Chapter 10: ; WHO

Heto ako ngayon, lutang ang isip habang naglalakad sa kawalan.

Hindi alam kung ano'ng lugar ang pupuntahan, walang pakealam kung saan ang kahahantungan, dahil isip ko'y samu't-sari ang laman..

Arrange married with Mr. Chan or Mr. and Mrs. Parker's first child... (hindi nmman matuloy ang isa, may naka-reserved namang isa pa)

Mom was raped.. (that hurts)

I was a raped Child.. (I was shocked)

My father is tita Faith's ex-boyfriend.. (What's his identity?)

He's in jail.. (Until now?)

Daddy Nico is not my biological father.. (In my entire life.. I thought he was.. That answers my questions.)

Daddy Nico is tita's supposed to be husband.. (Horrible)

Daddy and Tita has a son.. (Who's that supposed to be?)

Is that Kuya Acsel? (Then why are they not together?)

Mommy ruined tita's life.. (She's being unfair..)

Mom steal tita Faith's man, my biological and foster dad.. (Why is that?)

What the hell just happened this day?

Napatingala ako sa madilim na langit, I saw the dark space with glimmering stars.

The half moon, so beautiful in one's naked eye.

I remember my classmate wrote a poem for me way back junior high school..

Nang una kita'ng masilayan Taglay ang iyong katahimikan nakakaantig ang kalooban, nakakaantig ang pangangat'wiran, Lumaan ang oras at laging nakikita, dumaan ang buwan hanggang sa tayo'y itinakda, Itinakda na maging mag-kaibigan kahit sa una'y mayroong hindi pagkakaintindihan. Hanggang sa nasanay ako'ng kausap ka hanggang aking namalayan.. Na.. Na...

"Na?" tanong ko sa sarili dahil sa sulat lang ito sinabi.

Mataray kung titingnan ang sarili sa salamin. Pero mahinhin kung iyong iisipin, mata mo'ng hindi gaano'ng kagandahan pero meron ka'ng busilak na kalooban. Kakaiba kung magpugay. Sa kadahilanang bilanggo sa sariling bahay. Na nakukuha ang saya. Sa paglaan ng oras sa kapamilya. At kaibigang sa esk'welahan nakita

KATULAD KA NG KAKAIBANG TALA  SA  KALANGITAN NA NAG BIBIGAY NG KAKAUNTING  LIWANAG AY SYA RING DAHILAN PARA MAS LUMIWANAG ANG NAKARARAMI SA PALIGID NITO. Sa madling salita .. WALA KANG MASYADONG MAIPAGMAMALAKI SA IBA PERO IKAW NAMAN ANG NAGIGING DAHILAN PARA MAIPAGMALAKI ANG IBA.

Pumatak ang luha ko, nakakatuwa na hanggang ngayon ay naalala ko pa rin s'ya at ang obra niya.

Sana nandito rin s'ya para pagaanin ang loob ko.

All this time I thought daddy Nico is my biological father and kuya Acsel is my step brother. Who is tita Faith's ex-boyfriend and happened to be my father?

Ang dami na nama'ng katanungan sa isip ko, papaano ba masasagot at mauubos ang lahat ng ito.

Daddy Nico I need you, kuya, I badly need you right now.

Naglakad ako nang naglakad, pre-occupied ang utak ko. Hindi ko alam kung nasaan na ako, hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa paligid ko.

Naririnig ko ang ingay ng mga tao, ang busina ng mga sasakyan sa kinaroroonan ko. Pero wala ako'ng pakealam, wala ako'ng kahit ano'ng nararamdaman!

Ayoko na! Tama na! at tumulo na naman ang luha ko.

Nang mapagod sa paglalakad ay pumasok muna ako sa isa'ng restaurant na nakita ko.

Tumingin ako sa itaas para malaman ang pangalan nito.

'Fiona's Garden View' Sa baba ay ang chinese term nito.

Pumasok ako sa loob para mas lalo'ng makita ang kabuuan nito..

Garden Themed

Pagkabukas pa lamang ng pinto ay amoy ko na ang halimuyak ng mga bulaklak na nakasabit sa kisame, hindi masakit sa ilong ang amoy nito.

May iba't iba'ng bulaklak sa bawat sulok at mapapansin din na isa'ng klase ng bulaklak lamang ang nasa gitna ng mga table dito.

Umupo ako sa isang sulok kung nasaan ang isang kakaibang bulaklak na gusto'ng-gusto ko..

The sensitive brier.. It's common name is mimosa.

Natawa ako, ang ganda ganda ng name n'ya pero makahiya lang ang tawag sa kan'ya dito sa pilipinas haha.

Sensitive briar or mimosa is the flower of makahiya leaves.  Ang ganda nila'ng tingnan, it has differents colors, may light pink, may dark pink, may violet, may blue and ang karaniwang nakikita sa daan ay white.

Dark pink naman ang kulay ng nasa harap ko.

Iniwas ko ang tingin sa bulaklak at saka naghanap ng waiter, sinenyasan ko ito at agad naman ito'ng lumapit.

I ordered pork steak, pork chop, grilled bbq, two serve of rice, 1piece of cookies and cream flavored cake and a glass of iced tea and water.

Muli ako'ng napatingin sa bulaklak na nasa harapan ko nang maalala ang dahilan kung bakit ako nandito.

'Sana katulad mo na lang ako' pipi'ng sambit ko sa bulaklak.

Kung saan-saan tumutubo pero na-a-appriciate ng nakakarami.

'Sana naging ako na lang ikaw at ang babaeng nakatitig sa'yo ngayo'ng oras na ito ay ang mommy ko.'

Para naman maramdaman ko ang nararamdaman mo nang ma-appreciate niya ang ganda mo.

Ang dami, ang dami dami'ng katanungan sa isip ko.

Sino?

Sino ang makakasagot ng lahat ng ito?

Gulo'ng gulo na ako, paano ko hahanapin ang sagot sa mga katanunga'ng ito.

"Here's your order ma'am" pukaw ng waiter sa pagkaka tulala ko.

Inilagay n'ya sa mesa ang hawak na tray at doon inayos ang mga pagkain ko.

"That's all ma'am, just call me when you need anything"

'yun lamang at umalis na s'ya.

Nagsimula na lamang ako'ng kumain at pilit na iwinaksi ang mga nasa isip ko.

"Sorry I'm late, nagutom ka siguro kahihintay. My apologies, nagkaroon kase ng emergency."

Nagulat ako sa paglapit ng isang lalaki na medyo ka-edad lamang ni daddy.

Pinagmasdan ko s'ya.

Matangkad s'ya, may pagka-mestiso. Ang nga mata ay may pagka-hazel nut katulad ng sa akin. May matangos na ilong, mapupulang labi, hindi halata sa mukha ang katandaan dahil malinis ito at walang trace ng bigote at balbas sa mukha nito. Ang kanyang porma ay katulad lang din ng pormahan ni daddy.

Nakasuot s'ya ng kulay gray na polo, ang sleeves nito ay nakatupi hanggang sa may siko. Ang necktie n'ya ay nagulo dahil sa pagpupunas niya ng nabasang katawan.

Tumingin ako sa labas, umuulan. Tiningnan ko ang sarili at tiningnan kung nabasa ba ako ng ulan, hindi naman.

Naka itim na slacks sya with black shoes. Ang coat na hawak ay ipinatong niya sa back rest ng upuan.

Umupo s'ya sa upuan na nasa harap ko.

Sino s'ya? Ano'ng kailangan niya sa akin?