Chapter 11: REMINISCING THE PAST

"Napaka laki niyang gago dahil pinakawalan ka niya." May bahid ng galit sa boses nito.

"Kung hindi niya ako iniwan, wala tayo ngayon at walang poging Cade na nangungulit ngayon sa atin." nakatawang sabi niya.

"Oo nga noh!." anito saka napatawa din.

"Dapat ba ako mag thank you sayo?"

"Nope! Salamat kasi iniwan ka niya, dahil kung hindi ka niya iniwan wala akong Cade ngayon." Tapos sinabayan nito ng malakas na tawa.

"Jacob! Ang sama mo!" kinurot niya ito sa tagiliran.

"Hey! nagsisisi ka?"

"Hindi.!"

"Alam ko kasi nag enjoy ka naman!." dagdag pa nito. Namula tuloy siya.

Saka inirapan niya ang binata.

"So, okay ka na?"

"kay Hender?"

"Yup."

"Wala na, nakalimutan ko na siya."

"Are you sure?"

"Oo naman."

"Alam mo bang pag gising ko noon hinanap kita? almost 6 months yatang walang direksiyon yung buhay ko, lagi akong galit noon sa office kahit napaka simpleng bagay sinisigawan ko sila."

kwento ng binata. Mataman siyang nakinig.

"Para akong tanga na nagwawala sa bar na pinuntahan mo noon kung saan tayo nagkita."

"Ginawa mo iyon?"

"Oo, lagi akong laman ng news youngest billionaire in the Philippines spotted----."

"As in?" putol niya sa sasabihin sana ng binata.

"Yeah, gabi gabi akong tumatambay noon sa bar na iyon." nakatawang napatango ito.

"Bakit ka pa nag aksaya ng oras na hanapin ako eh hindi naman natin sinasadya yung nangyari, lasing ako noon."

"Pero pinag samantalahan kita."

"Pinilit kita na gawin iyon."

"Pero ako ang nakauna sayo at napaka importante sa akin yun."

Nag init ang buo niyang sistema lalo na nung hapitin siya nito. Bakit ba pinapaalala pa nito ang lahat? Nakakahiya!

"Misis Kwentuhan mo naman ako kay Cade." pagkuway sabi ng binata.

"Cade is a smart kid, nung 3 years old siya nagsimula na siyang maghanap ng Daddy." kwento niya.

"Anong sinabi mo?"

"Sabi ko, nasa malayo ka, nag wowork at busy ka kaya hindi ka nakaka tawag sa amin."

"And did he believe the story you told?"

"Yeah, kasi baby pa naman siya noon, pero nung nag aral na siya ang dami na niyang tanong tungkol sa Daddy niya."

"Ganun ba."

"Siya lang daw yung walang Daddy sa school nila lalo na kapag Family Day."

Sa mga panahon na iyon awang awa siya sa anak. Buti na lang nandiyan si France na kasama niya.

"Kawawa naman yung anak ko."

Nakaramdam siya ng awa sa anak. Kaya ngayong nandito na siya hindi na sila ulit maghihiwalay at ipaparanas niya sa anak ang masaya at kompletong pamilya.

"Binalak mo bang sabihin sa akin na may anak tayo?" tanong sa kanya ni Jacob.

"Noong una hindi, baka kasi hindi mo matanggap si Cade at ayaw kong masaktan yung anak ko."

"Pero hindi ko magagawa sa kanya iyon, hindi ko magagawa saiyo iyon."

"Sorry kasi naduwag ako, pero noong makita kita nakapag desisyon na ako, sasabihin ko na sana noon."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Natatakot ako na baka hindi mo siya matanggap, lalo pa at lagi kang laman ng news, ayaw kong pagpiyestahan kayo ng media, lalo na si Cade."

"Hindi mo kasi alam kung ano yung hirap na pinagdaanan ko kahahanap sa iyo."

"Jacob."

Iginiya siya ng binata palapit sa kanya, napasandal siya sa matipunong dibdib nito at nakayakap ang mga braso nito sa kanyang baywang.

"Napaka saya ko kasi dumating kayo ni Cade sa buhay ko."

Napatingin siya dito habang nagsasalita.

"Ikaw lang naman yung hinahanap ko pero may napaka laking bonus pa pala na naghihintay sa akin." nakatawang saad nito.

"Jacob."

"Masaya ka din ba?" dagdag na tanong ng binata.

"Oo naman, kasi napaka saya na ni Cade kasi nandiyan ka na, wala na akong akong mahihiling pa."

"Huwag niyo na ako ulit iiwan ha."

"Oo."

"Kayo ni Cade ang buhay ko at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala kayo sa akin."

Hinawakan siya nito sa baba at inilapit nito ang mukha sa kanya. Naramdaman na lamang niya na sakop na ng binata ang kanyang mga labi at mariin siyang hinahalikan. Tanging ang maliwanag na ilaw ng buwan ang siyang tumatanglaw sa dalampasigan na kanilang kinauupuan.

Nagtagal ng ilang minuto ang kanilang halikan saka siya nito niyakap ng mahigpit. Ang weird lang noh? ano na naman kaya nakain nito at bigla na namang nanghahalik?

"Misis."

"Hmm.."

"Gusto mo bang mag pakasal sa akin?"

"Bakit mo tinatanong?"

"I just want to know if you really want to marry me." nakangiting sabi ng binata.

"Hmm saka na lang natin pag usapan yan, ang importante masaya tayo kasama ang anak natin."

gumanti siya ng ngiti dito.

" Siya nga pala misis, pwede na tayo lumipat ng bahay next week."

"Ha? anong ibig mong sabihin?"

"Tapos na iyong ipinatayo kong bagong bahay natin."

"Seryoso ka?"

"Oo naman, gusto ko nga next week lumipat na tayo doon."

"Paano yung bahay namin? i mean yung tinitirhan natin ngayon?"

tanong niya.

"May kinausap na akong tao doon na magbabantay at mag aalaga sa bahay."

"Pero Jacob--."

"Misis please."

" Okay."

"Thank you misis, ngayon pa lang ako babawi sa inyo ng anak natin." anito at kinintalan siya ng isang mabilis na halik sa labi.

"Jacob!."

kinurot niya ulit ito sa tagiliran.

"Thank you talaga misis, napaka saya ko." anito at minsan pay niyakap siya nito ng mahigpit.

Madaling araw na noong maisipan nilang pumasok sa kanilang silid.

"Dapat every weekend nandito kayo sa bahay."

sabi ng Doña sa kanila. Naghahanda na sila noon pauwi sa kanilang bahay. Nauna ng umalis si Janna sa kanila kasi kailangan na siya sa Hospital.

"Yes ma."

"Dapat kasi hindi ka na bumili ng bagong bahay niyo, dito na lang sana kayo sa mansion. Napaka lawak ng bahay tapos kami lang ng mama niyo at mga kasama dito sa bahay ang nakatira dito." sabi ng Don sa anak.

"Papa dito naman kami every weekend."

Tinapik ni Jacob sa balikat ang ama.

Mababakas sa mukha ng mga ito ang kalungkutan.

"Parang ang layo naman ng uuwian namin eh 1hour nga lang dito hanggang sa bahay namin." nakatawang dagdag pa ng binata. Napatawa naman ang mag asawa.

"Iba parin yung nandito tayo sa iisang bahay anak, naku! mamimiss namin itong si Cade."

sabi ni Doña Karina.

"Pasyalan nyo na lang kami lagi sa bahay tapos weekend nandito naman kami."

"Gagawin talaga namin yan, kaya bilisan niyo nang gumawa ng little sister nitong si Cade para kahit papaano makukuha namin siya dito."

Biro ng Don.

"Binibilisan ko na nga papa." Nakatawang biro ni Jacob sa ama at minsan pay nagkatawanan sila.

"Ma, pa alis na po kami." sabi ni Tricia sa mag asawa, yumakap at humalik ang mga ito ganun din si Cade at Jacob bago ito pumasok sa loob ng sasakyan.

"Bye Grandma, Bye Grandpa." kumakaway na sabi ni Cade sa lolo at lola.

"Mag iingat ka sa pagda drive anak." sabi ng Don at tinapik sa balikat ang anak bago sila umalis ng mansion na iyon.

"Misis Nag enjoy ka ba sa bakasyon natin?" tanong sa kanya ni Jacob. Karga niya noon ang natutulog na anak.

"Sobra." nakangiting sagot niya.

"Okay ka ba doon sa every weekend tayo na nandun kina mama at papa?"

"Walang problema sa akin iyon."

"Thank you misis."

Nakangiting sabi ng binata.

Hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay.

Kinuha ni Jacob sa kanya ang natutulog na anak at binuhat ito papasok sa kanilang silid.

"Ang sarap naman ng tulog ng anak ko." mataman itong tinititigan ng binata at nilaro laro ang maliliit nitong daliri.

"Napagod sa biyahe." sabi niya.

"Ang guwapo talaga ng anak ko, mana talaga kay Daddy."

anito pa.

"Hindi ka rin mayabang noh?" nakatawang tinaasan niya ng kilay ang binata.

"Bakit hindi ba?"

"Oo na! sabi mo eh."

"So napilitan ka lang sa lagay na iyan?" hinawakan siya nito sa baba at inilapit nito ang mukha sa kanya.

"Oo na, guwapo ka na kaya nga guwapo rin si Cade."

"Thank you misis." saka siya nito kinindatan.

Kinikilig ba siya? Oh heart! kalma lang. Aminado naman siyang guwapo talaga si Jacob.

Nang biglang tumunog ang cellphone ng binata . Tinignan nito ang nasa caller Id nito saka siya tinitigan.

"Excuse me misis."

pagpapaalam ng binata. Tinanguan na lamang niya ito bago ito lumabas sa kanilang silid.

Sino ba iyong laging tumatawag sa kanya na ayaw niyang iparinig? pwede naman sa kwarto na lang diba kung wala naman siyang tinatago? Baka yung girlfriend niya? Napasimangot siya sa isiping iyon.

"Hello Hon."

"Jacob? bakit hindi mo sinasagot lahat ng tawag ko?" galit agad na sabi nito.

"I'm really sorry hon."

malumanay na sabi niya.

"Sorry na naman? 1week kang wala sa office niyo! at tinatanong ko ang secretary mo at ang kaibigan mo hindi nila alam kung saang lupalop ng mundo ka naroon?" galit na galit na sabi nito. Halos mabingi siya sa lakas ng boses nito.

"I'm sorry hon."

"Kung ganyan at ganyan ka mabuti pang mag hiwalay na lang tayo!."

sabi nito.

"What?"

"Kung hindi ka magbabago, anytime pwede kitang iwanan!."

pagbabanta nito. Napatawa siya sa part na iyon pero sinarili na lamang niya. Siya si Jacob Henry sikat at kilala sa buong pilipinas tinatakot lang ng isang Casey Reyes na isang modelo?

"Hon please, not now. Pagod ako." sumusukong sabi niya.

"Pagod saan? Nambabae ka na naman?"

"Hon please!."

"Kung hindi ka magbabago iiwan na kita, matagal na akong nagtitiis sa ugali mo." bulyaw nito sa kanya. Saka siya pinatayan ng tawag.

what the fuck! sinisigawan lang siya nito na parang walang pinag aralan.? Habang tumatagal sila ni Casey, lumalabas naman ang masamang ugali nito. Walang pinipiling oras o lugar kung awayin siya. Although aminado naman siyang kasalanan niya pero nakaka rindi na din.

Napa bungtung hininga na lamang siya. Mabuti pa si Tricia..

Palabas na siya ng banyo ng bigla namang pumasok ang binata. Naka balabal lang siya ng puting tuwalya. Nahiya siya dahil napaka lagkit ng mga titig nito sa kanya.

"Ang bango naman ng misis ko." biro ni Jacob sa kanya saka siya nito hinapit sa baywang.

"Jacob!." natatakot siya na baka mahulog yung tuwalya na naka balabal lamang sa kanyang katawan at wala siyang suot na kahit na ano.

"Gawa na tayo ng little sister ni Cade."

biro nito saka siya kinindatan.

"Asa ka!." pinandilatan naman niya ito.

"Misis."

paglalambing nito saka nito isiniksik ang ulo sa kanyang leeg. Nakiliti siya sa ginawa nito lalo na nung nagsimula siya nitong halikan.

"Jacob please! not now." Huli na nung marealize niya yung kanyang sinabi. Not now talaga ate??

"Kelan din Misis?"

"Wala! Jacob ano ba!." pumiksi siya pero lalo siya nitong niyakap.

"Ang bango mo naman misis, nakaka adik."

"Jacob! mag shower ka na nga lang! inihanda ko na yung damit mo."

Sa wakas ay binitawan din siya ng binata.

"Sweet naman ng misis ko." anito saka siya nito kinindatan at binigyan ng isang mabilis na halik.

"Jacob!."

pinandilatan na lamang niya ito saka nagtatawang pumasok ito sa banyo.

Kalma self! nagsasama lang kayo dahil kay Cade. Isipin mo naman si Arvin. Arvin?? bukas pala ang dating nito dito sa pilipinas.

Napangiti naman siya sa isiping iyon.

MAAGA siyang nagising dahil magluluto siya ng almusal. Gusto niyang siya yung maghahanda para sa kanyang mag-ama.

Nagluto siya ng fried rice, itlog hotdog at tocino.

Saktong pababa na noon ng hagdan ang binata ng makaluto siya.

"Good morning misis." bati sa kanya ng binata at niyakap siya nito mula sa likuran.

"Good morning too." bati din niya. nagtitimpla na siya noon ng kape ng binata.

"Ang sarap naman gumising kung ganito lagi, may maganda akong misis tapos masarap pa magluto diba?"

anito saka siya lalong niyakap.

"Hmmm itong coffee mo."

pinaharap siya nito at kinintalan siya ng halik sa labi.

"Thank you misis." nakangiting sabi nito sa kanya. Hindi pa siya agad naka kilos dahil sa pagka bigla.

Bakit ba kasi bigla na lang nanghahalik ito sa kanya?

"Misis."

"Nandiyan na."

saka niya inayos ang lamesa. Nagsimulang kumain ang binata. Sinabayan naman niya ito.

"Ang sarap mong magluto Misis."

puri nito sa kanya.

"Bola naman."

"Nope misis, parang gusto ko yatang umuwi dito mamaya para sa lunch."