The Billionaire's Innocent Maid (SPG) is a completed billionaire novel by xxcarixx with 51 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added May 11, 2022.
Synopsis
Read the first chapter
Chapter 1: PRELUDE
Ang lakas nang tibok ng kaniyang puso habang nakatingin kay Lucas na kaniyang boss. Sobrang lamig ng mga mata nito at halatang galit. Hindi niya mapigilang mapalunok nang paulit-ulit at matakot hindi para sa kaniyang sarili kung hindi para sa buhay na nasa loob ng kaniyang tiyan. Hindi niya sinasadya na mabasag ang isa sa mga mamahalin nitong gamit. Hindi niya iyon sinasadya at alam iyon ng lalaki pero mukhang galit ito sa kaniya.
"What did you just do?" Lucas asked in a cold and threatening tone. Napaigtad siya sa kaniyang kinatatayuan at mas lalong nanginig ang kaniyang buong katawan dahil sa takot. Natatakot siya na baka dahil sa kaniyang nagawa ay saktan ulit siya ng lalaki. Baka pag ginawa nito iyon ay baka makunan na talaga siya nang tuluyan. Hindi niya alam kung makakayanan niya ba 'yon.
"I-I'm sorry–"
"Shut up!" Mariin na napapikit siya ng kaniyang mga mata dahil sa lakas nang pagsigaw ng lalaki sa kaniya. Mas lalong nanginig ang buo niyang katawan dahil sa takot. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa kaniyang mga mata at niyuko ang ulo. Ayaw niyang makasalubong ang mga nagbabagang mata nito.
"I told you to not irritate me right? But what did you do?" Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa takot nang mabilis na naglakad ito papalapit sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang magkabilang braso. Napaawang ang kaniyang labi sa sakit at hindi mapigilang maiyak nang tuluyan habang nakatingin sa nanlilisik at malamig na mga mata nito.
"L-lucas, m-masakit–"
"Shut up. I never tell you to open your mouth did I?" Mariin na tinikom niya ang kaniyang labi at pinigil ang sarili na maiyak. Naiiyak siya hindi lang dahil sa takot at sakit na nararamdaman niya ngayon, kung hindi dahil din sa lalaki. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Ibang-iba ang lalaki kumpara noon. Noong una niyang trabaho sa bahay nito ay kahit kailan ay hindi siya nito sinaktan, pero isang araw ay bigla na lang itong nagbago at naging bayolente sa kaniya. Ayaw niya man aminin ay lubos siyang nasasaktan. Lalo na noong pagsamantalahan siya nito.
Kahit na mahal na mahal niya ang lalaki ay hindi pa rin niya tanggap na pinagsamantalahan siya nito pero kalaunan ay natanggap niya na nagbago na nga ang lalaki. Na hindi na ito ang dating lalaki na minahal niya at tinuring siya na parang prinsesa. Kung puwede lang ibalik ang panahon ay gagawin niya. Nasasaktan siya na makita ang lalaki na ganito. Hindi niya alam kung bakit ito nag bago pero sa mga panahon na nakasama niya ito ay nakilala niya rin ang lalaki. Alam niya na may dahilan ito at hindi masabi sa kaniya. Pero kahit ganoon ay hindi niya hahayaan ang sarili na saktan nito habang buhay.
"How shall I punish you?" he whispered coldly and licks her earlobe. Napahigit siya ng kaniyang hininga at hindi mapigilang manginig ng kaniyang katawan dahil sa takot at kaba. Kapag ganito ang lalaki ay alam na niya kung ano ang mangyayari. Inipon niya ang lahat ng lakas loob sa kaniyang katawan at binuka ang labi upang magsalita.
"L-lucas please, b-bitawan mo ako–" Bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay kaagad na binuhat siya ng lalaki na parang sako at parang wala itong paki kung ano man ang sasabihin niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang mapansin na patungo ang lalaki sa silid nito. Mas lalong nag-apoy sa takot ang kaniyang puso at pinagsusuntok ang matigas na likod ng lalaki.
Ayaw niyang makipagtalik sa kaniya. Buong magdamag siyang kinuha nito kahapon at masakit pa rin ang kaniyang katawan, lalo na ang kaniyang gitna pero walang pake ang lalaki sa kaniyang nararamdaman. Tuluyan na nga itong nagbago at inaabuso na siya.
Chapter list
51 chapters4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
4 years ago
You may also like
BillionaireSign in to join the discussion






