Chapter 15: Nakakahulat na katotohanan

"YOUR, honor, narito ang record ng transaction ng aming ahensya kay Mr. Trinedad kaya nakarating dito si Mr. Wigo Alcantara. Hindi totoong nasilaw sa pera ang aking kliyente tulad sa ipinararatang sa kaniya. Bawat detalye sa pag-iimbistiga ay ipinapasa niya sa amin kaya alam ko ang resulta sa imbistigasyon. Maging ang pagkamatay ng isa sa tauhan nila sa hospital at ang autopsy ng hayop. Lahat nang ito ay pinagtagni ni Mr. Alcantara kaya nagkahinala siya na ang tunay na salarin ay nasa loob lang ng hacienda.

Bagsak ang mga balikat ni Grey habang nakikinig sa salaysay ni Cloud. Pagtingin niya kay John ay pinagpapawisan na ito ng malapot.

Tumikhim muna ng mahina si Cloud bago nagpatuloy muli sa pagbigay ng statement. "Maging ang biodata ng biktimang namatay ay hindi rin magkatugma sa tunay nitong pagkatao. At si Mang Kanor na isa sa tumatayong witness na nagpapatunay na sinaksak ni Mr. Julian si Ms. Mishelle ay tiyuhin ni Mr. Trinedad. Kung mayroon man dapat magsampa ng kaso rito ay ang aking kliyente na hanggang ngayon ay nakaratay pa sa hospital."

Lalong lumakas ang ingay sa paligid at hindi makapaniwala sa mga narinig. Si John ay napahawak sa kaniyang ulo at parang biglang nanlaki iyon. Walang sino man ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao dahil maging ang ama ay itinatago iyon. Kaya paano nalaman ng detective na iyon at ng abogado nito?

"That's all, you honor, thank you!" pagtatapos ni Cloud at inabot sa juries ang hawak na ebidensya na siyang maglilinis sa pangalan ni Wigo.

Matapos mag usap-usap ang juries ay pinatawag ang mga ito ng Judge upang alamin ang kumento ng mga ito sa kaso. Wala nang set na ikalawang hearing dahil tinapos na ngayon. Napag alaman na may kasamang paghihiganti sa pamilyang Ocampo ang ginawa ni John. Si Cloud ang naglahad ng family background na si Wigo mismo ang nakatuklas. Hindi totoong anak ng Trinedad ang si Josh at ang ina nito ay nabuntis ng ama ni Julian noon. Si Josh rin ang tunay na ama nang ipinagbubuntis ng asawa ni Julian.

Malinaw na gusto nitong mawala sa landas nito sina Mishelle at Julian upang mapasa-kamay nito ang kayamanan ng magkabilang pamilya. Si Mang Kanor ay hinuli rin na siyang tiyuhin ni John. Napag alaman din na si John ang pumatay kay Esang upang itago ang krimin na itinanim sa Farm. Ang pasya ng hurado sa kaso laban kina Wigo at Julian ay not guilty. Samantalang sina Mang kanor at John kasama pa ang ibang kasabwat ay hinatulan ng bente hanggang thirty years na pagkabilango. Maari ang mga ito umapila o buksan muli ang kaso. Ngunit ang padre pamilya mismo ng magkabilang panig ang gustong makulong si Josh at ang iba pa.

Muling nag-ingay ang pangalan ng ahensya nila Dexter matapos malutas ang kasong hawak ni Wigo.

...

"HINDI mo na ba talaga ako matulongan?" paanas na tanong ni Rovelyn kay Oda nang dalawin siya nito sa kanilang tahanan.

"I'm sorry, mas nakakabuti sa iyo itong ginagawa ng iyong ama. Pakabait ka na at baka sakaling luwagan na niya ang bantay sa iyo." Ginulo ni Oda ang buhok ng dalaga na hindi na maipinta ang hitsura ng mukha.

"Baka ito na ang last nating pagkikita ngayon. May bago akong kasong hawak kaya hindi kita ma bisita." Pamaalam niya sa dalaga.

Lalo lamang napasimangot si Rovelyn. Nalaman ng ama ang ginawa niyang pagpunta sa probinsya kung kaya grounded siya ngayon. Ang kanyang mga card ay naka hold at wala rin siyang cash na hawak. Kaya hindi niya magawang tumakas upang magawa ang gusto. Pinalitan din ang guwardya ng kanilang gate at hindi niya kilala iyon.

"At least call me if you have time." Nagtatampo niyang bilin kay Oda nang magpaalam na itong aalis.

"Of course!" He pat her head before leave.

Nang wala na ang kaibigan ay pabagsak na humiga si Rovelyn sa kanyang malambot na kama. Isang linggo na siyang nagkukulong sa bahay nila at hindi siya sanay sa ganoon.

"Kamusta na kaya siya?" naitanong niya sa kanyang sarili nang maalala ang kanyang housemate noon. Hindi niya maiwasan na gunitain ang mukha ng huli lalo na kapag ngumisi ito.

Ang balita sa kanya ni Oda ay nakalabas na ito sa hospital at nakulong ang tunay na salarin. Hindi na siya nagulat nang malaman na si John ang mastermind ng lahat. Pero nagulat siya sa nalaman na kasabwat din ang asawa ni Julian. Tungkol lang sa kaso ang nalaman niya at nahihiya siyang itanong ang iba pang gustong malaman tungkol sa hambog niyang housemate.

...

"KAMUSTA ang bagong buhay?" tanong ni Amalia kay Wigo nang bisitahin niya ito. Nanatili pa rin ito sa silid dahil bawal pa sumabak sa gulo.

"Bagong buhay, my ass!" sarkastikong tugon ni Wigo sa kaibigan.

"Stop cursing, baka marinig ka niya."

Pumalatak si Wigo habang nakatingin sa maumbok nang tiyan ni Amalia. "Hindi ba mabigat iyan?" Minuwestra niya ang tiyan nito gamit ang kanyang nguso.

"Itanong mo iyan sa mabuntis mo."

"Paano iyan makabuntis eh virgin pa siya." Tumatawa na sabat ni Cris na hindi napansin ni Amalia na nakaupo ito sa isang sulok ng silid.

"Ulol!" Binato ni Wigo ito ng unan nang e-kuwento kay Amalia ang nangyari noong gabing nasa bingit ang kanyang buhay.

"Baka virgin ang butas ng puwit." Tumatawa na rin si Amalia at pinagtulongan na tudyuin si Wigo.

"Gusto mo bang hanapin ko ang diwata mo upang siya ang makakuha ng iyong purity?" patuloy na panunukso ni Cris sa binata at halatang hindi komportable sa kanilang topic.

"Gusto mong balian ko ng paa ang kabayo mo?" tugon ni Wigo sa panunukso ng kaibigan.

Inirapan ni Cris ang binatang kaibigan at tumigil na sa pambubuska dito. Natigil ang pag-uusap nila nang pumasok sa silid si Max.

"Ohhhhh!" magkapanabay na bigkas nila Wigo at Cris nang siilin ng halik ni Max ang labi ni Amalia.

Mahinang hampas sa dibdib ni Max ang ginawa ni Amalia upang pakawalan siya nito. "May mga virgin dito."

"Si Cris lang," mabilis na wika ni Wigo. Hindi naman talaga siya virgin na. Sa dami na niyang naikama at siya pa ang nakakauna minsan. Ganoon nga siguro talaga kapag nag-aagaw buhay, kung anu-ano na lang ang nalabas sa bibig.

"It seems you're ok now pero hindi pwede sa mabigat na trabaho." Puna ni Max sa pasaway na kaibigan ng asawa.

"Naiinip na ako dito, Sir. Hindi ako sanay na nakahiga lang." Reklamo niya kay Max habang inuunat ng marahan ang likod. Masakit pa rin iyon at lalo lang nangangalay dahil walang ginagawa.

"May ibibigay akong trabaho sa iyo na hindi mabigat. Natandaan mo ba ang kumapare kong si Josh?"

Napaisip si Wigo at agad niyang naalala ang kasal ng dalawa.

"Kailangan niya ng personal bodyguard para sa anak niya." Pagpatuloy na ani Max.

"Parang ang boring din ang ganyang trabaho, Sir. Maghapon na bubuntot sa taong babantayan at babae pa?"

"Ang dami mong reklamo, ok na iyan kaysa kaharap ang papel sa opisina."

"May point si Cris," sang-ayon ni Amalia kay Cris. "Balita ko ay maganda ang babantayan mo kaya grab it na."

"Malay mo, siya na ang makasama mo sa pagtikim ng luto ng langit." May kasamang pang-aasar na susog ni Cris kay Wigo.

"Shut up!" he groan when he feel a lil bit pain on his back. Hanggang ngayon ay may nararamdaman siyang sakit kung saan bumaon ang bala ng baril noon.

"Pag-isipan mo ang alok ko, ikaw din ang nagustohan ni Josh dahil kilala ka na niya."

Tumango na lamang si Wigo sa dating heneral. Kahit wala na ito sa position ay ginagalang pa rin nila bilang opisyal ng batas noon.

"Hindi na kami magtatagal," paalama ni Amalia sa mortal enemy niya ngunit malapit na kaibigan.

"Tanggapin mo na ang alok kong trabaho at ayaw ko ng kumpareng mahina ang tuhod."

Pumalatak si Wigo sa biro ni Max. Mukhang bahawaan na ito ng kadaldalan ni Amalia at marunong na ring magbiro.

"Aalis na rin ako at kailangan ako ng aking kabayo." Hindi na hinintay ni Cris ang sagot ng binata at agad na sumunod kina Amalia palabas ng silid.

Lalo lamang nakaramdam ng pagkabagot si Wigo nang wala na siyang kasama sa loob ng silid. Naroon siya ngayon sa bago nilang hideout at nagpapagaling. Hindi siya pinayagan sa kanilang bahay at baka umano may tangka pa sa kaniyang buhay. Ayaw din naman niyang madawit ang kaniyang pamilya kahit pa may kakayahan naman sila na bigyan siya ng protection laban sa masasamang tao. Bukod doon ay gusto niya rito at walang isturbo o walang naninirmon.

Biglang pumasok sa isipan ni Wigo ang dating housemate. "Kumusta na kaya siya?" naitanong niya sa sarili.

Kahit noong nag-aagaw buhay siya ay hindi nawaglit sa kaniyang isipan ang babae. Nag-alala rin siya ng husto dito noon sa isiping baka isinunod ito matapos siyang mabaril. Nang malaman mula kay Cris na isa ang dalaga sa tumulong upang mailigtas siya ay sobrang natuwa siya. Ngunit mula noong iwan niya ito sa inuupahang bahay kasama si Cris ay hindi na niya muli ito nakita. Hindi na rin iyong naungkat ng iba pa ang tungkol sa dalaga kaya wala siyang balita kung nasaan na ito.

"Masamang pangitain ito!" muli niyang bulong sa sarili nang makita sa balintataw ang magandang mukha ng babae.

Para sa kaniya ay isang malubhang sakit ang dumapo sa kaniya dahil hindi mawaglit sa isipan ang babaeng matapang at asal lalaki. Mabilis siyang tumayo at nagpasyang lumabas upang ibaling sa ibang bagay ang isipan.