Chapter 30: Who says I’m going to die?
Silver POV
Nandito parin ako sa underground. Kanina pa nakaalis si mama. Nakatingin lang ako sa kisame habang nag-iisip. Iniisip ko ang mga sinabi ni Mama sa akin tungkol sa nakaraan at propesiya.
Originally ang cursed na nanggaling sa bloodlines ko ay galing sa covenant love. Ang love din ang responsible sa awaken cursed. If I'm not mistaken yung cursed na kumakausap sa akin ay ang awaken cursed.
Did she hate the covenant of love? I’m not sure, para kasing may missing part doon sa sinabi ni mama eh. Nagtataka din ako kung bakit hindi pinaalam sa akin toh dati, I mean sa kung anong dahilan ni mama. Tsaka yung hindi niya ako tinitrain, nagtataka din ako doon. But is it possible na dahil sa curse ko? Ah mukhang lahat yata ng dahilan ni mama ay related sa curse ko.
Pero ang pinagtatakahan ko sa lahat ay kung bakit pinili ng covenant of love si Dawn? I mean I get it since mabuting tao yung girlfriend ko, but I don’t understand kung bakit cursed si Dawn, and kung cursed si Dawn, bakit siya ang pinili ng covenant?
So, covenants can choose a cursed holder?
I don’t understand.
If cursed si Dawn, san niya yun nakuha?... Besides if cursed creature siya, diba mga patay na yung mga punished cursed creature while yung iba was born with the cursed. Based sa nanoticed ko sa kanya, parang hindi naman applicable ang punished cursed creature sa kanya since buhay na buhay si Dawn. Yung mga naencounter ko kasing cursed creature parang may mali eh, yung babaeng parang hukay, yung chain user na cursed creature, tapos... teka sila pa bang dalawa? Ah mas okay na yun, ayaw kung makipaglaban sa mga punished cursed kung mayron paman.
Basta ang dalawang yun, may sariling territory, tapos si Dawn parang wala naman?
Natigilan ako bigla. Teka, parang may mali eh. Di ko lang talaga mapinpoint. And speaking of Dawn, parang may sinabi yung cursed ko bago ako bumalik dito.
Shiiitttt the heck. Bakit sa lahat yun pa ang nawala sa isip ko.
Dali dali akong nagbihis at umalis sa underground. Naglibot-libot ako ng paningin dito sa bahay kung nandito ba si Mama, pero wala. Wala din akong presensiya na naramdaman. Kaya lumabas na ako ng bahay.
Masyado yatang tahimik ang Eastville ngayon? Kung sabagay nasa Southville na ang mga nakatira dito, pero saan kaya ang mga elites na nagbabantay dito pag may dadating na demons?
De.. mons... Teka,...
Biglang nanumbalik sa akin ang pangyayari bago ako nawalan ng malay dito at nakipagkausap sa cursed ko. Naalala ko din na nasasaksak ako sa bandang tiyan. Pero hanggang doon lang ang naalala ko, hindi ko alam kung sinong nakatalo nung mga demons o kung natalo ba yun.
Tiningnan ko ang aking tiyan at natigilan ako sa aking nakikila. Itim na itim na ito ngayon na parang hindi na siya balat ko at may mga violets din akong nakikita na mga veins yata. What the??? Saang banda ng katawan ko ang mga nababalotan nito?
Pero maya ko nalang toh alalahanin. Kailangan ko munang makita si Dawn.
Lakad takbo ang ginawa ko. Ang tahimik talaga, parang walang elites na nandito. Pero ewan, baka mayron tapos di ko lang ramdam.
Malapit na sana ako sa Westville na may naramdaman akong weapon na papunta sa akin kaya huminto ako at lumundag palayo para makaiwas. Then I saw a guy, puti ang buhok nito, at gray yung kulay mata na naglalakad papunta sa akin. Nang malinawan na ako sa mukha niya, naalala ko si Rania, kamukha-kamukha niya si Rania. Para siyang boy version ni Rania, magkapatid kaya sila?
Pero hindi ko maiwasang kabahan ng makita ko kung ano yung nasa likod niya. Nakalutang dito ang mga blades na kulay gold na sobrang dami. Balak ba akong patayin nito?
Bigla siyang huminto sa harapan ko at tinitigan ako.
“At last we meet, Silver.”
“Hah? Kilala mo ko?”
Ngumisi ito bigla, “Who wouldn’t? You’re quite famous in my world.”
Pinagsasabi nito? World? Ah lugar ng mga angels. Based kasi sa nakikita ko kay Rania at pati nadin ang description ni mama sa tunay kong ina, ay maconclude ko na angel ang kaharap ko ngayon Well, mukha ngang kilala ako doon, at isa pa, angel ang tunay ko na ina. That makes me a half angel.
“What do you want?” tanong ko.
Kailangan ko ng makaalis dito, ang layo pa naman ng Southville, at ang laki pa ng lugar nato.
“Fight me.”
“Sorry?” tanong ko.
“You heard me. Fight me.”
“I’m sorry, nagmamadali ako. Sa susunod nalang.” sabi ko at agad na humakbang pero biglang may nakatutok na espada sa leeg ko.
“Not so fast.”
Ramdam na ramdam ko na hindi siya isang ordinaryong angel, at alam ko kung gaano siya kalakas, dahil makikita yun sa aura niya. Pero hindi niya ako papaalisan hanggat hindi ko siya nilalabanan. Bahala nah. Wala ako choice eh.
Umatras ako at tumakbo sa ibang direksyon. Bahala siya, wala akong laban sa kanya. At hindi ko din alam kung makakalabas ba akong buhay dito. Ah no, makakalabas talaga ako ng buhay dahil sa cursed ko, hindi naman ako hahayaan nun na mamatay.
Hindi pa ako nakakalayo ng nararamdaman ko na may mga blades na papunta sa akin. Kaya iniwasan ko ito isa’t isa. Lumiko ako sa kaliwa pero may mga espada na naman nakasunod sa akin. Man, papatayin yata ako nito.
Napahinto ako pagtingin ko sa harapin na may mga espada din na paparating sa akin, pati narin na rin sa both sides ko. Geez, trap.
But huminto bigla ang mga espada habang pinapalibutan ako nito in circles. Oh oh. Kinabahan ako nito.
“Ready to die, Silver?”
Kahit na medyo takot ako, ngumisi ako sa kanya.
“Who says I’m going to die?”
Nagalit yata siya sa sinabi ko o nachallenge, dahil bigla dumami ang espadang nakapalibot sa akin. At umaatake ng sabay sabay.
I don’t know what’s happening to me but bigla nalang gumalaw ang katawan ko para maiwasan ang mga yun. Hanggang sa huling espada na sinangga ko kaya nasugatan ang kamay ko nito.
Sabay sabay na namang may paparating na mga espada. Hindi ba siya nauubusan ng ganyan?
This time ako na mismo ang sumalubong sa mga espada na paparating sa akin. Habang ginamit ko naman ang espada na nakuha ko kanina para panlaban dito. Habang tumatagal ay bumibigat ito, mukhang hindi yata toh compatible sa akin, at dugo ng dugo padin ang sugat ko sa kamay.
Ng nagtagumpay nako sa mga espadang sumabong sa akin, ay lumundag ako papunta sa user habang hawak na hawak ko ay espada at pumusisyon para sugatan siya, but may espadang sumalubong sa sword ko, at wrong move dahil ramdam na ramdam ko ang pagtagos ng isa pang espada sa aking tiyan.
Bigla nitong hinugot ang espada, and the next thing I know, nakita ko nalang na tumilapon ang aking kamay at ang espadang hawak hawak nito.
Napaluhod nalang ako habang umuubo ng dugo, kita na kita ko din ang mga dugo kong nagkalat sa lupa. Umaagos ang dugo sa tiyan ko pati nadin sa kamay.
“Paalam Silver.”
Naramdam ko nalang na humiwalay ang ulo ko sa aking katawan, habang kitang kita ko ang ulap bago ito bumagsak sa lupa. Tears running down my face. Is this the end? Unting-unti na din akong nawawalan ng malay.
“Weak.” rinig kong sabi nito bago maglakad palayo.
Everything turns black...... but suddenly, I heard something inside my mind. “Dawn needs you.” Paulit-ulit ito, at bigla nalang ko nalang nakita ang aking cursed. “Want me to lend you a hand?” tanong nito.
“I need to see Dawn.” yun lang ang sinabi ko sa kanya and the next thing I know, buo na ulit ako.
Third Person POV
Hindi pa nakakalayo ang lalaking anghel ng maramdaman nito ang kakaibang presensiya na nanggaling mula sa bandang likod niya. Kaya unti-unti niya itong hinarap. Nakita niya nalang na buo na ulit si Silver at parang walang nangyari sa kanya kanina. Although may makikita padin ang dugo sa lupa pati na din sa damit nito.
Nakatayo lang si Silver doon habang nakayuko at hawak na hawak nito ang espada na hawak nito kanina. Ang gold na espada na hawak nito ay bigla nalang nag-iba, naging kulay itim ito na parang nag-aapoy habang may paikot ikot nito ang kulay violet na parang mga ugat pero this time ay para na itong kuryente.
Lumitaw bigla sa likod ni Silver ang nakaparaming espada na kapareho nung hawak niya. At tumingin sa harapan, na kulay violet na ang mata. Ngumisi ito, bago nagsalita.
“Who says I’m going to die?”