Chapter 1: Behavior
"WHO are you?"
Napasimangot si Ellah sa kabruskohang tanong ng lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Alam niyang masungit ito. Pero hindi niya inaasahan na maging sa isang katulad niya ay ganoon din kagaspang ang ugaling ipakita nito sa kanya. Mabilis niyang binura ang hindi maipintang aura sa mukha at ngumiti nang mapansin na nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
"Alam kong kilala mo ako," hindi na niya hinintay na anyayahan siya nitong umupo. Inikis ang legs nang makaupo sa harap ng binata. Isang katamtamang laki na table ang nasa pagitan nila kung kaya hindi siya nito nasisilipan. "Do I still have to book an appointment to your secretary?"
"You come here and act like a nasty girl?"
"An arrogant jerk, indeed!" nagngingit-ngit ang kalooban na bulong ni Ellah sa sarili. Gusto niyang batohin ito ng suot niyang high heels sandal pero nagpipitgil siya. Sa halip na murahin ito ay ngumiti siya ng ubod tamis sa lalaki. "Guwapo sana—" dugtong pa niya dahil sa inis.
"What did you say?" Tanong ni Cloud sa babae kahit alam naman niya. Malakas ang kaniyang pandinig kaya kahit pabulong ay naririnig niya.
"I said, woman not a girl!" pagtatama ni Ellah sa lalaki in sarcastic tone. Hindi niya nagustohan ang pagtukoy nito sa kaniya na isang babae na parang bata.
Lihim na napangisi si Cloud habang sinusuri ang magandang mukha ng kaharap. Kilala niya ito at matagal na nga niyang pinasusubaybayan. Inaasahan na niyang bigla na lang itong susulpot sa kanyang opisina upang makipagkasundo sa kanya.
Lalo lamang kumulo ang dugo ni Ellah sa paraan ng titig sa kanya ni Cloud. Tila ba inaarok ang kanyang pagkatao at inaalam kung hindi ba siya isang impostor. Kung hindi lang nito nai-freez ang kanyang atm card and credit card ay never siyang haharap sa lalaking ito ngayon.
Nawawala ang kanyang pinakamamahal na abuelo at sa abogadong ito umano iniwan at ipinagkatiwala ang lahat ng ari-arian na mayroon sila. Fresh graduate lamang siya sa kursong business management kung kaya gala dito, gala doon ang kanyang naging trabaho. Kahit noong nag-aaral siya ay ganoon na siya na hindi nagustohan ng kanyang abuelo. Isa pa sa kailangan niyang linawin sa lalaking ito ay ang tungkol sa kaso ng tiyuhin niya na hawak din nito.
"Sino ka ba talaga?" hindi na napigilan ni Ellah ang sarili na magtaray sa binata nang hindi na muli itong nagsalita.
"Attorney Cloud, at your service, Miss Kho." Mukhang nag-e-enjoy na sagot ni Cloud sa dalaga.
Lalo lamang nainis si Ellah sa nakikitang pagiging cool lang ng lalaki habang nakipag-usap sa kaniya. Kilala naman pala siya pero ang lakas ng loob nitong kausapin siya ng hindi maganda. Ibang-iba ang inaasahan niyang character ng isang abogadong madatnan doon. Pinag-aralan niya ang lalaki. Napatitig siya sa mga braso nitong nakahalukipkip sa dibdib habang nakasandal sa sandalan ng kinaupuan.
"I know that you were a lawyer. Ang ibig kong sabihin ay, sino ka para pagkatiwalaan ng Lolo ko? Balita ko ay magaling kang abogado, hindi ko alam na pati sa pagkuha ng kalooban ng mahihinang tao ay kaya mo ring gawin." Patutsadang tanong nito sa binata.
Naisuksok ni Cloud ang dalawang kamay sa magkabilang pocket ng kanyang suot na slack pants. Tumayo siya at tuwid na humarap kay ellah. kinuyom ang isang kamao habang mariing nakatitig kay Ellah.
"Gusto ko ang ganyang ugali, palaban." Sa halip ay sagot nito sa dalaga habang hinahagod ng tingin ang binti ng dalaga.
Pakiramdam ni Ellah ay biglang umurong ang kaniyang dila nang mahuli kung saan nakatitig ang nakakapasong tingin ng lalaki. Dapat ay magagalit siya, nag-ipon siya nang maanghang na salita sa kaniyang isipan ngunit hindi rin naisatinig nang gumalaw ang binata.
Gumawi si Cloud sa likod ng dalaga at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang hamba ng upuan kung saan nakasandal si Ellah. Ibinaba ang ulo hanggang maabot ng kanyang mukha ang taenga nito. Ramdam niya na bigla itong na tense sa kanyang presensya mula sa likuran nito. "Watch your mouth, young lady," he whisper on her ear.
Pakiramdam ni Ellah ay nagtayuan ang munting balahibo sa kanyang batok dahil sa ginawa ng lalaki. Pigil ang sarili na higitan ang sariling hininga. Alam niyang sinusubukan siya nito at ang tingin sa kanya ay isang mahinang babae dahil walang alam sa buhay.
"If you're trying to seduce me, sorry pero mas mahal ko ang aking trabaho."
Marahas na nilingon ni Ellah ang binata, "hindi ako pumarito upang makipaglandian. Narito ako upang bawiin lahat ng kinuha mo na dapat ay para sa akin lamang!" may diin ang bawat kataga na binitiwan niya upang itago ang kaba at pagkapahiya sa sariling nadarama. Aminado siya ngayon na hindi niya basta madala sa kanyang alindog ang binata. But the hell she care kung ano ang tingin nito sa kanya ngayon. Gusto lamang niyang makuha ang kompanya at iba pang aria-arian ng kanyang pamilya.
"Hindi na ako magtataka kung bakit ninais ng iyong abuelo na sa iba ipagkatiwala ang kanyang pinaghirapan. " Sarkastikong kumento ni Cloud habang naglalakad patungong bintana. Tumambad sa kanyang paningin ang maliliit na gusali mula sa mataas na building na kanyang kinatayuan.
"How dare you!" Tumaas ang timbre ng kaniyang tinig kasabay ng pagtayo mula sa kinaupoan. Nainsulto si Ellah sa kung ano ang tingin sa kanya ngayon ng binata. Kahit maiksi ang kanyang suot na dress at halos lumuwa na ang malusog niyang dibdib ay mukha pa rin naman siyang desinti tignan.
"Ano ba ang alam mo sa pamamalakad ng negosyo?
Pakiramdam ni Ellah ay nanliit siya bigla sa pagiging prangka ng lalaki. Tama ito, wala siyang alam at puro luho lamang ang nasa kanyang isipan. Matalino siya kung nakuha agad niya ang kung ano ang tinutumbok ng lalaki. Gayoon paman ay hindi siya basta patatalo rito at aminin ang mali sa kanyang inakto. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang may nagsalita sa kanya ng ganito. Ang isa pa sa ikinangitngit ng kanyang kalooban ay hindi manlang ito naakit sa taglay niyang kagandahan.
"It's none of your business!" taas noo niyang sagot sa binata.
"Hindi iyan ang inaasahan kong isasagot sa akin ng isang propisyonal na tagapagmana at may malasakit sa pinaghirapan ng mahal nito sa buhay." Malamig na tugon ni Cloud sa dalaga.
Hindi alam ni Ellah kung iniinsulto ba siya ng lalaki o dissapoint sa kaniya dahil nagmumukha siyang unprofessional na kausap. Tama ito, isa siya sa tinitingala ng mga taong nakakilala sa kanilang angkan. Muling nasagi ang kaniyang ego kaya lalo siyang nainis sa binata.
"Ano naman ang tawag sa iyo?" nang-iinsultong patutsada niya sa binata at ayaw niyang papatalo dito.
Seryuso ang mukhang linilingon siya ng binata habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito.
"Isang kagalang-galang na abogado ngunit hindi alam kung saang angkan nagmula? Paano ako nakakasiguro na hindi mo tuloyang angkinin ang aking mamanahin?" pumaskil ang magandang ngiti sa kaniyang labi nang dumilim ang anyo ng binata. Natuwa siya at tumatalab sa lalaki ang pang-iinsulto niya sa pagkatao nito. Kahit papaano ay nag-search siya ukol sa lalaki.
Tiim bagang na sumandal si Cloud sa nakasarang slide window. Nasagi ang isang bahagi ng kanyang pagkatao sa sinabi ng dalaga. "Kung nais mong makuha ang iyong mana as soon as posible, kailangan mong magsimula sa ibaba at magtrabaho sa kumpanyang ito." Alok niya dito sa halip na patulan ang katalasan ng dila nito.
"You moron! namumula ang pisngi niya dahil sa galit na nadarama para sa binata. "Apo ako ng may-ari ng kompanyang ito! Ano sa tingin mo ang sasabihin ng nakakilala sa akin kapag nalaman ang maging posisyon ko dito?"
"Take it or leave it, my decision is final. Maari mong mabawi ang iyong mana kung makapasa ka bilang aking secretary."
'fuck—"
"One more thing," putol niya sa iba pang sasabihin ng dalaga. "Ayaw kong makita ka pang magsuot ng ganyan dito sa loob ng kompanya.'
"Wala kang karapatan na diktahan ako!" Naipadyak ni Ellah ang isang paa dahil sa inis.
"You have to start tomorrow or else kukuha ako ng iba," lihim siyang napangisi sa isipan nang makita ang galit sa mukha ng dalaga. Kulang na lang ay bogahan siya nito ng apoy. "Kailangan mong magtrabaho upang may maipambili ka sa iyong luho."
Ilang minuto ring nakipagsukatan ng tingin si Ellah sa aroganteng abogado. Nanghahamon ang tingin nitong ipinukol sa kaniya na hindi niya kayang ignorahin. Hindi dapat siya ang unang sumuko kaya tatanggapin niya ang hamon nito sa kaniyang kakayahan. Iginala niya ang tingin sa loob ng opisina bago walang salitang tinalikuran ang binata.
Wala na si Ellah sa kanyang harapan pero nanatili sa kinatayuan niya si Cloud. Wala siyang ibang choice o option na ibinigay dito upang sapilitang mapasunod ito. Malalim na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan at humarap muli sa bintana. Kailangan niyang gawin ito hanggang sa malutas niya ang kaso na hinahawakan ng kanyang team ngayon. Malaki ang hinala niya na konektado rin ito pati ang kanyang pagkatao. Mula nang matagpuan nila sina Raiko at Angel ay lihim siyang nag-imbistiga sa likod ng lahat ng nangyari sa kanila noon.
Napukaw ang diwa niya mula sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang kanyang private mobile. Mahahalagang tao lamang ang nakakaalam sa kanyang numero kung kaya hindi niya maaring ignorahin ang tumatawag.
"Nagising na siya at ikaw ang hinahanap," ani Micko na nasa kabilang linya. Si Raiko ang tinutukoy nito.
"Papunta na ako riyan." Mabilis ang kilos na dinampot ni Cloud ang importanting bagay at nagmamadaling lumabas ng opisina.
Naabutan pa niya si Ellah na mabagal sa paglalakad sa hall way ng kompanya. Walang salitang nilampasan ito at naunang sumakay sa elevator. Nakaharap siya sa pasarang pinto ng elevator kung kaya kitang-kita niya kung paano naningkit ang mga mata ng dalaga habang nakatingin sa kanya. Naipilig niya ang ulo nang tuloyang magsara ang elevator. Wala sa bukabolaryo niya ang pagiging gentleman lalo na sa babaeng matigas ang ulo.
"Grrr! Hindi lang antipatiko! Nakapaka ungentleman pa niya!" Bumuga si Ellah ng hangin sa bibig upang lumuwag ang dibdib na naninikip dahil sa inis. Ilang beses na niyang pinindot pabalik sa kanya ang elevator ngunit walang nangyayari.
Gusto niyang murahin ang antipatikong lalaki ngunit wala na ito sa kanyang harapan. Mukhang naka hold pa ang elevator sa ibaba. May dalawampung minuto na siya roon ay hindi pa bumabalik sa 10th floor ang elevator kung saan siya naroon. "Humanda ka sa akin kapag nabawi ko na ang aking mana!" Kausap ni Ellah sa kanyang sarili habang masama ang tinging ipinukol sa nakasarang elevator.
...
"KUMAIN ka na ba?" masuyong tanong ni Cloud sa nadatnang dalaga na nakaratay sa hospital bed. Ngumiti ito sa kanya, nasa mukha nito ang paghihirap mula noon hanggang ngayon dahil sa sakit nito. Nasasaktan siyang makita ito sa ganoong sitwasyon.
"Nakita mo na ba siya?" tanong ni Raiko sa kaibigan sa namamaos na tinig.
Marahang tango ang sagot ni Cloud sa kaibigan. "Nagpapagaling lang din siya, baka bukas ay dadalhin na siya dito nila Micko."
Masayang ngiti ang bumalatay sa labi ni Raiko, inabot niya ang palad ng kaibigan at pinisil iyon bilang pasalamat.
"Magpagaling ka, kailangan mong balikan ang taong lumagak sa iyo sa ganitong sitwasyon." Pagbibigay lakas ng loob na ani Cloud sa kaibigan. Gumanti siya ng pisil sa palad nito. Pinunasan ang butil ng luha na pumatak sa pisngi nito gamit ang isa niyang palad. Ang kaibigan na malakas at matapang dati ay napalitan na ng mahinang babae ngayon.
"Huwag mo akong kaawaan." Ipinilig ni Raiko ang ulo sa kabilang panig na hindi makikita ng binata ang kanyang mukha.
"Tsk! Bumangon ka na kaya riyan." Palatak na wika ni Cloud. Napailing na lamang siya nang biglang bumalik sa dating ugali ang kaibigan.
Sinimangutan lang ni Raiko ang kaibigang binata at hindi na muling nagsalita. Kahit maraming taon ang lumipas ay hindi nagbago ang pakitungo nila sa isa't isa.
Napabuntonghininga si Cloud at muling sinulyapan ang kaibigan. Nakapikit na ito at alam niyang kailangab na nitong magpahinga muli kahit sa pakipag-usap ay mabilis itong mapagod. Hinintay niya na makatulog ito bago umalis upang makipag-usap sa team eagles.