Chapter 51: pag ibig
Lalo akong kinabahan. Nicky rarely calls me 'Ate'. Kambal daw kami kaya pantay lang kami, though gusto ko talaga na tawagin niya akong 'ate'. Ginagawa naman niya 'yun noon lalo na kapag may nagawa siyang pagkakasala. Siyete! Bakit nagsosorry si Nicky? Ibig bang sabihin nun...?
"A-ano ba talagang nangyari Nicky? Bakit sinasabi nilang ikaw ang pumatay kay Kelly? Bakit galit na galit sa'yo ang lalaking 'yun... si Bennet? At bakit ka nawala na lang bigla?"
Parang asido na tumutunaw sa lalamunan ko ang simpleng pagbanggit sa pangalan ni Bennet.
"Ate... sinisigurado ko sa'yo, wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Kelly. Isinusumpa ko sa ngalan nina Papa, pero promise wala talaga akong kinalaman dun!" mabilis ma sagot ni Nicky.
I heard conviction from her voice which tells me she's telling the truth. Medyo nakahinga ako nang maluwag.
"Pero bakit inaakusahan ka nila? Nandoon ka sa lugar kung saan namatay si Kelly. At may nakakita sa'yo na hawak ang baril at..."
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung anong salita ang dapat isunod dun, naguguluhan ako.
"Basta, Cole... wala akong ginawang masama kay Kelly."
"Pero bakit ka nga umalis!?"
"Dahil kailangan! Ipapaliwanag ko sa'yo kapag nagkita tayo. Hindi ngayon. Hindi sa cellphone. Kelan ka uuwi dito sa Pilipinas? Sabi ni Thurstin nasa California ka daw? Anong ginagawa mo dyan?" Sunod-sunod na tanong ni Nicky.
Base doon ay napagtanto ko hindi pa alam si Nicky na nagpapanggap ako bilang siya at kasama ko si Bennet. Grateful ako na di agad 'yun sinabi ni Thurstin.
"Yeah. I'm here pero pauwi na rin ako dyan sa Pilipinas. Kasama mo ba si Thurstin?"
"Yes, I'm with that annoying geek. He's too bossy, freak! Ayoko talaga siyang kasama! Wala siyang ginawa kundi utusan ako at pagalitan. I'm not a child anymore! Tsh! No choice lang ako na sumama sa kanya dahil... well, kailangan ko ang tulong niya. Tell me, did you send him?"
Napakamot ako. Sinasabi ko na nga ba eh. Kahit kelan talaga hindi magkasundo ang dalawang 'yun. Thurstin must loved Bennet pero kahit ganun, balahura pa rin ang lalaking yun pagdating sa kakambal ko. He just love to boss her around. Kaya pikon na pikon si Nicky sa kanya.
"I didn't send him... he sent himself, Nicky," sagot ko. "Hindi mo lang alam pero nag-alala si Thurstin nung nawala ka."
Dahil dun natahimik si Nicky na parang iniisip ang sinabi ko. "Hmmm. I don't know, Sis. But that bestfriend of yours, is annoying me bigtime!"
Napatawa ako. Halatang halata ang inis sa boses ni Nicky. Tch.
"I miss you, Nicky," nasabi ko. Totoo 'yun. Miss ko na rin talaga ang kakambal ko.
"I miss you, too... Cole. And I'll see you soon."
"Yeah. And when that happen Nicky, sasabihin mo sa 'kin ang buong pangyayari. Walang labis walang kulang."
"I will."
Tama. Siguro nga panahon na para sa katotohanan. At panahon na rin para bumalik na ako sa totoong ako. No more pretention.
Wala na rin siguro akong dapat pang ikatakot. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko para dito. IIWAN ko si Bennet. Kahit masakit, 'yun ang dapat kong gawin. Dahil 'yun ang magiging kabayaran ng kasinungalingan ko.
The fruit of my own lies.
Sinabi ko kay Nicky na kokontakin ko siya once na makabalik ako sa Manila. She's living with Thurstin at mas madali ko na siyang makokontak dahil dun.
May isa pa. May gusto lang akong makompirma.
"Nicky... about Bennet," umpisa ko.
"What about him?"
"Do you have any news about him?" tanong ko.
"Are you kidding me, Cole?! I've been living in this very small town somewhere in Cagayan Valley! Napakaliblib ng lugar na 'yun na kahit signal ng cellphone eh hindi umabot-abot! Sa palagay mo maaabot pa ako ng balita doon?! Gosh!" tunog reklamong sabi ni Nicky.
Napabuntung-hininga ako. Kung ganun pala talaga, walang alam si Nicky.
"Bakit? May dapat ba akong malaman tungkol kay Bennet?" dugtong ni Nicky.
"Wala naman. Basta, mag-usap tayo ng personal tapos doon na lang tayo magbalitaan."
Sumang-ayon si Nicky doon.
Nang mawala sa linya ang kakambal ko, naiwan lang akong nakatitig sa cellphone.
Well, I guessed... this is really it.
Fuji POV
"I still can't believe it was her, Cole. My bestfriend. I mean, she's a dinosaur and Bennet is the god. How in the mysteries of the world did she end up as his wife?!"
Masakit na ang tenga ko. Kanina pa paulit-ulit ang sinasabi ni Georgie sa kabilang linya.
"If you keep on repeating your words for another hour, I swear... I'll hang up on you," banta ko.
Narinig kong tumawa si Georgessa. Isa talaga siya sa mga taong hindi tinatalaban ng pagbabanta ko. She's too abnormal.
"Pardon. I'm just excited for both of them. Kung anong mangyayari sa kanilang dalawa---"
"Walang mangyayari sa kanilang dalawa dahil walang SILA, Georgessa. Cole lied to my friend," matigas na sagot ko.
"But she did it for her twin's sake!"
"And she still lied. No matter what at stakes, the point is nagsinungaling pa rin siya. And you know Bennet... he hates liar above all."
Natahimik si Georgessa sa kabilang linya. Pero maya maya narinig ko siyang bumubulong bulong sa sarili niya.
"Malay naman natin di ba? May exemption. Iba ang dating ni Bennet ngayon eh, iba ang aura niya na alam kong si Cole ang dahilan. I just know."
She never really surrendered on her theory that Bennet and Cole might have forever. Naniniwala siya na si Cole na talaga ang inaantay ni Bennet sa buhay niya. I anticipated the same, but still hindi naman ako ang magdedesisyon kundi si Bennet pa rin.
A lie is still a lie.
But I rooted for Cole, of course. She's my bet.
Nagpaalam na rin ako agad kay Georgessa dahil kailangan ko nang pumunta sa Vendomme. I have to fetch both Bennet and his wife. We're going to airport. Today is our flight to Manila.
At last, Bennet come to his senses and he decided to go back at RedSphere Verona Charter. I'm missing my home.
Cole's POV
Dahan-dahan kong isinara ang lumang maleta na siyang nilagyan ko ng mga damit ko. Napangiti ako nang maalala ko ang pagtatalo namin ni Bennet kanina nung makita niya ang bulok kong maleta. Inutusan niya ako na palitan ko ng bago ang maletang gamit ko, pero tumanggi ako.
This poor old luggage is the last remaining symbol of who I am. This is me. It reflects by its battlescared surface that it reach the vastness of the world and its wild.
This luggage has been with me since I became a photographer. Sa sobrang luma na nito, akala mo may nakatira nang nagingitlog na dinosaur sa loob nito eh.
No. I just can't change it even for Bennet. This little poor fellow here is my best travel companion.
Tinanong ni Bennet kanina kung bakit daw lumang luma na 'yung luggage ko. Sabi ko, Tatay ng Lolo ko ang may-ari nun na dating pasahero sa lumubog na Titanic noong 1920's, nakaligtas lang dahil ginawa niyang salbabida ang maleta ko.
Hindi sinakyan ni Bennet ang palusot ko at matapos niya akong simangutan, pinitik niya ako sa noo at nilayasan. Nice di ba?
Nang matapos ko ang paggagayak ng mga gamit ko, tumambay muna ako sa balkonahe ng Mansion at tumanaw sa malawak na karagatan.
Pinigilan kong mag-isip ng kung anu-anong bagay pero parang magnet na pumapasok sa isip ko lahat ng alalahanin na meron ako. Napabuntung-hininga na lang ako.
Ito na siguro ang huling pagkakataon ko para masilayan ang tanawin sa lugar na 'to. Oras na umalis ako dito... hindi na ako babalik. I know that.
Humawak ako sa pasimano ng balkonahe at pinadaan ang palad ko sa makinis na bato. Dinadama sa huling pagkakataon ang lugar kung saan ako madalas tumambay.
The stone was warm. Its like magnating and vibrating under my own hand. What? Is that how it says goodbye? Napangiti na lang ako sa sarili ko.
"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap!"
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Bennet sa likod ko. At mas lumawak ang ngiti ko nang makita ang di mawala-walang kunot sa noo niya. He was frowning than ever. So cute.
"Ano na namang problema mo sa mundo?" sabi ko.
Nakangusong lumapit si Bennet sa 'kin. Napansin ko na ready na siya. He was already wearing his jacket.
Medyo nagulat ako nang direktang lumapit sa 'kin si Bennet at walang babalang yumakap sa bewang ko bago pinatong ang baba niya sa ulo ko.
"I'm afraid..." bulong niya.
"Huh? Afraid what?"
"I'm afraid... galit si Mana sa 'kin..."
"Eh?" napamaang ako. Si Mana, galit kay Bennet? "Bakit?"
Narinig kong bumuntung-hininga ang lalaki. "Ewan. Nagtatampo siguro. Kinakausap ko siya kanina, tinalikuran ako."
"Eeh?"
"Ang sabi ni Joyce nagtatampo daw si Mana sa 'kin kasi... iuuwi na daw kita sa Pilipinas. Nalulungkot daw ang matanda."
Napatda ako sa sinabi ni Bennet. Si Mana... nalulungkot dahil mawawala na ako? Oooowww. Parang may bigla ring bumara sa dibdib ko. Isang mainit na bagay. At naalala ko dati, noong panahon na kakarating ko lang dito sa America. Hindi ako kinakausap ni Mana at tinataasan pa niya ako ng kilay. Sinabihan din niya ako na kriminal. Iyon ay noong panahon na hindi ko pa nakukuha ang loob niya.
Pero ngayon... nagagawa niyang magtampo kay Bennet dahil lang napagpasiyahan ng lalaki na bumalik na kami sa Pilipinas at maiiwan ko na ang matanda.
"Ano bang gayuma ang pinainom mo sa matandang 'yun at naging ganun sa'yo?" tanong ni Bennet na tiningnan ako sa mukha sabay ng pagtaas ng kilay niya.
Ngumiti ako. "Gayuma? Hindi ko kailangan 'yun. Anak ako ng Diyos, sapat na 'yun."
"Dinamay mo pa ang Diyos... curse on you, wife!" tumatawang umakbay si Bennet sa 'kin bago tumanaw sa malawak na karagatan.
"Sigurado ako na hindi galit sa'yo si Mana," sabi ko habang pasimpleng yumayakap sa bewang ni Bennet. Gantihan lang ba. Hehe. "Ikaw pa, eh lab na lab ka nun."
"Yeah right," ingos ni Bennet.
"Kakausapin ko si Mana," sabi ko.
Umalis ako sa pagkakaakbay ni Bennet at naglakad paalis ng balkonahe. Pero nakakailang hakbang pa lang ako, naramdaman ko nang sumunod si Bennet sa 'kin, napalingon tuloy ako sa kanya.
"O?"
"I'm going to get your luggage," simpleng sabi ni Bennet na nilampasan ako at lumiko sa hallway pagkalabas ng balkonahe.
Nagkibit balikat na lang ako tapos dumeretso na lang ako sa hagdanan pababa. Nakita ko naman agad si Mana nang tumuloy ako sa kusina. Nakatalikod siya at may nilulutong kung ano.
Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya at niyakap siya sa likod.
"Ay tupang kalabaw na bastos!!" gulat na sigaw ni Mana na kumalas ng yakap at humarap sa 'kin na nanlalaki ang mata.
"Ginoo kang babae ka, papatayin mo ako sa gulat!" hinampas ako ni Mana bago siya muling humarap sa niluluto. Pansin ko agad ang itinatagong lungkot sa mata ng matanda.
"Mana..." umpisa ko.
"Mmmm?" sagot niya habang panay ang halo sa kawali.
"Magkikita ulit tayo..." mahinang sabi ko.
Ang totoo, hindi ko alam kung anong sinasabi ko. Imposible na 'yun, oo. Pero sa kaloob-looban ko, gusto kong makita ulit si Mana at si Joyce hindi bilang si Nicky kundi bilang ako. Si Cole.
Siguro dadalaw na lang ako dito, bahala na kung paano.
Nakita kong natigilan si Mana bago dahan-dahang lumingon sa 'kin. Muntik na akong mapatawa nung makita ang expression niyang parang maiiyak.
"Totoo?"
Tumango ako. "Opo. Malapit lang ang America sa Pilipinas. Wala na tayo sa panahon ni Eba at Adan, Mana... uso na ang spaceship ngayon. Kung 'yung Pluto nga nararating, ito pa kaya?"
Napangiti si Mana. Lumapit ako sa matanda at niyakap siya. Naalala ko talaga si Yaya Mercy sa kanya, yung nag-alaga sa 'min ni Nicky mula pagkabata.
"I'll miss you, Mana..."
Bennet POV
Firenze called me. He said he's already on his way. Good. Because I'm really not in the mood to wait for too long.
Hindi ko alam pero first time na nangyari sa 'kin 'to, excited akong umuwi sa Pilipinas... kasama si Nicky.
Pinag-isipan ko nang maige ang desisyon kong umuwi. Nasabi ko sa sarili ko na kung itatama ko ang lahat ng bagay sa buhay ko ngayon, dapat doon ako mag-umpisa sa lugar kung saan una ring nagulo ang buhay ko... sa Pilipinas.
So here I go. With Nicky.
These past few days, napapansin ko ang madalas na pagkatulala ng asawa ko. Nakikita ko siya na laging natitigilan na parang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinatawag na nadedelay ang sagot niya.
Natatakot naman akong magtanong sa kung ano ang problema niya. Ang gusto ko, sabihin niya sa 'kin ng diretso kung may problema nga. That's what husband and wife do right? Confide on each other. And I want Nicky to confide on me.
Bumuntung-hininga ako nang pumasok sa kuwarto niya. I saw her run-down luggage at the center of the bed. Naglakad ako papasok at kinuha yun.
Tsk. Titanic luggage. Yeah right. Ang galing niyang gumawa ng kuwento, on the spot. Ayaw niya lang sabihin sa 'kin kung ano ang kwento sa likod ng lumang maleta na 'to. At medyo nag-aalala ako dahil dun. Ano pa? Ano pa kaya ang bagay na hindi rin niya magawang sabihin sa 'kin? May itinatago pa kaya siya?
Lumabas ako ng kuwarto na dala dala ang maleta ni Nicky. Any moment darating na si Fuji.
I saw Liza walking with Mana to the door, mahina silang nagbubulungan kaya hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Mukhang malungkot ang matanda at pinipigilan niyang umiyak. Tsk! The old witch has been tamed. Fantastic.
"Nicky!" tawag ko habang bumababa ng hagdan. Lumingon siya sa 'kin. "I got your luggage, honey."
Automatic na namulang parang kamatis ang mukha ni Liza bago niya ako inirapan. "I'm not sweet, don't call me honey. Eew. Para lang sa mga babaeng utu-uto ang salitang yun."
Napatawa ako.
I can't help it. She's really funny... Like in every possible way.
Lumapit ako sa dalawang babae. "Did you two talk and make up already?" tanong ko.
"Yeah. Okay na kami ni Mana," sagot ni Nicky. "In fact sinabi ko sa kanya na pwede naman siyang pumunta sa Pilipinas anytime to visit us. Hindi naman bawal di ba, Bennet? I mean, hello uso naman siguro sayo ang 'vacation leave' ng mga empleyado di ba?" taas-kilay na sabi ni Nicky habang nakaakbay kay Mana.
There you go. Na-corner na naman niya ako. Hopeful na hopeful ang expression ni Mana. How the hell can I refuse?
"Why of course! In fact, ipapaayos ko na ang mga benefits at incentives mo Mana para makauwi ka ng mahaba-habang panahon sa Masbate," ngiti ko.
"Taga-Bataan siya husband, hindi Masbate. Aswang ang nakatira sa Masbate. At hindi aswang si Mana, mukha lang."
"Hahaha hahaha!" malakas na tawa ni Mana.
Napatawa na rin ako at napailing.
Patuloy lang kami sa tawanan, tumigil lang kami nang marinig ang tunog ng makina mula sa labas. Mukhang dumating na si Fuji.
"Let's go, Nicky..." aya ko sa babae.
Malungkot na tumingin ang asawa ko sa matanda bago yumakap. "We'll see each other again, I promised."
Yumakap din nang mahigpit si Mana sa babae. "I know. At sana kapag nagkita ulit tayo meron ka nang karga-kargang Bennet Jr."
Muntik na akong matalapid nang marinig ang sinabi ni Mana. Bennet Jr.? That seems like... like a good idea. Hmmmm.
"Bennet Junior?" ani Nicky. " Naku maawa kayo sa sanlibutan. Hayaan niyo nang nag-iisa ang uri ng halimaw na yan. Wag niyo nang pangarapin na dumami ang lahi niya. Magiging horror movie ang Earth."
"And what is that supposed to mean?" singit ko.
Tumingin sa 'kin si Nicky at ngumiti. "You're a walking demon with outrageous temper, husband. If your son would be like you... Maawa ka sa 'kin."
Ngumisi ako bago hinila ang bewang niya. Pansin kong nanlaki ang mata ni Nicky. (Your hand, ano ba?)
"And here I thought you can manhandle me, surely you can with our son," tukso ko sa kanya.
Sa isang buwan na kasama ko si Lukas, I was surprised na nakaya niyang suplahin ang pagiging rude ko sa kanya. I'm doing it on purpose but she's deflecting me so easy I was thrown offguard. She amazed me.
Ngumuso si Nicky. "Well Mr. Leofwin, I am assuring you na kung gaano katigas ang ulo mo, sampung beses yung sa anak mo."