Chapter 61

DEO's POV:

Ito na ang hinihintay ko. Ang kunin si Sandra sa pamamagitan ng pagpanggap ko bilang David.

Talagang mautak ako dahil nagawa kong makapasok sa kompanya na hindi man lang nahalata ng mga tao.

Kung sabagay, ginaya ko ulit ang pormahan at suot ng kapatid ko.

Nakakatawang isipin na mabibilog ko sila ng gano'n kadali.

"So ano? Pumayag siya?", tanong ng isang lalaki nang lumabas ako sa office ni Sandra.

Sinenyasan niya ako na pumasok, sa mismong opisina niya para doon kami mag-usap.

Kaya sabay kaming naglakad patungo do'n at pina-upo niya ako.

"Yung tanong ko kanina, pumayag ba si Sandra na maka-date ka?", wika niya sa akin.

"Oo naman. Ako pa ba? Walang babae ang tumatanggi sa akin.", mayabang na sagot ko.

Tiningnan ko si Derick na inaayos ang kanyang necktie.

Oo, siya ang kausap ko. At alam niyang kambal ko si David.

Makapangyarihan na tao si Derick dahil lahat ng kompanya sa Pilipinas, hawak niya na.

Kaya nga nagtataka ako, kung bakit nilapitan niya ako para lang magpatulong sa akin.

Hangarin ko lang naman ay tikman si Kate. At paglaruan ang kapatid ko.

Pero ngayon, nagbago na ang tinatahak ng isip ko dahil sa perang binigay ni Derick.

Nga pala, tinawagan niya ako para pumunta dito. Sinabi niya pa talaga ang damit na suot ni David para lang magaya ko ang lalaki.

"Ipagpatuloy mo lang ang paninira sa kapatid mo. Dahil gusto kong magalit lalo si Sandra sa taong 'yon para hindi na siya makaramdam ng pagmamahal.", pahayag nito kaya tumango naman ako.

"Ikaw talaga. Mautak ka rin minsan. Kung ano ang takbo ng isip ko, gano'n din pala ang takbo ng isip mo. Magkakasundo talaga tayo.",

"Talagang magkakasundo tayo dahil hawak na rin kita sa leeg. Kaya konting pagkakamali mo, malalaman ni David ang ginagawa mo sa kanya.",

"Kahit kailan, hindi pa ako nagkamali. Malinis akong gumawa. Ikaw lang ang hindi.", aniya ko sa binata.

"Anong ibig mong sabihin?", pagtuturan nito.

"Kasama mo na si Sandra sa iisang bubong, pero hindi mo pa rin makuha ang loob niya? Ang hina mo, pre. Mauunahan ka talaga ni David. Dahil sabi ni Katrina, hindi na raw siya kinikibo ng asawa niya. At alam mo na kung sino ang dahilan.", ngising pahayag ko.

Nasilayan ko ang pag-igting ng panga ni Derick na talagang nagseselos ito ng husto.

"Kaya nga ayoko ng palapitin pa ang kambal mo, dahil ano mang oras, pwede niyang makuha ulit ang babaeng mahal ko.", saad nito at lumapit sa akin.

"Inaasahan kita, Deo. Gawin mo ng mabuti ang pinapagawa ko. Galitin mo lang si Sandra, pero huwag na huwag mong ituloy ang pag-gahasa sa kanya.", pagpapaalala ng binata.

"Oo naman. Makakaasa ka. Hayaan mo, hindi matatapos ang araw na 'to, na hindi ko nasisira ang pangalan ni David sa mata ni Sandra.", wika at pareho kaming napangisi.

Hindi ko susundin ang gusto ni Katrina dahil mas malaking pera ang inoffer ni Derick sa akin.

Yung katawan niya, nandyan lang. Pero yung pera, mahirap ng hanapin pa.

"Basta yung usapan natin, huwag mo ring kakalimutan.", pagsasabi ko muli.

"May isang salita ako. Kaya oo, kalahati ng share ng kompanya, mapupunta sayo kapag bumalik na sa buhay ko si Sandra.", he said again.

Ayan ang gusto ko.

"UMALIS ka na, baka makita ka pa ni Adrian.", wika ni Derick sa akin na halos ipagtulakan na ako palabas ng kompanya.

Minsan talaga, may takot din pala ang taong 'to.

Nanginginig na parang bakla.

"Relax ka lang, magaling ako tumago. Kaya huwag kang umihi dyan sa kaba. I can handle this. Malinis na malinis, walang banayad na ebidensya.", turan ko sabay tawa ng nakaka-insulto.

Humakbang na ako sa may pinto at pinihit ang door knob para lumabas na.

Mamaya, magkikita kami ni Sandra.

What do you think will happen next?

Excited na tuloy ako na siraan lalo si David sa mata ng babae.

Atat na atat na kasi ako magkaroon ng share sa malaking kompanya na may-ari mismo ni Derick.

Kaya pipigilan ko ang sarili na huwag maakit kay Sandra kapag nakausap ko ito.

Pangiti-ngiti akong naglakad at halos lahat ng mga taong nakakakita sa akin, tinatawag akong Sir David.

So bad, they don't know who I am.

But I enjoy every second, every minute and every hours, sa tuwing nagpapaganggap ako.

Binigay na rin ni Derick sa akin ang number ni Sandra kaya pwede ko siyang matawagan para sa lunch namin together.

Hindi na sa akin bago ang maging ganito dahil nagawa ko ngang paikutin siya nung nasa hotel ako na kasama si Katrina.

Eto pa kayang kakain lang kami na may kasamang kasinungalingan.

"Deo?", sambit ng isang lalaki nung nasa elevator na ako.

Hays! Kung minamalas ka nga naman, nakasabay ko pa talaga ang aking kambal sa loob ng elavator.

"Bakit ganyan ang suot mo? Idol mo yata ako sa mga suotan.", he said.

The same suit, the same shoes, the same necktie and the same hairstyle.

"Ikaw talaga, minsan mayabang din ang datingan mo. Hindi ba pwedeng nagkataon lang ulit?", turan ko sa binata.

"Imposible. Because as far as I remember, magkapareho din ang suot natin nung nasa mall ako. Hindi kaya, ginagaya mo ang pagkatao ko, Mr. Deo?", aniya ng kapatid ko na tila may pagdududa na sa mga kilos ko.

"Ako? Gagayahin ka? Come on, David. Hindi ko pinangarap maging tulad mo na talunan. Look at yourself, gumagapang ka na sa putikan. Tamang dikit sa girlfriend ng may-ari, para masalba ang kompanya.", pang-iinis ko rito.

"Ngayon lang ako gumapang sa putikan. Pero sa susunod, ikaw naman ang gagapang do'n. At sisiguraduhin ko, na pati putik, kakainin mo.", wika nito na tila may pagbabanta sa boses.

"How can you do that? Diba mahirap ka na? Kung ako sayo, mag-focus ka na lang sa asawa mong si Katrina.", turan ko sa kanya.

"Si Kate lang ang asawa ko. Kung gusto mo si Katrina, edi kunin mo. Hindi ako manghihinayang sa babaeng 'yon. Kahit pagsawaan mo pa siya, wala akong pakialam.", pahayag ni David at itinuon ang pansin sa unahan.

"Ibang klase ka rin talaga. Matapos mong pakasalan, itatapon mo agad? Siguro, may hinihintay kang bumalik.", litanya ko para kompirmahin kung may nalalaman na siya tungkol kay Sandra.

Base kasi sa kinikilos niya, hindi na siya apektado sa pagkamatay nito.

Kaya sa tingin ko, meron na siyang alam.

"Kung meron man akong hihintayin, ayun ay ebidensya. So please be aware of that. Alam mong masama ang ugali ko, kapag nakuha ko ang katotohanan.", ngising pahayag niya sabay labas ng elevator.

Bahagya akong napalunok ng laway dahil kilala ko rin si David.

Handa siyang makipagpatayan kapag napuno na ito ng galit.