Chapter 9 Embarrassing Situation

Samantala nakita ng hari ang naganap na labanan ng dalawa habang na sa tuktok ito ng palasyo at tinitingnan sila sa ibaba.

"Mahusay siyang humawak ng espada," sambit ni Heneral Agustin.

Tumango-tango ako habang nakatingin kay Adira na sinusuri ang ibang armas. "Hindi ako nagkamali na siya ang kinuha ko. Umpisa pa lang ng kanilang pagsasanay, pero masasabi ko ng may matututunan na agad si Dylan sa kanya lalo pa't hindi ito nasisindak sa anumang sabihin ng prinsipe."

Mukhang napahanga ni Adira si Heneral Agustin."Pero nakapagtataka pa rin, hindi ko alam kung mayroon siyang ginagamit sa kanyang bansa na armas, pero nakakabilib ang ginawa niya kanina lalo na nung inangat niya ang espada at tumigil ito malapit sa leeg ng prinsipe at kung may nagtangka na gumalaw ang isa sa kanila ay tiyak kong masusugatan si Prince Dylan."

Tinitigan kong mabuti ang binibini. "Mukhang hindi ordinaryong tao lang ang kinuha ko Agustin. May kaya siyang gawin na nakakabilib at hindi mo mababasa kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nabanggit niya na may kinakalimutan siya mula sa nakaraan, kaya ang hinala ko ay dahil doon kaya naging ganyan siya may taglay na tapang at alam kung paano lumaban. "

"Maaari mahal na hari, mas nagiging matatag at matapang ang isang tao pag ito ay nasaktan at ginawang armas ang naging karanasan niya sa tamang paraan."

"Nawa'y sa pamamagitan niya ay matukoy ko na kung sino ang kalaban." Bago kami umalis sa tuktok ng palasyo ay tumingin ako sa kanila muli at tuluyan ng pumasok sa loob.

Samantala si Prince Dylan ay nakatingin lang kay Adira na hanggang ngayon ay sinusuri ang ibang mga armas.

"Lahat ba ng armas na 'to ay nagamit mo na?" tanong ko sa prinsipe.

"Espada at pana pa lang ang nahahawakan ko."

Tumango ako at lumayo na sa mga armas na naroon. "Tapos na ba tayo sa pagsasanay, puwede na ba akong pumasok sa loob ng palasyo?"

Napakunot naman ang noo ko. "Binigyan lang kita ng oras para nagpahinga, pero magsasanay na ulit tayo, ngayon."

Nanghihina na hinila nito ang espada na parang isang bata. "Pagod ka na?" tanong ko.

"Oo."

Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya at ikiling ang ulo pa kaliwa. "Ibang klase ang prinsipe na 'to, mukhang laging pinagbibigyan ng heneral base sa itsura nito ngayon. Kung akala niya makukuha niya ako sa pagpapa-awa puwes ibahin niya ako," saad ko sa isipan.

"May gusto ka bang sabihin, bakit ganyan ka makatitig?" tanong niya.

"Wala naman." Gumalaw ang mata ko at tiningnan ang espada niya na malapit na niyang mabitawan. "Higpitan mo ang hawak sa espada mo at tumayo ka ng tuwid dahil ngayon ko na rin ituturo kung paano ang tamang paghawak niyan."

Sumunod naman siya, lumapit ako at tumabi sa kanya. "Una hawakan mong mabuti ang hawakan ng espada. "Sumunod naman siya agad kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita.

Nagpatuloy sa pagtuturo si Adira kung paano ang tamang paggamit ng espada. Tinuro niya ang iba't-ibang trick ng dahan-dahan habang sila ay magkaharap. Kung paano umilag, gawing pananggalang ang espada at kung oras na para siya naman ang unang sumugod.

"Galing nakuha mo kaagad," saad ko.

Tuwang-tuwa naman si Dylan. "Madali lang pala!"

Napangisi ako. "Akala mo lang, kahit nakuha mo na ng mabilis ang tinuro ko ngayon ay hindi pa 'yon ang pinaka-kailangan mo sa tuwing hawak mo ito, dapat hindi ka rin manhid."

Kumunot ang noo niya at tiningnan ako na nalilito. "Bakit hindi puwedeng maging manhid?"

"Buong katawan mo ang dapat gumana, kung ang kamay mo ang bahala sa espada, ang katawan mo naman ang kailangang malakas ang pakiramdam sa paligid lalo na kung may lihim na susugod sayo. Dapat matutunan mo rin 'yon para kung sakaling may biglang sumulpot sa iyong harapan ay handa ang mga kamay mo."

"Ang dami pa lang kailangan matutunan sa paghawak lang ng mga armas." Sa itsura nito ay tiyak kong naiinis na siya sa ginagawa namin at sa tunay na pagsasanay na naranasan niya.

"Lagi ka sigurong nagrereklamo kay Heneral Agustin, kaya hindi mo alam ang mga 'yon, tama ba ako?" Tumango naman ito bilang sagot. "Sinasabi ko na nga ba, kaya humanap ng ibang tao si King Stephen dahil matigas ang ulo mo at kailangan na masunod ka kaagad sa tuwing gusto mo ng magpahinga."

Umiwas lang ito ng tingin at hindi na nagsalita. "Tapos na tayo ngayon, pero sa susunod ang ituturo ko sayo ay ang kung paano mo pagaganahin ang pakiramdam at kung paano malalaman ang susunod na gagawin ng kalaban. Puwede ka ng bumalik sa loob ng palasyo," saad ko bago siya tinalikuran at binalik ang espada kong ginamit, pero paglingon ko muli sa gawi niya ay nakatingin lang ito sa akin. "Bakit?"

Nag-iwas na naman ito ng tingin na pinagtaka ko, kaya lumapit ulit ako sa kanya. "May gusto ka bang sabihin?" Humarap ulit siya sa akin.

"Wala ka bang ibang damit?"

Ilang beses kong pinikit ang mata ko at kumunot ang noo sa tanong niya. "Meron, bakit?"

Kumunot ang noo nito at sinuri ang suot ko. "Paborito mo ba ang kulay itim? Noong una kitang makita ay kulay itim rin ang kasuotan mo mula ulo hanggang paa tapos ngayon ay ganon rin, at ngayon ay may suot ka pang gloves."

Ang suot ko kasi ngayon ay isang fit na damit, skinny jeans, sapatos at gloves, lahat ng 'yon ay kulay itim kaya hindi rin ako magtataka kung bakit niya natanong. "Ganito talaga ako manamit, hindi naman bawal magsuot ng damit kung iisang kulay lang."

"Pero parang hindi ka rin nagpapalit kung isang kulay lang lahat ng damit mo."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Bakit ba interesado kang malaman, gusto mo ba ang suot ko ngayon?"

Nanlaki naman ang mata nito at hindi makapaniwalang napangisi. "Nagtanong lang ako, bakit binigyan mo na kaagad ng ibang kahulugan!"

Napalabi ako. "Nagtataka lang ako, pero tutal nagtanong ka at naki-alam sa mga sinusuot ko magtatanong na rin ako. "

"Ano naman 'yon?"

"May kasintahan ka ba?"

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Wala."

"Bakit wala?"

"Dahil hindi puwede."

"Bakit hindi puwede?"

Nanlilisik naman ang mata niya ngayon. "Isa lang ang tanong ko, ang dami naman ata ng sayo!"

"Hindi ba puwedeng magtanong ulit? Hindi mo naman direktang sinagot kung bakit hindi puwede."

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ako maaaring magkaroon ng kasintahan, gustuhin ko man ay hindi puwede dahil may nakalaan na sa akin simula pa lang."

Nagtaka ako. "So parang arrange marriage?"

"Tama ka."

"Pero, paano kung may nagustuhan kang ibang babae?"

Kalmado itong tumitig sa akin at hinintay ang sagot niya, pero ilang minuto na ang lumipas ay nakatitig lamang siya sa akin, kaya pinitik ko na ang noo niya na kaagad naman siyang natauhan. "Ang sakit!" daing niya.

"Ang tagal mo kasing sumagot."

Umingos lang siya. "Kahit pa mahal na mahal ko siya ay kailangan ko siyang kalimutan at iwan."

Napa-isip ako, "Wala siyang kalayaan kung ganon nga ang mangyayari." Tumingin muli ako sa kanya. "Hahayaan mong mangyari 'yon?"

Tumango siya. "Kaya ngayon pa lang ay hindi na ako sumubok pang makipag-usap o bigyan ng pansin ang ibang prinsesa rito sa aming bansa para na rin hindi ako makasakit ng damdamin ng iba kung sakaling umibig ako na kailangan ko rin pala siyang iwan."

Ilang beses akong tumango habang nakatingin sa ibang direksyon, pero paglingon ko kay Dylan ay nakatitig lang ito sa akin. "Bakit?"

Umiwas siya ng tingin at tinalikuran ako. "Ibabalik ko na ang espada kong ginamit maiwan na kita." Mabilis siyang lumakad paalis kaya naman ako na ang unang pumasok sa loob ng palasyo.

Habang binabalik ni Dylan ang espada ay napahawak siya sa kaliwang dibdib niya. "Bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ko, anong nangyayari?" Habang na sa ganoon siyang estado ay biglang may nagsalita sa likuran niya.

"Mahal na prinsipe." Gulat siyang tumingin sa kanyang likuran at nakita niya ang heneral. Napabuga naman siya ng hangin sa sobrang gulat.

"Ano 'yon?"

"Tapos na ang pagsasanay mo at oras na rin ng tanghalian. Pinapatawag ka na ng iyong ama para sumalo sa hapag kainan."

Ibinaba ko ng tuluyan ang espada. "Susunod na ako." Agad naman siyang iniwan ni Heneral Agustin. "Baka pagod lang ako kaya ganun na lang ang tibok ng puso ko." Pinalis niya sa isipan ang naiisip niya at sumunod na sa heneral papasok ng palasyo.

Samantala si Adira ay nakatayo na malapit sa mahabang mesa kung saan maraming mga pagkain na nakahain at doon magtatanghalian si King Stephen at Prince Dylan.

Habang nakatayo ako malapit sa lamesa ay bawat lapag ng pagkain ay sinusundan ko ng tingin habang ang hari ay naka-upo na sa harap ng mesa, pero biglang pumasok si Dylan at tiningnan ako na parang tinanong kung bakit ako naroon at hanggang sa maka-upo ito ay nakatingin pa rin sa akin habang nakakunot ang noo.

"Dylan, bakit ka ganyan makatingin kay Adira?"

Napalingon naman ang tingin nito sa hari. "Nagtataka lang ako ama kung bakit narito siya."

Napangiti naman si King Stephen. "Dahil binabantayan ka niya."

Mabilis akong napatingin sa hari dahil sa sinabi niya at bahagyang kinabahan.

"Bantayan, para saan ama?"

Tumingin muna sa akin si King Stephen. "Sa pagkain mo, inutusan ko siyang tingnan ka sa tuwing kumakain ka, umaga, tanghali at gabi."

Nagtataka naman si Dylan habang nakatingin kay King Stephen. "Bakit kailangan pa akong bantayan? Kaya kong kumain mag-isa ama."

"Alam ko naman 'yon, pero babantayn niya ang pagkain mo ng gulay."

Halos magsalubong na ang kilay ng prinsipe. "Para lang doon ay kailangan pa akong bantayan?" Tumango lang ang kanyang ama.

Hindi malaman ni Dylan kung tatawa ba siya o magpapakita ng disappointment sa kanyang ama. "Kailangan mong kumain ng gulay para maging malusog ang iyong katawan anak at sa hinala ko ay mapapakain lang kita ng gulay pag si Adira ang narito."

Tumingin naman si Dylan sa akin, pero nagtaas lang ako ng isang kilay, pero sa huli hindi na lang ito nagtanong pa ulit at sinimulan na nitong kumain. Nakita ko na kumain nga ito ng gulay kahit pa sa bawat pagnguya niya ay pumipikit pa siya. Ang hindi nito alam ay lihim kong binabantayan ang mga kinakain nila at ang paligid, pero sa ngayon ay wala naman akong nakitang kaka-iba lalo na sa mga nagdala ng mga pagkain sa mesa.

Habang kumakain ang prinsipe ay napahinto ito at napatingin sa akin. "Kumain na ba siya ama?"

Napahinto naman si King Stephen at nagtatakang tumingin sa kanyang anak. "Hindi pa," nag-aalinlangan na sagot ng hari.

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Bakit binabantayan mo pa ako, gayong hindi ka pa pala kumakain?"

Hindi naman kaagad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin na dahilan kung bakit hindi pa ako maaaring kumain. "Busog pa ako, kakain na lang ako pag tapos ka ng kumain," nasabi ko na lang. Ilang segundo rin itong nakatingin sa akin ng nanghuhusga bago kumain ulit.

Habang pinagpatuloy ni Dylan ang pagkain ay kinakausap niya ang sarili gamit ang isip. "Bakit pati sa pagkain ko ay kailangan pa ring nandiyan siya dahil lang sa hindi ako kumakain ng gulay, tapos siya ay hindi pa rin pala kumakain dahil lang do'n?"

Sa sobrang pokus sa pagtatanong sa sarili ang prinsipe habang kumakain ay hindi na niya napansin na ubos na ang pagkain niya, pero tuloy pa rin siya sa pagsalok at pagsubo ng kutsara kahit wala naman na siyang nakukuha sa kanyang plato.

Unti-unting kumukunot ang noo ko sa ginagawa ng prinsipe, pero pinipigilan kong huwag ngumiti o tumawa. Hinayaan ko lang at nagkunwaring hindi ko nakita, pero napansin siya ng kanyang ama.

"Dylan, ang daming pagkain sa iyong harapan, bakit hindi ka kumuha para may laman ang plato mo ng pagkain?"

Nagtaka naman si Dylan sa sinabi ng kanyang ama at napatingin sa kanyang plato habang nakataas ang hawak niyang kutsara. Lihim naman siyang napatingin kay Adira na ngayon ay nagpipigil ng tawa habang nakatikom ang bibig.

Pahiya siyang dahan-dahan ibinaba ang hawak niyang kutsara at napa-inom na lang ng tubig. "Tapos na po ako ama," nasabi na lang ng prinsipe.

"Sigurado ka?" Tumango naman si Prince Dylan bilang sagot. Ako naman ay hindi pa rin maiwasan na hindi pigilan ang pagtikom ng bibig na napansin naman agad ng prinsipe at tiningnan ako ng masama.

"Tapos na akong kumain, puwede ka ng magtanghalian," may halong inis pang sabi nito.

Sumang-ayon naman ang hari sa sinabi ni Dylan, kaya nagpaalam na rin ako at umalis, pero habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na ilabas ang kanina ko pa pinipigilan. May mahinang tunog ang pagtawa ko at napa-iling. "Sa tagal ko na sa mundong 'to ngayon na lang ulit ako tumawa ng totoo." Napangiti ako at tuluyan ng pumunta sa kusina ng palasyo.

Samantalang si Prince Dylan ay nakakunot pa rin ang noo habang naka-upo sa harap ng mesa. "Sigurado ako pinagtatawanan niya na ako pagtalikod pa lang sa amin ni ama." Nakatulala lang siya habang iniisip na ganon nga ang ginawa ni Adira, pero hindi niya alam ay lihim siyang sinulyapan ng kanyang ama.