Chapter 11: Adira's Doubt
Nang sa oras na naka-lapit na ang hari sa kanila ay nag-alala siya ng makita si Prince Dylan na nahihirapan dahil sa kaliwang paa nito. "Anong nangyari?" tanong ng hari at tumingin kay Adira at Prince Damon.
"Nawalan ng balanse kaya ang kaliwang paa niya ay na sprain," saad ni Adira.
Nagtataka ang hari na tumingin kay Prince Dylan. "Ano ang ginawa niya? Ang alam ko ay dumating siya kanina at nagpapahinga."
Samantala si Adira ay nakahalukipkip ang mga braso habang pinakikinggan ang hari, pero nanatili siya sa tabi ni Prince Dylan.
Napatingin ako sa prinsipe sa aming harapan na kalmado lang at parang walang ginawang kasalanan kaya natamo ni Dylan ang sprain sa paa. "Nakita ko na nagsanay siyang mag-isa ng wala ako," biglang saad ko.
Nalilito namang tumingin ang hari sa akin. "Bakit naman niya gagawin iyon?"
Lumipat ang aking tingin kay Dylan na ngayon ay tahimik lang at nakahawak sa kaliwang paa niya. "Hindi ko rin alam kung bakit siya nag-ensayo mag-isa dahil ang alam ko ay dumating siya ng umaga dito at nagpapahinga, pero nagulat rin ako ng nakita siya sa ibaba ng palasyo na may hawak na espada."
Binalingan ng tingin ng hari si Prince Dylan. "Dylan, bakit mo ginawa iyon? Kaya nga ako kumuha ng magtuturo sayo para maka-iwas ka sa anumang panganib."
Napabuntong-hininga naman si Dylan habang pilit pinakakalma ang sarili dahil sa sakit na nararamdaman niya. "Pasensya na ama, naisipan ko lang na subukan kung kaya ko na bang mag-isa at natandaan kung ano ang tinuro sa akin ni Adira."
"Sa susunod ay huwag kang mag-eensayo ng hindi mo kasama si Adira, maliwanag ba Prince Dylan." Tumango na lang si Dylan.
Napatingin naman ang hari kay Prince Damon. "Pasensya na kung ganito ang nakita mong muli sa aming palasyo."
Ngumiti ito at bahagyang yumuko habang ang dalawang kamay ay na sa kanyang likuran. "Huwag po kayong mag-alala, wala po iyon sa akin."
Napakunot naman ang noo ko, kaya naman bibigyan ko siya ng leksyon. "Prinsipe, bakit hindi mo sabihin ang totoong nangyari sa pagitan niyong dalawa ni Prince Dylan?" Kalmado pa ang mukha ko at walang anumang makikitang kahit anumang emosyon na madaling mapapansin ng hari na may gusto akong iparating.
Bahagya itong naalarma, pero agad rin naging kalmado ang paghinga. Tinanong siya ng hari. "Ano ang sinasabi ni Adira, Prince Damon?"
"Sumali kasi ako sa pag-eensayo ni Prince Dylan mahal na hari, at habang ginagawa namin ang paggamit ng espada ay nawalan siya ng balanse."
Nakatitig lang ako sa prinsipe na magaling mag-iba ng kwento na pinagtataka ko na hindi niya masabi ang totoo at buong kwento. "Siguro mahal na hari ay naging mapusok siya sa paggamit ng espada kaya nawalan ng balanse si Prince Dylan, " saad kong muli habang nakatitig kay Prince Damon. Susubukan ko kung magsasabi siya ng totoo dahil halata naman sa bawat salitang binibitawan ko.
Nakita kong ngumiti ito sa akin ngunit halatang pilit lang 'yon. "Hindi mo nakita ang buong pangyayari binibini. Nang dumating ka ay naka-upo na sa lupa si Prince Dylan sa kadahilanan na nawalan na siya ng balanse."
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya, "Pinamumukha pa ng prinsipe na 'to na mali ang sinasabi ko sa hari. Anong akala niya hindi ko sila nakita mula sa tuktok ng palasyo kanina?"
Habang walang bumibitaw sa tingin ng dalawa ay nagsalita na si King Stephen. "Adira, baka mali lang ang iyong nakita. Magkaibigan ang dalawang prinsipe kaya hindi iyon magagawa ni Prince Damon."
Inalis ko na ang tingin kay Prince Damon at tumingin na lang sa paa ni Prince Dylan. "Sana nga mahal na hari ay nagsasabi siya ng totoo. "
"Mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob at makapag-usap Prince Damon. " Tumingin ang hari kay Heneral Agustin. "Heneral alalayan mo ang prinsipe at tawagin ang personal kong manggagamot."
Kumilos kaagad si Heneral Agustin at dahan-dahan na inalalayan sa pagtayo si Prince Dylan. "Sumunod na kayo sa amin," saad ni King Stephen at nauna ng maglakad patungo sa tanggapan ng mga bisita kasunod sila Heneral Agustin at Prince Dylan. Naiwan naman ang dalawa si Prince Damon at Adira.
Habang nakahalukipkip ako at nakatingin kay Prince Damon na sa iba nakatingin na direksyon ay napansin ko ang may sugat niyang kamay na meron ng tela na nakabalot. Lumingon siya at saktong nakatingin ako sa kamay niya na agad naman niyang napansin. "Nag-aalala ka ba binibini sa ginawa mo sa akin, kaya ganyan ka makatingin sa kamay ko?"
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya at napangisi. "Pasensya na prinsipe, kung mag-aalala man ako... hindi na sayo." At tumingin ako sa kanya ng seryoso.
Nawala naman ang ngiti niya sa labi. "Totoo ba 'yang sinasabi mo binibini o nagpapanggap ka lang?"
"Ang alam ko kasi hindi ako ang nagpapanggap rito. Ikaw 'yon 'di ba?"
Mas lalong nawala ang mahinahon nitong awra at napalitan ng madilim. "Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo binibini. May magagawa ako at kayang mag-utos ng isang kawal para lang dakpin ka dahil sa paraan mo ng pagsasalita tungkol sa akin. Isa ka lang mababang-uri ng tao na walang kapangyarihan kagaya ko."
Napa-iling ako at lumapit sa kanya. "Anong kapangyarihan ba ang sinasabi mo, super powers ganon ba?" Hindi naman siya sumagot.
Mula sa mapaglarong awra ay unti-unti kong pinakita ang itsura ng isang gangster. "Huwag mo akong takutin dahil lang sa kapangyarihan mo, tandaan mo na wala ka sa palasyo mo, kaya walang bisa ang sinasabi mong kapangyarihan kung ang kawal mo ay na sa kabilang palasyo. " Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng lumakad, pero bumalik ako ulit na pinagtaka niya. "Meron nga pala akong nakalimutan masyado kasing seryoso ang pinag-uusapan natin."
Kumunot ang noo niya. "Ano 'yon?"
"Ito, sana. " Inabot ko ang may sugat niyang kamay at diniinan ito na agad naman niyang inilayo. "Narinig mo ang sinabi ng hari pumasok na raw tayo." At tuluyan na akong pumasok sa loob ng palasyo na parang walang ginawa sa kamay ng prinsipe.
Samantalang si Prince Damon ay pinilit huwag sumigaw sa sakit ng sugat niya na mas lalong tumindi sa ginawa ni Adira. "Naisahan ako ng binibini na 'yon. " Pigil hininga niyang hinintay na mapawi ang sakit bago pumasok sa loob.
Habang naglalakad naman si Adira patungo kung nasaan sila Dylan ay napangisi siya. "Sa lalim ng sugat niya ay tiyak kong matagal bago maghilom. Masyado siyang mayabang kaya kailangan kong gawin 'yon, ako pa talaga ang sinubukan niyang takutin. Hindi pa niya nakikita kung ano ang kayang gawin ng isang gangster na katulad ko. Basic pa lang 'yon at baka ngayon pa lang ako makakakuha ng isang buhay kung masasagad na ang pasensya ko. " Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita ko na naka-upo si Dylan sa tanggapan ng mga bisita, pero nagtaka ako kung bakit mag-isa lang siya roon.
Lumapit ako at tinanong siya. "Nasaan ang hari at si Heneral Agustin, bakit ikaw lang ang narito?"
Umangat ang ulo niya at tiningnan ako. "Si Heneral Agustin ay umalis at doon siya dumaan sa likuran ng palasyo para sunduin ang manggagamot, si ama naman ay pumunta ng kusina para utusan ang mga katulong na maghanda ng pagkain."
Napapikit siya, mukhang malala ang natamo niyang pilay. "Masakit?" tanong ko.
Tiningnan naman ako ng masama. "Nakikita mo naman na nasasaktan ako, bakit itatanong mo pa?!"
Napapikit naman ang mata ko ng ilang beses. "Bakit galit ka tinatanong ka lang naman?"
"Halata naman na masakit!"
"Hindi ko kasi makita kung nasasaktan ka talaga." Isang galit na tingin ang binigay niya sa akin.
Umupo ako sa tabi niya. "Dylan, magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon?"
Unti-unti namang kumukunot ang noo ni Dylan. "Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon!"
"Hindi may kulang ka, lalo na sa pangalan ko."
"Ano?"
Umingos siya at humalukipkip. "Dapat may kasamang Prince sa pangalan ko."
"Hindi ba puwedeng Dylan na lang?"
Mabilis itong humarap sa akin at nagalaw niya ang may pilay niyang paa. Napapikit siya at dumilat habang nanlilisik ang mata na tumingin sa akin. "Bakit kay Prince Damon ay prinsipe ang tawag mo. Sa akin ay Dylan lang?!"
"May diperensya ba kung wala?"
"Meron!"
Napatakip ako ng tenga sa lakas ng boses niya. "Ano ba ang pinaglalaban mo!" may kalakasan ko na ring sambit.
"Dapat laging may prince o prinsipe sa tuwing kakausapin mo ako."
Napakunot ang noo ko at napahawi ng buhok kahit naka-ayos naman ito. "Anong gusto mo mahal na prinsipe ang itawag sayo?"
Pilit naman nilalabanan ni Dylan ang pagngiti. "Puwede na rin ang mahal na prinsipe kung 'yon ang gusto mo."
Napa-iling na lang ako. "Paa mo lang naman ang nagkaroon ng diperensya, nahawa na ata pati utak mo."
Tumingin ito sa mata ko na may galit habang ako ay kalmado lang, biglang sumulpot naman si King Stephen. "Bakit kayo lang ang narito, nasaan si Prince Damon?"
Dumating naman si Prince Damon habang tinatanong sila ni King Stephen. "Narito na ako mahal na hari."
"Mabuti pa ay kumain na tayo, alam kong gutom ka na dahil sa layo ng nilakbay mo papunta rjto. Sumunod ka na sa akin. " Napahinto naman si King Stephen at napatingin sa paa ng kanyang anak. "Paano nga pala si Prince Dylan, wala pa naman ang heneral?"
"Ako na lamang ang mag-aalalay sa kanya mahal na hari," alok naman niya.
Umayos lang ng upo si Prince Dylan. "Kayo na lang muna ang kumain ama, mamaya na ako. Sasamahan naman ako ni Adira rito habang hinihintay na makabalik si Heneral Agustin."
"Hindi maaari Prince Dylan, kailangan ay kasabay ka naming kumain."
"Sa palagay ko kasi ay hindi ako maaalalayan ni Prince Damon dahil mukhang may sugat siya sa kamay."
Napatingin naman nag hari sa kamay ni Prince Damon na hindi niya kaagad naitago. Napakunot ang noo niya. "Hindi ko napansin na may sugat ka pala ng dumating ka rito?"
Ngumiti siya sa hari. "Natatago ng damit kong suot mahal na hari. May kahabaan ang suot ko, kaya habang nakadikit ang kaliwa kong kamay ay natatago ito."
Napatango naman si King Stephen. "Ayos lang ba ang sugat mo maaari mong ipagamot sa aking manggagamot pag siya ay narito na."
"Maliit lamang po ang sugat ko kaya hindi na po kailangan. "
"Kung ganon ay hintayin na lamang natin sila Heneral Agustin bago tayo kumain, pero bago 'yon ay mag-usap muna tayo sandali sa aking opisina." Sumang-ayon naman si Prince Damon at sinabayan sa paglalakad si King Stephen, pero bago pa sila mawala sa paningin ng dalawa ay lumingon si Prince Damon kung nasaan sila Adira, wala naman itong naging reaksyon habang nakatingin sa kanila, pero si Adira ay umirap lang sa kanya.
Nang nawala na sa paningin nila sila Prince Damon ay nagtanong si Adira. "Sagutin mo na yung tanong ko, kaibigan mo ba talaga si Prince Damon?"
Napabuntong-hininga siya. "Ang dalawang hari lang ang magkaibigan. Si Prince Damon ay madalang ko lang maka-usap."
Kumunot ang noo ko. "Bakit parang may galit ata siya sayo? Kung hindi ako dumating kahit pagilan pa niya ang espada niya ay sigurado akong masusugatan ka."
"Hindi ko rin alam kung bakit dahil minsan tahimik lang ako pag may pagpupulong o kasiyahan sa aming mga palasyo, nagtataka rin ako sa kanya minsan."
Napatingin ako sa kawalan at napatulala," Kung ganon may posibilidad na siya ang nagpapadala ng sulat sa hari dahil sa paraan niya ng pagtrato kay Dylan, pero hindi ko masabi sa ngayon kung siya nga ba talaga dahil unang pagkikita pa lang namin ngayon. Sa susunod, siya ang kailangan kong bantayan sa tuwing na sa paligid siya may nararamdaman rin akong kaka-iba sa prinsipe na 'yon."
Nagtataka naman si Dylan at biglang tumahimik ang katabi niya. Lumingon siya at nakita niyang nakatulala lang ito habang nakakunot ang noo. Sa isip niya, "Ano na naman kaya ang iniisip niya at nakakunot na naman ang noo niya. " Hindi siya gumawa ng anumang ingay o tinawag si Adira. Pinagmasdan niya ang kalahati ng mukha ni Adira na kita pa rin. "Ang haba pala ng pilikmata niya, manipis ang kilay pero naka-ayos, makinis rin ang mukha niya, pero kapansin-pansin rin ang kulay ng buhok at mata niya na natural na kulay brown. " Biglang humarap sa kanya si Adira, pero hindi pa rin natitinag sa pagkakatitig si Dylan.
Napakunot lalo ang noo ko at dahan-dahan na lumapit sa mukha ng prinsipe. "Kung makatitig ka mahal na prinsipe ay parang nilulusaw mo ako gamit ang mata mo. " Natuhan siya at napabaling ng tingin sa mismong nata ko, kaya naman isang dangkal ang layo ng mga mukha namin.
Ilang segundo ang tinagal ng pagtitig nila sa isa't-isa, pero si Prince Dylan ang unang bumitaw. Napahawak pa ito sa kaliwang dibdib niya.
Napalingon si Adira sa parating na dalawang tao, si Heneral Agustin at isang doctor. Nakita sila ng mga ito at nilapitan agad sila.
Nag-aalalang biglang lumapit ang heneral kay Prince Dylan. "Mahal na prinsipe nahihirapan ka bang huminga?!"
Napalingon ako at nakitang nakahawak nga sa kaliwang dibdib si Dylan at mabilis rin ang pagtaas baba ng dib-dib.
"Okay lang ako, huwag kang mag-alala." At tumingin sa akin.
"Narito na ang manggagamot ng iyong ama."
Agad namang lumuhod ang doctor at sinuri ang paa ni Dylan. "Namamaga na ang paa niya sa tingin ko ay hindi maganda ang pag-apak niya, kaya namaga agad. Mga isa o dalawang linggo bago bumalik ito sa dati."
"Kailangan pa ba siyang dalhin sa pagamutan?" tanong ng heneral.
"Hindi na, kaya ko ng lapatan ng gamot ito. Dalhin mo na lang siya sa kanyang silid at doon ko na lang siya gagamutin. Hindi muna puwedeng igalaw ang paa niya, kaya mas mabuting na sa kama lang siya at nagpapahinga."
Bumaling ng tingin ang heneral kay Dylan. "Kailangan ko na kayong buhatin, Prince Dylan."
"Kaya mo pa ba akong buhatin?"
Napangiti ito. "Kulubot lang ang mga balat ko, pero mas malakas pa ako sayo."
Napa-iling at napangiti na rin ang Prinsipe saka siya binuhat ni Heneral Agustin, sumunod na rin si Adira at ang doctor.
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





