Chapter 50: Kabanata 49
“Ngunit mas matimbang ang ina mo sa akin Catherine. Para ko na siyang kapatid at hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili. Dapat naging pantay ang pagtrato ko sa kanila ngunit hindi nangyari iyon.” Napahugulhol ito kaya't niyakap ko siya.
“Tama na Mocha, magiging maayos din ang lahat, alo ko rito.
“Sana nga Catherine.” Napatayo naman ito at inayos ang kanyang sarili.
“Lumakad ka na. Ang alam ko'y may lakad daw kayo, nakangiti nitong sambit. Napaawang ang aking bibig.
“Wala naman siyang sinabi na aalis kami,” sagot ko pa.
“Pero iyon ang sinabi niya sa akin. Sige na Catherine, paalam sa iyo, aniya at agad nang umalis.
Ni hindi niya man lang ako hinintay na makasagot man lang. Nailing na lamang ako at napatayo. Agad din naman akong bumalik sa bahay. Nang makapasok ako'y naabutan ko pa ang aking tiyahin at ang Mama na nagkakape sa sala.
“Iha...” salubong ni Mama sa akin.
“Masaya ako't maayos ka na, aniya.
“Ganoon rin ako, Catherine, ani tiyang. Niyakap ko silang dalawa.
“Ako rin po, nakangiti kong sagot.
Alam ko, lahat ng tanong ay masasagot din sa tamang panahon at hindi ako dapat magmadali. Dahil simula na ito ng susunod pang kabanata ng aking buhay. Kumalas ang mga ito sa akin.
“Nasa hardin siya... ani Mama.
Napangiti ako at nagpaalam na. Muli akong lumabas ng bahay at patakbong tinungo ang tagong hardin. Nang makarating ako'y naabutan ko siyang naliligo sa ilog. Lihim akong napangiti sa aking sarili. Lumakad ako palapit sa ilog at hinubad ang aking saplot sa katawan.
“Natagalan ka yata... anito.
Lumangoy ako palapit sa kanya at iniingkis ang aking mga braso sa kanyang batok. Pinagdikit niya ang aming mga noo.
“Mahal na mahal kita, Steffano, bulong ko.
“Te amo, Catherine.” Buong puso niyang ginawaran ng halik ang aking labi at buong pagmamahal ko rin naman iyong tinugon.
Dumausdos ang mga halik nito, hanggang sa mahinto sa aking puson. Napasinghap ako.
“Binigyan mo ako ulit ng isang masayang regalo, mahal ko, wika nito. Napakunot ako ng aking noo.
“Ano ang ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong.
“Isang linggo ka ng nagdadalang-tao, Catherine.” Natutop ko ang aking bibig at napaluha. Agad ko siyang niyakap.
“Diyos ko!” tanging naisambit ko dahil sa sobrang galak.
“Babae siya...” muling wika nito.
Marahan ko siyang nahampas sa balikat niya.
“Huwag ka magbiro... wika ko. Iniharap niya ako sa kanya at siniil ng halik.
“Maganda siyang babae na kagaya mo, anito.
Muli akong napaluha. Alam ko, hindi nga siya nagbibiro.
“Ano ang ipapangalan natin sa kanya, mahal ko?” masayang tanong ko.
“Cereina Erine Zoldic...” Niyakap ko siyang muli at siniil ng halik.
“Te amo, Catherine...”
“Te amo, Steffano...” parehong bigkas naming dalawa sa pagitan ng aming halikan.
Nang kapusin ako ng aking hininga'y humiwalay ako sa kanya.
“May problema ba, mahal ko?” ani Steffano sa akin, na ikinailing ko.
“Sumasakit kasi itong tiyan ko,” sagot ko at sinapo ng ang aking kanang palad.
“Normal lang iyan mahal ko, aniya.
Ngumiti ako ng kay tamis at inihilig ang aking ulo sa kanyang dibdib.
“Natatakot ako, baka 'di ko kayanin.” Puno ng pangamba ang aking dibdib. Iniangat naman niya ang aking mukha at masuyo nitong hinaplos ang bawat anggulo.
“Narito ako mahal ko at sigurado akong makakaya mo.” Bakas sa mukha nito ang paninigurado kaya't bahagyang gumaan ang aking pakiramdam.
Inangkin naman niya ang aking labi, kasabay niyon ay ang marahan ngunit tantsadong paghimas nito sa maselang parte ng aking katawan. Bumaba ang halik nito sa aking leeg at nagparaya akong lumiyad upang malaya niyang magawa ang kanyang ninanais.
“... aah!” singhap ko nang maramdaman ko ang mga labi nitong nakasentro na sa aking hinaharap. Sinakop ng bibig nito ang dalawang korona ko at 'di ko alam kung saan ko pa ibibiling ang aking ulo.
Nang matapos ang pagpapala niya sa akin ay kanya akong pinatalikod. Bahagya niya akong inangat at agad ko naramdaman ang sandata nito sa kaloob-looban ko.
“... aah!” daing ko.
“Kanino mo nalaman ito...” naiusal ko sa pagitan ng kanyang pagbayo.
Ang tinutukoy ko'y ang posisyon naming ito. Narinig ko naman ang pinong pagtawa niya.
“Naisip ko lang...” sagot niya at hinawi ang buhok ko upang malantad sa kanya ang aking leeg.
Walang pasubali nitong kinagat ang aking leeg at ang dalawang kamay naman nito'y nakalapat sa aking dibdib habang patuloy ito sa pagbayo. Mariin akong napapikit at napaungol. Masakit ang pagkakakagat nito sa aking leeg kaya't iniungol ko na lamang upang maibsan ang nararamdaman ko. Panay agos ng dugo ko sa aking leeg at parang sarap na sarap pa ito sa kanyang ginagawa.
“Wala nang ritwal?” tanong ko pa. Napatigil ito sa pagkagat sa akin.
“Wala na... aniya at siniil ako ng halik.
Muli niyang kinagat ang aking leeg hanggang sa tuluyan naming naabot ang sukdulan.
Hindi kami nagtagal sa ilog at agad din naman kaming bumalik sa bahay. Mabuti na lang talaga at nai-akyat ako agad ni Steffano sa aking silid. Nakakahiya kina tiyang at Mama kung makikita nila akong hubad. Nang maibaba ako ni Steffano sa banyo namin ay agad din naman akong naligo ulit. Nagsabay pa kaming dalawa ni Steffano. At kahit sa banyo'y 'di niya pinalagpas ang leeg ko.
“Mauubusan ako ng dugo niyan, biro ko pa.
Ngumuso naman ito, na ikinangiti ko ng husto. Ang kyut niya at para siyang batang inagawan ng kendi.
“Hindi mangyayari 'yon,” paniniguro pa niya. Napaismid ako.
“Talaga? At bakit hindi?” tanong ko pa habang sinasabunan ang likod nito.
“Dalawang beses sa isang linggo lang ako nauuhaw mahal ko at kaya kong makatagal ng isang daang taon nang walang dugo.” Napanganga ako sa isinagot niya.
“Grabe! Ang tagal no'n a,” mangha ko pang kumento at ito na naman ang nagsabon sa likod ko.
“Totoo 'yon... aniya at binasa ako ng tubig saka hinalikan.
Hindi rin naman nagtagal ay natapos na kami. Nagsasama na kami ni Steffano at ikinatuwa naman iyong ng husto ni Mama. Una akong natapos sa pagbibihis.
“Mahal ko, ang tagal mo naman, angal ko pa. Natagalan yata ito sa pagbibihis. Bumukas naman ang pinto ng banyo at iniluwa siya nito.
“Oh...” reaksyon ko pa nang makita ang kanyang ayos.
Suot niya'y padyama lang naman at wala na naman siyang pang-itaas. Mukhang sana'y itong hubad. Napahagikhik ako at naupo sa kama.
“Tinatawanan mo ako?” Nakataas pa ang kilay niya at biglang lumitaw sa aking likuran.
“Hindi kaya!” sagot ko at pinipigilan pang matawa.
Kinuha naman niya ang hawak kong suklay at siya na mismo ang nagsuklay sa aking buhok.
“Hindi ka ba nagugutom?” aniya. Nailing ako. Hindi pa kasi ako naghahapunan.
“Kakain ako kapag nagutom ako,” sagot ko na lamang.
Itinabi naman nito ang suklay at hinila na ako pahiga sa kama. Kinumutan niya ako at ikinulong sa mga bisig niya.
“Mahal kita... bulong niya
Kampante ko rin namang ipinikit ang aking mga mata at yumakap sa kanya.
“... Ah!” singhap ko nang magising ako dahil sa sakit ng aking tiyan.
Wala si Steffano sa tabi ko, marahil ay may nilakad itong importante. Bumaba ako sa kama. Nanunuyo ang aking lalamunan kaya lumabas ako ng aking silid at tinungo ang kusina. Tiningnan ko pa ang orasang nakasabit sa dingding. Pasado alas-dos pa ng madaling araw.