Chapter 7: One-sided Relationship

Stella's POV

"Ano pong kailangan mo, Sir? I can help you." tanong ng lumapit na saleslady kay Sevi.

Sumunod ako sa kaniya. Nasa kabilang bahagi ako at palihim siyang sinusulyapan habang nagpapanggap ako na may bibilhin.

"Kaya ko itong gawin nang mag-isa. Just leave."

"Is that so, Sir? Pasensiya na po."

The saleslady quickly left. He was really rude. I'm already immune to his behavior but when it comes to others, they will be surprised by his behavior.

"Puwede ba na huwag ka nang magtago diyan? Stop following me, Stella."

I almost dropped the box of boxers I was holding when I heard him say my name. I ignored him. I immediately turned around and pretended not to have heard him.

"Stella..."

Napalingon agad ako. I know that tone of his voice. It's true that he's annoyed with me. I smile and make a peace sign

"Ano pa ba ang kailangan mo? Sunod ka nang sunod na parang aso."

"M-me? Excuse me. Are you the only one who has the right to come here and be a customer in this store? I'm not following you." nauutal na rason ko.

"Really? Do you buy here? Here at the men's store? Wow! That's really convincing, Stella." he sarcastically said.

"T-this is for my brother!" palusot ko pa.

Tiningnan niya ako ng masama at kalaunan ay hinayaan na lang ako. Lumapit naman ako sa kaniya.

"Bakit ka ba kasi nandito sa underwear's section? D-don't tell me hanggang ngayon ay wala ka pa rin suot na underwear?" I was stunned and looked down at his waist which he immediately covered.

"Shut up! Keep your voice down because maybe someone will hear you. Nakakahiya! I realized a while ago that I'm not wearing underwear yet." he whispered.

"Wala tayo sa library para bumulong ka."

"Tsk! I said, shut up." usal niya.

Natawa ako at binigay sa kanya ang mga napili kong design.

"Here! Pumili na ako ng design."

"Stella—"

"Why? Ayaw mo? Cute naman yung designs. Blue na heart."

"Fine. Get out. Doon ka na sa labas maghintay."

Hinablot niya sa kamay ko ang box at agad na dumiritso sa counter para magbayad. Nasa labas lang ako ng store at hinihintay na makalabas si Sevi.

"Let's go!"

Hinabol ko agad si Sevi para sabay kaming maglakad. Palabas na kami ng mall. Tiningnan ko naman ang oras. 5pm na.

"Bakit wala kang kotse, Sevi?"

"Ang random naman ng tanong mo."

Tinitigan ko lang siya at hinintay na sagutin ang tanong ko.

"Ayaw ko lang. Ayaw ko na isipin ng iba na nagyayabang ako kasi may sarili akong kotse at driver. Marami pa namang mapanghusgang tao."

"Ayaw mo ng motor?"

"Bakit ka ba nagtatanong ngtungkol sa mga sasakyan?"

"Wala lang. Masama ba? Curious lang ako." nagkibit-balikat ako at muling binaling ang tingin ko sa harapan.

"I have a motorcycle at home. But I rarely use it. Only if it's needed."

Tumatango naman ako.

Pumara si Sevi ng taxi. Agad niyang binuksan ang pinto. He's just there, standing and staring at me. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa pintong nakaawang. Then I slowly realized he was opening the door for me.

"Ah! Hindi na ako sasabay sayo, Sevi. May tinext kasi si mama sa akin na iuutos niya. Why? Pinagbubuksan mo ba ako?" I teased him.

"W-what? Of course not. Huwag kang assuming. Baka may ibang gustong sumakay." Ibinaling niya ang tingin sa mga taong kalalabas lang sa mall.

Obviously, nagpapalusot lang siya. I just smiled even more as he frowned.

"Ano na? May sasakay pa sa inyo? Sabihin n'yo na para hindi na ako maghintay sa wala." sigaw ng driver ng taxi.

"Hala! Pasensiya na po. Oo, sasakay po si Sevi."

Hindi pinansin ni Sevi ang pagsigaw ng driver at kalmadong sumakay sa taxi.

"Sevi!"

He didn't answer but he looked at me.

"Thank you for our first date. I enjoyed it so much! Sa uulitin-"

Before I could finish what I was going to say, he closed the windshield and the taxi immediately left. I just waved and started walking away.

Nang mabili ko na ang pinabibili ni mama ay kaagad na akong dumeretso sa bahay.

"Ma! Roy!" sigaw ko nang makarating ako sa bahay namin.

I immediately dropped my things on the sofa and sat down very tired. Nakita ko namang agad na lumabas si mama mula sa kusina.

"You just got home from work, ma?" Lumapit ako at nagmano bago bumalik sa kinauupuan ko kanina.

Nakacorporate attire pa kasi si mama at nagsusuot ng apron. She is a manager in a restaurant. I am impressed with her time management and the amount of sacrifice para sa aming magkapatid.

"Halata naman diba? Anong nangyari? Kamusta, Stella?" tanong niya.

She knows that I participated in a university tournament. I smiled and opened my bag.

"Surprise! Ako pa. Kayang-kaya ko yun." Pagyayabang ko at ipinakita ang medal ko sa kaniya.

"Wow! Bongga! Manang-mana ka talaga sa akin." We both high fived and laughed at the same time.

That's how close my mom and I are. Bumukas naman ang pinto na siyang pagdating ng pasaway kong kapatid.

"What's the use of your wristwatch if you don't know how to check the time, huh? Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" sinigawan ko siya.

"Ang lakas naman ng boses mo, ate. Kung makasigaw ka naman. Magkasunod lang tayong dumating."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Oo na! Sorry na, ate. Niyaya lang ako na kumain sa labas ng mga kaibigan ko. Libre naman kaya hindi na ako tumanggi. Pagkain iyon eh."

"Basta pagkain ang pag-uusapan ay ang bilis mo. Pero kung gawaing-bahay naman ay ang kupad mo."

"Nanalo ka, ate? Talaga? Parang hindi mo deserve – aray!" Sinapok ko siya sa ulo nang lumapit siya para hawakan ang medal ko.

"Umayos ka nga. Wala ka bang tiwala sa ate mo?" pagtataray ko.

Hinihimas niya ang ulo niya habang lumapit at nagtago sa likuran ni mama.

"Ma! Pagsabihan mo nga po yang si ate. She wants to break my handsome face. Poor me."

"Hoy!" dinuro ko siya.

"Tama na iyan. Magluluto pa ako ng dinner natin." Natatawang awat ni mama samin.

"Oo nga pala, ma. Ito na pala yung pinabili mo at bumili na din ako ng ulam natin. You don't need to cook."

Binigay ko kay mama ang pinabili niya sakin.

"Ayos! Gutom na rin ako." sambit ng aking magaling na kapatid habang hinihimas ang tiyan.

Kukunin niya na sana ang paper bag sakin pero iniwas ko iyon sa kaniya.

"Akala ko ba busog ka? Kumain kana kasama ang mga kaibigan mo ah.

"A-ah! Gutom pa ako. Kaunti lang kasi iyon."

Kinuha niya na ang paper bag sakin at sumunod kay mama sa kusina.

After we ate, I went to my room. Mom was following me so I let her enter my room.

"Kamusta? Ano na nangyari sa inyo ng crush mo?" tanong niya at umupo sa gilid ng kama ko.

Wow. Mukhang interesado siya sa lovelife ko.

"Akala ko kung anong sasabihin mo, makikibalita lang pala sa umuusbong na lovelife ko." I answered and lay down on my bed.

"So? Ano na nga?

"First date namin kanina. Kung alam mo lang kung gaano ako kinikilig kanina habang kasama ko siya. Hanggang ngayon nga ay nag-iinit pa ang magkabila kong pisngi dahil sa kilig." I held my face and suddenly hugged my pillow tightly.

"Date? Talaga? Baka napilitan lang siya na sumama sa iyo."

Kaagad na nawala ang ngiti ko.

"Sinira mo naman ang moment, ma. Kinikilig na nga ako eh."

"I just need to bring you out of reality. Maybe it's because you're still full of your fantasy about your crush. But remember this, I'm not against the thought of you having a relationship with him. Whatever the sexuality of the one you can stay with for the rest of your life, I will respect that. Same goes with your brother Roy. But..." she paused.

"But?"

"Pero kailangan mahal ka niya. Mahal ninyo ang isa't isa kasi hindi nagwowork ang relationship na one-sided lang. Naiintindihan mo ba, Stella?"

"Ouch! Masyado kang mapanakit, ma. One-sided lang pala. Just wait for Sevi to become my boyfriend." confident kong sabi habang nanunulis ang nguso ko.

"Oo na! Bahala ka na. Matulog kana at magpahinga dahil alam kong pagod ka. Good night, anak." She laughed and kissed me on the forehead before leaving my room.