Chapter 21: Day 1
QUEREN's POV
A-Aray
Ouch
Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman na sobrang sakit nito.
Aray koo
Ano ba ang nangyari, bakit sumasakit nang ganito ang ulo ko?
Ouch
Iminulat ko ang mata ko at pinagmasdan ang paligid ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko'ng pamilyar ito, ang kwarto ko.
Muli ko'ng inalala ang nangyari kagabi dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito kasakit ang ulo ko.
D*mn
Wala ako'ng maalala.
Uminom ba ako?
Nauntog ba ako bago makatulog?
Bumagsak na naman ba ako sa sahig tulad nang dati?
Amp
Wala talaga ako'ng maalala.
"Queren anak, bumangon ka na diyan, handa na ang almusal" tila nanigas ako sa kinahihigaan ko nang marinig ang ilang katok at ang boses nito sa labas ng k'warto ko.
M-mommy?
Bakit andito si mommy?
Muli ko'ng inilibot ang paningin sa kinaroroonan.
Andito ako sa kwarto ko, sa bahay ni daddy.
Baka naman guni-guni ko lang 'yon? Si manang lang talaga iyon.
"Queren, gising ka na ba?" muling katok nito.
What the hell?
Bumukas ang pinto at mas lalo ako'ng nanigas nang makita ang mukha nito.
Oh God.
"M-mom" hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" natatawa'ng aniya.
"W-what are you doing h-here?" automatic na napaatras ako palayo sa kan'ya nang lumapit siya sa kama ko.
Nangunot ang noo n'yo pero kalaunan ay natawa na lang.
"Silly sweety, ano na naman ba ang napanaginipan mo at nagkakaganyan ka?" umupo siya sa may headboard ng kama na lalo'ng nagpaatras sa akin.
"I-I just can't b-believe you're here" namumutla pa ring sabi ko.
"Why, aren't you expecting to see me today?" nagugulahan nang tanong niya.
"Or is it about what happened last time?" muling tanong niya. Sumampa siya sa kama ko, lumapit siya sa akin at ni-pat ang buhok ko.
"I'm sorry about what happened sweety, me and your father just had a misunderstanding about business" ako naman ang naguluhan ngayon.
A-ano'ng sinasabi niya?
Lumapit s'ya sa akin at niyakap ako. Lalo naman ako'ng nanigas at hindi alam kung ano'ng iisipin o gawin.
S-si mommy ba talaga i-ito?
"I'm sorry if I shouted at ypu. I am just frustrated that time" muling hingi niya ng paumanhin.
A-ano?
Kusa ako'ng kumalas sa yakap niya.
This isn't mom.
Mom never hugged me.
Mom never mention the word 'sorry' on me.
Never on on my entire existence.
Bumaba ako sa kama at tumayo kahit nanginginig ang mga binti.
Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya na lalo'ng nagpagulo sa akin.
Kahit kailan hindi ginawa ni mommy sa akin ang lahat ng ginagawa ng babaeng ito na nasa harap ko ngayon.
Bumaba na rin siya sa kama at tumayo sa harap ko.
"Ahm, pasensya na kung naistorbo ko ang pagtulog mo. Nakahanda na ang almusal, bumaba ka na lang kung gusto mo sumabay." sabi niya nang hindi makatingin sa akin.
Naglakad na siya palabas nang hindi ako sumagot.
Nilingon ko s'ya.
Nakita ko na tumingin pa siya sa akin bago isara ang pinto.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang yapak niya palayo sa k'warto ko.
Napaupo naman ako sa gilid ng kama dala ng panghihina.
God..
Oo gusto ko na maging gano'n ang pakikitungo ni mommy.
Pero hindi ko pala kaya..
Kinikilabutan ako...
It sent shivers to my spine, d*mn.
Or hindi lang talaga ako sanay?
Hays, my ghad!
Napahilamos ako sa mukha ko..
Dali-dali ako'ng pumasok sa banyo para maligo.
Nananaginip pa ata ako ah, tsk tsk.
Pagkaligo ko ay nag-ayos na lang ako.
Naglagay ng lotion, nagsuklay at ilang skin care
Nang matapos ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa dining area.
Mula doon ay nakita ko na kumakain si mommy, si daddy at si kuya.
And worst is..
Nagtatawanan sila!
Ghad!
Nasaan ba ako?!
Muli ko'ng inilibot ang tingin sa kabuuan ng kinaroroonan ko.
Baka sakaling nasa iba'ng bahay ako?
Baka uminom ako sa kung saan kagabi at may kung sino ang nag-uwi sa akin sa bahay nila.
Pero kamukha nila ang pamilya ko e.
Amp!
"Oh, Queren ikaw pala. Akala ko mamaya ka pa bababa. Halika na dito at kumain na" si manang ang unang nakapansin sa akin.
Nang marinig iyon ay lumingon sa direks'yon ko ang tatlo.
Ang lalaki ng mga ngiti nila..
Mga ngiti na kahit kailan ay hindi ko nakikita kapag magkakasama sila.
Tila kinilabutan na naman ako sa nakita.
Napahawak ako sa kung saan nang maramdama'ng tutumba ako.
Ang maging sweet si mommy sa kahit sino lalo na sa akin ay napaka-imposible na.
Heto pa kaya'ng makitawa siya kina daddy at kuya na laging kaaway niya?
I can't believe..
I imagined these to happen but d*mn..
I just can't believe this is happening.
Lumapit ako sa kanila, humalik ako sa piangi ni daddy at kuya at binati sila.
Napatingin naman sila kay mommy sabay balik tingin sa akin.
"Queren are you still upset on your mom because on what she did to you last time?" tanong ni dad na nakapagpanganga sa akin.
Hindi ba't mas galit nga sila sa ginawa sa akin ni mommy kaysa sa akin?
Tumingin ako kay daddy at kuya. Naghihintay sila ng sagot ko.
"Hindi ba't mas upset kayo ni kuya that time dad?" naguguluha'ng sabi ko.
"Mainit lang talaga ang ulo ko nang mga oras na 'yon anak. Pagpasensyahan mo na kami" sabi nito.
"Okay na kami ngayon. I hope na sana kayo rin, alam ko ma dinadamdam mo pa rin 'yon hanggang ngayon dahil first time mo mapagtaasan ng boses" dagdag pa niya.
Huh?
First time?
"Ano ba'ng sinasabi mo daddy?" e halos araw-araw nga niya ako'ng sinisigawan. Amp
"It's about the argument last day baby, ano ba'ng nangyayari sa'yo. Bakit parang wala ka sa sarili mo?" nag-aalala'ng tanong nito.
Hinipo naman ni kuya ang noo at leeg ko.
"Kuya, I'm fine, okay?" naiinis na sabi ko.
"Ano nga ba kase ang nangyayare sa'yo? Hindi ba okay ang tulog mo? Ang gising mo?" sunod-sunod na tanong nito.
Naihilamos ko na namanang kamay sa mukha dahil sa sobrang frustrate ko.
"Maybe she just need some rest, hayaan na lang muna natin siya" si mommy.
Nakatingin lang siya sa akin, nang mapansin na nakatingin ako sa kan'ya ay alinlangan siyang ngumiti.
"Let's eat" sabi niya at nagsimula nang kumain.
Kumain kami nang tahimik.
Matapos kumain ay dumiretso na agad aki sa taas at pumasok sa k'warto ko.
Gulo'ng gulo na ako.
Pilit ko'ng inalala ang nangyari bago ako matulog.
Sumasakit na ang ulo ko ngunit sad'yang wala talaga ako'ng maalala.
Ano ba 'yan!
Tumayo ako sa higaan at nagbihis.
Aalis muna ako, baka sakaling ma-freshen ang utak ko at maalala na ang kung ano naman bang nangyayari at bigla'ng nag-iba ang ihip ng hangin.
Bumaba ako matapos mag ayos.
I am wearing summer green floral dress with white sneakers and a white mini leather sling bag.
My floral dress has a slit on the left side from above the knee up to the bottom.
Wala ako'ng nadatnan sa baba. Si manang ay nagluluto ng pagkain para mamaya'ng tanghalian.
Nagpaalam ako sa kan'ya na aalis na muna.
"Mamamasyal lang po, may movie kase na ipapalabas sa sinehan manang, favorite movie ko po iyon kaya papanoorin ko" palusot ko pa
"Nakapag paalam ka na ba sa daddy mo?"
"Hindi po"
"Sa kuya mo?"
"Hindi rin po"
"E sa mommy mo?"
Napatingin ako sa kan'ya. Pati ba naman siya?
"Queren hija, ito ang gusto mo diba?"
"Opo manang, naguguluhan lang po talaga ako. Kinikilabutan nga po ako sa tuwing nakikita na tumatawa siya e" sabi ko na animo'y nanginginig pa
Natawa siya.
"Hindi ba't ito ang pangarap mo?" nakangiting aniya.
"Ngayo'ng natupad na ang pangarap mo, itatakwil mo na lang ba ito?" nahihiwagaan ako sa mga salita na lumalabas sa bibig ni manang.
Parang may iba pa'ng ibig sabihin ang mga sinasabi niya.
"Manang naninibago lang po ako, ang bilis kase, hindi ako sanay na ganito siya, sila" sagot ko naman.
Tumalikod siya sa akin at hinalo ang niluluto niya.
"Sige na po manang, aalis na po ako" paalam ko sa kan'ya.
"Sige, mag-iingat ka" sabi n'ya na lang.
Tumalikod na ako para magsimulang maglakad palabas ng bahay nang muli siya'ng magsalita.
"Ngayo'ng nandito ka na sa buhay na pinapangarap mo, gugustuhin mo pa ba'ng manatili o hihilingin mo na lang na ibalik sa dati ang lahat?" tanong niya.
Nilingon ko siya ngunit doon pa rin siya nakatingin sa niluluto niya.
Baka guni-guni ko lang 'yon?
Binalewala ko na lamang iyon at umalis na.
Nang makarating sa waiting shed ay saka ko inisip kung saan ako pupunta.
Nakita ko ang café na malapit sa village namin, doon na lang ako pupunta.
Naglakad ako papalapit doon.
Sa gitna ng paglalakad ay may nabangga ako'ng lalaki.
Nabitawan nito ang phone na hawak.
"Oh my god, I'm sorry" hingi ko nang paumanhin at saka dali-dali'ng pinulot ang phone nito.
Nakita ko sa screen na may kausap ito.
'Dad' basa ko sa call ID.
["Hello, Kian? What happened?"]
Dali-dali ko'ng ibinigay sa lalaki ang cellphone nang marinig ang nasa kabilang linya.
Muli ako'ng humingi ng paumanhin at saka nagmadali'ng maglakad papunta sa café.
Nang makapasok at makahanap ng table ay tumawag na ako ng waiter.
"1 box of pizza, 1 chocolate ice cream in a cone, 1 shawarma and 1 order of milktea, red velvet, pakiramihan ng pearl, thank you" order ko nang makalapit ang waiter.
Kinuha ko ang phone sa bag at iyon ang pinagka-abalahan habang hinihintay ang order.
"Here's your order ma'am. Call me when you need anything" iyon lamang at umalis na siya.
Binuksan ko ang pizza at saka nilantakan ang ice cream.
Hmm, ang sarap.
Tila para ako'ng bata na sabik na sabik sa sariling cravings.
Ilang buwan na ba ako'ng hindi kumakain ng ganito.
Uhmm
"Hi miss, p'wede ba makiupo? Puno na kase e, kung p'wede lang naman" napatingin ako sa isang babae na nakatayo sa harap ko.
Nahihiya ko namang inubos ang nginunguya ko'ng pizza at saka kumuha ng tissue para punasan ang bibig ko.
"Sure miss" sabi ko matapos magpunas.
"Thank you!" sabi niya nang makaupo.
"Don't worry mag-isa lang naman ako. Ikaw ba, may hinihintay ka ba?" tanong niya habang naghahanap ng matatawag na waiter.
"Wala naman, I'm just here ahm, para mag food trip?" nahihiya'ng ani ko.
"Oh, haha same vibes. Masarap kase ang servings nila dito, lalo na ang kanilang cakes and cupcakes, home made kase" sabi niya. Sinenyasan niya ang nakita'ng waiter na lumapit dito.
"Kuya 1 pc of strawberry, cookies and cream, and chocolate cake. 1 box of hawaian, 2 order of fries, 1 cheese and 1 sour & cream, 2 orxer of chesse burger and then 2 order of cookies and cream flavored shake" order niya dito.
Wao, kan'ya lang lahat 'yon?
"Noted ma'am, please wait for a couole of minutes"
"Sure" 'yun lamang at umalis na ang waiter.
Muli siyang tumingin sa akin.
"Btw, I am Dahlia" sabi niya sabay abot ng kamay sa akin.
"Queren" sabi ko naman nang tanggapin ang kamay niya.
"Nice to meet you Queren"
"Nice to meet you" sabi ko sabay kain sa ice cream na hawak.
"Go on, hahha 'wag ka'ng mahiya sa akin. For sure matatawa ka kapag ako ang nakita mo'ng kumain" natatawa'ng sabi niya.
Natawa naman ako.
Tumango ako at saka muling kumuha ng isang slice ng pizza.
"Gusto mo?" alok ko sa kan'ya.
"No, parating na rin ang order ko" sabi niya habang kumakaway pa ang nga kamay.
Ang cute niya, haha
Maya-maya pa ay dumating na rin ang order niya.
Ang dami haha
Buti na lang at malapad ang table na inookuoahan namin.
Tama siya, nakakatawa nga siya kumain.
Daig pa niya ang nagmumukbang dahil sa sunod-sunod na subo niya.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.
Napatingin ako sa kan'ya nang marinig ang dighay niya.
Natawa kami pareho.
Napansin ko na tumigil siya sa pagsubo at pinagmamasdan ako habang ngumunguya.
"Hmm?" tanong ko.
Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko, baka sakaling may dumi ito.
Nagsalita siya nang maubos ang nasa bibig.
"So, Queren. Are you enjoying your life in this dimension or you wanna go back in your present life?" napanganga ako.
Huh?
"W-what d-do you m-mean?" napapanganga'ng tanong ko.
Tumawa siya "Forget it" sabi niya at saka nagpatuloy sa pagkain.
Anong sinasabi niya?
Dimension?
Present life?
Naguguluhan ako'ng nagsimula sa pagkain hanggang sa maubos ang inorder ko.
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





