Chapter 12: Locked-in taping
Kanina pang hikab nang hikab si Aula sa kanyang kinauupuhan sa loob ng isang container van na saktong laki lang habang tinatanaw si Nicolo ilang metro malayo sa kanya.
May locked-in taping na naman kasi ito kung kaya't pati siya ay nandoon. Malamang magiging alalay na naman siya nito.
Kanina lang tuwang-tuwa siya sa kapapanood sa mga ito dahil makailang ulit nag-take sina Nicolo at Rachel Buenavista, ang katambal ni Nicolo sa pelikula na pinamagatang "The sorrow of life"
Paano naman kasi mukhang hindi saulado ng bidang babae ang linya nito. At mukhang maarte din ang babae.
At ngayon nga wala nang take two kasi naging smooth na ang kinalabasan ng pag-arte nila.
Ayaw na ayaw niya ang masyadong madramang pelikula o drama. Nakaka-bored kaya iyon.
May tatlong oras pa bago matapaos ang mga ito.
Nasa Batangas na naman kasi sila sa kung saan doon ang venue ng taping. Nandoon kasi ang mansyon na pinangganapan.
Doon na din sila mag-stay ni Nicolo at hindi niya alam kung hanggang kailan.
Nakakabagot maghintay ng oras.
Hindi naman pwede na matulog siya kasi anumang oras kakailanganin siya ni Nicolo.
Muli ay humikab siya habang hawak-hawak ang kanyang panga sa lamesang kinapapatungan ng kanyang kamay.
Napakahirap pala maging artista. Susme , nunca siyang tatanggap ng ganyang trabaho! As if naman may mag-aalok sa kanya na mag-artista!
Napahagikhik siya sa isiping iyon.
Humiga ulit siya sa folding bed at tumingin sa kisame na tanaw na tanaw ang kalangitan dahil may maliit na bintana ang container van.
Simula 'nung bata siya marami na siyang pangarap. Isa na talaga doon ang ihaon ang mga magulang niya este ang bahay nila sa putikan.
Paano naman kasi kapag binabagyo o inuulan sa bukid maputik at minsan nababaha sila.
Muntik na ngang maanod ang bahay nila 'nun sa lakas na bagyong tumama sa Tarlac noon.
Magpupursigi talaga siya sa pag-iipon para kahit papaano mapaayos niya ang bahay nila. Gagawin niyang konkreto iyon at hindi na kawayan!
Hayss, grabe ang sarap mangarap.
Mangangako siya sa kanyang sarili na titiisin niya ang ugali ni Nicolo. Kahit magmukha pa itong halimaw sa harapan niya kapag galit na galit ito sa kanya.
Pero bakit ngayon ang kisame napalitan na nang mukha ni Nicolo at hindi mukhang halimaw.
Gwapo pa rin ito sa paningin niya. Hindi niya iyon maikakaila sa kanyang sarili. Aba, marunong naman siyang kumilatis ng hitsura!
Pero kapag nabubweset talaga ito sa kanya naiimagine niya ang hitsura nito, mukhang unggoy at minsan may dalawang sungay!
Napahagikhik siya sa isiping iyon.
At never talaga niya nakita si Nicolo na hindi nainis sa kanya.
"Aula, ang ganda ng hilata mo diyan bumangon ka na at gawin mo na ang trabaho mo." maalumanay na sabi pa ni Nicolo habang nakangiti ito sa kanya.
First time niyang makita na nginitian siya nito.
Nagniningning din ang mukha nito. Sana ganun na lang lagi si Nicolo.
Hayys, kung palaging ganyan si Nicolo sa kanya malamang gaganahan talaga siya sa pagtatrabaho rito.
Pero kaagad napalitan ang mukhang iyon nang makita ulit ang Nicolo na dikit na dikit na naman ang mga kilay.
"Ano hindi ka pa ba talaga babangon diyan?"
"Ay, mariakusep!" tili niya at kaagad ding bumangon.
"K-kanina ka pa diyan?"
"Malamang ang saya nga ng pagkakahagikhik mo! Nasisiraan ka na naman ng bait. You're day dreaming again."
Umikot ang mga mata niya sa sinabi nito. Ang buong akala niya kanina naiimagine lang niya si Nicolo. Iyon pala totoong siya pala.
Nakakahiya tuloy!
"Ang akala ko kasi pagkain ang nasa harapan ko!"
"Hindi ka pa ba busog kanina?" masungit na naman na wika nito.
Dinaig pa ang babae sa kasungitan parang may regla lagi.
"Busog naman kaya nga lang gutom ulit ako," napalabing wika niya.
"Stop doing that! Hindi ka cute."
Kaagad naman siyang tumigil.
Napatingin siya dito na ngayon ay nakatalikod na sa kanya.
"Ano ba maipaglilingkod ko Mr. Yabashungit?"
Muli itong humarap sa kanya mula sa swivel chair na inupuan nito.
"What did you just call me!?"
"Ah, japanese 'yon huwag mo ng itanong hindi mo lang din naiintindihan!" natatawang sabi niya.
"Okay, come here. Punasan mo ang mukha ko. Tanggalin mo ang make-up."
Nilapitan niya agad ito at kinuha sa kanyang box ang wipes. Syempre nag alcohol muna siya sa kamay.
Siya kasi ang nagtatanggal sa make up na nilalagay nila dito. Minsan kasi kailangang pahiran ng make-up ang mukha nito kapag kailangan lang.
"Grabe naman ang lagkit nang mukha mo!" reklamo niya habang tinatanggal iyon sa mukha nito.
Nakapikit naman ang mga mata nito. At mukhang relax na relax ito sa ginagawa niya.
"Yeah, I really hate that."
"Nakakairita kaya ang make-up!" sabi niya.
"Me too,"
Nagtataka siya kung bakit walang manager si Nicolo na hindi naman niya tinatanong.
"Ang sarap sabunin 'yang mukha mo!"
"You can't, you may strip the oil,"
Pero in-faifness ah, makinis ang mukha nito.
Pagkatapos niyang matanggal iyon ay pinahid na niya ang mukha nito nang malinis na bimpo.
Pero syempre dampi-dampi lang.
"Makinis naman ang mukha mo bakit kailangan pa nila lagyan ng make-up iyan."
"I have nothing to do with it kung iyan ang gusto ng director,"
"Ang alam ko sa make-up para lang sa mga babae pati pa pala kayong mga lalaki pwede din. Tsaka maayos naman ang mukha mo. Sigurado ka na wala kang retoke?"
"So, sinasabi mo ba na gwapo ako?"
"Oo,"
"Mas gwapo ba ako sa ibang mga artista?"
"Malamang mas gwapo ka sa kanila,"
"Ei, si Kalil sino ang mas gwapo sa amin?"
"Syempre ikaw!"
"Talaga? Napaka-honest mong sumagot ngayon, ah."
Nakita niyang sumilay ang ngiti sa labi nito.
Maging siya ay nagugulat sa pagsagot niya.
Ano ba kasi ang lumalabas sa bunganga niya.
"Nicolo, nag-eenjoy ka ba talaga sa ginagawa mo?"
"Ang alin?"
"Diyan sa trabaho mo,"
"Oo naman, bakit mo naitanong?"
"Oo nga halata nga nag-eenjoy ka ang galing mo nga ei," sabi niya.
"At ngayon bilib ka na sa akin?"
"Huh? May sinabi ba ako na bilib ako sa'yo?"
Sukat sa sinabi niya dumilat ang mga mata nito.
"Hindi ba parehas ang pagkakasabi mo na magaling ako kanina?"
Natigil siya sa pagdadampi-dampi ng bimpo sa mukha nito.
"Iba 'yong bilib sa nagagalingan!"
"Alam mo ba napaka-komplikado mong kausap."
Titig na titig siya sa mga mata nito.
Namamagneto na naman ang mga mata niya dito. Hindi niya alam kung nasasanay na ba siya sa mga titig nito.
"T-Talaga? Atleast matino pa naman akong kausap mo kahit papaano di ba?"
"Kailan ka pa?"
"Matagal na. Paano ako natanggap sa trabahong 'to kung hindi ako matino." sabi niya at muling dinampian ng bimpo ang mukha nito.
Bakit ba ang tagal matuyo ang basang mukha nito. Ang sarap tuloy ingudngud sa mukha nito ang bimpong hawak niya nang matuyo na kaagad!
Nate-tense tuloy siya sa pagkakatitig nito.
Hinuli nito ang kamay niya na ikinapitlag niya.
"B-bakit!?"
"Magdahan-dahan ka naman," reklamo nito.
"Ikaw naman kasi kasalanan mo din naman!" galit na wila niya.
Nangunot noo ito. "Bakit ano ang ginawa ko?"
"Huwag mo kasi akong titigan!"
"So, naaapektuhan ka sa pagkakatitig ko sa'yo?" nakangising sabi nito.
Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili. Minsan kasi okay lang naman sa kanya magkatitigan sila ni Nicolo pero noon iyon. Pero ngayon ewan ba niya parang iba na kasi. Basta hindi niya mawari ang nararamdaman niya.
"Naiilang ka ba kapag tinititigan kita?" muling sabi nito at mas inilapit pa nito ang mukha nito sa kanya na ikinalaki pa ng mga mata mga niya!
Mabuti na lang at sarado ang container van pero kurtina lang ang pinangsara ni Nicolo kanina bago ito pumasok sa loob.
Kung kaya't hindi sila makikita sa loob.
"Tumigil ka nga Nicolo!" sabi niya at iwinaksi ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya at marahang tumayo.
"Bakit sa lahat nang naging P. A ko ikaw lang ang bukod tanging hindi ako tinatawag na sir?"
"B-bakit ayaw mo na bang tinatawag kita sa pangalan mo?" utal na sabi niya.
Namumungay ang mga nito na tinignan siya. "No, I like it."
Akmang magsasalita siya nang may tumawag kay Nicolo sa labas.
Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga nito.
Kaya wala itong nagawa kung hindi ang tumayo.
"Nicolo sandali,"
Natigil ito sa paghakbang at sinulyapan siya.
"Why?"
"Maganda din bang pakinggan kapag sila na ang tumatawag sa pangalan mo?"
Ayts gaga! Ba't mo pa tinanong!
"No, ibang-iba ka sa kanila," pagkasabi 'nun ay iniwan na siya nito.
Saglit siyang napatulala at tila namanhid ang katawan niya.
Ano ang nangyayari sakin?
***************
Hingal na hingal si Aula matapos bitbitin ang mga gamit ni Nicolo sa Room nito sa hotel.
Dumeretso na kasi sila sa hotel kaninang alas otso sa kung saan mag-iistay ang mga artista.
At siya matutulog na lang sa container van na muling binuhat ng truck driver kanina st inilipat din sa hotel.
Unang gabi pa pang niya sa Villa Crisoto ay tila napakabigat na iyon sa kanya.
Hindi bale maganda namang tulugan ang container van atsaka may pintuan naman na pangsara niya.
Maganda ang pagkakadesinyo nila sa container van parang isang kwarto lang.
May maliit din naman na cooler fan kaya alam niyang hindi siya papapakin ng lamok.
Nakigamit na din siya ng banyo kanina para makiligo.
Binuksan na muna niya ang bintana ng van mula sa itaas. Tanaw na tanaw niya ang mga bituin mula sa kalangitan.
Naririnig din niya ang mga huni ng kulisap sa paligid.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang namnamin ang bawat huni niyon na parang nasa Tarlac na din siya.
Namimiss na niya ang kanyang mga magulang. Dadalaw na talaga siya doon sa susunod na buwan.
Nawala ang pagmumunimuni niya nang may kumatok sa van.
"S-sino 'yan!?" tanong niya.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.
Kung magnanakaw iyan bakit kakatok pa ito?
Nasa labas kasi ng hotel ang van at hindi niya alam kung siya lang ba na mag-isa ang nasa parking lot.
"It's me," boses ni Nicolo.
"Bakit?"
"Just open it,"
"B-bakit ba?"
"Buksan mo na lang ang dami mo pang tanong,"
Sa inis niya bumangon na siya mula sa pagkakahiga sa folding bed.
Nang buksan niya ang pintuan hindi niya mawari ang mukha nito. Kung nakabusangot ba basta hindi niya mawari kasi dim light lang ang ilaw niya sa loob.
Nakasuot ito ng pull over jacket. Samantalang siya enjoy na enjoy niya ang suot niyang ternong pajama.
"What are you doing here?"
"Hindi mo ba nakikita? Syempre dito ako matutulog!" sabi niya.
"Sinabi ko ba na dito ka matutulog?"
"Alam kong wala kang sinabi pero dito ko expected na matutulog," nakasimangot niyang wika.
"Go upstairs, I already accommodated a room for you,"
"Naks, special treatment na ba 'to?" natatawang wika niya.
"Walang ibang kahulugan iyon, atsaka hindi ako makasarili I also give comforts with P. A's"
"Paano kung mas gusto ko na lang dito kasi maganda ang ambiance, ayon oh!" sabi niya sabay turo sa nakabukas na pintuan sa taas.
"Ano bang maganda sa mga bituin?" curios na sabi nito.
"Sa tingin mo, ano ba ang nakikita mo sa kanila?"
"Masyado silang maliit sa paningin ko. So there's nothing special about it. It's just a normal thing at night."
Tumawa siya nang pagak. "Huwag mong maliitin ang mga 'yan malayo ka lang kaya maliit para sayo. Parang ikaw bilang isang bituin sa industriya na tinatahak mo, dahil sa sobrang sikat mo malayo na ang narating mo at maliit na lang ang tingin mo sa mga taong tumititingala sa'yo." sabi niya sabay tingin muli sa mga nagkikislapang bituin.
Wala siyag anumang narinig mula rito sa sinabi niya.
Narinig na lang niya ang pagtabi nito sa kanya at inayos din nito ang isa pang folding bed at tumabi sa kanya.
"Hindi ko alam kung ano ang pinupunto mo Aula kung sa istado ba ng buhay ko ang tinutukoy mo o ang industriyang kinabibilangan ko."
"Hindi ba pwedeng parehas?"
"To begin with you, hindi ko minamaliit ang mga taong umiidolo sa akin. Well, being a star is a part of having die hard fans."
"Ewan ko nga kung bakit maraming mga tao ang pinagkakaguluhan ang mga artista."
"Bakit ikaw wala ka bang iniidolo?" marahang tanong nito na nasa mga bituin pa rin ang mga mata niya.
"Wala,"
"Seryoso ka? Baka naman niyayabangan mo lang ako,"
Tumawa siya ng pagak. "Ano ang ginagawa ng isang artista sa harapan ko ngayon at kung bakit man lang akong reaksyon kapag nakikita kita? Kaya ibahin mo ako sa kanila."
"Si Aula ba talaga ang kausap ko ngayon?"
Tinignan niya ito. "At bakit mo naitanong 'yan?"
Pinagsalikop nito ang dalawang kamay at inilagay sa ulunan nito at nasa mga bituin na din ang tingin ng mga mata nito.
"Kasi parang ibang Aula ang kausap ko ngayon,"
"Weh? Totoo? Like maganda ba ako sa tingin mo ngayon!?"
Ibinaling nito ang tingin sa kanya. Tumagilid ito nang higa.
"Hindi na ako titingin sa malayo para lang makita ang ganda nito kung meron namang mas malapit."
Nangunot-noo siya sa sinabi nito at mukhang ang lalim hindi tuloy niya ma-gets.
"Ang labo mo namang kausap!"
sabi niya sa sabay hikab.
"Mali pala ako ng akala,"
"Ang alin na naman?"
"Komplikado ka pa ring kausap,"
Inis na muli niyang ibinaling ang mga mata sa bituin.
"Kung kumplikado akong kausap bakit kinakausap mo pa rin ako?"
"Because I have to,"
"Edi wow! Bumalik ka na sa hotel, okay na akong matulog dito." sabi niya na hindi pinansin ang sinabi nito.
"No, I sleep here too, I think I need to experience this."
"Bahala ka kung ano ang gusto mo basta tinatamad na akong umakyat sa hotel."
"Sort of." sabi nito.
Alam naman niya na safe sila dun kasi may gwardyang nakabantay sa labas.
Ipinikit na lamang niya ang mga mata at natulog.