Chapter 25: Changing
Silver’s POV
“Level 4 demons look like us, but the thing is that they have horns, red eyes, fangs, long nails, and have tails. They can kill you even without touching you, and they can manipulate anyone they wish to manipulate unless you’re strong enough to withstand it and they’re really fast and so brilliant.”
Naalala ko ang sinabi ni mama sa amin dati. Mahirap nga toh. Bukod sa napalakas ng level 4 demons, matalino pa ang mga ito.
“Don’t look at him in the eyes..... if you wish to live. Once my shield is broken, never look at him in the eyes.” sabi ni Rania.
“But right now, it’s best if hindi muna kayo lalabas sa shield nato.” pagkasabi niya nun ay ang paglabas niya sa shield na nakapalibot sa amin kasabay ang pag-atake niya sa kalaban. Pero nakaiwas ito at napunta sa kabila. Hindi ko nakita kung paano nangyari yun dahil sa usok.
Nung humupa na ang usok, nakita ko si Rania, she is glowing with white light all over her. Her aura becomes different, hindi ko pa siya nakikita na ganito dati. Magkaiba kasi ang aura niya doon sa cursed territory ng babaeng mukhang galing sa hukay, although nagpalabas siya ng ibang kapangyarihan niya doon.
“Hmmm, you’re strong. You’re not an ordinary angel, so I’m guessing that you’re one of the covenants?........... hahahahaha amazingggg. I’m gonna kill you.” kasabay ng pagsabi ng kalaban nun ay ang pag-atake nito sa kanya. Napakabilis nito, but for some reason nakikita ko bigla ang mga galaw nila.
Nag-iiba ang paningin ko, naging violet tapos babalik sa normal tapos violet na naman. Nalilito ako pero kasabay nito ay ang pag katiii ng likod ko.. shooott ang kati.. ang hirap pag ganito. Hindi ko kaya.. ang kati..
Tumingin ulit ako kay Rania. She’s holding chains with her but it’s like a white light chains kagaya ng nakapalibot na light sa kanya and the chains are everywhere. Naalala ko tuloy yung sa cursed territory ng chain creature na yun.
Yumuko ako ulit dahil sobrang kati talaga.
“I didn’t know that Rania is super strong.”
“She’s one of the covenants, I can’t believe it.”
“Akala ko nga din na normal lang siya. Although I have an idea na angel siya but being one of the covenants is quite different.”
May naririnig akong salita nila pero hindi ko masyadong narinig kung anong pinag-uusapan nila, but mukhang related yata kay Rania.
Pumikit ako, ang kati talaga, sobra. Hindi ko maiwasang kamutin yung likod ko. Kinagat ko din ang labi ko sa sobrang kati.
“Hey Silver, are you okay?” hah? Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko sa Rania sa harapan ko habang nakahawak sa balikat ko. Teka, tapos naba ang laban? Tumingin ako sa paligid na pinaglabanan nila pero wala na ang kalaban doon. Mukhang natalo na nga ni Rania.
“Ang kati.” yun lang ang nasabi ko sa kanya.
“I’ll take you back kay Dawn.”
“No, I’ll be fine. Don’t worry.” ayaw kong mag-alala na naman si Dawn dahil sa akin, kaya mas mabuting hindi ko muna siya abalahin sa palasyo. Tsaka nagpapahinga pa yun, kakaiba kasi talaga yung aura niya kanina.
“I’ll take you back sa Southville instead.”
“No, I’m going to fight.” I don’t know why but that words just came out of my mouth.
“But...”
“No buts Rania.” Pagkasabi ko nun ay hindi na siya nagsalita. Tumingin ako sa gilid, wala na pala ang mga kasama namin. Ba’t hindi ko man lang namalayan? Kailan pa sila nakaalis?
“Nung binaba ko na ang shield na nakapalibot sa inyo, doon sila umalis. Sorry, hindi ko agad namalayan na naghihirap ka at mukhang hindi din nila namalayan.” siguro, akala lang nila na hinihintay ko si Rania, since sabi din ni Rania kanina na sa kanya ako sasama.
Medyo humahupa na yung kati, pero yung paningin ko ay violet pa din. Ewan, sa hindi malamang dahilan ay gusto ko talagang makipaglaban.
“Let’s go.” sabi ko tsaka tumalikod. I noticed a strong energy coming from somewhere kaya sa direksiyon na yun ako pumunta. Si Rania ay nakasunod lang sa akin.
“Looks like, hindi lang 8 ang nandito ngayon. The portal is open or someone from the demons have the key to the portal.”
“Yeah.” yun lang ang sagot ko, nakafocus ako sa inerhiya na nararamdaman ko.
“Silver, can I ask you something?”
“Yes?”
“About Dawn, nakita mo naba siya na ganun kanina habang magkasama kayo?”
“Yun palang ang una.”
“Kung sabagay, pero mag-iingat ka sa kanya.” hindi ko maiwasang magtaka sa sinabi niya. At bakit naman ako mag-iingat kay Dawn?
“At bakit?” Tanong ko.
“She’s changing.” hah? Changing?
“What do you mean?”
“Just like you, she’s changing. So be careful.” yun lang ang sinabi niya at biglang binilisan ang takbo kaya siya na ang nauuna. Changing? I don’t understand why Dawn is changing. My eyes suddenly back to normal dahil hindi na violet ang paningin ko.
Pagkarating namin doon, nakita ko si mama. Using her power like a green lightning striking towards the black hole. Wait, so that’s the portal? I noticed sa paligid na may mga patay na demons. Did mom killed them?
Dawn said 8 in total but looks like may mga nakarating na bago. May level 4 demon pa ba? Rinig na rinig ko ang mga pagsabog sa iba’t ibang bahagi ng paligid. Mukhang naglalaban ang mga kaibigan ko at ang mga demons.
“Rania, Silver, why the heck are you here?”
“We want to help.”
“Fine, Rania help me close the portal, I don’t have the key.” kaya lumapit din doon si Rania striking a white light towards the hole. Tumingin lang ako sa kanila dahil hindi ko alam ang gagawin.
The light and the green lightning electric ay palaki ng palaki to the point kung saan nasisilaw na ako kaya tumingin ako sa ibang direksyon. But all of the sudden ay sumabog ito causing me, si mama at Rania na tumilapon.
Umubo ako, looking towards the portal pero sobrang kapal pa ng usok kaya tiningnan ko sila Rania at Mama. Nakaupo si mama at may dugo sa labi. Si Rania naman ay nakabangon na din.
Pinuntahan ko si mama. “Ma, are you okay?”
“I’m okay.” sabi ni mama at yumakap naman ako sa kanya at bumitaw din agad.
“Silver, umalis ka dito, ngayon na.”
“hah? But ayaw ko ma, hindi kita iiwan dito.”
“Shit.” pagkasabi ni mama niyan, nakita ko kung paano siya natigilan, kaya tiningnan ko kung anong tinitingnan niya.
Pahupa na ang usok, at may nakita akong anino ng dalawang tao doon. Nang tuluyan ng humupa ang usok. Natigilan ako sa aking nakita. Hindi tao, kundi Level 4 demon and Level 5 demon. What the...