Chapter 20: Queen
Mag'gagabi na nang umalis ako sa lugar. Madilim na nang makarating ako sa bahay namin.
"Zy? San ka galing?" Agad na bungad ni Akieyah pagkapasok ko sa loob.
"Teka? Umiyak ka ba?" Ani Verlin habang nakatingin sa muka ko.
"Tss.. Wag niyo akong guluhin." Naiinip kong sabi at tumalikod na sa kanila.
"Tumigil nga kayong dalawa. Wag niyong guluhin si Queenzy." Dinig kong sabi ni Hendrix habang naglalakad ako patungo sa kitchen.
"Oh? Saan ka galing?" Bungad naman ni Miiver nang makasalubong ko siya sa may pintoan. Pero hindi ko siya pinansin at pumunta nalang sa may ref at kumuha ng tubig.
"Zy? May problema ka ba?" Nagaalalang tanong niya. Umiling lang ako at inilagay sa sink ang basong ginamit ko.
"Get ready, aalis tayo, pupunta tayong UWS. Sabihan mo sila." Sabi ko lang sa kaniya at nag lakad na palabas ng kitchen.
Dumaan ako sa living room pero dirediretso lang akong naglakad patungo sa hagdan at papunta sa kwarto ko.
I want to play. Play a game that is hard and bloody.
Nang matapos akong mag palit ng damit ay bumaba na ako at naabutan ko silang lahat na nakapagpalit na rin at nag aantay sa living room.
"At last! For three years babalik tayong buo sa UW!" Masayang sabi ni Hendrix.
"Tumigil ka nga, ang ingay mo!" Suway ni Verlin sa kaniya.
"Yow, Z! Ano? Bakit ka biglang nag-aya?..." Nakangising sabi ni Hendrix sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"... Alam mo bang simula ng nawala ka, hindi na kami pumunta sa UWS, balit nga namin may umagaw na ng spotlight natin."
"Pano naman nila gagawin yun, hindi naman nila tayo nakalaban." Inip na ani ko.
"Aqua Sharks Gang. Ang kalabang gang ng Dark Sagittarius. Umangat ang gang nila ng naging nahimik ang gang natin." Seryosong kwento ni Miiver.
"But there's a consortium. Hindi magagalaw ang rank natin hanggat hindi nila tayo nakakalaban o natatalo." Seryosong sabi ko sa kaniya. Ipinapaalala ang kuntratang meron ang Underworld Society.
"Some of our ally were departed at sumapi sa ASG." Sabi naman ni Akieyah.
And I remember something... Ang kwenento noon ni Lemuel about sa gang ni Noe, na dating kapanig nila ngunit umalis at sumapi sa kalabang gang. So it seems like, this Aqua Sharks Gang ang tinutukoy nila.
"Then, this would be the great time to surprise them. Let's go!" Malamig kong sabi at naunang maglakad palabas ng bahay.
Sumunod naman sila at pumasok kaming lahat sa malaking bodega kung saan nakalagay ang mga kotse ko at kotse nilang ginagamit sa ganitong mga lakad.
"Oh yeah! It's been awhile." Masayang sabi ni Hendrix habang hinahaplos ang Red Audi RS7 niyang sasakyan.
"Bat parang ang dami mo naman yatang energy ngayon." Taas kilay na sabi ni Verlin kay Hendrix habang naglalakad siya patungo sa sasakyan niyang White Porsche 911.
"Parang baliw." Umiiling iling na comento naman ni Akieyah habang pinatunog ang sasakyan niyang Lamborghini Huracan na pink.
"Hoy! Nadinig kita!" Sigaw ni Hendrix habang nakahawak sa pinto nang sasakyan niya.
"Magsitigil na nga kayo. At umalis na tayo." Suway ni Miiver sa kanila at sumakay sa Blurple McLaren 600LT.
Napailing nalang ako at pumasok na sa Black and white Ferrari SF90 ko.
Agad ko itong pinaandar at lumabas diretso habang nakasunod naman sila sa akin.
Nang makarating kami sa UWG ay ipinark ko agad ang sasakyan. Madami agad ang tumingin sa mga sasakyan namin. Maraming gang ang narito parin sa parking lot dahil nine o'clock palang naman.
Hindi muna ako lumabas at hinintay na maunang lumabas ang mga kasama ko.... Naunang lumabas sina Verlin at Hendrix, kasunod si Akieyah at Miiver.
Isinuot ko muna ang red mask ko at inayos ang buhok ko. Tsk. Kaylangan ko na yatang ibalik ang dati kong hair style, pero hihintayin ko munang humaba ang bangs ko.
Agad akong lumabas ng sasakyan. Gulat na reaction agad ang nakita ko mula sa ilang gang na narito. Marami rin ang nagtaka at mukang hindi kami kilala.
"It's Lady Z and her gang, right?" Dinig kong sabi nang isang babaeng kasama sa isang grupo hindi malayo sa kinaruruonan namin.
"The hell! She's back. They're back!"
Agad na lumapit sa akin sina Miiver at sabay sabay kaming naglakad papasok sa UWS arena.
Habang nasa daan ay nakarinig ako nang sumipol kaya napatigil ako ganon din yung mga kasama ko.
"Shit! Bakit siya sumipol!"
"Lagot, tanga."
Dahan dahan akong naglakad patungo sa kinaruruonan ng grupo nang sumipol. Nakita ko agad na natigilan sila ngunit agad ding nakabawi at ngumisi.
"Hi babe." Sabi ng isa, I guess he's their leader. Sumipol pa siya at malanding ngumiti.
Isang malakas na suntok sa tiyan ang ibinigay ko sa kaniya. Napaubo at napahawak naman siya agad dito. Nag sialisto naman ang mga kasama niya pero nakabantay naman sina Miiver sa kanila.
"Next time I will cut your tongue if I hear you whistle. It's fucking disgusting. Do you understand!?" Malamig kong sabi habang nakahawak sa kwelyo ng damit niya. Tumango-tango naman siya kaya marahas ko siyang binitawan.
Because of this scene, nakaagaw kami ng atensiyon. Madaming gang na ang nakapalibot sa amin. Ngunit nanatiling wala akong pake at nagsimulang maglakad paalis doon at papasok sa loob ng arena.
"RTG! It's good to see you again, Queen." Salubong sa amin nang isang gang.
"Kang." Ani Miiver at nakipag shake hands dito.
Kang's gang is an ally of RTG or the Red Tuarus Gang, our gang. Nakipag kwentohan sina Miiver at Hendrix habang kami naman nina Akieyah at Verlin ay dumeritso sa counter bar sa gilid, nasa baba pa ang arena at madami na rin ang tao ngayon doon pati rito sa kinatatayuan namin.
"Hey! Bulag ka ba!?" Inis na sabi ng isang babaeng mukang clown dahil sa kapal ng make up. Nakataas pa ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"Ikaw yata sis ang bulag. Ikaw naka bangga eh." Walang gang saad ni Verlin dito. Pasimpleng pinagpagan ko naman ang suot kong leather jacket kung saan siya bumangga.
"Abat- hoy! Sino ba kayo, ha!? Ang kapal ng muka niyo, banggain ang reyna."
Mahinang natawa naman si Akieyah dahil sa sinabi ng babae. Biglang may dumating na tatlong clown este tatlonh babae sa likoran nito.
"Anong nangyayari dito, Black?" Tanong nang isang babaeng kulay red ang buhok.
"Sino sila?" Tanong naman nang isang babaeng may violet hair na my highlight na white.
"Are they new?" Seryosong tanong naman ng isang may green hair.
Tsss... Papasa na silang clown, dahil sa hairstyles at sa kapal ng make up nila.
"I don't have time for this fuckin' shit." Malamig at seryoso kong ani at naglakad patungo sa bar counter.
"Hoy! Red-mask-girl! Ang kapal talaga ng muka mo!" Malakas na sabi ng babaeng bumangga sakin kanina na tinawag nilang Black.
"Sino ba kayo, at ang aangas niyo, ha!? May patakip takip pa kayo ng muka, ang cheap." Sabi nong babaeng red ang buhok.
"Takot yata silang makilala, Red. Mukang weak pala 'to." Ani ng isang babaeng may Violet na buhok.
"I guess you're right, Violet. Maybe they're ugly dahil tinatago nila ang mga muka nila." Maarteng ani ng may green na buhok.
Napangisi nalang ako dahil sa mga nadinig ko mula sa kanila. Isa din don yung mga pangalan nila. Tsk. Sino sa atin ang cheap? From now on, I will call them Clowns.
"Abat- Hindi mo ba kami kilala, ha!?" Inis na sabi ni Verlin pero iniharap ko lang ang kamay sa muka niya para tumigil.
"Hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras ang mga katulad nilang puro dada lang." Malamig at walang emosyon kong sabi.
Nagiba naman agad ang timpla nang muka ng apat na Clowns. Lalo na yung Black.
"Hinahamon mo ba kami!?" Galit niyang sabi at masama akong tiningnan.
Nagkibit balikat nalang ako at tumalikod. Suminyas ako ng isang shot sa bartender.
"Hoy! Ang kapal mo talaga red-mask-girl!" Dinig kong sabi ni Black haired girl.
Tinawag niya akong Red-mask-girl, then I'll call her Black-haired-girl.....
Hindi ko siya pinansin at kinuha ang shot glass na ibinigay ng bartender at nilagok agad ito. Pagkalapag ko ng glass ay humarap ulit ako sa kanila. Nakikita kong madami ng tao ang nakakaagaw ng atensiyon namin dito, pero panay parin ang daldal ni Black-haired-girl.
"You're damn noisy." Iritang sabi ni Akieyah.
"Kung hindi kayo natatakot sa amin, labanan niyo kami!" Napailing nalang ako dahil sa kahambugan ni Black haired girl.
"Sure.." Napatingin naman sila sa akin dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko na sila pinansin at dumaan nalang sa gitnan ng Clowns, nasagi ko pa ang balikat ni Black haired girl kaya ayon nag aalburuto na sa inis.
Naagaw namin ang atensiyon ng lahat nang makita nila kaming naglalakad pababa patungo sa gitnang bahagi ng arena kung saan may malawak na open ring.
Nakita ko si Miiver at Hendrix na nagmamadaling lumapit sa amin habang kami nina Akieyah at Verlin ay nakatayo na sa gilid nang ring.
"What's going on?" Tanong agad ni Miiver. Ngunit hindi ko siya pinansin at blankong nakatingin lang sa kabilang bahagi ng ring kung nasaan yung apat na Clowns.
Walang suot na maskara si Miiver at Hendrix dahil hindi pa naman kami lumalaban.
"Stay here, Drix, Jau... This is a girls battle only..... Lin, Kiey and I will fight those four little clowns." I coldly said to them.
"They need to know where they do belong." Nakangising ani Akieyah.
Biglang nagingay ang buong crowd ng pumunta sa ring ang mc ang palaging nag aannounce nang mga laban.
"Ang laban na hindi inaasahan natin ngayong lahat. The Rainbow Gang vs the unknown gang." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng announcer.
Rainbow Gang? May black ba sa rainbow? Bakit hindi ko alam yun? Gosh, nakaka-bobo ang mga tao ngayon dito sa UWS.
"Bago yata yung announcer. Hindi tayo kilala." Dinig kong bulong ni Akieyah sa akin.
Hindi ko siya sinagot at nanatiling blanko lang ang muka ko habang nakatingin sa makakalaban namin. Mukang clown talaga, nagmumuka ring si Joker dahil sa kanilang mga ngiti.
"Be here on stage! Ang let's warm the ring!" Huling sinabi ng announcer at mabilis umalis sa gitna.
"Good luck. Wag niyo silang pahirapan ah." Dinig kong sabi ni Miiver sa amin habang kami ay naglalakad patungo sa gitna.
"Hah. Magdasal na kayo mask girls." Nakangising sabi ni Black habang magkakaharap kaming pito.
Ang daya nila. Apat sila habang kami tatlo lang? Tsk... 4 vs 3? Well, I don't care.
"Wag kayong mag-alala, hindi lang to magtatagal." Nakangising sabi naman ni Red.
Puro dada! Halatang hindi naman kami interesado sa mga pinagsasasabi nila, tsss...
"Ano? Laban n-"
Hindi naituloy ni Violet ang sasabihin nang bigla siyang sinipa ni Verlin sa kaliwang pisnge.
"Wooooohhhhh!!!!" Nagingay agad ang buong crowd nang matumba si Violet habang mukang tangang nakanganga naman yung tatlo niyang kasama.
"The fuck!" Inis na sabi ni Black at nagsimulang sumugod ganon din yung dalawa niya pang kasama.
Ako ang target ni Black. She's throwing punches pero panay ilag lang naman ako dahilan para mas magalit pa siya. She also attempted to gave me high kicks direct to the face pero kung hindi naman ako palaging umiilag ay sinasalag ko ang mga sipa maging suntok niya.
"Tangina! Wag kang puro iwas! Lumaban ka!" Malakas niyang sabi as she released a full strength punch direct to my face.
I coldly and blankly stared at her while I am holding her fist. She attempted to punch me, pero na hawakan ko agad ang kamay niya bago pa ito diretsong tumama sa muka ko.
Gulat siyang tumingin sa akin, hindi inaasahan ang nangyari.
"10 seconds." I mumbled.
"What-" hindi niya na natapos ang sasabin when I gave her a punch in her stomach.
"Nine."
Umubo siya at hinawakan ang tiyan niya...
"Eight." Bulong ko at umatras naman siya agad ng kaunti mula sakin.
"Seven."
I punch her again directly to her right face. Kaya na tumba siya at napaubo ng dugo.
"Six."
Dahan dahan siyang tumayo habang hawak parin ang tiyan niya.
"Five."
Sumisigaw siyang sumugod sa akin pero umiwas lang ako.
"Four."
Panay ang suntok at sipa niya kahit na nahihirapan.
"Three."
Umatras ako ng kaunti sa kaniya habang siya at panay lapit.
"Two."
I jump backwards while I am looking at her eyes that are already full of anger....
"One."
When she's almost near me, I jump again at umikot sa ere, my right foot hit her in the head causing her to fall and laid down on the ground.
Zero....
Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa walang malay niyang katawan at nakikinig sa sigawan ng mga na nonood.
Napatingin ako sa gawi nina Akieyah at Verlin nang mapatumba din nila ang kanilang kalaban.
Walang gana akong tumalikod sa kanila at lumabas ng ring. Naramdaman ko naman na sumunod agad yung dalawa. Agad namang may dumating na medic at pinuntahan ang apat na walang mga malay.
Napatigil ako sa paglalakad pabalik sa taas nang may makita akong limang lalaking nakatingin sa amin na nasa may gilid ng daan sa gitna ng maraming tao.
Hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin at nagpatuloy na sa paalis. Nadinig ko pa na inannounce ng announcer ang nanalo dahilan para mas lalong magingay ang buong crowd.
Madaming bumati sa amin at nag attempt na e approach kami, pero dahil sa aurang bumabalot sa amin ngayon ay nag sipag urungan sila.
"Maligayang pagbabalik, Queen!" Napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng daan na nasa gitna rin ng mga bleachers nang biglang dumating sina Miiver at Hendrix kasama ang mga ally-gangs namin na hindi ko mabilang dahil sa dami.
Lahat sila ay nakayuko, at malakas na bumati sa akin dahilan para maagaw namin ang atensiyon ng lahat na abalang tingnan ang kalagayan ng Rainbow Gang.
Gossips, in short nag chismisan agad ang ibang gang na bago at hindi nakakakilala sa amin.
Nanatiling blanko lang naman ang muka ko as I started walking again. Dumaan ako sa gitna nila habang nakasunod sa akin sina Akieyah, Verlin, Miiver at Hendrix. Hanggang makarating kami sa labas ng arena.
Ang daming nangyari today, and I guess this won't be the longest day of the year.
***