1.75: who left versus who stayed

I wrote the letter for my parents. I wrote everything.

This time, I will be the one to stay. I won’t wait for that day anymore, the day I can ask David if he would stay if he finds out I’m still alive.

Memories flashed on my mind as I felt the cold snow touch my skin. But for the first time, it didn’t feel cold. Somehow, the cold felt warm as it touched my skin.

My scarf flew somewhere because of the heavy, cold wind of winter.

How did, ‘Tiis tiis muna, ah? Gagalingan ko, promise. Pagkagraduate ko mag-iipon ako para makabili ng bahay mo tapos doon ka titira, wala nang mananakit sayo,’ turns to, ‘Leave me alone! I don’t want you anymore! Let me live! I never, ever, loved you, Lynelle!’?

But still, I hope he’s okay.

As I closed my eyes, I finally had the courage to remember the past.

“See you later,”

This is how it started. . . It was a sunny noon back then. I was only thirteen.

"Tayo na raw ang ilalaban!"

Nabaling ang aming tingin sa mga kaklase naming babae na hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Paano 'yan? Absent si Armenia!" Tarantang tanong ni Jarell, kaklase ko, sa akin.

Nakatingin lamang ako sa kanila. Hanggang sa nagulat ako nang bigla nila akong hilain patayo mula sa aking prenteng pagkakaupo sa sahig.

Nasa tapat kami ng aming room, doon kami nagkukumpulan dahil sarado ang room pag intramurals.

"Ikaw na lang kaya, Lynelle? Matangkad ka naman!" Aniya.

Agad akong umiling. "Hindi ako naglalaro ng volleyball! Kayo lang ang magbubuhat sa akin kapag nagkataong sumali ako!"

"Ayos lang! Mas maayos na ito kesa sa hindi tayo makapaglaro," sabi pa ni Monica.

Nagkamot ako ng ulo. Mukhang wala akong choice. Absent ang best friend ko.

Dumiretso kami sa quadrangle, iyon ang tawag namin sa aming non covered court para roon kami maglaro ng volleyball laban sa ibang section. Hawak ko ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko alam ang aking gagawin.

Porket matangkad ako, isasali ako?

That fed my ego. But hello?! What should I do now? I'm competing for our section! Why the hell does my height get involved with this?

"Galingan mo, nanonood sa atin ang exchange students mula sa Tamizen International School. Balita ko, maraming pogi roon! Kailangan nating galingan!" Bulong sa amin ni Jarell.

"Ulol, nanonood lang shota mo eh!" Sigaw ni Monica sa kanya.

"Anong shota?! Bata pa ako!" Natatawang sabi ni Jarell bago nagready.

Nagwarm up muna kami. Akong si tanga, nakikisabay kahit walang alam. Never sa buhay ko akong naglaro ng volleyball kaya ang gagawin ko ngayon ay labag sa loob ko pero charot, gusto ko talaga. Nakakahiya lang ang performance ko dahil nga may gwapong manonood. Pero ayos na rin, for experience.

"Ready!" Sigaw ng nagsisilbing leader sa section namin.

Putangina, kaya ko 'to. First year pa lang naman ako rito, hindi naman siguro ito maaalala ng higher year levels.

Humagis sa ere ang bola. At dahil nasa harapan ako, agad akong tumakbo para saluhin iyon. Halos mapasigaw ako nang maramdaman ko ang matigas na bola sa aking mga kamay. Para bang isang bagsak lang noon sa aking braso ay bali na ito.

Sobrang proud pa ako sa aking pagsupalpal hanggang sa dumiretso iyon sa bubong ng guidance and counseling room na malapit sa cashier. At ang malala, hindi na bumaba ang bola!

Rinig ko ang pag-angal ng mga kaklase namin dahil sa ginawa ko. Oo nga naman, what a nice move to start a game! Sinasabi ko na nga ba, wala akong maiaambag sa ganito.

"Ayoko na, matatalo tayo kapag ako ang naglaro!" Nahihiya kong sabi at tumingin sa napakaraming nanonood.

"Hayaan mo na," natampal ni Jarell ang kanyang noo at hindi na napigilang tumawa. "Susubukan naming kunin para hindi na ikaw ang babato pabalik."

Bagong bola na naman ang humagis pabalik. Ako na naman ang nakakuha! At sa pangalawang pagkakataon ay sa bubong iyon napunta.

"Ano ba 'yan! Ang pangit naman kalaro!" Sigaw ng kung sino mula sa isang grupo na isa isa na ngayon nagsi-alisan. Pakiramdam ko'y mga estudyante iyon mula sa grade 9 na representative ng volleyball team ng school.

"Sorry!" Nagpeace sign ako sa mga kateam mates ko at bumuntong hininga.

Kapag talaga hindi ko pa naayos ang pagsupalpal dito, ayoko na! Nakakahiya na!

Ako ang magse-serve. Confident na confident ako. Malalim ang aking paghinga at tagaktak ang pawis kong hindi ko alam kung saan nanggaling dahil wala naman akong gaanong ginagawa. Binubuhat lamang ako nila Renice.

Nakita ko ang ngisi ng kalaban namin. Mukhang nagpipyesta na dahil alam na matatalo kami dahil sa akin.

Namotivate ako roon. Pero the second na hinampas ko na ang bola sa ere.

Toinks!

Tumama iyon sa napakagwapong lalaki na naglalaro ng basketball game!

Nalaglag ang panty ko nang umawang ang labi nito. Pawis na pawis siya! Para siyang teen guy sa mga magazine, artistahin!

Sa isang iglap ay tumumba ang lalaki habang nakahawak sa ulo. Nagkagulo ang mga taong nanonood ng basketball game na nasa tabi lang namin. Malaki kasi ang court kaya kinaya nitong pagsabayin ang dalawang laro.

"Hala gago! Nahimatay 'ata!" Tarantang sigaw ni Monica at bahagyang lumapit para maki-usyoso. "Lagot ka!" Pangongonsensya pa nito sa akin.

Napuno ng takot ang kanina'y gulat na mukha ko.

Tumakbo ako para lapitan ang lalaki pero nakaangat na ito nang maabutan ko.

"Who did that?" Tila hirap na tanong niya. Sa dami ng tao, nagtama pa ang tingin naming dalawa.

At doon ako na-love at first sight!

Ni hindi ko nga naisip na aabot kami mula sa sabay na pag-uwi galing sa school hanggang sa. . .

"No, Lychie, I will never do it no matter what you say. This is the first time I wouldn't obey you and I hope you respect that." matigas niyang sabi.

"If that's your choice then fuck... Let's finish this. Uh, should I call that 'finish'? We never started anything anyway. Just fucking leave, can't you understand?" I gritted my teeth.

Pagputol namin ng kahit anong koneskyon sa isa't isa.

My decision may seem childish but our break up hurt me the most. Even though we didn't even start anything, it just hurts because that's how we ended it.

Because we have no more hope left... Because he left me. I don't give second chances.

In the end, he left. Not physically...

He left me wondering if he would really stay...

or he's just playing me again because I'm his playmate.