Chapter 8: Playmate

"There's no way he's our classmate!" Padabog kong binagsak ang backpack ko sa aking upuan na halos magiba na dahil sa kalumaan. May etits pa nga na drawing doon! Kadiri!

"Hindi mo alam? Nagsend na si ma'am ng update sa group chat ng section natin. Kumpirmado na ngang mananatili siya rito sa school at magiging kaklase natin siya."

Nagmake face ako kay Armenia. Talagang kahit na kilala siya sa pagiging tahimik na tao ay hindi siya nawawalan ng chismis. She's the observant type of person. Lalo na't may trauma ito sa kanyang bullies na hindi makalapit sa kanya ngayon dahil sinasapak ito ni Kahel.

Bumuntong hininga na lamang ako at umupo na ako sa aking upuan. Habang naghihintay ako ay nakayuko lamang ako, nakahiga sa aking braso.

"Napapansin kong talagang may nangyari na hindi mo sinasabi sa akin, ano 'yon?" tanong sa akin ng kaibigan ko.

"Wala..." sagot ko naman, hindi tumitingin sa kanya.

"Sus, umamin ka na ba?"

"Oo." Labag sa loob ang aking pagsang-ayon. Alam kong ichichismis niya ito sa aming mga kaibigan pero ayos lang naman. Ang problema, nakakahiya mag-explain.

"Shocks! Kaya pala tumakbo ka kahapon!" kahit hindi ko matanaw ang mukha niya ay alam kong napatakip siya sa kanyang bibig. Gulat na gulat ito kaya exaggerated ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Lychie, how can you be so confident? I envy you!"

"Mas nakakainggit ka. Mayaman ka pa..."

"But I'm not beautiful like you."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya saglit para ipakita sa kanya ang galit kong mukha, hindi sumasang-ayon sa kanyang sinabi. Pero bumalik din naman ako sa aking pagyuko.

"You are not beautiful like me because you are beautiful of what you are. I am beautiful for what I am. Hindi naman tayo parehas ng magulang, eh. At kung oo man, hindi rin tayo kambal na magkamukha. So what are you pointing to..."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi kaibigan mo ako," may bahid ng lungkot sa kanyang boses. "I'm talking about you guys being effortlessly pretty. Born pretty. Unlike me who needs to try and try just to feel that I'm fit in."

"Why would you fit in someone's standard? You should fit your own standard. The standard you want yourself to be. The hell would they care? We are all going to die someday so better do the best decisions than regretting you didn't try in the future."

Narinig ko ang pagbuntong hininga siya. "Thank you for the words. But you would never understand what I'm feeling, Lychie. Because you are not me and you never experienced what I've been through."

Narinig ko ang paggalaw ng upuan sa aking tabi. Inabot ako ng minuto bago ako nag-angat ng tingin. Pero sa gulat ko, ibang tao na ang aking katabi! Hindi siya si Armenia.

"What do you want?" Inis akong napakamot sa aking ulo dahil sa frustration. Wala akong kawala sa lalaking ito kahit saan ako magtago dahil magkaklase lang kami.

Of course it's David. He's now wearing our school's uniform.

"Gusto kong kumain pero hindi ko alam kung nasaan ang canteen." Pinilit nitong diretsahin ang pagta-tagalog niyang may american accent pa.

Tinaas ko ang aking kilay. "So? Anong gusto mong gawin ko? Dalhin ko rito sa harapan mo ang canteen?" Iritadong tanong ko sa kanya.

Tumawa naman agad ito. "Can you do that?"

"Tarantado ka ba?" Mas lalo akong nainis. Sira na ang araw ko!

Malakas ang kanyang paghalakhak kaya napatingin sa amin ang mga kaklase ko. Malakas ko ring sinampal ang walanghiya kaya agad siyang natigil pero hirap pang makahinga dahil sa sinabi kong parang nakakatawang biro sa kanya.

"Maraming babae riyan na naglalaway sa 'yo, sila na lang ang utusan mo."

"Nagugutom ako."

"E di kumain ka! Lumabas ka rito sa room at magtawag ka ng kahit sino. Kung ayaw mo non, maglakad ka ng tatlumpong hakbang at makakarating ka na sa harapan ng canteen."

"I want you to buy for me."

Napatayo ako sa inis, "wala ka bang kamay?! Lumayas ka nga sa harapan ko! Naaalibadbaran ako sa mukha mo!" Nagmartsa ako paalis pero agad akong tumalbog pabalik sa kanya dahil bigla niya akong hinila.

Nakakandong ako sa kanya!

Nakahawak pa rin ang kanyang kamay sa palapulsuhan ko. Nagdala ito ng hindi pangkaraniwang electrisidad sa aking katawan. Ang mga mata niya'y nakapako sa akin. Naramdaman din ba niya ang elektrisidad na iyon?

"Buy me a burger, please..." Lumamot ang boses niya, nakatingin pa rin sa akin.

Agad akong napatayo, nanlalaki ang mga mata. Bakit niya ginawa 'yon? Bastos siya! Manyak! Agad ko siyang nasampal dahil sa kabang nasa aking dibdib. Kumandong ako sa lalaki!

"Why the hell did you slap me?" Gulat niyang tanong sa akin. Nanlalaki rin ang kanyang singkit na mga mata. "I even used the word 'please' just for you to buy me a burger then you suddenly slapped me! I never say please!"

"E di umamin ka lang din sa akin na barumbado ka!" Dinuro ko siya.

Susko, ano ba ang nagustuhan ko sa lalaking ito? Dahil ba gwapo siya noong una ko siyang nakita? Ngayon ay gusto ko na lang siyang duraan dahil sa sobrang inis ko.

"W-Why... Why is y-your nose enlarged..." Nagpipigil ito ng tawa habang nakatingin sa aking ilong.

"Isa! Lumayas ka rito, sasapakin kita!" Banta ko.

Monica, nasaan ka na ba? Late ka na naman! Wala akong kakampi rito.

He gave me an amusing smile before he stood up. He bit his lower lip, stifling a little smile before he sat on a vacant chair but his eyes were left on me. He was just like that the whole time before our teacher came.

Uwian na kaya dumiretso ako sa library para mag-advance reading. Bukod sa gusto kong maghanap ng libro roon at mag-aral, inaasahan kong nandoon si Armenia dahil ito ang tambayan niya kapag hindi niya ako kasama.

Si Monica naman ay gaya ng dati, naunang umuwi kaya ako na lang ang mag-isa.

Hinanap ko siya sa bawat sulok pero wala siya roon. Bumuntong hininga na lamang ako. Mukhang galit talaga siya sa akin.

Umupo na lamang ako sa upuan at nagsimulang basahin ang librong nakuha ko kanina. Mathematics, mahina ako sa subject na 'yan kaya ito ang higit kong pinagtutuonan ng pansin.

Magkasalubong ang aking kilay habang tinitingnan ang mga equations na ang akala ko'y maiintindihan ko na kung self study ang aking gagawin, pero nagkamali ako.

"Hey there, need help?"

I saw David slightly leaning on the book shelves. He's smiling while he's staring at me like he saw something amusing.

"Kahit dito, sinusundan mo ako?" Mahina ngunit iritado kong tanong. Basta nakikita ko siya, naiirita ako!

"Iritang irita, ah, parang hindi hinulog ang two thousand pesos ko to this school's dirty bowl."

Pakiramdam ko ay lalabas na ang lahat ng puting buhok ko dahil sa inis ko sa kanya. Mariin akong napapikit dahil naalala ko 'yon, nakaramdam ako ng pamilyar na hiya.

Ikinalma ko na lang ang sarili. Mabigat ang aking paghinga bago ako tumayo. Ako na lang ang aalis. Baka magsapakan kami rito sa loob ng library kapag mas lalo niya akong iinisin pa.

Nilagpasan ko agad siya pero hindi pa ako nakakalayo, nagsalita na siya ulit, hindi umaalis sa kanyang pwesto kanina. "I don't want you to return that two thousand pesos to me. I want you to be my playmate. I told you about that yesterday, right?"

Inis ko siyang hinarap. "Tapos na ang intrams. What else do you want?"

"I want to play volleyball with you."

"Hindi ako marunong magvolleyball." sagot ko agad, iyon naman ang katotohanan.

"Edi tuturuan kita," simpleng sabi niya.

"Hapon na, kailangan ko nang umuwi baka gabihin ako." Tumingin ako sa aking relo. Maaga pa, pero ayaw ko siyang makasama.

"Before the embarrassing moment you did at the cubicle, you are not like that. You're avoiding me. Are you ashamed?" Kumunot ang noo niya sa akin.

"Oo, nakakahiya talaga ang ginawa ko. Pero hindi kita iniiwasan dahil doon. Iniiwasan kita dahil naiinis ako sa mukha mo."

"Is it because my face is too perfect?" Seryosong tanong niya sa akin.

I scoffed. This guy! Ang hangin! Eh kung isupalpal ko kaya ang mukha nito ang mga tae sa lahat ng bowl sa buong mundo?!

"Keep talking to me kung gusto mong paulit-ulit kitang sampalin. You asshole." Agad ko siyang tinalikuran at umalis na.

Napamura ako nang paglabas ko sa school, dumidilim na ang kulay kahel na kalangitan. Ang bilis talaga ng oras! Parang kanina lang ay medyo maaga pa pero ngayon sasabihin ko na pagabi na talaga.

Naghintay ako ng tricycle o kahit jeep manlang pero walang dumadating.

Kinakabahan na ako sa bawat pagtingin ko sa aking relo. Patay ako nito kung hindi ako makauwi nang maaga! Kahit na walang naghihintay sa akin dahil mag-isa lang ako, kinakabahan pa rin ako sa gabi lalo na't may bali-balitang kidnapping at rape cases dito sa lugar namin.

Nang may dumating na tricycle ay agad ko itong pinara. Kahit na natatakot ako sa mukha ng driver ay pinagsa-walang bahala ko na lamang ito dahil kailangan ko nang makauwi. Halos wala na rin kasing mga estudyante sa school.

Pagsakay ko ay hinintay kong tanungin niya ako kung saan ako bababa. Nagtaka naman ako nang umabot na ang dalawang minuto pero hindi pa rin siya nagtatanong.

"Villa Corazón po," ako na ang nagsabi. Medyo kinakabahan ako pero hindi naman siguro ako mapapasama ngayon... 'di ba?

Nagpatuloy ang driver sa pagpapatakbo ng tricycle. Noong una ay tahimik lang ako dahil tama ang daan na kanyang tinatahak pero nang tumagal ay hindi ko na makilala kung nasaan kami.

"K-Kuya hindi po ito ang daan," kinakabahan kong tanong.

"Nagshort cut lang ako, neng," aniya.

"H-Huwag na po... Bababa na lang po ako rito."

"Gabi na, dalhin na kita sa bahay niyo... Libre ko na. 'Wag ka nang magbayad."

"H-Hindi na po."

Pero hindi siya tumigil.

"Kuya, pakihinto na po please... Tatalon po ako rito." Banta ko pa.

"E 'di tumalon ka! Subukan mo."

"Tatawag ako ng pulis!"

"Walang cignal sa lugar na ito--"

Halos tumilapon na ako nang biglang huminto ang tricycle. Napahawak ako sa aking ulo sa lakas ng impact nito, nabunggo ko ang metal na parte ng tricycle.

Nanliliit ang aking mga mata habang nakatingin sa harapan dahil nanlalabo ang paningin ko. Isang motor ang aking natanaw. Humarang ito sa tricycle na aking sinasakyan. Nakasuot ito ng helmet pero nakilala ko agad ang pamilyar na katawan nito at uniporme nang luminaw na ang aking paningin.

"Baba, Lynelle," utos niya. "I'll take you home."

Aalis na sana ako nang biglang umandar ulit ang engine ng tricycle. Bago pa man ito makatakbo, isang malakas na kamao ang tumapon sa mukha ng driver.

Nanlalaki ang mga mata ko, napatakip ako sa aking bibig. Sinapak ni David ang driver!

Walang tigil niya itong sinapak kahit na wala manlang pagbawi ang lalaki. Hinila ko ang kanyang likuran para pigilan siya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa lalaking 'yan!

Imbes na mareport ko ito sa pagdala sa akin kung saan, baka mabaliktad pa kami dahil sa ginagawa ni David.

"David tama na!" Sigaw ko nang hindi siya tumigil.

Huminto si David sa pagsapak sa mukha nito pero pinisil niya ang magkabilang pisngi ng lalaki bago ito sinuntok sa huling pagkakataon. "Fuck you, I'll take you to hell."

This guy who's asking me to be his playmate looks like he didn't come here to play. Why is he here, anyway?