Chapter 21: Complicated
"Ohayo, lady Rein." Bungad agad ni Butler Broks nang makarating ako sa RU. May kasama siyang dalawang bodyguard na nakabuntot lang sa kaniya.
Tumango lang ako sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakad habang kasunod ko sina Miiver at Akieyah, dahil as usual si Hendrix at Verlin ay maagang pumasok.
"Grand Master Chairman is going to throw a party tomorrow evening sa grand mansion. He is expecting you and your gang to attend and be there." Butler Broks said habang sinasabayan niya ako nang lakad.
"Oh my, butler B. We surely be there!" Masayang sagot ni Akieyah.
"Para saan ang party, butler B?" Tanong naman ni Miiver
"I don't know." Simpleng sagot ni butler Broks sa kanila habang may mga ngiti sa labi.
"Tss.." Blankong tiningnan ko lang siya dahil alam kong impossibleng hindi niya alam kung tungkol saan ang party na gaganapin sa Grand Mansion.
Kung wala siyang planong sabihin. Okay fine. Nakakainip pa namang umattend ng party, wag na lang kaya ako umattend? -_-
"Good morning." Nahihiyang bati ni Monique at Klinnia sa amin nang makasalubong namin sila sa hallway.
"Hi, good morning girls." Bati ni Akieyah sa kanila.
"Ahm, good morning secretary Tan. Good morning Wey— Qu-Queenzy." Bati ulit ni Klinnia at yumuko pa ng kaunti.
"Good morning." Nakangiting bati naman ni Butler Broks sa dalawa.
"I have to go, Lady Rein. See you at the party." Yumuko siya sa akin ganon din ang dalawang kasama niyang body guard.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglakad kasunod sina Miiver at Akieyah habang sina Monique at Klinnia ay nasa likoran.
"Ahm? I heard nalipat na kayo sa fourth year." Rinig kong sabi ni Monique.
"Yup. We're not actually third year students. Pumasok lang kami don because of Queenzy." Sabi naman ni Akieyah sa dalawa.
"Ow, so I guess mauuna na kami,.. see you again next time." Ani Monique.
"Yeah, bye girls." Nakangiting sabi ni Akieyah while she's waving her hand.
"Hoy ikaw! Bakit inisnob mo yung dalawa. Hindi ka man lang bumati ng hi, hello, or good morning. Snobera ka. Tsk!" Natawa naman si Miiver dahil sa mga sinabi ni Akieyah.
"Nahihiya lang yan. Hindi niya alam kung pano kakausapin yung dalawa." Natatawang ani Miiver.
"Shut up." Malamig kong sabi at nagmadaling maglakad patungo sa forth year building. Nadinig ko pang natawa sila at sumunod na rin naman sa akin.
While we're in the hallway, nakasalubong namin si Hendrix at Verlin.
"Room 4-1A." Sabi ni Verlin habang nakaturo sa isang classroom.
Tumango lang kami at sabay-sabay na naglakad patungo sa room na iyon.
Everyone's eyes were on us nang pumasok kami sa classroom. They're whispering and mumbling something. Tsk. Nagchichismisan na naman!
"Good morning everyone." Napalingon nalang ako sa pinto nang pumasok ang isang prof na halos kasabay lang namin.
"G-good morning, Dean." Bati niya sa akin nang makita niya akong nakatayo lang sa harapan ng lahat. Tumango lang ako sa kaniya at ibinaling ang tingin sa mga magiging classmates namin for the rest of the year while I still remain staring at them blankly.
"Ahm, everyone. I want you to meet your new classmates... Dean and her friends will be in this class starting today."
Nagbulungan na naman sila dahil sa sinabi ni Prof Gevi, she's a science professor as what I've remember from what I've read sa mga ibinigay ni butler Broks na profile.
"Good morning, I'm Verlin Trevor. Nice to meet you all." Nakangiting bati ni Verlin sa lahat and she even bow her head.
"Hi, I'm Akieyah Framo."
"I'm Hendrix Rãdon."
"Ohayo, Miiver Jau Automa is my name." Nakangiti ding bati ng tatlo pero hindi katulad nang ginawa ni Verlin, nakatayo lang sila nang matuwid.
"Tss..." Nakatingin silang lahat sa akin, akala naman nila mag papakilala pa ako. Bakit? Hindi ba nila ako narinig kahapon?! Ayoko nang paulit-ulit -_-
"A-ahm, you may take your seats." Agad na sabi ni Prof Gevi at itinuro ang mga upuang bakanti sa likod.
Napataas ang kilay ko at nag lakad patungo sa likorang bahagi malapit sa bintana. May tatlong bakanting upuan din don, well marami ang bakanti pero dito ko mas gusto dahil malapit sa bintana.
Sumunod naman yung apat sa akin kaya agad na tumayo yung dalawang lalaking nakaupo sa unahan ng tatlong bakanting upuan at nagsilipat naman sila agad sa ibang vacant seats.
Napabuntong hininga nalang ako at naupo na. Si Miiver ang katabi ni Akieyah sa dalawang chairs na nasa unahan ko, habang si Verlin at Hendrix ang magkatabi sa likoran ko. At ako naman ang nasa gitna, walang katabi kundi yung bag ko lang, dahil ayoko ng may katabi.
"Okay so before we start, where are the others?" Dinig kong tanong ni Prof Gevi habang ako ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
"Sorry we're late hehehe." Dinig kong sabi ng isang lalaki who has a playful voice, after sa pagbiglang pagbukas ng pinto. Naging maingay na naman ang buong klase dahil sa bagong dating, lalo na yung mga babae.
Nanatiling wala akong paki at nakatingin lang sa labas ng bintana kung saan kita mula dito ang plaza sa labas.
"It's okay, Mr Andrews and everyone... Please take your seats para makapagsimula na tayo." Dinig kong sabi ni Prof Gevi.
I felt something change in the atmosphere, like girl, I know why.....
Biglang nagsitahimik ang buong klase at nakakabingin ang katahimikan nila, maging si Prof ay tahimik lang, akala ko ba mag sisimula na siya, tsk!
"What are you doin' here?." A cold yet husky voice from a person I don't wanna see.
"They are your new classmates, Mr Zandros." Ani Prof Gevi pero walang may pumansin sa kaniya.
"What are you doin' here, Automa!?" Pagulit ni Xzevier sa sinabi niya kanina, at ngayon ay alam kong nasa gilid na namin.
"Oh, Kings. Tsk, tsk, tsk, Zandros. Good to see you, too." Masayang bati ni Miiver dito.
"Hindi kami nandito para makipag-plastican, Automa." Rinig kong sabi ni Dennis.
"Nasa upuan lang naman kayo ng mga hari." Dinig kong sabi ng isang babaeng nakaupo sa kabila.
"Oh? Dahil ba don? Hmm? Kings?" Miiver playfully said, provoking the five.
"Guys? If itong upuan lang ang pinagtatalunan niyo jan, marami pa don, oh." Inip na ani Akieyah sa kanila.
"Why are you with Weyla!?" Dinig kong tanong ni Clinton
"Alvarez, are you deaf? Diba nasa hall ka during the announcement? She's not Weyla, dude." Natatawang sabat naman ni Hendrix.
"Her name is Queenzy, Queenzy Reinette Ezquivel. Kuha niyo!?" Seryosong sabi ulit ni Hendrix dahilan para matahimik sila at dahilan para mas lalong dumilim ang aura sa paligid.
Walang ganang dahan dahan akong tumayo habang blanko ang muka. Napunta naman sa akin lahat ng atensiyon nila, maliban sa isang taong kanina ko pa nararamdamang nakatingin lang sa akin.
Umalis ako sa upuan ko at dahan dahang naglakad patungo sa harapan.
"Is this what we get from our forth year students? Why are you just watching them and wasting your time? Tsk." Seryoso kong sabi kay Prof Gevi at nagpatuloy sa paglakad patungo sa pintoan.
"S-sorry Dean." Tangin response niya bago ko mabuksan ang pinto at makaalis sa classroom.
This is unbelievable, ito bang nangyayari tuwing may gang na gumagawa nang eksena during class hours?
Hindi ko naramdamang sumunod sa akin sina Miiver kaya magisa akong naglakad patungo sa dean's office.
Mabuti nalang nasa bulsa lang ang phone ko at ang mga susi ko, kasi iniwan ko na ang bag ko don, dadalhin naman nila yun, kaya okay lang.
Naiinis lang ako kaya ako lumabas. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari, alam kong magkakagulo lang sila kaya ibinaling ko ang atensiyon nila sa akin. Napagsabihan ko nadin naman si Prof Gevi, segurado naman hindi na siya tatahimik lang don. Tsk.
Naupo at sumandal ako sa swivel chair at pinaglaruan ang cellphone sa kamay ko.
Things are complicated, it seems like this won't be the hardest thing and day in our lives. What could possibly happen after days, weeks or months?
Napatigil ako sa iniisip at napatingin sa pinto nang may biglang kumatok. Nakataas lang ang isang kilay ko habang nakatingin doon. Sino naman kaya ang putanginang aabala sa akin ngayon.
Hindi ako tumayo at hinayaan lang ang taong panay katok sa pintoan dahil naka lock ito.
"Reinette open this fucking door or I'll break this!"
Napantig ang tenga ko hindi dahil sa lakas at lamig nang pagkakasabi ng taong nasa likod ng pinto.
He— he called me Reinette? The f!
"You'll open this or not!?"
Inis akong tumayo at naglakad patungo sa pinto. Nanatiling blanko ang muka ko at dahan dahang binuksan ito.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong yakapin pagkabukas na pagkabukas ko nang pinto dahilan para mapaatras ako dahil sa biglang pagyakap niya.
"Ano ba! Bitawan mo ko, Xzevier!" Malakas ko siyang itinulak.
Nang mapatingin ako sa mga mata niya, I don't know how to explain this. I can see confusion, at isang hindi mapaliwanag na tingin. It seems like....... He's hurt or something?
Umiwas nalang ako nang tingin, naramdaman ko namang mas lumapit pa siya sa akin.
"W-why are you doing this?" Malumanay ngunit puno ng emosyon niyang sabi.
"Tell me, Reinette! Fuck!"
Tiningnan ko siya ng malamig, pinipigilan ang sarili na sumigaw at sabihin sa kaniya ang totoo.
"Just leave." I coldly said at tumalikod sa kaniya para bumalik sa loob, hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay nadinig ko agad ang pagsara ng pinto.
Akala ko umalis na siya ngunit naramdaman ko nalang ang yakap niya mula sa likod dahilan para hindi ako makagalaw.
"Damn it! Why the hell are you doing this to me! I— I was just gone for a week. You— you were just sleeping for months, and now.... bumalik ka nga, pero malayo ka naman sa akin.... Why are you avoiding me, why?" He's voice is full of emotions and it breaks when he's talking, I can hear sincerity, longing and sadness from it.
Halos hindi ma absorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Nanatiling wala akong imik habang nakayakap parin siya sa akin mula sa likoran ko.
"I'm happy to know na bumalik na ang ala-ala mo.... Pero hindi.... hindi ako masayang makita kang lumalayo sakin, ang sakit makitang.... makitang nanlalamig ka na sa akin.... You're still my Weyla, right? You're still the woman I love, right?..."
Wala parin akong imik at hindi gumagalaw. Mas lalong humigpit naman ang yakap niya at mas ibinaon ang muka sa balikat ko.
"... Ano bang nagawa ko? I'm sorry, I'm sorry, please bumalik ka na sakin. Please, Reinette.... Please, my love." Nagsusumamong bulong niya.
Napangiti ako ng mapakla at pilit na tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.
"No." Pangmamatigas niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayapak sa bewang ko.
"Ano ba, Xzevier!" Sigaw ko at malakas na hinablot ang kamay niya.
Gulat siyang tumingin sa akin nang itulak ko siya, kasabay naman non ang biglang pagbukas ng pinto, at isang malakas na suntok ang natanggap ni Xzevier mula sa taong pumasok dahilan para mapaupo siya sa sahig. Tumayo naman siya agad at bumawi ng suntok.
"Miiver! Stop!" Hinawakan ko ang kamay ni Miiver dahil akma siyang susugod ulit kay Xzevier. Pero hindi siya nag papigil at tinanggal lang ang kamay ko at sinuntok ulit si Xzevier.
"Ano bang problema mo, Automa!" Galit na ani Xzevier at bumawi nang suntok.
"Ikaw ang problema ko! Tangina mo!" Sigaw ni Miiver at sinuntok niya ulit si Xzevier sa muka. Akmang susuntukin ni Xzevier ulit si Miiver ng pumagitna ako sa kanila.
"Re-Rein..." Gulat niyang sabi habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kamao niyang dapat na lalanding sa muka ni Miiver.
"Hindi talaga kayo titigil?" Malamig kong sabi at binitawan ang kamay niya.
"Zy..." Hinawakan ni Miiver ang kanang kamay ko as he dragged me beside him.
"Umalis ka na, Zandros." Seryosong sabi niya kay Xzevier habang nakahawak parin sa kamay ko.
Napatingin naman si Xzevier sa kamay ni Miiver na nakahawak sa wrist ko. Nang inangat niya ang tingin ay nagkatinginan kami sa mata.
"Is this the reason why your giving me that cold and emotionless stares?" He bitterly said and chuckled as he whipped the lil blood in his lower lip.
"Siya ba? Siya bang dahilan bakit iniiwasan mo ko?... Ipinag-palit mo ako sa gagong yan!?" He bitterly said and chuckled then kinagat niya ang labi niya.
"Makakaalis ka na, Zandros." Malamig kong sabi. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Miiver sa kamay ko at tumalikod na sa kanilang dalawa.
Pero napatigil ako nang biglang nagsalita ulit si Xzevier...
"Ano bang nagawa ko para maging ganyan ka sakin? Wala ba talaga akong halaga na sayo? Pano yung tayo—"
"Walang tayo... Walang tayo, Xzevier."
Malamig at walang emosiyon kong sabi.
Nagpatuloy ako sa pagalis at iniwan silang dalawa sa loob ng opisina.
Natag-puan ko nalang ang sariling mabilis na nagmamaneho patungo sa daang tinahak ko kahapon.
I need some fresh air... I need to think.. I need to find answers. I need to refresh my mind!
***