Chapter 5
LEA CRISTINE’S POV
Hindi mawala ang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Lea ng nilapag ang huling almusal na kaniyang niluto sa lamesa. Naka-lagay doon ang hindi gaanong magarbong almusal, tulad ng bacon, sinangag, tuyo, itlog at tasa ng kape na tinimpla para sa kaniyang asawa.
Naka-ayos na rin ang set-up s table gaya ng mga kubyertos, at si Mark na lamang ang hini-hintay na bumaba.
Sinadya pa talaga ni Lea, na maagang gumising para lamang pag-handaan lamang si Mark ng almusal dahil hindi lamang espesyal ang umagang ito.
Dahil espesyal ang araw na ito sa kanilang dalawang mag-asawa.
“Yes, Dad naintindihan ko.” Malagong na tinig ni Mark na, matigilan si Lea sa kaniyang ginagawa. Nag lakad na ang asawa niyang si Mark papunta sa dining. Naka-suot ito ng grey office suit na bagay na bagay sa kaniya. Lalo pang tumingkad ang ka-guwapuhang taglay ng kaniyang asawa sa kaniyang kasuotan.
Ang malapad at magandang katawan nito, na iyon talaga ang pinaka-gusto ni Lea ang lahat.
Bakit ganun?
Bakit domoble ang ka-guwapuhan niyang taglay ngayon?
Hindi maalis ni Lea ang tingin kay Mark, na abala ito na may kausap sa phone.
Naka-kunot na naman ang noo ng kaniyang asawa, na galit na naman ito sa mundo. Kahit parating naka-kunot ang noo ng kaniyang asawa, hindi pa din mabawasan ang ka-guwapuhan nitong taglay.
Ang asawa niya na siguro ang pinaka-guwapo sa lahat, at hinding-hindi ko siya ipapatalo.
“Yes, shes her. Tawagan na lang kita Mamaya Dad!” Malagong na tinig nito at nilagay ang cellphone sa bulsa. Bumaling ang tingin sa akin ni Mark, na malamig at walang bahid na emosyon.
“K-Kain kana, nag handa ako nang almusal para sa’yo.” Nag kadautal-utal na tinig ni Lea. Hindi niya talaga maiwasan na pag-pawisan at kabahan kapag kaharap niya na si Mark. Ewan ko ba, kong bakit takot ako sa kaniya.
Kaya nitong palambutin ng aking tuhod sa takot, kapag binigyan kana nito ng nag babantang titig. Natatakot din akong maka-gawa ng pag-kakamali sa harapan niya dahil baka saktan niya na naman ako muli.
Nakita ko kong gaano karahas at kasama ang aking asawa, at ayaw ko nang muli pang sapitin na ma-bugbog.
“Ts!” Napa-iling nitong tinig at umupo na sa bakanteng silya si Mark para simulan na nitong kumain.
Nanatili lamang si Lea, naka-tayo sa kaniyang kina-tatayuan na pinag- mamasdan lamang nag-sasandok ng pag-kain ito sa lamesa. Hindi na mapakali si Lea nang sandaling iyon, nag lalaro pa din sakaniyang isipan kong sasabihin niya ba kay Mark, o huwag na lamang.
“What? Tatayo ka lang ba diyan sa harapan ko Lea?!” Iritado at pagalit na tinig ni Mark, na kulang na lang mapa-talon siya sa labis na takot.
Pinag-pawisan na siya ng malagkit ng sandaling mag-tama ang malamig nitong mga mata sa akin. “Diba sinabi ko sa’yo na ayaw kong makita ang pag-mumukha mo, habang kumakain ako?!” Iritadong tinig nito.
Tila ba kinurot ang puso ko sa katagang binigkas niya.
Ganun siya parati, na para bang nakaka-hawa kaming sakit kong turingin ng aking asawa.
Diba sobrang sakit?
Ayaw na ayaw kasi ni Mark, na sumabay kami ng kaniyang anak sa hapag-kainan. Bilang lang ata sa aking daliri kong ilang beses lamang kami nag-kakasabay kumain, pero suntok sa buwan pang mang-yari ang bagay na iyon.
Kakain lamang kami ng aking anak kapag tapos nang kumain si Mark.
Kapag naka-alis na ang aking asawa.
Ganun naman parati umikot ang set-up sa bahay namin. Hindi ko naramdaman ang pag-mamahal saming dalawa ng aming anak ni Mark.
Paulit-ulit niyang pina-paramdam sa akin kong gaano kami kamalas sa buhay niya.
Parati niyang pina-pamukha sa akin kong gaano ako kasama.
Parati niyang pina-pamukha na ako ang sumira nang buhay niya.
Ako ang dahilan kong bakit sila nag-break ng kaniyang nobya.
Oo masakit.
Sobrang sakit dahil ganun na lamang parati ang turing niya sa akin.
Na parati niya na lang sinasaktan.
Patuloy niya akong binu-bogbog.
Parati niya akong sini-singhalan.
Nilulunok ko na lamang ang masasakit na salita na parati niyang binibitawan sa akin, kahit durog na durog na ako.
Durog na durog na ang pag-katao ko.
Sinubukan ko naman na umalis.
Sinubukan ko naman na iwan ang aking asawa.
Pero hindi ko naman kayang matiis, na hindi muli bumalik sa kaniya.
Mahal ko siya.
At ayaw kong mag-kahiwalay kaming dalawa ni Mark.
Ayaw kong masira ang pamilya namin.
Diba ang tanga ko?
Ang tanga ko na patuloy pa din kumakapit sa aming pag-sasama na kahit alam ko naman na hindi niya din ako magawang mahalin at tanggapin sa buhay niya.
Patuloy akong nagbulag-bulagan sa aking nararamdaman.
Patuloy akong kumakapit kahit alam ko naman na wala ng maisasalba sa aming relasyon.
Kahit sa katiting na pag-asa, pinag-hahawakan ko na balang araw.
Mamahalin niya din.
Mamahalin niya din ako kahit suntok sa buwan na mangyari ang bagay na iyon.
“A-Ah eh.” Panimula ko dahil hindi ko talaga makakaya na sabihin ito ngayon sakaniya. Paano na lang kong magalit siya sa akin? Paano kong saktan niya muli ako?
Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ni Lea dahil sa diin ng pag-kakagat niya doon.
“Spill it out!” Iritadong nitong tinig.
“Maaga ka ba m-mamaya uuwi?” Kabado kong turan at nag kasalubong muli ang kilay nito. Pigil-hiningga din ako ng sandaling iyo, na baka bigla na lamang siyang magalit. “K-Kasi mamaya balak ko sanang mag-luto ng espisyal na dinner para sa ating dalawa, kong wala ka man na gagawin masyado sa company.” Tagaktak na ang malamig na pawis, at iniinggatan ko na maka-gawa ng pag-kakamali sa harapan niya. Walang emosyon pa din ang mukha ni Mark, na naka-tingin sa akin na animo’y pinapa-kinggan ang susunod kong sasabihin. “I-It’s our Wedding anniversary today. Makaka-rating ka ba mamayang g-gabi hindi ba?”
Nabalutan ng katahimikan sa panig naming dalawa, na wala akong makuhang sagot mula sa kaniya.
“Oo.” Walang buhay nitong tinig at tinuon nitong muli ang atensyon sa kinakain.
Ilang segundo natigilan si Lea sa katagang binitawan ng kaniyang asawa.
Totoo ba ito?
Hindi ba ako nanaginip?
Darating siya mamaya?
Darating siya sa Wedding Anniversary naming dalawa?
Kahit napaka-ikli lamang ang sinagot ni Mark, napaka-lakas pa din ng impact iyon sa aking sarili. Tila ba may nag liparang mga paro-paro sa aking tyan ng sandaling iyon na, mag celebrate sila mamaya ng Wedding Anniversary na mag-kasama.
“S-Sige kain ka nang marami.. Ipag-hahanda ko mamaya ang paborito mong pag-kain mamaya.” Hindi na maipinta ang lawak ng ngiti sa aking labi ng sandaling iyon. Halong saya at excitement ang aking dibdib dahil espesyal ang araw na ito para sa aming dalawa.
Nang maka-alis na si Mark, tinuon na lamang ni Lea ang atensyon sa pag lilinis ng bahay at iba pa niyang mga gawain. Tila ba nag-karoon kaagad siya ng energy na kumilos na gawin ang iba pang mga gawain dahil lamang sa araw na ito. Napaka-aliwalas din ang mukha ni Lea dahil na hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi niya.
Pasado alas- kwatro pa lamang ng hapon, nag simula na si Lea mag handa ng mga pag-kain na iluluto niya para sa Wedding Anniversary nilang dalawa ni Mark.
Nag set-up ng candlelight dinner para sa kanilang dalawa, at naka-handa na rin ang plato at kubyertos sa lamesa. Nag lagay din ako ng fresh flowers para bigyan ng attraction at ganda ang magiging gabing ito para sa kanilang dalawa. Sinadya talaga ni Lea, na lutuin ang mga paboritong ulam ng kaniyang asawa, para naman lalo pa itong maging masaya.
Nag suot si Lea ng isang simpleng dress na puti at hinayaan na naka-lugay ang itim at mahaba niyang buhok. Nag lagay din siya ng konting make-up sa kaniyang mukha kahit papano hindi siya mukhang haggard at maputla sa harapan ng asawa, kapag dumating na ito. Labis siyang nasasabik dahil sa ilang taon nilang Anniversary, na lumipas. Ito lamang ang kauna-unahang beses na mag-sasama at celebrate silang dalawa na mag-kasama kaya’t todo talaga ang pag hahanda ni Lea sa araw ito. Yes believe it or not. Ito ang kauna-unahang beses na mag celebrate kaming dalawa ng aming wedding anniversary, dati-rati hindi naman mahalaga ito para sa aming dalawa, na hindi ko man lang din naranasan na surpresahin, ni Mark ng gifts flowers or kahit na anong treats, na natural na ginagawa ng mga lalaki sa kanilang mga asawa. Pero hindi naman ako nag rereklamo sa bagay na iyon, na kahit hindi ako bigyan ni Mark ng mga gano’ng regalo o treats.
“Ayan, tapos kana.” Kulang na lang mapunit ang matamis na ngiti sa labi ni Lea ng pinag mamasdan ang napaka-gandang set-up na kaniyang ginawa. Napa-titig siya sa wallclock at 7pm na.
Mga anumang segundo parating na si Mark lulan ng trabaho. Alam na ni Lea ang labasan ng uwi ng kaniyang asawa sa trabaho kaya’t labis ang pagka-sabik niya na pauwi na ito ngayon.
“Mark,” masayang tinig ni Lea ng marinig ang tunog na sasakyan. Masaya siyang dumungaw sa bintana para silipin ang asawa, at ganun na lamang pag kadismaya niya dahil hindi iyon ang sasakyan ni Mark. “Ay, hindi mo pala sasakyan ang dumating.” Nabulong niya sa kaniyang sarili.
Lumipas ang segundo at oras walang Mark na dumating. Lumalalim na ang gabi, at naka-upo lamang si Lea sa silya sa dining habang hinihintay na dumating ang asawa. Nasa-harapan niya ang red wine at red-wine glass. Sinimulan niya na rin unti-uting uminom habang nag papalipas ng minuto na hinihintay ang asawa na dumating.
“Asan kana Mark?” Malungkot na tinig ni Lea dahil pasado alas nuwebe na nang gabi pero wala pa din ang asawa niya. “Bakit wala ka pa?” Walang-buhay niyang tinig at naka-tingin sa cellphone. Imposible naman na maipit ito sa traffic, na dapat sana na kanina pa ito naka-uwi.
Pero bakit wala kapa din?
Asan kana ba Mark?
Wala din itong text or tawag sakaniya. Hindi ko alam kong bakit wala pa siya hanggang ngayon. Na dati-rati dumarating ang asawa niya ng alas syete pa lamang ng gabi, pero wala pa din ito.
Nabalot ng lungkot at takot ang puso ni Lea, na baka hindi na dumating ang kaniyang asawa.
Pinilig niya na lamang ang kaniyang ulo, para iwaksi ang kaniyang isipin. Ayaw kong maging negative at maging malungkot sa espisyal na araw naming dalawa.
Darating siya.
Huwag kang pag-hinaan ng loob Lea.
Pina-ngako ng asawa mo, na darating siya ngayon.
Darating siya ngayon sa Wedding Anniversary naming dalawa at naniniwala ako doon.
Baka may dinadaan pa siya o kaya naman may tinapos pa siyang trabaho sa kompaniya, kaya’t wala pa siya ngayon.
Ilang minuto na lamang darating na si Mark.
Darating na ang asawa ko.
“Mommy?” Inaantok na tinig ng kaniyang anak na si Steven. Kusot-mata itong lumapit sa gawi ko, at ang kaniyang mga mata mapungay na dahil sa labis na antok. “Nagugutom na po ako. Wala pa po ba si Daddy? Hindi pa po ba tayo kakain Mommy?” Huminto si Steven sa harapan ko, at ang mga mata nito’y puno ng lungkot.
Kinarga ni Lea ang kaniyang anak, at labis din siyang naawa dito dahil kailangan pa nilang hintayin si Mark, para sabay-sabay na silang kumain.
“Sorry baby, wala pa din ang Daddy mo eh.” Napa-nguso na lamang ito sa aking sinabi. Nang malaman ni Steven na sabay-sabay kaming kakain ngayon ng dinner, labis ang kaniyang pagka-sabik na maka-sama ang Daddy niyang kumain ngayon. “Nagugutom kana ba? Sandali lang, at pag hahandaan na kita ng pag-kain mo.” Binaba ko si Steven sa pag kakarga.
“Sige po Mommy.” Inaantok nitong tinig. “Ikaw po ba Mommy, hindi ka pa din po ba kakain? Sabay na po tayong kumain po.” Inosenteng tinig nito, na mapa-ngiti si Lea sa katagang sinambit nito.
“Hindi pa baby, busog pa si Mommy eh. Sabay na lang kami ni Daddy kumain, tiyak na pauwi na din siya ngayon.” Tugon ko sakaniya at ginulo ko ang buhok ng aking anak, na mapa-pout ito. “Sige na maupo kana sa chairs, ihahanda lamang ni Mommy ang pag-kain mo.”
“Sige po Mommy.” Nag lakad na ito sa bakanteng silya at inasikaso na ni Lea na kumain ang kaniyang anak.
Hinandaan ko nang pag-kain si Steven. Nang matapos na niyang kumain, hinatid ko na siya sa kaniyang silid para patulugin. Nag lakad muli pababa si Lea pero, wala pa di si Mark na mag alas-onse na nang gabi at napaka-lalim na ng gabi.
Pinatay ko na rin ang ibang ilaw sa sala, at tinakpan ang pag-kain na aking hinanda.
“Asan kana Mark?” Matamlay kong tinig habang naka-masid sa lamesa, at doon ako naka-ramdam ng lungkot na hindi ko maipaliwanag. Naroon pa din ang hinanda kong pagkain na hindi pa din nagalaw, at nawalan na ako ng ganang kumain.. “Akala ko uuwi ka, bakit hanggang ngayon wala ka pa din?” Basag kong tinig.
Nilabas ni Lea ang phone at simulang tawagan ang asawa pero patuloy lamang itong nag ri-ring na walang balak na sagutin ang mga tawag niya. “Please pick up the phone Mark.” Taim-tim kong dasal. “Please sagutin mo naman ang tawag.” Ilang minuto niya itong tinatawagan pero wala pa din na sumasagot.
Ilang beses ko din siya tinawagan pero hindi niya pa din sinasagot ang tawag. Hindi ko rin alam kong asan ngayon si Mark. Hindi ko alam kong saan ko siya hahanapin. “Akala ko, sabay tayong mag celebrate ng Anniversary natin? Bakit hanggang ngayon wala ka pa din? Bakit hindi ka pa din umuuwi? Asan kana ba M-Mark?” Garalgal kong tinig at kasabay ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.
Hindi ko maiwasan na maging emosyonal nang sandaling ito dahil ilang segundo na lamang patapos na ang aming Wedding Anniversary.
Buong tamlay na tumungo si Lea sa sala at naupo sa couch. Doon niya na lamang hihintayin si Mark na dumating.
Naalimpungatan ng gising si Lea ng marinig ang pag-bukas sara ng pintuan na tanda na may pumasok. Mabilis na bumangon sa kina-hihigaan sa couch, hindi niya namalayan na doon na siya naka-tulog sa kahihintay sa kaniyang asawa.
Sandali, anong oras na ba?
Tumingin ako sa cellphone at lumuwa ang aking mga mata ng makita na pasado alas dos na nang umaga.
Nabalik ako sa realidad ng marinig ang mabigat na yabag, at nakita ko ang bulto ng isang tao, na kahit hindi ko gaanong napag-masdan ang kaniyang itsura, alam kong asawa ko iyon.
“M-Mark.” Masigla kong tinig at nag karoon muli ako ng sigla ng mapag-tanto ko na dumating na ang aking asawa. Nawala lahat ng tampo ko sakaniya na late na siyang dumating. Ang importante umuwi siya. “Mabuti naman at naka-uwi kana. Kumain kana? Nag handa ako ng masarap na hapunan para sa ating dalawa. Tamang-tama sabay na tayong kumain ngayon.” Kulang na lang mapunit na ang lawak ng aking labi sa matamis na ngiti. Wala pa din akong makuhang sagot sa aking asawa at dire-diretso lamang itong ng lakad papunta sa dining.
Naka-sunod lamang ako sa aking asawa sa likuran. Binuksan ko na rin ang iba pang ilaw para naman mag karoon ng liwanag. Sabik akong ipakita sakaniya ang aking hinandang hapunan para sa aming dalawa.
Kahit tapos na ang Wedding Anniversary naming dalawa.
Ayos lamang iyon basta ang importante nandito na siya.
Sinimulan ko nang alisin ang naka-takip sa mga pagkain na aking ginawa. Iinitin ko na lamang iyon para kahit papano hindi malamig kong kainin.
“Kanina pa ako tumatawag sa’yo pero hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko sa’yo.” Tuloy kong kwento at wala pa din akong makuhang sagot sa sa aking asawa. Napaka-dilim at walang bahid na emosyon ang mga mata nito. “Naiintindihan ko naman kong ngayon ka lang naka-uwi dahil siguro marami kang inasikaso na trabaho sa kompaniya mo hindi ba? Huwag kang mag- alala dahil hindi naman ako galit. Naintindihan ko naman ikaw. Sabay na tayong kumain. Tar---” tangka ko sanang hahawakan pero bigla nitong tinabig ang aking kamay na labis ko naman kinabigla.
Ganun na lamang ang takot at nerbyos na lumukob sa puso ko ng makita ang walang-bahid na emosyon niyang mga mata.
Puno ng galit at nanlilisik iyon sa galit.
Bakit?
Bakit ganun niya na naman ako muling tratuhin?
“Could you please shut it?!” Iritado nitong tinig na ako’y mapa-kurap. “Pwede bang itikom mo ang bibig mo Lea?!” Iritado nitong tinig at marahas na hinawakan ang aking pulsuhan, at hinila niya ako palapit sa kaniya.
Doon muli, kumabog ng sobrang bilis ang aking puso, sa takot na baka may gawin siyang masama sa akin. Takot na akong saksihan muli kong gaano siya karahas.
Doon ko malayang napag-masdan ang aking asawa. Amo’y na amo’y ko rin ang matapang na amoy ng alak na ininom nito. Sandali nag lasing siya?
Bakit?
Late ba siyang naka-uwi dahil uminom siya?
“M-Mark. Lasing ka ba?” Napa-kurap kong tinig at nanatili pa din naka-pako ang aking tingin sa nanlilisik na mata ng aking asawa. “Bakit? Bakit ka uminom? Alam mo naman, na mag- hahanda ako ng dinner sa ating dalawa, h-hindi ba? Diba sinabihan kita kanina na ngayon a-ang Anniversary nating dalawa. Bakit nag lasing ka pa d-din? Bakit late kana umuwi? Kanina pa ako nag hihintay sa’yo Mark.” Garalgal kong tinig. Labis akong nasasaktan dahil kanina pa ako nag-hihintay sakaniya tapos ngayon nag lasing lamang siya?
“Tanga ka ba?!” Puno ng uyam nitong tinig, na ako’y mapa-piyok sa kaniyang sinabi. “Sabagay tanga kana man talaga..” buong sarcasmo nitong tinig, na tinaga ang puso ko sa sakit. “Iisipin mo talagang uuwi ako ngayon? Sa tingin mo ba mag ce-celebrate ako ng Anniversary na kasama ka?! May sinabi ba akong darating sa lintik na anniversary na ito?!” Bulyaw niya sa akin, na mapa-pikit ako sa labis na takot.
Tila ba kong may kong anong naka-bara sa puso at lalamunan ko sa katagang sinabi niya.
“Pero sinabi diba na darating ka kanina h-hindi ba?” Uminit na ang sulok ng aking mga mata. Hindi na ako maka-hingga dahil napaka-bigat na rin ng aking pag-hingga. Bakit ganiyan siya sa akin?
Saan ba ako nag-kulang? “Kaya nag handa ako ng pag-kain dahil sinabi mo n-na darating k-ka.”
“Wala akong sinabi. Ikaw lang nag asseum Lea! Ikaw lang ang gumagawa para saktan ang sarili mo!” Napa-singhap ako muli ng marahas niya akong hinatak muli palapit sakaniya. Doon na nabalot ng takot at nerbyos ang aking puso, na ngayon nasaksihan ko muli ang nanlilisik nitong mga mata sa galit. “Pwede bang tigilan na natin ang kalokohan na ito! Dahil alam mo naman, na pinakasalan kita dahil sa lintik na anak sa sina-pupunan mo! Hindi ba Lea?” Puno ng uyam nitong tinig.
“M-Mahal kita Mark.” Garalgal kong sambit at puno ng inis itong napa-ngisi sa aking sinabi.
“Mahal mo ako?!” Puno ng uyam nitong tinig. “That’s bullshit! Kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita mamahalin Lea. Itatak mo sa kokote mo ang bagay na iyan!” Buong pwersa niya akong tinulak na kulang na lang tumalsik ako sa lakas ng impact.
Durog na durog na ang aking puso ng sandaling iyon. Pinag-mamasdan ko lamang si Mark sa aking harapan na hindi pa din nag babago ang emosyon sa mga mata nito.
“And what’s this? Are you giving me a trash Lea?” Asik nito at tinabig nito ang laman ng lamesa at umalingawngaw ang malakas at nakaka- hindik na tunog ng pag-kabasag.
Kitang-kita ko tumilapon ang mga pagkain na aking hinanda sa tiles, na kumalat lahat ng iyon.
“Please stop Mark. Please tama na.” Pigil ko sakaniya dahil isa-isa niyang tinapon sa sahig ang lahat ng hinanda kong pag-kain sakaniya. “Please t-tama na Mark.” Lumapit ako sakaniya para pigilan lamang siya.
Isa-isa niyang hinulog sa sahig ang plato at baso. Umalingawngaw ang malakas na pag-kasabag ng mga iyon sa sahig.
Kasabay ng pagkabasag ang pagka-basag din ng puso ko ng paulit-ulit.
Hinawakan ni Mark ang huling pag-kain at tangkang itatapon, pero mabilis kong pinigilan ang kaniyang kamay, sa tangka niyang gustong gawin. “P-Please tama na Mark. Please tama na, parang-awa mo na.” Pag-mamakaawa ko at kasabay ng pag-tulo ng luha sa aking mga mata.
“Sa sunod, alamin mo kong saan ka lulugar Lea!” Iritadong binitawan ni Mark ang hawak nitong pag-kain at dinuro ako. “Asawa lang kita, pero hanggang sa papel lamang iyon! Huwag mo nang subukan, dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi na mag babago ang pag-tingin ko sa’yo! I don’t love you! “ Tiim-bagang tinig nito at tinulak ako ng malakas na sanhi naka-tama ako sa lamesa.
Damang-dama ko ang kakaibang kirot ng pag-tama ko sa lamesa pero lahat ng iyon tiniis ko.
“Fuck!” Inis na napa-sabunot sa buhok si Mark, at nag martsa itong nag lakad paalis para iwan ako.
Nang-hihina akong napa-salampak sa malamig na tiles, at pinag-mamasdan ang mga pagkain at basag na mga plato, baso sa sahig.
Nawasak ang puso ko sa sakit habang pinag-mamasdan iyon.
Napa-tutop ako sa aking mukha at doon na humagolhol ng pag-iyak.
Ano pa bang kulang Mark?
Ano bang dapat kong gawin para tanggapin at mahalin mo lang ako?
Bakit hindi pa din ako sapat sa’yo?