The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)

The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)

By: Eurydice Amoret

4.8K
views
7
Chapters
Ongoing
Status

The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath) is an ongoing billionaire novel by Eurydice Amoret with 7 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added July 4, 2022.

Synopsis

Hawak na ni Tilaine Petunia Doukas- dela Vega ang lahat; kagandahan, pera, career, kaibigan at pamilya. Pero hindi siya lubusang masaya, ang kaisa-isang lalaki kasi na minahal niya ay nagmahal ng iba. Ang saklap lang talaga, totoo nga na hindi mo pwedeng makuha lahat.

Sa araw ng kasal ng binata, dahil sa labis na pagkabigo. Nagawa ni Petunia na sumiping kay Wregan, ang matalik na kaibigan ng lalaking iniibig niya. Magkaroon kaya sila ng spark ni Wregan kahit na in love pa rin ito sa dati nitong kasintahan?

Read the first chapter

Chapter 1: Simula

"Kiss! Kiss! Kiss!" Hindi ko mapigilan ang paikutin ang mata dahil sa hiyawan ng mga bisita. Lalo pa akong nairita sa tunog ng mga goblet na pinapalo gamit ang utensils. Dumaan sa harap ko ang isang waiter. Kumuha ako mula sa dala nitong tray ng isang glass ng Negroni, a cocktail drink. I took a sip from my drink, at natikman ko agad ang pinaghalong sarap ng vermouth rosso, campari at gin.

"Whooo!!" hiyawan ng mga bisita nang paunlakan ng newly weds ang request ng mga ito na kiss.

Nagtangis ang bagang ko at mahigpit ang hawak sa baso ng negroni. It was such a vexing scene! Masyadong masakit sa mata lalo na sa puso ko. Bakit ba kasi nagpunta pa ako sa kasalan na ito? Dahil sa inis, inisang inom ko ang natirang laman ng aking baso, nang may dumaan muli na waiter kumuha ulit ako ng panibagong serve ng alak. Hindi ko na alam kung pang ilan ko na itong baso.

"Hindi kaya malasing ka n'yan?" Tumaas ang kilay ko sa narinig. Hinarap ko ang lalaking nagsalita sa aking likod.

"So?" suplada kong sagot dito.

"It’s not nice to get drunk at your friend's wedding reception. You might— "

"Might what?" Tinuwid ko ang tayo at pinag-cross ang mga braso sa dibdib. "That I might sour this joyous occasion?" I tsked, and sip on my drink before speaking again, "that's ridiculous. I'm not crazy to do anything stupid."

"Will you ever know if you're drunk and out of yourself?" Masama ang tingin na ibinato ko sa kanya. Bakit ba pakialamero ang lalaking ito? Yes, I understand that he is friends with the groom or the bride. Pero 'di ibig sabihin pwede na siyang makialam sa buhay ko. He's also familiar to me; I had a feeling I met him somewhere before, but I'm not sure where.

"Huwag mo akong pakialaman. Maghanap ka ng ibang abalahin mo. You're wasting my time," taboy ko sa kanya pero sa halip na umalis, inagaw nito mula sa kamay ko ang hawak kong cocktail drink.

"Ano ba!" I barked. Inagaw pabalik ang inumin ngunit inilayo lang nito ang baso sa akin. "Ano bang problema mong stupido ka?!"

"Lower your voice!" pabulong niyang saway sa akin at tumingin sa paligid. May iilang bisita ang nakatingin sa amin, dahil marahil sa pagtaas ko ng boses. Nakakainis naman kasi ang lalaking ito, sobrang pakialamero!

"Hindi tataas ang boses ko kung hindi ka pakialamero! Akin na nga 'yan!" Muli kong inagaw ang baso sa kamay niya pero nabigo ako. Itinaas lang ulit nito ang kamay kaya hindi ko magawang abutin ang alak. Nakakainis talaga! Ang tangkad pa naman nito, sa tingin ko nasa 5'11 ang lalaking ito.

"I'll let you drink if you promise to leave this place," aniya at hindi ko mapigilan na ikunot ng noo. "You can get drunk at Casa de Lujuria or anywhere. Basta huwag lang dito sa reception— "

"At sino ka sa akala mo para palayasin ako sa wedding reception ng kaibigan ko? I'm not leaving here, unless Luca himself kicks me out. " Naiirita na talaga ako sa pagmumukha ng lalaking ito. Ano ang karapatan niya para paalisin ako sa party ng kaibigan ko? Ang kapal ng mukha!

"The groom is also a friend of mine, and I don't want his most important night to be ruined by a girl—" Hindi nito tinapos ang gustong sabihin. Lalo tuloy akong nairita sa kanya. Halata naman kasi kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.

"Are you saying na sisirain ko ang wedding reception? Ganun?" Gigil na gigil na talaga ako sa lalaking kaharap, kaunti na lang at dudunggulin ko na ito.

You may also like

Billionaire

Sign in to join the discussion