Chapter 44: Forty Three
"Fairy ring, Wood. Tinatawag kita ngayon sa aking harapan. Lumabas ka!" sigaw ni Airy at bigla na lang siyang nagliwanag at matapos ay nawalan ng malay.
"Sand." sabi ni Wood kay Queen Fright. "Saan mo dinala ang holder mo?" tanong niya pa.
"Wood. Ganyan mo na ba batiin ang dati mong kasamahan?" sabi ni Queen Fright.
Walang pag-aalinlangang tumira si Wood.
"Rellik tohs!" sigaw niya.
Tinamaan si Queen Fright sa kanyang balikat pero imbis na masaktan siya ay tinanggal niya lang ang palaso na nakabaon sa kanya at tinawanan lang si Wood.
"Sa loob ng mahabang panahon. Hindi ka pa rin nagbabago. Mahina ka pa rin."
"Itigil mo na ito, Sand. Sumuko ka na." pakikisuyo ni Wood kay Queen Fright.
"Hindi ko maintindihan ang nangyayari." sabi ni Risk.
* * *
"Nasaan na sila?" tanong ni Airy sa kanyang sarili.
Mag-isa lang siya sa kwarto ni Queen Fright at ang tanging nakita niya lang ay ang hourglass nito na parang hindi nauubusan ng buhangin.
"Airy." tawag nang isang boses sa kanya.
"Sino ka? Magpakita ka."
"Ako ito. Si Fright. Hindi ko kayang magpakita sa'yo."
"Pero bakit?"
"Dahil ikinulong ako ni Sand."
"Saan?"
"Hindi ko rin alam. Pero kaya natin matalo ang kaharap n'yo ngayon."
"Paano?"
"Ang lakas nila ang kahinaan nila. Lagi nilang tinatago ang kahinaan nila kaya hindi sila matalo-talo. Kahinaan ni Sand ang hourglass niya. Pero mag-ingat ka Airy."
"Saan?"
"Kapag nasira ang weapon ng isang fairy ring ay may posibilidad na lahat ng fairy ring na nakakulong ay lalabas at magrerebelde."
"Huh? Paano ko sisirain ang weapon niya?"
"Kailangan mong magdesisyon, Airy. Pipiliin mo bang h'wag sirain ang si Sand para walang rebelyon na muling magaganap o iligtas ang buong Fairy Land sa naganap na maling kasunduan ng isang Fairy Ring at tao?"
"Mahirap na desisyon yan pero mas pipiliin kong iligtas ang Fairy Land. Hindi matatapos ang laban na ito kung hindi ko gagawin yun."
"Kung magsasama kayo ni Wood, magagawa n'yo ang hindi n'yo kayang gawin."
"Paano mo nakilala si Wood?"
"Naririnig ko kayo pero di ko kayo nakikita. Kailangan mo nang bumalik sa realidad. Kailangan ka nila."
*GASP*
"Airy!" sigaw ng lahat nang makita nilang magising si Airy.
Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya si Wood na sugatan na at putol na ang pakpak.
"Anong nangyari?" tanong ni Airy.
"Ayaw sumuko ni Wood. Pinoprotektahan niya kami mula sa mga atake ni Queen Fright." sabi ni Drown habang inaalalayan si Airy umupo.
"Mali kayo. Hindi si Fright yan. Ikinulong niya si Fright kung saan. Kailangan ko siyang mahanap."
"Pero paano?"
"Hindi ko rin alam pero kailangan ko si Wood." sabi ni Airy at tinawag niya si Wood. "Wood."
Nagulat si Wood at Sand sa nakita nila. Hindi sila makapaniwala na may malay si Airy dahil sa loob ng mahabang panahon, wala ninuman ang nagkaaroon ng malay kapag lumalabas ang mga fairy ring.
"Paano nangyari ito?" nanggagalaiting tanong ni Sand.
"Airy. Paano?" tanong din ni Wood.
"Wala na tayong oras. Nakapagdesisyon na ako. Tatanggapin mo ba ako?" tanong ni Airy kay Wood.
"Pero Airy. Tatanggapin mo ba ang lahat ng sakit na natanggap ko?"
"Tatanggapin ko." sabi ni Airy at tumayo na si Wood.
"Ekat revo."
Nagliwanag sila at nagsama ang magos nilang dalawa. Natanggap ni Airy lahat ng naging atake ni Queen Fright kay Wood.
"Airy. Siya si Sand. Kagaya natin nagsama rin sila ni Fright pero imbis na si Fright ang mamuno ay ikinulong siya ni Sand kung saan." sabi ni Wood kay Airy.
"Naiintindihan ko." sabi ni Airy.
Tumira si Airy gamit si Wood.
"Aerial Arrow!" sigaw ni Airy at pinakawalan niya ang isang palaso na may malakas na pwersa.
Tatamaan na sana si Sand ng ini-reverse ni Sand ang time. Muntikan na tumama sa ulo ni Airy ang palaso. Buti na lang mabilis siyang nakalipad.
"... Kahinaan ni Sand ang hourglass niya..." naisip ni Airy.
Muli siyang bumwelo pero sa pagkakataong ito sa hourglass na nakatutok ang palaso niya.
"Airy, anong ginagawa mo?" tanong ni Wood sa kanya.
"Wood. Ito ang desisyon ko. Kailangan ko nang itigil ito."
"Pero alam mo ba kung anong pwedeng mangyari?"
"Alam ko at tatanggapin ko yon. Nanghihingi sa'kin ng tulong si Fright at ayokong manalo si Sand."
"Kung ganon, sasamahan kita."
Papakawalan na sana ni Airy ang palaso niya nang manghina siya. Napaluhod siya sa sobrang panghihina kaya lumapit sa kanya ang mga kaibigan niya.
"Airy. Ayos ka lang ba?" tanong ni Pipe.
"Ayos lang ako."
"Airy. Kailangan mo ng magos. Kailangan natin ang magos nila."
Nagdalawang-isip pa si Airy pero sa huli ay kinausap niya ang lahat at nakiusap na ibigay sa kanya ang magos nila.
"Heh. Napakatagal n'yo naman. Nakakabagot." pagsingit ni Sand.
Hindi siya pinansin nila Airy at sinalinan siya ng mga magos. Lumabas ang iba't-ibang kulay nila kagaya ng dati. Muling lumakas si Airy at bumwelong muli.
"Akala mo ba matatamaan mo ako?" sabi ni Sand.
"Heh. Basta ba may tiwala ako sa sarili ko. Alam kong kaya ko gawin yon."
Nag-init ang ulo ni Sand kaya naman nauna siyang umatake. Agad nakita ni Airy kung saan papunta ang atake ni Sand dahil sa magos ni Risk kaya naiwasan niya ito. Tinira naman ni Sand ang kisame kaya nabagskan si Airy. Buti na lang ay ginamit niya ang magos ni Bloom na flexibility at lumabas sa tipak ng bato. Agad tumira ng madami si Sand at mabilis 'tong iniwasan ni Airy dahil sa magos ni Fade na speed. Matatamaan na dapat ang mga kaibigan niya ng mga babagsak na bato pero dahil sa magos ni Data ay nasangga ni Airy ito. Ginamit naman ni Airy ang magos ni Pipe at Drown. Ang invisibility at ang weapon changer at itinapon niya kay Sand ang isang malaki at invisible na spear. Tumama ito ka kaliwang braso ni Sand kaya naman natanggal ang kaliwa niyang braso. Pero di nagtagal ay nagkaroon ulit ng panibagong braso si Sand na gawa sa buhangin. Ginamit naman ni Airy ang skills ni Kill sa archery habang gamit naman niya ang sarili niyang magos na locator. Agad niyang hinanap si Fright. Mabilis na itinuro sa kanya ng magos niya ang natutulog na si Fright sa ilalim ng hourglass at saka siya umatake.
"Twin Arrow." sabi ni Airy. Sabay na pinakawalan ni Airy ang palaso niyang puno ng pressure at magos.
Ang isa ay tumama kay Sand at ang isa ay sa hourglass nito. Bumaon ang palaso sa hourglass pero di sapat para mailabas ang natutulog na si Fright.
"Hyyyyaaaaaaaaa!!!" sigaw ng lahat habang tumatakbo papunta sa hourglass.
"Anong ginagawa n'yo?" tanong ni Airy sa mga kaibigan niya.
"Airy. Hindi namin sasayangin ang pinaghirapan mo kaya tutulong kami." sabi ni Pipe at itinulak nila ang palaso na nakabaon sa hourglass.
Unti-unti itong nabiyak at ganon din si Sand. Napaluhod naman si Airy sa sobrang panghihina. Naiwan lang sa pwesto ng hourglass ang katawan ng natutulog na si Fright.
"Magkikita tayong muli Fairy Warrior. Hindi pa ito ang huli." sabi ni Sand bago siya tuluyang naglaho.
"Mama!" sigaw ni Kill at sinalo niya ang nanay niya mula sa pagkakalutang.
"Airy!" sigaw ng lahat.
"Airy. Muli tayong magkikita pero hindi bilang magkakampi kundi bilang magkaaway. Paalam sa'yo." sabi ni Wood sa kanya.
"Maraming salamat."
Lahat ng naging bestia ay bumalik sa sa normal. Lahat ng nakontrol ay natauhan na. Lahat ng nakakulong ay lumaya na. Nagbukas ang langit para bigyang liwanag ang paligid.
Nagising si Fright at nakita niya ang nangyari sa buong Fairy Land. Sinabi ni Kill sa kanya ang buong kaganapan.
"Kill. Anak. Kung ako nga ang may gawa nito. Hayaan mong pagbayaran ko ito."
Tumayo si Fright at bumwelo.
"Fright. Hindi mo na kailangang gawin yan." sabi ni Airy habang inaalalayan siyang tumayo ng lahat.
"Land Restore." sabi ni Fright at lahat ng nasira ay muling bumalik sa dati. Pero kapalit non ay ang buong buhay ni Fright.
"Ma. H'wag kang umalis."
"Kailangan ko nang umalis. Mamumuhay kayo ng masaya. Magkakaroon kayo ng simpleng buhay. Walang magos pero may kakayahang lumaban. Tanging faries na lang ang magdedesisyon sa kapalaran ng inyong magos. Paalam at maraming salamat." sabi ni Fright at tuluyan na siyang binawian ng buhay.