Chapter 12: Holding on our Past
“Hey tama na yan. Nakailang shots kana. Come on hatid na kita.”
“No. Kaya ko pa.”
Niyaya ni Lexie si Kim na uminom ng gabi na iyun matapos nila mag usap ni Zoe. Si Kim ang takbuhan ni Lexie sa mga problema. Sa kabila ng pagbasted niya kay Kim ay di siya nito iniwanan. Kim was hurt nung sabihin ni Lexie that she can’t accept her love because she still hoping that Zoe will love her again. Gustohin man niyang lumayo pero mas pinili niyang maging kaibigan nalang. After all pareho lang din sila ng sitwasyon na umaasa.”
“Lex. Dali na. Uwi na tayo. Nako wala akong balak na buhatin ka.”, pabiro nitong sabi.
“Kim please wag muna. I told you kailangan ko munang makalimot.”
“Hay naku you told me 3 shots lang tapos ngayon ano na, nakailan kana. Come on.”
“Two more okay. Then exit na tayo. Please…..”, with pouting lips.
“Hays naman. For sure sasakit na ang ulo mo niyan. Bakit ba kasi ako pumayag na sasama eh. Alam ko naman si Zoe na naman yan prob mo. Hoy kahit binasted mo na ako masakit parin kaya marinig ang tungkol sa love mo kay Zoe.”
“sorry na, alam mo naman ikaw lang ang pinagsasabihan ko ng lahat tsaka wag na natin pag usapan ang pag basted ko sayo. Diba tintry ko naman e date ka kaso mas gusto ko talagang maging bestfriend ka.”, naglalambing nitong sagot.
“Hahaay nako. Yun na nga eh. Pinaasa mo pa ako kaso ma friendzone lang din pala. Alam mo bang nakita ko si Zoe na nagselos na sa atin kaso di naman pala magiging tayo.”
“Oh there she go again. Kim please wag kana magtampo. Promise hahanapan kita ng best woman para sayo pero as of now gusto ko lang talaga makalimutan kahit sandali si Zoe. Ang sakit sakit kasi yung sinabi niya. Nabibiyak na ang puso ko.”
“ Ikaw naman kasi ang tagal mong umasa. Di ikaw din ang nagsuffer ngayon.”
“Ay grabe naman deretsahan naman talaga.”
“Di nga Lex. Ang tagal na panahon na kasi. Bakit di mo pa nakick out si Zoe sa puso mo.”
“Di ko din alam. Siguro nga I was stuck in our past.”
Naputol ang pag uusap nila Kim at Lexie nang biglang may lumapit na lalaki sa tabi nila.
“Hey bro I think lalaki ang hanap ng kasama mo at di lesbian. Ipakilala mo naman ako.” , preskong sabi ng lalaki.
“Pre please umalis kana. Respect naman sana.”
“Sige na. Alam ko mas magiging masaya siya pag ako ang nasa tabi niya. Diba miss?”
Namula ang mukha ni Kim sa galit. Susuntukin na sana ang lalaki pero bigla itong binuhusan ni Lexie ng alak.
“Opsss..”
“What the.”
“Nahimasmasan ka na ba? Wag masyadong feeling. Now go. I do prefer a chick than a douchebag rooster.”
Tawa ng tawa si Kim sa ginawa ni Lexie. Di siya makapaniwala na gagawin niya ito.
“I think we should go. baka babalik pa yun.”
Nagulat sina Lexie ng bigla silang harangin ng grupo ng kalalakihan. Napansin ni Kim na ang isa sa kanila ang lalaking nabuhusan ni Lexie ng alak. Kim feel something na may mga masama itong balak sa kanila.
“Akala niyo palalampasin ko ang ginawa niyo sakin earlier. Well wala pang bumastos sakin ng ganun.”
“Kinabahan si Lexie ng mga sandaling iyun. Palingon lingon siya ngunit walang tao sa lugar. Medyo malayo narin kasi sila sa entrance ng bar.”
“Look werr sorry about earlier. Tsaka ikaw naman din ang nauna diba. Binastos mo kami. tapos now ikaw pa yung may ganang binastos ka naman.”
Hindi natinag ang mga lalaki at kinantsawan si Kim.
“Alam niyo guys bilib na talaga ako sa mga tomboy ngayon masyado nang matapang. Look at her ano bang pinagmamalaki nito.”
“Ano bang gusto niyo, nanahimik lang kami tapos.”
Pilit na tinatapangan ni Lexie ang sarili.
“Ahm miss madali lang naman kaming kausap. Isang kiss lang at okay na tayo.”
“You know I’m a lawyer at alam niyo ba ang sentence ng sexual harrasment at woman abuse?”
“Wow lawyer, well miss alam mo bang pwede kitang bilhin. Di mo ako kilala? Now one kiss.”
Mag attempt na sana na hahalikan si Lexie ng lalaki pero pinigilan ito ni Kim.
“Ang bastos mo talaga.”
Sinuntok ni Kim ang lalaki pero agad itong nakaiwas, saka gumanti ng suntok na siyang dahilan ng pagbagsak ni Kim.
Nawala sa utak ni Lexie ang alak na ininom at napalitan ng labis na pag alala sa kaibigan ng makita ang dugo sa nguso nito. Sumigaw si Lexie.
“Help!!!”
Nabigla si Lexie ng may sumulpot sa kanyang harapan. She was shock.
“Ganyan na ba kayo ka duwag pati babae pinapatulan ninyo.”
“Oi may resbak pala silang kalahi nila.”
Tawanan ng mga lalaki.
Akmang susuntok ulit ang lalaki pero umiilag ang nasabing tao. Saka ito ngbitiw ng malakas na sipa na siyang dahilan ng pagkatumba ng lalaki.. natumaba ang lalaki. galit na galit ang lalaki na napatayo. Pero ang mga kasamahan at biglang namutla ng makita nila ang mukha ng kaaway.
“Pre halika na. Out na tayo. Dihado tayo niyan.”
“No! kailangan ko bumawi sa tomboy na ito. Tuturuan ko to ng leksiyon ano ang kaibahan ng lalaki sa tomboy.”
“Dude that’s Zoe Cepeda.”
“Who?”
Bumulong ang mga kasama. Maya maya ang dating galit na galit na mukha ay napalitan parang among tupa.
“Oi dude, pasensiya kana nagjoke lang kami sa mga kaibigan mo. It’s all just misunderstanding. Pasensiya kana talaga.”
“Apologize to them.”
“Sssorry biro lang yun.”
Nagmamadaling nagbackout ang grupo. Maya maya ay lumapit ang mga bouncer na nakapansin sa commotion nila Lexie.
“Ahm ma’am may prob po ba?”
“Were okay now pero those guys na papalayo. Kailangan niyo ereview yung mga mukha na iyun. Ayaw kong nextime na maencounter ko sila na mangugulo na naman. Siguro ayaw ninyong magkaroon ng any bad record ang bar na to.”
“Makakaasa po kayo Miss Cepeda. Pasensiya na po.”
“Zoe, dude thank you.”
“Sometimes you need to back out sa mga ganung tao. Remember iba parin ang lakas ng babae sa lalaki.”
“Sila ang naunang namabastos.”
“I know pero look at them mga lalaki ang mga yun. Tapos kayo mga babae ang isa lasing pa. Wala kayong laban.”
Nahaluan ng inis ang saya ni Lexie ng mga panahong iyun. Naiinis siya sa mga sinabi ni Zoe. Alam niya nakainum siya pero nasa wasto parin ang pag iisip niya.
“Pauwi na kayo? Sabay na tayo.”
“Wag na Zoe magtaxi na kami ni Lex.”
“Wala masyadong taxi dumadaan, please I insist baka bumalik pa ang mga kumag na iyun. Don’t worry I’m not here to ruin your date.”
Sa kotse ay walang kibuan si Kim at Lexie. Biglang napansin ni Zoe na cheneck ni Lexie ang sugat ni Kim sa nguso. Hindi alam ni Zoe kung bakit naisip niya na sana siya ang nasa sitwasyon ni Kim ngayon.
“Ahm dude are you okay? Gusto mo daan tayo ng hospital para matingnan sugat mo?”
“Wag na Zoe. Maliit lang to. Malayo sa bituka. Kaya ko ngang maghandle ng broken heart ito pa kaya.”
Kinindatan ni Kim si Lexie, at gumanto ng siko si Lexie.
Loko mo ka talaga Kim.
Unang nahatid ni Zoe si Kim.
“Dude ikaw na muna bahala kay Lex. Hatid mo sa bahay ha baka saan mo dadalhin.”
“Loko ka talaga. Siyempre naman. Gusto mo sumama tapos hatid kita pabalik.”
“Nah I trust you.”
Sa kabila ng ngiti ni Kim ay andun rin ang sakit na makita niyang magkasama si Lexie at Zoe.
“Hays.. Siguro dika talaga para sa akin Lex.”, sabi ni Kim sa sarili.
Habang binabaybay nila Zoe ang daam papunta kay Lexie ay tahimik lang ito. Nakarating sila sa bahay at di parin nakibo si Lexie. Pagbukas ng pinto ay biglang napasubsub si Lexie kay Zoe.
“Sorry..”
“Next time try to go to gay bar. Wag sa ganung bar. Maraming mga bastos sa ganung lugar. Especially those rich boys.”
“Ilang beses na kami ngpunta doon. That was the first time may nangbastos.”
“Basta nextime ingat nalang kayo.”
“Thanks sa paghelp at paghatid sa amin ni Kim.”
“Don’t mention it. Pareho ko kayong kaibigan ni Kim. Lagyan mo ng cold compress pag masakit ang ulo mo. Nakakawala din ng hang over yun.”
Aalis na sana si Zoe pero biglang nagtanong si Lexie.
“Bakit ka andun kanina?”
“Ahm may ka meet ako.”
“Liar! Alam kong dika pumupunta sa ganung lugar.”
“Lahat ng tao nagbabago.”
“Next time galingan mo ang pagsisinungaling Zoe. Yung kapani paniwala.”
“I should go.”
“Bakit mo ako sinundan?”
“Lex nakainum ka okay. lets talk next time.”
“Kanina lang sa office sinabi mo na kailangan maging civilized na tayo and I should move on. Then now malalaman ko sinundan mo ako. My gosh Zoe. Why ?”
“Okay. Sinundan kita. Yan ang gusto mo marinig diba?”
“Why? Nag usap na tayo. Ikaw mismo nagsabi na I should move on. Tapos ngayon. Ano ba to Zoe lokohan.”
“I don’t know. Wala din akong masagot Lex.”
“Zoe please I’m tired of hoping.”
“The kiss, I felt something.” Pabulong nitong sabi.
Nagulat si Lexie sa nalaman.
“ If it’s about that okay I’m sorry if I kiss you pero it was just a goodbye kiss. Sana di na maging issue yun sayo. Especially sinabi mo na nakamove on kana sakin.”
“Diko alam kung bakit ako nagkakaganito pero , basta diko alam Lex.”
“Okay I’m sorry. Diko rin alam why I did that. pero Zoe. Please lets end this. Ayaw ko na bumalik sa umpisa na umasa. Maybe your right. We should move on. I should move on. Kailangan ko nga ibaon sa limot ang past natin.”
“Lex I’m sorry if I hurt you pero diba yun ang tama. You already made a lot sacrifices for me. I’m afraid na diko kayang palitan ang mga iyun.”
Lumapit si Lexie kay Zoe at hinaplos ang pisngi.
“Lahat ng ginawa ko is for you Zoe. Because I still love you at never ako manghihingi ng kapalit. I’m sorry if napressure ka but I knew this time. Kailangan ko ng magstop. I need to let go our past and I need to let you go.”
Napapikit si Lexie ng biglang angkinin ni Zoe ang kanyang mga labi. Lexie’s mind resist pero nilamon siya ng puso nangungulila kay Zoe. She kissed Zoe back. Di alam ni Zoe kung bakit niya ginawa iyun pero bawat dampi ng halik ni Lexie sa kanya ay napapalitan ng ligaya pusong niyang puno ng pangungulila. The flashing of their memories begin to rewind.
The intense moment stop when Zoe’s phone ring.
“Zoe.”
“I need to go.”
Dali dali sumakay ng kotse si Zoe. Naiwan si Lexie na gulong gulo ang isip dahil sa nangyari sa kanila ni Zoe.
Damn it Lexie akala ko ba mag move on kana bakit bumalik ka naman sa umpisa.
Inis na sabi ni Lexie sa sarili.