Chapter 3

Aurora's POV

"I won't leave without my Queen,"

I stared at him with my cold expression. "I'm not your Queen, and if you can't understand–f*ck! Let me down!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong binuhat na parang sako ng bigas. Pinilit ko ang makawala, but when he slapped my ass my face turned red because I'm really, really pissed right now.

Nilapag niya ako sa passenger seat ng sasakyan niya at kinuha ang kamay ko. I tried to escape from his hands but he's just too strong. Sinubukan ko din ang sipain siya pero, walang epekto. My eyes widen, naglabas siya ng handcuff galing sa kanyang kotse.

He handcuffed me in my hands and I couldn't do anything but glare at him and cursed him.

He looked at my lips and then my eyes. I saw how his eyes darkened.

"Stop cursing at me my love, if you still want to walk," he said which gave me a shiver on my spine.

I gulped. I'm the daughter of the Mafia Leader, but natahimik ako dahil sa pagbabanta niya. He's still looking at me at parang tagos na sa kaluluwa ko.

"You're my Queen–" I cut him.

I used my strength to speak and looked at him coldly.

"Since when?" I asked.

He just stared at me at biglang lumambot ang ekspresyon niya. He caressed my face and I gritted my teeth. Kung wala lang posas itong kamay ko nasuntok na kita.

"You will know soon," he said at lumayo na sa'kin para sumakay sa driver seat.

Nang makasakay na siya ay pinaandar kaagda niya ang sasakyan and while me? Glaring at him at pinapatay na siya sa isipan ko.

"I know I'm hot and handsome but don't stare at me like that," he said which made me roll my eyes.

Hindi na ako nagsalita at tumingin na lang sa labas. I felt his hands on my thigh, I glared at him but he's looking at the road. Kahit nahihirapan ay tinanggal ko ang kamay niya sa hita ko na natanggal naman. Hindi na niya inulit pa ang pag-hawak sa hita ko at nag-focus sa pagmamaneho.

Maya-maya pa at nakarating kami sa isang parang palasyo na masasabi kong palasyo talaga. May dalawang lalaki na naka-black suit ang nagbukas ng mala-higanteng gate at pinapasok kami. Muntikan na akong mapanganga dahil sa nakita. It's really a palace! At ngayon ko lang napansin na papa-gabi na pala.

I'm just staring at the huge Mansion or palace? Oh well, I should call it a palace. Hari ang nakatira eh.

Hindi ko pinahalata ang aking pag-hanga sa nakikita. I'm the daughter of the Mafia Leader, mababawasan angas ko kapag nagpakita ako ng emosyon.

Hininto niya ang kotse sa harapan ng malaking pinto na animo'y kulay ginto. Hindi ko na hinintay pa ang pagbuksan niya ako at lumabas na ng kotse. Lumapit siya sa'kin at hinapit ako sa bewang.

Sinubukan ko siyang isiko pero sumakit ang kamay ko dahil sa posas. Sinamaan ko na lang ng tingin ang bastard na ito.

Napatingin ako sa malaking pinto nang bumukas ito. Pumasok kami at may nakahilera na mga nakayukong maids sa bawat gilid.

"Welcome home our King and Queen!" All the maids said, still bowing their heads on us.

Hindi ito pinansin ni–ah, what's his name again? Keith, Keith Jace Prescott. Jace, that's what I will call him. I don't care If he hates it or what.

Habang naka-sunod sa kanya at nakakulong sa braso niya ay pinagbuhol-buhol ko ang maliit na kadena ng posas at nang ikakalas ko na sana ang posas ay may naramdaman akong mainit na hininga sa tainga ko.

"Don't even try to escape my wife," he whispered in my ears.

Napikon ako dahil sa tawag niya sa'kin. I bumped my head on his which made the maids and guards gasp in shock. Napapikit naman siya pero maya-maya ay dumilat ito at dahan-dahang hinaplos ang noo ko.

"My Queen is so feisty, hot but feisty," he said and kissed my forehead at hinaplos-haplos ito.

"Don't hurt yourself again," he whispered softly.

Why does he even care? Napatingin ako sa tiyan ko nang marinig itong kumulo. Namula ang buong mukha ko dahil sa hiya, I even hear the maids and guards holding their laugh. Napatingin ako kay–ah, Jace na nakangisi na para bang nakakatawa ako.

Sumeryoso ang mukha niya at tinitigan nang masama ang mga guwardiya at katulong. Napatigil sila sa pag-tawa at napayuko.

May lumapit na lalaki kay Jace, at iyon yung lalaking nag-dala ng kotse ni Jace.

"Master, do we need to cook for the Que–" Jace cut him.

He glared at the man. "No, I'm the only one who will cook for her,"

Malamig ang pagkakasabi niya 'non and the man just bowed his head. Hindi man lang ito nanginig o kinabahan sa boses ni Jace and I think, sanay na ito at parang ayaw ni Jace sa mga tauhan na nanginginig kapag kausap siya, base sa pangingilatis ko.

I interrupted them. "Where's the room? Can I change my clothes right now?" I asked, irritated.

They looked at me. Lumapit naman sa'kin ang parang mayordoma ng palasyo na ito. She smiled at me.

"Ihahatid ko na po kayo–" Jace cut him.

"But nay, I'm the only one who can take care of her," Jace said to the woman.

The woman chuckled and shook her head. "Mag-luto ka'na lang ng kakainin niya anak, ako na maghahatid sa kanya sa kanyang silid,"

Nakatingin lang ako sa kanila and I don't want to admit it but they are so cute to look at.

Jace looked at me and walked towards me to kiss me on my forehead. Kinuha na ako ni–ah, what's her name?

"Ako si Minda Perez, tawagin mo na lang akong Nanay Minda anak,"

Nagulat ako nang magsalita siya habang nakangiti sa'kin. Is she a mind reader or something? Nahalata niya siguro ang reaksyon ko at tinawanan ako.

"Ang swerte-swerte mo anak," ngumiti siya at tumingin sa dinadaanan namin.

Nasa hagdan kami at paakyat. I don't know how many stairs there are here because, kanina pa kami naglalakad!

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"What do you mean p-po?" I almost stuttered when I said that word 'po'.

She smiled at me at sa wakas, pumasok na kami sa isang pinto. I scanned the whole room and it's so beautiful. Para na itong condo sa laki ng kwarto. Nanay Minda sat on the queen sized bed, pinalapit niya ako at pinaupo na ginawa ko naman.

She smiled at me. "Sa'yo lang naging ganyan si Jace, at alam mo ba? Ikaw pa lang ang nadadala niya dito,"

Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi ni Nanay Minda.

"Hindi p-po siya nagpapa-punta dito? Even his friends?" I asked.

She nodded, still smiling. She caressed my hair and that makes me comfortable.

"Naalala ko pa noong bata siya, sabi niya ang reyna lang daw niya ang dadalhin niya dito. At hindi naman talaga dapat kami nandito…" she softly said.

I can't help but to listen to her. It feels like she's my grandmother, reading a story for me. And I can't believe that bastard is also a soft boy?

Nanay Minda softly combed my hair with her hands.

"Wala talaga siyang pinapapunta dito, pero dahil wala daw mag-aalaga sa'yo kapag nasa kompanya siya o kaya nasa–ano bang tawag doon anak? Under…" tuloy pa niya.

I can't help but to smile and giggle. "It's underground Nanay,"

Napabuntong hininga siya. "Anak, pwede akong magtanong?"

I nodded at her. She looked at me and I could see her sad eyes.

"Bakit kayo pumapatay ng taong may kasalanan sa inyo?"

My face became serious when Nanay asked that question. All the memories that I want to forget flashback in my mind.

"They took the one that we love, they killed our loved ones. They are the reason why our family is not complete, they are the reason why I don't have a mother beside me." I can feel myself shivering because of anger inside me.

Nanay Minda caressed my face and gave me a sad smile.

"Ang paghihiganti ay isang kasalanan anak, hindi lang sila ang maituturing na mamamatay tao.."

I felt my tears fall out of my eyes.

"Huwag mong hinahayaan na kainin ka ng galit mo anak. Minsan, kailangan nating tanggapin ang nangyari at ang mangyayari pa lang. Kailangan nating tanggapin na may mawawala sa atin, kaya sana anak huwag kang papa-kain sa galit mo. Pag-subok ito, at sana maging handa ka sa mga darating na pag-subok anak,"