicolo nang makalapit ito sa kanila.

"Iyang P. A mo pagsabihan mo. Sinaktan ba naman nito si Rachelle!" sabi ni Lou-Lou.

Tas nang tignan niya si Rachelle parang aping-api talaga ito.

Umikot na lang ang mga mata niya.

"Nicolo that woman is crazy! She even told me na gusto ka niya. She is psycho! mangiyak-iyak pa na sabi ni Rachelle.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito lalong-lalo na ang sinabi nito siya gusto daw niya si Nicolo!?

"Sabi ko na sa'yo tanggalin mo na 'yan at maghanap ka na lang ng ibang P. A!" muling parunggit ni Lou-Lou.

Grabe hindi na naman natapos ang ginawa niyang pag-aayos sa mga gamit ni Nicolo.

Antok na antok na nga siya kasi napagod din siya nang buong maghapon tapos dumagdag pa 'tong dalawang 'to.

"Aula, let's talk." seryosong sabi ni Nicolo. Magsasalita pa sana siya ngunit hinila agad siya nito palabas at dinala sa gilid ng mansion na sila lang dalawa ang tao.

"Was that true?"

"Naku-naku Nicolo binabalaan na kita huwag ako ang sermonan mo. Atsaka 'yang si Rachelle lumapit-lapit sa'kin tinanong ba naman ako kung ano ang gusto at hindi mo gusto tapos nung hindi ko sinagot ang mga tanong niya ayun, nagalit at sinabunutan na lang ako bigla! Ei, alangan naman na hindi ako gaganti!"

"I didn't ask about the whole situation I am asking you na totoo ba ang sinabi ni Rachelle na may gusto ka sakin?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at nang tiningala niya ito ay sinalubong niya ang mga titig nito.

Nagkatitigan sila. Iyon na naman ang pakiramdam niya na parang ilang na ilang na naman siya.

Umiling siya. "Si Rachelle ang nagsabi niya, siya ang may gusto sa'yo binaliktad pa ako. Mukhang balak ka pang ligawan ang gaga, kaya tinanong-tanong ako kanina tungkol sa'yo!"

Narinig niya ang pag buntong-hininga ni Nicolo atsaka tumango-tango.

"Alright, if that's the case then let's head back to the hotel. I'm dead tired." sabi ni Nicolo at iniwan na siya.

Tinawag pa niya ito pero hindi na lumingon pa.

Iyon lang ang tinanong nito? Ang buong akala niya pagagalitan siya nito.

Ano ba ang problema 'nun? Nakakasira siya ng ulo!

Napakamot na lang siya sa ulo at sinundan na lamang ito.