Chapter 4

CHAPTER FOUR – KANTA

“MAGANDA BA?” tanong ni Melody sa kaibigan niyang si Zandra tungkol sa kantang sinusulat nyang sa ‘yo lamang ang pamagat nito.

Ito ang isa sa mga plano niyang ibigay kay Elijah. Binasa naman ito ng malakas ni Zandra, wala pa siyang tunog dito dahil kanina niya lang naisip ito habang nasa sasakyan sila papunta sa Villa.

Refrain

Matagal na kitang pinagmamasdan, mula sa malayo sa ‘

Iyo ay nakatingin.

Araw-araw nagmamasid, naghihintay makita ka lang kahit saglit.

Hindi naman ako nangangamba na baka balewala sa ‘yo ang pag-ibig ko sinta.

Sa iyo lamang iaalay, sa ‘yo lamang ibibigay.

Sa iyo lamang magmamahal, ikaw lamang ang iibigin.

“Ano pa ba sa tingin mo, Ody? Hindi lang siya maganda kung hindi napakaganda!” natatawa nitong sambit sa kaniya. Napangiti si Melody.

Sapat na sa kaniya ang sinabi ni Zandra para hindi niya ibigay kay Elijah ‘yon. Wala nang mas karapat-dapat sa mga komposisyon nya kung hindi si Elijah lang.

“Wala ka pa ring kupas, Ody. Ang swerte ni Elijah at free mo lang itong ibibigay sa kaniya, sigurado akong kapag sa iba ‘yan malaking pera na iyan,” dugtong pa sa kaniya.

Tama si Zandra, pero hindi niya kailanman naiisip ‘yon. Ang gusto niya lang si Elijah. Kaya lang naman siya nakakapagsulat dahil dito, ito ang inspirasyon nya.

“Maiwan muna kita, Ody. Pupuntahan ko lang si Zander para makapaghanda sa night swimming natin.”

“Go ahead. Dito lang ako, tatapusin ko lang ‘to.”

“You did a great job, Melody. Huwag kang mag-iisip na pangit ang gawa mo, you’re a real gem in music industry. I trust you.”

Sinundan ng tingin ni Melody si Zandra, malaking bagay sa kaniya ang tiwala nito. Hindi lang siya basta binobola nito, alam niyang nagsasabi ito ng totoo.

Muli niyang kinuha ang gitara niya at nagsimulang maglapat ng tunog sa ginagawa niyang kanta para kay Elijah.

‘Ako na siguro ang pinakamasayang tao kapag tinanggap mo ‘to, Elijah. Sana lang tanggapin mo. Pero hindi ako susuko kung sakali hindi mo magustuhan, hindi ako mapapagod na gawan ka kahit gaano pa karami hanggang sa magustuhan mo na,’ aniya ni Melody.

Matindi ang kagustuhan niyang tanggapin ‘to ng lalaki, kaya nga heto at nandito siya sa Isla kung saan ito naroon kahit hindi niya alam kung magkikita ba sila sa ilang araw na pagbabakasyon nila rito.

Sa ‘yo lamang ibibigay, sa iyo lamang iaalay.

Ngiti ko ay para sa ‘yo, bawat sandali’y ikaw lang ang hangad.

Umaasang magkikita, hindi mapapagod na dumating.

Mamahalin mo rin... ako, iibigin din katulad ng damdamin ko.

Hindi ako susuko, sa ‘yo lamang tataya. Ikaw lamang.

Napangiti si Melody nang sa twina buo niyang hinimig ang kantang ginawa niya.

Nasiyahan ang puso niya, dahil tulad ng sinabi ni Zandra magugustuhan ito ni Elijah.

‘Sa iyo lamang, Elijah. Ikaw lamang ang mamahalin ko. Pangako.’

Tinabi niya ang gitara niya’t muling lumabas sa terasa ng silid niya.

‘Sa iyo lamang maghihintay, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang iaalay...’ paghimig niya sa tuwina habang malayang pinaglakbay ang mga mata sa buong maliwanag na paligid na naabot ng tanaw niya.

~

MULA sa kung saan nakatayo si Elijah, kitang-kita niya ang dalagang si Melody Enriquez.

Nasa harap lang ito ng sarili niyang silid sa resort kung saan niya sinadyang d’on ito dalhin.

Gusto nyang natatanaw lang ang pansamantalang tinitirhan nito.

“Swerte mo lang at Enriquez ka, Melody!” aniya sa sarili.

Sa gandang taglay ng dalaga hindi nakaligtas ang atraksyon na naramdaman niya para dito.

Sinuot niya ang sumbrerong itim at lumabas sa silid niya. Hindi niya kailangang magtagal d’on marami pa siyang kailangang gawin lalo na sa basement kung saan nanunuluyan ang grupo ni Melody.

Nandon ang totoo niyang mundo tungkol sa kaniyang trabaho.

Hindi niya pweding balewalain ang lahat dahil lang sa isang Enriquez na nasa teritoryo niya.

Maswerte pa rin ito at hindi niya pinag-iisapang galawin ang dalaga kahit anak ito ni Don Hugo.

May mga kailangan pa siyang patunayan at kahit na sabihin sa kaniya ng tiyuhin niyang ang ama nito ang may kagagawan ng lahat hindi pa rin sapat ‘yon para paghigantihan ito.

Aalamin niya ang lahat, may tama siyang proseso at iyon ang tinuro sa kaniya ng mommy niya.

Kahit gaano pa kalaki ang pagkakataon at kapangyarihan nila, hindi pweding ilagay sa kamay ang batas niya sa walang sapat na pruweba.

Palalampasin niya ngayon ang isang Enriquez na tulad ni Melody, pero kapag dumating na ang lahat ng mga kailangan niya sa lahat ng kasagutan na mayroon siya tungkol sa pagkamatay ng kaniyang pamilya siya mismo ang sisingil sa dalagang anak ni Hugo Enriquez.

Iyon ang pangako ni Nikolai sa sarili.

Natigilan sa pagmumuni-muni si Melody sa labas ng Terasa ng silid niya nang makaramdam siya ng kakaibang panlalamig.

Maganda naman ang panahon pero tila manuot ang lamig sa kaniyang kalamnan.

Binaba niya ang tingin sa katapat na mga munting villa sa itaas ng palapag kung nasaan siya ngayon.

May isang lalaking nahagip ng tingin niya, hindi niya nakita ang mukha nito dahil sa sumbrerong itim na suot nito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok sa entrance ng villa kung saan sila pumasok kanina kasama ang mga kaibigan niya.

Napakibit-balikat na lamang siyang pumasok sa loob. Kung ano-ano na lamang ang iniisip niya. Dahil na rin siguro ‘to kay Elijah. Ang mabuti pa pupuntahan niya na lamang ang mga kaibigan niya sa sariling mga silid nito at may balak nga silang mag-swimming ngayong gabi.

Handa na siyang isuot ang two piece niyang kulay itim na patago niyang binili mula sa Papa Hugo niya. Hindi nito magugustuhan kapag nalaman nitong mayroon siya nito sa gamit niya. Kaya nga noong nag-eempake siya, sadya niya itong binigay muna kay Zandra para ito ang magdala sa gamit nito.

‘This is for you, Elijah. I’m irresistible at kapag makita mo akong nakaganito alam kong hindi mo ako matatanggihan kahit na ano pa ang gawin mo, Elijah.’ Bulong sa hangin ni Melody, sumilay sa labi niya ang nakahandang pampaakit na ngiti para sa binatang sadya niya.

MAAGANG nagising si Melody, hindi natuloy ang plano nilang lakad kami na mag-swimming. Bigla na lamang kasi ang pagsama ng panahon at umulan ng malakas na hindi nila inaasahan.

Kaya heto at umaga siyang nagising sa kaniyang silid, iniisip niya kung gising na rin ba si Zandra at Zander, tingin niya hindi pa.

Kagabi kasi nang matulog na siya nag-iingay pa ang dalawa at panay pa ang tiktok. Kapwa bloggers ang mga kaibigan niyang ‘to, ang source of income nila, kaya nga kahit hindi man siya bigyan ng pera ng parents nya nagagawa niya pa rin sumama dahil mapera naman ang kambal at madalas libre naman siya ni Zandra.

Kahit anak siya ni Don Hugo Enriquez, galante pa rin ang mga kaibigan nya sa kanya at pinagpapasalamat niya naman ng sobra iyon.

Nagpasyang bumangon si Melody, para puntahan ang mga ito.

Kahit naman papano may alam siya sa paghahanda ng pagkain nila, lalo na sa agahan. Pwedi niyang pagsilbihan ang mga ito kung nagpapahinga pa, hindi rin naman kasi biro ang trabahong hilig ng dalawa. Sa editing pa lang ng video, patay na ang oras mo’t ubos na ang energy.

Pasipol-sipol pa si Melody habang nagpriprito ng itlog at ham para sa kanilang tatlong magkakaibigan. Matutuwa ang mga ‘to kapag nalaman nilang nag-abala siyang maghanda para sa kanila.

Mabilis lang naman ang gagawin niya at halos ang lahat ng ‘yon makikita naman sa kusina nila sa villa na ‘yon.

Ang bilin sa kaniya ni Zandra bago sila nagpahinga itutuloy nila ang naudlot na lakad nagdaang gabi. Fortunately, their plan didn’t work out, they had a chance to take rest. Hindi naman nadismaya ang dalawa.

Melody looked at her cellphone, to check if her family had a message. She just noticed that there was no signal. Tsaka niya naalala, ang bilin sa kanila ng van driver na sumundo sa kanila sa airport wala anga palang signal ang lugar na ‘to kung mayroon man sa piling bahagi lang.

Magpapasama na lang siya mamaya sa dalawa para maghanap kung saan ba pweding makalanghap para ma-i-text ang pamilya niya. She didn’t want them to worry about her, kung magkataon her daddy will be decide to follow her lang. Ayaw niyang mangyari ‘yon. Masisira lang ang bakasyon na matagal niya nang inaasam-asam sa sarili.

For her it’s her freedom. Ngayon lang siya naging malaya at hindi niya ipagpapalit ang kalayaan na iyon.

“Goodmorning, Oddy. Ang aga mo yata,” ani sa kaniya ni Zandra.

Hinalikan siya nito sa pisngi, halos tapos na rin siya sa ginagawa niya nang lumabas ito.

“Goodmorning, Zan. Where is Zander? Tulog pa ba siya?”

“Tulog pa. Inumaga na kagabi ‘yon sa pag-edit ng content namin. Kamusta tulog mo?”

“Okay naman ako. Medyo namahay lang, pero dahil sa puyat nakatulog din naman agad.”

Binigyan nya ng sariling pinggan at baso si Zandra. It’s a big previledge for her na mapagsilbihan ang mga ‘to. Minsan lang naman siya magsilbi sa mga taong nasa paligid niya at isa na si Zandra at si Zander sa mga taong ‘to.

Malaki kasi ang nagiging papel ng mga ito sa buhay niya, lalo na ang dalaga na naging dahilan kung bakit siya napayagang magbakasyon na hindi man lang siya nahirapan magpaalam. Unfortunately, na-mi-miss niya na rin naman ang kapatid niyang si Sonata. Nasa naman nasa maayos lang ito d’on sa bahay nila.

Marami na siyang i-kwe-kwento dito, kahit bata pa si Sonata alam niyang pinapakinggan siya nito ng mabuti kahit na hindi man iyon makakapagbigay sa kaniya ng mga advices.

“KAMUSTA ang mga bisita?” ito ang tanong ni Elijah sa kanang kamay niyang si Fernan. Nasa baba lang siya ng villa kung saan naroon ang mga bisita niya kasama si Melody. Plano niyang magpakita ngayon sa dalaga. Matutuwa ito kapag ginawa niya ‘yon sigurado siya.

Melody known her as Elijah, pinangako nya rin sa sariling kahit kailan hindi nito malalaman ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. Paniningil lang ang intensyon niya sa nag-iisang dalaga ng mga Enriquez at hindi siya mahihirapan kapag ginawa niya na ang bagay na ‘yon. Kilala niya ang katulad nito, kaunting pa-cute lang bibigay agad ito. Lalo pa’t nalaman niya mula mismo sa mapagkakatiwalaang source ng pamilya nito na matagal na siyang hinahangaan ni Melody.

Surprisingly, at nangyari ‘yon mas lalo lang siyang hindi mahihirapan kapag ganoon. Mapapadali ang intensyon nya sa buhay ng mga ito ipaparamdam niya kay Don Hugo kung paano mawalan ng mga taong mahal sa buhay. Ito lang ang sadya niya, si Melody lang at wala ng iba pa.

Mahal ni Hugo ang anak nito, kapag ito ang nawala katulad na lamang ng mga magulang niya mas doble ang sakit na mararamdaman nito.

“Pababa na ang mga guest.”

Napalingon si Nikolai sa may bukana ng lounge area ng villa. Mas napaaga yata kaysa sa inaasahan niya ang pagdating ng mga bisitang kanina niya pa hinihintay.

Inayos nya ang itim na sumbrero nya ganoon din ang itim na salamin na suot niya. Pinaghandaan niya ang araw na ‘to hindi pwedi mabalewala.

“Ang lawak pala talaga ng Villa,” manghang bulalas ng isa sa mga kaibigan ni Melody. Nakilala ko na ito mula sa portfolio ni Melody Enriquez.

Muling binalik ni Nikolai ang tingin kay Fernan. Hindi dapat mahalata ng dalagang interesado siya sa babae, masisira lang ang lahat ng plano niya kapag nagkataon. Kahit pa sabihing hindi naman siya interesado rito. Gaya nga ng sinabi niya sa sarili niya, paghihiganti lang ang habol niya kay Melody.

“Nasaan sila?” Narinig niyang tanong sa likuran niya, hindi niya alam kung boses pa ito ni Melody o ng kaibigan nitong babaeng kasama niya.

“They are here!”

Tumayo si Nikolai nang sabihin ito ng isa sa mga katiwala niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa gawi ng mga bisita.

“I’m glad you to meet Mr. Elijah Perez.” Pagpapakilala ng katiwala nila sa mga ito.

Nilahad ni Nikolai ang kamay niya sa harap ng kaibigan ni Melody, sinadya niya iyon dahil sa likod ng salamin niya kitang-kita niya kung paano siya tignan ng dalaga.

“Hi. I’m Zandra, this is my brother Zander and my friend Melody,” pagpapakilala naman nito sa dalawa.

Sa pagkakataong ‘yon, sa harap ni Melody niya ang palad niya kasabay ang pagtanggal ng salamin sa kaniyang mga mata.

“Glad to meet you, Ms. Melody Enriquez.”

“N-nice to meet you, Mr. Elijah Perez.”

Huli na ang naging pasya ni Nikolai para bawiin ang kamay niya sa harap ni Melody tinanggap na ito ng dalaga. Ang unang pagkakataong naglapat ang mga kamay nilang dalawa kasabay ang mga matang nakatitig sa isa’t isa.